EPILOGUE
***
Pagka-out na pagka-out niya from her shift, sa bar nagdiretso si Luna. Isang case ng red horse ang nilaklak niya nang mag-isa.
"Ugh! Sh*t! Fvck! Punyeta!" sigaw niya, wa-care sa mga tao sa paligid niya.
The music was loud and everyone inside looked happy. S'ya lang itong nag-iisang malungkot. She have never felt so alienated before, ngayon lang.
Her phone suddenly rang. She knows there's no way it's gonna be Chance, kaya 'di na siya nadisappoint nang makitang si Kiamika ang tumatawag.
"Hoy, luka-luka! Where are you? Kanina pa kita tinetext! 'Di ka sumasagot!"
"I'm at the usual bar."
"Ha? Hindi kita marinig!"
"Sabi ko, I'm at the usual bar! Punyeta naman, o!"
"What the? Are you drunk by any chance?"
"Chance? Wala nang chance! Umalis na! Lumipad na! Nagpropose na! Punyeta!" sigaw niya.
"Ha? Ano bang pinagsasasabi mo? Luna, tama na 'yang pag-iinom mo. I'm going there to pick you u—Luna? Hey? And'yan ka pa ba? Hoy!"
Luna couldn't answer her anymore dahil umiiyak na siya nang malakas, humahagulgol. She managed to get Chance of her mind hanggang sa matapos ang shift niya sa work, and she was determined to do it hanggang sa kaya niya, pero itong si Kiamika, panira. Why did she even have to say the word 'chance'? At bakit kasi Chance pa ang pangalan ni Chance! Ang daming chance tuloy na marinig niya 'yon from somewhere! Punyeta!
"Luna... tama na 'yan," awat sa kaniya ng kung sinong katabi niya.
"'Wag mo nga akong pigilan! Tatamaan ka sa 'k—" Halos mabato si Luna sa pwesto paglingon sa katabi. The last person she would think to be there, was actually there kasi.
"C-Chance?" sambit niya. Her voice breaking. "A-anong... Ba- bakit ka—"
"Luna..." sabi nito, in the tone she's overly familiar with.
"Wag... 'wag mong sabihing Suzy dumped you?"
Tumango si Chance.
"What the? She did?"
Tumangong muli si Chance.
"Hindi niya tinanggap ang proposal mo?"
"Tinanggap."
Gulong-gulo si Luna. Hindi niya maintindihan kung wala lang ba talagang sense ngayon si Chance o baka naman ilusyon lang niya 'to na bunga ng kalasingan kaya walang sense ang sinasabi.
"She said yes, pero you end up being dumped? Paano nangyari 'yon?" tanong niya, kahit pa may bahid na ng doubt sa isip niya na totoong si Chance ang kaharap.
"Pagkatapos niya kasing sumagot ng yes, niyakap ko siya ng sobrang higpit. Halos mabuhat ko pa nga."
"O tapos? Niyakap mo na nang mahigpit tapos dinump ka afterwards? What the heck? Ano bang sunod mong ginawa after?"
Nagkamot muna si Chance ng ulo. "Sabi ko, 'thank you! Thank you! Sobrang mapapasaya si Luna nito! Thank you!'. 'yon. Pagkatapos no'n, sinampal niya ako at sinigawan nang 'e 'di si Luna na lang ang pakasalan mo, gago!'. Hindi ko rin alam kung bakit big—"
Binatukan ni Luna nang malakas si Chance.
Dumaing ito at umaray, kaya nakumpirma ni Luna na hindi nga talaga niya ito ilusyon lang.
"Sasampalin ka nga nga no'n! She said yes to marrying you pero ang inaalala mo pa rin, happiness ko! Ang labas tuloy, parang inaya mo lang siya ng kasal para mapasaya ako! Ulol!"
Nagkamot muli si Chance ng ulo. "Yun naman kasi talaga ang dahilan ko."
Natigilan si Luna. "What the fvck?"
"Sabi mo kasi 'di ba, you would be eternally happy, once I get married and settled with her? I... I really wanted to make you happy, kahit isang beses lang, to me it will be enough. I really wanted to see you like that, pero—in the end, hindi ko pala talaga kaya. I was so happy when she turned me down, Luna. And there's no way I'm asking her to get married again."
"Luna... wala na ba talagang ibang way para mapasaya kita? Lahat gagawin ko. Basta ba hindi 'yun something that'll require me to live away from you, gagawin ko 'yun. Baka naman meron ka pang ibang w—"
"Ugh!"
"Punyeta!"
"T*ng in*!"
"Sh*t!"
"F*ck!!!"
Sangkaterbang mura ang sunod-sunod na lumabas sa bibig ni Luna. May pagliyad pang nalalaman habang nakatingin sa itaas na para bang she's so done with the Earth.
Halos mapaihi si Chance sa takot na baka mapatay siya nito any moment. Pero sa kabutihang palad, hindi naman siya nito binugbog o sinakal.
"Ugh, kainis!" sigaw lang nito. "Pagod na 'kong hanapan ka ng makakasama for the rest of your life kaya tayo na nga lang ang magsama! Punyeta!"
Chance was speechless. "Ha?" tanong niya. Hindi mapaniwalaan ang narinig.
"Ako na lang ang magpapakasal sa'yo nang matapos na ang paghihirap ko sa paghahanap ng perfect match mo!"
Nagkamot si Chance ng ulo. "Ha? E paano na 'yung si Paul?"
Luna suddenly recalled what happened the moment they stepped out of the airport.
"We broke up," she confessed. "Or more like, he dumped me, after namin makalabas ng airport."
Gulat na gulat si Chance. "Bakit?"
"E kasi I broke down crying, and he already figur—ugh, punyeta! basta! 'Di na 'yun importante!'Wag mo na ipaalala sa akin 'yung nangyari! Pinapainit mo ulo ko!"
Umusod ng konti si Chance palayo ng upo. "O- okay. Sorry. Pero ano, Luna... would you be happy if you marry me? Would you really be happy even if you marry without love?"
Kumunot ang noo ni Luna. Sinamaan siya ng tingin. "What do you mean without love? Aren't you in love with me, Chance? Kasi base sa words mo, I think you are."
Kinuha ni Chance ang red horse na nakapatong sa mesa at uminom muna roon bago umamin. "Ah, eh... well... kakarealize ko lang kanina, but I really might have been in love with you. Looking back, parang simula pa 'yon no'ng binigay mo sa akin 'yung tsinelas mo no'ng grade 2 tayo, tapos ikaw 'yung naglakad pauwi ng nakayapak. Gano'n na katagal."
Nag-init ang mukha ni Luna, pati na ang magkabila niyang tainga. She didn't know na it was that long. Hindi niya inakalang gano'n na katagal ang feelings ni Chance para sa kaniya. And come to think of it, kung iisipin niyang mabuti... the moment Chance told her 'thank you' no'ng araw rin na 'yon matapos niya 'tong pahiramin ng tsinelas... that very same day when she saw him smile so wide for the first time... she really did something weird on her chest. Do'n na rin nagsimula na hindi niya maalis ang tingin kay Chance. Hence, she couldn't help but meddle. Punyeta! Was that love all along? Was she in love with him too, all this time, ever since that day?!
"S- see! Ga- gano'n mo na pala ako katagal mahal!" sigaw niya kay Chance. Strong woman nga kasi siya kaya pa-cool pa rin siya hanggang sa huli. "You're head over heels in love with me, so, anong problema?"
"Ikaw," sabi ni Chance. "Ikaw ang inaalala ko. I don't think you'll be happy. Kasi 'di ba, hindi ka naman in love sa 'ki—"
"Mukha ba akong someone na isasakripisyo ang kaligayahan at future niya para lang sa ibang tao? Kilala mo 'ko, sarili ko ang priority ko since the day I was born. Sa tingin mo, magpapakasal ako sa taong hindi ko mahal?!"
Napalunok si Chance. "So—so mahal mo 'ko?"
Lalong nag-init at namula ang mukha ni Luna. At malinaw na hindi 'yun dahil sa red horse. Kanina pa siyang hulas. "O-obviously! Ka- kanina-kanina ko lang din narealize, pero mukhang gano'n na nga! Pu- punyeta! Pag minamalas ka nga naman!"
She feigned anger and disdain, but Chance know her so well, he could read how she truly feels.
Ngumiti si Chance nang sobrang laki. Mas malaki pa do'n sa ngiti niya noon no'ng pahiramin siya ni Luna ng tsinelas. Mas malaki nang ilang beses doon, kasi, ilang beses 'din siyang mas masaya at thankful ngayon.
"Ngi- nginingiti-ngiti mo? Ka- kala mo naman, sobrang gwapo mo!" patuloy pa rin sa pagpapaka 'tsundere' si Luna, kahit bistong-bisto na naman kung anong tunay niyang nadarama.
"You're supposed to smile when you're happy... 'yun ang parati mong sermon sa akin, right? I'm smiling right now, because I'm happy," paliwanag ni Chance. "Ikaw ba? Aren't you happy right now?"
Dahil likas talaga siyang 'tsundere', at para bang malaking kabawasan sa dignidad niya ang pagsurrender sa iba, Luna planned to say she is indeed happy, pero binalak niyang sabihin 'yun nang hindi ngumingiti kay Chance pabalik. 'Yun ang plano niya para cool pa rin siya hanggang huli. Ang kaso...
Chance showed her a smile that she couldn't possibly not smile back to. His smile right now while waiting for her to talk, looked like a question that only she has the answer. Inis na inis si Luna, kaya ngumiti na nga rin siya pabalik.
"Of course, I'm happy!" she shouted.
"So, tayo na?" tanong ni Chance. His whole face, lighting up. Ngayon lang nakita ni Luna ito na excited. "Girlfriend na kita?"
Lalong naging dreamy ang ngiti ni Chance sa kaniya. Ngayon, his smile looked like an answer she have been searching for and have finally found after a lifetime of looking. His smile have always been so awkward-looking before, pero ngayon... tingnan mo nga naman...
"U- utot mo! Girlfriend ka d'yan? Naka-line up ka na agad for marrying! Kailangan ko na makasal before 28. Wala na akong time sa pa-gf gf!"
"Oh, okay," sagot ni Chance. "So were engaged then?"
"Obviously!" sigaw ni Luna umamba pang papaluin si Chance.
Hinawakan naman bigla ni Chance ang kamay na kunwari'y ipampapalo sa kaniya ni Luna. Hinawakan niya 'yun at ibinaba kasama ng kamay niya. He intertwined their fingers and held her hand tight. He kissed that very same hand, afterwards.
"A-anong ginagawa m—"
Bago pa maituloy ni Luna ang sasabihin ay nahalikan na niya ito sa labi. A short but very sweet peck.
"The thing I have always wanted to do but have always held back doing," sagot ni Chance. "'Yung matagal ko nang pinipigilang gawin kahit pa gustong-gusto ko, kasi hindi naman tayo. Kasi, mukhang mas matutuwa ka pa 'pag gagawin ko 'yun sa iba. The thing... that I held back doing for a really long time... sa takot na masapak at mabugbog mo." He laughed a little. "I'm allowed to do that now, right? Since engaged na tayo?"
Kumunot ang noo ni Luna, nagusot, pero sumagot naman ng, "Oo."
Chance suddenly pulled her close and hugged her very tight. Mas mahigpit pa kaysa sa yakap niya noon kay Luna nang magpaalam sila sa isa't-isa sa airport.
"I love you, Luna," he said. His voice breaking. His eyes, crying a little. "I love you. And, I'm saying this, hindi lang kasi sabi mo I ought to say this to my woman. I'm saying this now, kasi 'yun talaga ang nararamdaman ko ngayon." He pulled away from hugging her, to look at her in the eyes. "I love you. Mahal na mahal kita."
Nanginginig na pinunasan ni Luna gamit ang kamay ang tumutulong luha mula sa mga mata ni Chance.
"Ugh! Punyeta! Kainis!" sigaw niya. Nagsimula na rin may tumulong luha sa sarili niyang mga mata. "I love you too. Mahal na mahal rin kita. Kainis!"
Chance laughed.
She laughed too.
Both of them crying non-stop, but it was clear as day that they both are truly, and madly, happy.
"Wait lang, ngayon ko lang napansin, bakit nakasando ka lang?" tanong ni Luna kay Chance. "Nasa'n na 'yung suot mong jacket?"
Tinuro ni Chance 'yung babae sa kabilang table. "Nakasalubong ko siya sa may entrance, mukhang nilalamig kaya binigay ko hoodie ko."
"Punyeta talaga," sambit ni Luna sa sarili.
She knows how Chance gets cold so easily.
"Ugh! Sh*t! Isuot mo nga 'tong jacket ko bilis!" Hinubad niya ang suot na hoodie at inabot iyon kay Chance.
"Ha? E paano k—"
"Isuot mo na lang! Naiirita akong nakikita kang nakasando!"
Wala na nga lang nagawa si Chance kung hindi tanggapin at bilis-bilis na isuot iyong bigay niyang over-sized hoodie.
"Waiter! Isa pa ngang case ng beer!" sigaw ni Luna.
It was clear as day that they both are truly, and madly, happy... but still, masakit pa rin si Chance sa ulo, hanggang sa huli.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Yamyam's Note:
The collab was taking too long to be out so I decided to finish posting this story now until the Epilogue since story ko naman 'to at lahat ng rights ay sa akin LOL. Just wanted to share something with you at least to start the year hehe.
This is just a short story. Ilang chapters lang talaga siya, mabilis ang phasing at hindi detailed. Gano'n pa man, I hope you still liked it. I really enjoyed writing this despite it being so short. May pagka rom-com kasi 'to and I badly miss writing rom-coms (sisihin ang What Love Is! LOL).
I might post special chapters for this though one of these days :)
If you enjoyed reading this story, I'd like to read your thoughts about it. Good man or bad :) Comments give me the fuel to write these days :)
My resolution this 2019 is to focus on myself and my craft, fall in love with myself more, as well as with words and writing... so, hopefully ma-accomplish ko siya.
Happy New Year sa inyong lahat! Hope you're still there until this year ends and for more years to come :)
Still very busy with adulting but vows to make time to write more,
~Yam
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top