Chapter Eighteen
My hands were trembling. I didn't know what to do, kusang tumutulo ang mga luha ko at kahit yakapin pa ako ni mama nang sobrang higpit, pakiramdam ko there's nothing that can ease the pain that I am feeling right now.
Sobrang sakit. Pakiramdam ko hindi ko deserve mapakinggan.
Pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat, na hindi niya ako deserve kasi ginagago ko lang siya.
"Hindi siguro ako worth it 'no," natatawa kong sambit pagkalabas ni mama. Sinigurado pa kasi niya na kakainin ko 'yung binili niyang pagkain.
Unique sighed and sat beside me.
"Huwag mo ngang sisihin ang sarili mo," sagot niya. "Worth it ka. Bulag lang siya." Natawa tuloy ako sa sinabi ni Unique. Napangiti naman siya, "Mas bagay sa'yong nakangiti. Huwag mo ngang iyakan 'yun. Siya 'yung hindi worth it, hindi ikaw."
I smiled.
"Remember that people are not worth it sometimes."
**
Nakalabas din kaagad ako ng ospital after ng ilang hours ng pags-stay. Konting lagnat lang naman, tsaka medyo maayos na rin naman ang pakiramdam ko. Nakadagdag na rin para umayos ang pakiramdam ko si Unique dahil sa 'words of wisdom' daw niya. Totoo naman din, kahit minsan ang hirap niyang intindihan dahil sa talino niya, kapag dine-decode mo naman nang maayos ang mga sinasabi niya pakiramdam mo nakapag-decipher ka na rin ng Da Vinci's code.
Pagkauwi namin sa bahay, nagluto kaagad si mama ng pagkain. Si Unique, nagpaalam naman daw kay Tita Coco hanggang 9pm.
Nag-stay na lang kami sa sala habang nagluluto ng pagkain si mama. Nanood ng movie, si Unique naman, pagkatapos ng movie, nag-share ng insights tungkol sa plot.
Matalino talaga.
"Hindi ka na ba babalik?" tanong ko habang namimili ng movie, pagkapili ay pinlay ko na lang kaagad. Ramdam kong napatingin sa akin si Unique, napatingin ako sa kaniya, ngumiti nang bahagya.
Ngumiti siya, "Saan? Sa banda o sa dating school?"
Natawa ako, "Both?"
He shrugged his shoulders, his eyes still focused on the television screen, "Kailangan ko pang hanapin 'yung sarili ko. Kasi pakiramdam ko lagi na lang akong naliligaw." Tumingin siya sa akin. "Pero sa tingin ko, mahahanap ko na."
Inirapan ko siya, lumayo nang kaunti dahilan para matawa siya nang malakas, "Biro lang! Ikaw naman," sambit niya at umusog nang kaunti para lumapit sa akin. "Pero seryoso, hindi ko alam kung babalik pa ako sa banda at sa school. Pero okay lang naman din sa aking bumalik sa school, kung kailangan mo ng kasama."
Napangiti ako, "Nandiyan naman barkada ko. I can manage naman siguro..." sambit ko. "Huwag ko lang siyang makakasalubong."
"Huwag kang lumabas, sigurado 'di mo siya masasalubong."
"Leche ka."
Natawa naman si Unique. Pero, hindi na nagsalita pang muli kaya nag-focus na lang din ako sa pinapanood naming movie. Habang nasa kalagitnaan ng pinapanood namin, hindi ko alam kung bakit ako naiyak. Wala namang nakakaiyak sa pinapanood namin.
Siguro dahil naalala ko na naman si Blaster.
Ewan. Kanina lang naman nangyari lahat. Para naman akong tanga.
Natawa ako, "Parang tanga, bwisit." Pupunasan ko na sana 'yung pisngi ko pero bigla kong naramdaman ang palad ni Unique sa pisngi ko. Napatingin ako sa kaniya. Hindi siya tumigil, ngumiti pa nga.
"Hindi ka kasi dapat pinapaiyak," sambit niya. Ngumiti ako nang bahagya at lumayong konti, dahilan para tanggalin ni Unique ang pagkakahawak sa pisngi ko.
Ilang minuto pa ay tinawag na kami ni mama. Habang kumakain ay hindi ako umiimik. Tahimik lang akong nakikinig sa mga tanong ni mama kay Unique. Ilang beses na niya nga yatang nakita si Unique dahil kay Tita, pero ngayon lang niya nakausap nang harapan.
Pagkatapos kumain ay hindi na ako pinaghugas ni mama ng pinggan kahit nagpipilit ako. Masama pa rin ang pakiramdam ko pero gusto ko namang gumalaw-galaw sa bahay. The more na hindi ako gumalaw the more na iiyak ako. Pakiramdam ko gripo na ako.
Pero normal lang naman. Alam kong normal lang. Kanina lang naman kasi nangyari lahat. Hindi ko pa binubuhos lahat. Hindi pa rin nagsi-sink in masyado. Baka nga nananaginip lang ako.
Oo, baka nananaginip lang ako.
"Sabi ko huwag umiyak." Lumapit sa akin si Unique habang inaalis ko mula sa bag ko 'yung mga gamit ko. May tests daw bukas, pero ayos lang naman daw kina Andrea kung ipagpapaalam na lang nila ako. Natawa ako at nag-make face kay Unique, pinunasan na lang din ang pisngi ko. Pakiramdam ko mukha tuloy akong panda bukas.
"How do you even get over the pain?"
Natawa nang bahagya si Unique, "You can't get over with it kung hindi pa rin naman nagsi-sink in," he said, helping me fix my things on my desk. "Pakiramdam mo kasi parang panaginip lang kaya nakakatawa ka pa. O baka hindi pa tinatanggap ng sistema mo 'yung totoong nangyari sa inyo ni Blaster. Either way, the next day, I swear it would hurt like hell."
I tried to smile. Alam kong totoo ang sinasabi ni Unique. Siguro I'm just trying to be mature in handling my situation.
Pero tama rin si Unique. Hindi pa rin nagsi-sink in lahat.
Hindi pa.
Ang sakit.
I tried to close my eyes. Ilang oras na ang nakalipas. Alas dos na ng umaga, inaapoy ako sa lagnat pero ayaw ko namang sabihin kay mama. Kanina pa rin ako iyak nang iyak.
Kahihintay ng tawag man lang ni Blaster, o text man lang. Any of the two, basta magparamdam lang siya. Basta iparamdam niyang okay lang kami.
Basta iparamdam niyang maayos ang lahat. Na padalos-dalos lang kami. Siya.
Crying. It wasn't new to me. Ilang beses na rin akong umiiyak bago matulog, siguro dahil sa stress minsan sa academics o dahil namatay 'yung favorite character ko sa binabasa kong libro.
I never cried because I never felt loved by my dad. Siguro dahil nasanay na ako. Siguro dahil nandiyan naman si mama.
But Blaster was a different case.
He just... made me feel so important. He made feel things I never felt before.
Tapos bigla niya na lang akong binitiwan.
Tinaas niya ako. Sobrang taas. Tapos bigla niya na lang akong ibinagsak. Na parang hindi rin ako nasasaktan.
How come? Why is it so easy for him to leave me? Ang dami ko rin namang tanong. Bakit hindi niya ako pinansin? Why does he need to ignore me, tapos ang dali-dali ko rin siyang pinatawad?
In the first place, why does he even need to ignore me just to prove to himself na gusto niya talaga ako?
Blaster, what kind of games are you playing?
**
I didn't want to absent myself from classes today. Buti na lang at wala na si mama pagkagising ko. She posted a sticky note on top of my table na huwag ko nang pilitin ang sarili ko na pumasok dahil ang taas ng lagnat ko.
Pero, it would just kill the heck out of me. Including the fact na baka mabaliw ako kaiisip kay Blaster. Mas okay na ring nasa school ako, the odds of seeing him are too low.
Kami lang naman dahilan kung bakit sila pumupunta sa building namin.
I called Unique to give me a ride papunta sa school. Iisa lang naman ang way namin.
"Gago ka ba!?" sigaw ni Unique pagkapasok ko ng kotse niya. "38 degrees 'yang temperature mo tapos papasok ka?"
Napasimangot ako, "Good morning din ha."
Napa-buntonghininga si Unique, "Wala akong pasok ngayon. Babantayan kita."
Natawa ako kahit medyo nanghihina na ako, "Tatay ba kita?"
Unique sighed for the second time, "I just need you to be okay, Cass," he said. "Because I know, you deserve so much more than this."
**
Happy Birthday Badjao! 💕✨
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top