CHAPTER 6

***

Day 2 ng vacation trip nila sa Batangas.


To keep her loyalty to Paul, and so as not to waiver and feel things she shouldn't feel towards Chance, Luna suggested to Paul na humiwalay sila ng pamamasyal this time from Chance and Suzy.


"They wouldn't get that close kung parati nila tayong kasama," sabi niya kay Paul.


"And I wouldn't get so close to you as I want kung parati rin silang kasama, so nice idea, Ms. Nurse ko."


Paul liked the idea so much he said yes to doing it in a heartbeat.


Habang tulog pa si Suzy at si Chance 'e lumabas na sila from their rooms and go wondering around Batngas on their own. Lumabas sila ng resort and checked out all sorts of places around the area. They even found a place na nagseserve ng sobrang sarap na bulalo!


"Nako, kung kasama natin si Chance, matutuwa nang sobra 'yon. Favorite na favorite no'n ang bulalo," nasabi niya na lang habang kumakain sila ni Paul.


"Chance na naman."


Nabitawan ni Luna ang hawak na kutsara. "Hala, sorry. It's just that, si Chance ang parati kong kasama kaya—"


Hinawakan siya bigla ni Paul sa ulo at ginulo ang buhok niya. "Nag-jojoke lang ako. I'm not jealous."


"Sure ka?"


"Oo. Like I told you, I believe in you 100%, always, Ms. Nurse."


Parang may sibat na tumama sa puso ni Luna nang marinig ang sinabi ni Paul. Kung dati rati'y lumulundag ang puso niya tuwing maririnig how much he believes in him, ngayon ay para bang pinipiga ang puso niya. She suddenly feel like suffocating. Parang gusto niyang lumuhod sa harap ni Paul at humingi ng sorry. Pero what for? What is she sorry for, anyway?


"Ex-patient, after this, would you mind going with me sa simbahan?"


Ngumiti si Paul. "Ang bilis mo naman. Pakakasalan mo na agad ako?"


Pinaltok ni Luna si Paul ng tissue. "Sira ka! Pagdadasal lang ipupunta natin do'n!"


"Sure ka? Ayos lang naman. Game ako."


Pinaltok niya itong muli. "Loko!" she said, then she laughed.


Masarap pa ring kasama si Paul, pero malinaw sa kaniyang may nag-iba na para sa nararamdaman niya rito.


Goal niyang maikasal by the time she's 28 years old. Mas maaga do'n, mas okay. Pero, noong mabanggit ni Paul ang tungkol sa pagpapakasal, kahit pa pabiro lang, she didn't found it pleasant. It was as if she dreaded that happening. She couldn't picture herself getting married with him.


--


Sobrang pagod sa buong araw nilang paglilibot sa Batangas, bagsak si Paul sa kwarto pagkabalik na pagkabalik nila sa resort. Luna on the other hand, even if she feels tired, hindi siya makatulog. Her heart feels restless, that's why.


Medyo bothered din siya after ikwento sa kaniya ni Suzy ang ginawa nila ni Chance habang nasa labas sila ni Paul. Base sa kwento ni Suzy, it looks like they really had a good time. They got to know each other more, as well. Successful ang plano nila ni Paul to get them closer.


She should happy. She should be because it was what she wanted. Pero bakit hindi siya masaya? Bakit gusto niyang sigawan si Suzy kanina ng 'punyeta! Tumigil ka na nga! Edi kayo na ang sweet ni Chance. Okay?'


If she really has only maternal feelings for Chance, why does she feel like she's jealous?


Chance and her, they have always been platonic for as far as she know. Kaya bakit nagkakaganito siya ngayon?


"Ugh! Punyeta!" sigaw niya out of frustration. Her head and her heart is throbbing. She feels like she couldn't breathe.


Lumabas siya nang kwarto nila at nagdiretso sa may dalampasigan. She thought maybe the sound of the ocean, and the feel of its breeze would somehow calm her heart, pero pagdating niya roon, she felt the opposite. Nadatnan kasi niya si Chance na naroon rin. Nakaupo sa buhangin habang nakatingin sa langit.


Ilang segundo niyang tinitigan lang ang likod nito, contemplating whether to sit beside him or just go back to the hotel.


"Makabalik na nga lang," sambit niya sa sarili in the end.


She was about to head back to where she came from, nang bigla siyang lingunin at tawagin ni Chance.


"Luna?"


Napatigil tuloy siya sa planong pagtalikod.


"Oh! Chance! Ikaw pala 'yan!" pagkukunwari niyang 'di niya ito nakilala.


"Saan kayo nagpunta ni Paul kanina? Hinanap namin kayo kung saan-saan."


Lumakad siya palapit kay Chance at umupo sa tabi nito. "I heard you and Suzy got closer. She said you even gave her a piggy-back ride on your way back to the hotel."


Tumango si Chance. "She's really nice, Suzy. She looked like she was so tired habang naglalakad kami at hinahanap kayo ni Paul sa buong resort, kaya naman sinakay ko siya sa likod."


"So, sinong mas mabigat sa aming dalawa?"


Umisod muna si Chance ng upo bago sumagot. "Ikaw. Obviously. Dibdib mo palang sobrang bigat n—"


"Punyeta ka a!" Sinuntok niya si Chance nang mahina sa may braso.


"Aray naman Luna! Nagsasabi lang naman ako ng totoo."


"Alam ko! Pero kailangan mo pa talagang i-mention 'yung dibdib ko?"


"Bakit? Compliment naman 'yon a. 'Di hamak na mas okay ang may laman, kaysa flat."


"At sino namang manyak ang nagturo sa'yo no'n?"


"Si Tito John."


"Papa ko?"


Tumango lang si Chance.


Napa-face palm na lang si Luna.


Natahimik sila nang ilang minuto. Sabay lang nilang pinagmasdan ang mga bituin sa itaas habang hinahayaan ang mga paa nilang mabasa ng alon.


"Luna..." tawag bigla ni Chance.


"Hmmm?" tugon niya nang hindi nag-aalis ng tingin sa taas.


"Are you happy? I mean, does Paul make you happy?"


Noon lang siya napatingin kay Chance.


She could feel her heart going frantic. Ngayon lang niya ito natitigan sa malapitan nang meron siyang naramdaman afterwards. Dati kasi, her heart used to be as calm as a lake. Ngayon, parang may tsunami sa loob noon.


"Of course, I'm happy. Paul makes me happy. I wouldn't be with him kung hindi niya ako napapasaya. Kilala mo ako."


Tumango lang si Chance.


"Bakit mo tinatanong 'yon bigla? Anong meron?"


"Wala naman."


"Okay."


Nagbalik na ulit silang pareho ng tingin sa langit.


Pero maya-maya...


"Luna..." tinawag siyang muli ni Chance.


"Ano na naman?" sabi niya nang hindi lumilingon dito.


"If I really end up with Suzy, and we ended up getting married, will that really make you eternally happy? Mas masaya pa sa kung paano ka napapasaya ni Paul ngayon?"


"Ha? Ano bang mga pinagsasabi mo ngayon, ha? May sakit ka ba? Bukod sa kamanyakan, naturuan ka rin ba ni Papa na maging senti?"


Umiling si Chance. "Gusto ko lang talagang malaman."


Saglit na natigilan si Luna.


"Of- of course I will be so happy! 'Di ba nga't ultimate goal ko is to marry you off? 'Pag nagpakasal ka na, makakapagpakasal na rin ako! It's a win-win situation. It'll feel like a parent seeing her child graduate with honors."


Tumango-tango si Chance. "I see," tipid nitong sabi.


"Wag mong sabihing may balak ka nang magpakasal kay Suzy? 'Yon ba dahilan bakit mo 'ko tinatanong? Are you asking for my blessings?"


Umiling si Chance.


Nakahinga ng maluwag si Luna.


"She asked me to go abroad with her though," dagdag ni Chance bigla.


Muling nagsikip ang dibdib ni Luna.


"Where abroad?"


"Sa Dubai. She has plans to work there. May kakilala siyang taga ron that can help. P'wede rin daw akong tulungan kung gusto kong sumama."


Napalunok si Luna. Her hands were now trembling. Pilit niyang tinago ang mga kamay sa likuran para hindi iyon makita ni Chance. "So? Sasama ka nga sa kaniya?"


Saglit na nag-pause si Chance bago sumagot. "I'm thinking about it."


Biglang tumawa si Luna. It was a forced laugh. Something she did to stop the tears from falling. Hindi niya maintindihan why she is suddenly close to crying. "Punyeta!" sambit niya sa sarili.


"Anong nakakatawa?" tanong sa kaniya ni Chance.


"Naimagine lang kasi kita sa Dubai na tumutulong sa mga arabo. I could clearly see you taking the job of the camels saying 'e kasi, nakakaawa naman sila'. Something like that."


"OA ka naman."


"Bakit? Hindi ba totoo? Pustahan pa tayo, ano?"


"Well, it depends do'n sa camel. Pag injured siya sa legs, baka siguro."


Luna laughed. Harder this time, at hindi pilit. She was really laughing because she found Chance funny. Ngayon lang niya narealize na sobrang mamimiss niya ang mga walang-kwentang usapan nila na ganito. Mamimiss niyang murahin ito ng punyeta at sigawan. Mamimiss niyang ma-stress dahil dito. Mamimiss niyang...


"Luna?"


"Ano?"


"Bakit ka umiiyak?"


"Ha?"


"Sabi ko, bakit ka umiiyak?"


Napahawak siya sa pisngi. Noon lang niya napansin na basa na ang mukha niya ng luha. She didn't realize she was already crying.


"Ah, ito? Tears of joy 'to. Finally kasi, nakikita ko na ang katuparan ng mga pangarap ko."


"Pangarap mong makita na tumulong ako sa camels?"


Natawa si Luna.


Umiling siya pagkatapos. "Hindi. My dream is to see you finally settling with someone. I can now see a glimpse of that happening. Since sobrang big leap 'yung pagconsider mo na sumama kay Suzy abroad, hindi ba? Ikaw na parang mamamatay 'pag tumira ako nang malayo sa'yo."


Pinakatitigan ni Chance si Luna.


Pagkatapos ay hinigit niya 'to sa braso at binalot sa loob ng sobrang higpit na yakap.


"Thank you," bulong niya rito.


"Chance! Ano bang—"


"Thank you for everything up until now. For always putting me above yourself, kahit na parati mong sinasabi na sarii mo ang top priority mo."


Tinulak ni Luna nang mahina si Chance. It was like she wanted to get out of his embrace, but at the same time she wanted to stay there, forever. "When did I ever put you above myself? Tinutulungan lang kita madalas kasi naiirita akong panoorin ka. I'm still doing it for myself. To stop being irritated."


"Gano'n ba 'yon?"


"Oo."


"Kahit gano'n, thank you pa rin."


Sinandal lang ni Luna ang ulo sa dibdib ni Chance. Pinakinggan ang tunog ng pagkabog ng puso nito.


"Stop saying thank you, punyeta," bulong niya noon habang nakasandal sa dibdib ni Chance. "You sound like you're really leaving me. I hate it. Tumigil ka na, please."


"Thank you, Luna."


But Chance couldn't hear her pleads.


Patuloy ito sa pasasalamat sa kaniya, hanggang sa pumikit ang kaniyang mga mata, at siya'y makatulog.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top