CHAPTER 4

***


"Ano na naman ba kasing ginawa mo this time?"


Kahit na kalmado ang pagtatanong sa kaniya ni Luna this time, Chance was still being mindful of their distance. Natatakot pa rin siyang saktan siya nito any moment, so he's still on his guard.


Umusod muna siya nang konti palayo rito bago siya sumagot. "Hindi ko alam. Ang sabi niya lang, 'e bakit hindi na lang si Luna ang i-date mo, gago!'."


"Ako? Paano ako nadamay?"


"Hindi ko nga rin alam, e. Nagkukwentuhan lang kami habang kumakain tapos bigla na lang niyang sinigaw 'yon, sabay walk out."


"Ano bang pinagkukwentuhan niyo?"


"Tungkol sa rabbit niya."


"Anong sinabi mo?"


"Sabi ko, 'si Luna, may rabbit din nong mga bata kami'. Tapos, kinwento ko sa kaniya kung paano mo iniyakan nang ilang araw no'ng takasan ka no'n. Then, somehow, I ended up telling her about our childhood escapades. Pati pala 'yung fiasco nong prom natin no'ng highschool. Tsaka ilang nakakatuwang events na nangyari sa atin nong college day—"


Binatukan ni Luna si Chance. Sobrang lakas.


"Aray!" daing nito. "Bakit!"


"E gago ka nga talaga! S'yempre maiinis nga 'yon. Puro memories ba naman natin together ang ikwento mo sa kaniya? Sira ka ba?"


"Anong masama do'n? I honestly thought those moments were fun. Di ba ang sabi mo sa akin, I should talk about something fun with my girlfriend?"


"Oo. Pero dapat 'yung fun din para sa kasama mo, hindi para sa'yo lang!" Napainom si Luna ng beer dahil sa frustration. "Pake ba niya sa pinagsamahan natin! Isa pa, Chance, babae ako. Kahit pa sabihing alam niya na may bf ako at na magkababata lang tayo, magseselos pa rin 'yun if all you do is talk about us! About me!"


Nagkamot si Chance ng ulo. "Gano'n ba 'yon?"


Nag-face palm si Luna. "Oo! Ugh! Kainis ka talaga!"


"Sorry. 'Di ko naman alam e."


Pumalatak lang si Luna.


"So? Ano nang gagawin ko? Sino naman ang bagong ide-date ko?"


"Siya ulit."


"Ha? E ayaw na nga niya sa akin. Nakipag-break na nga."


"Iba naman siya sa ibang nan-dump sa'yo. May pag-asa pang tanggapin ka niya ulit. All you need to do is repent and say sorry."


"Really?"


"Oo. Base sa convos namin, she really likes you. Nagselos lang talaga 'yun nang sobra kaya ka binreak, but you can still fix it."


"Sigurado ka?"


"Oo. Just follow what I'm going to tell you..." Binulong ni Luna kay Chance ang mga dapat nitong gawin.


"Will that make you happy?" tanong sa kaniya ni Chance.


"Bakit ako ang tinatanong mo kung sasaya ako? Si Suzy! Si Suzy ang pasasayahin natin sa planong 'to! Ano ka ba naman!"


"Alam ko. Pero, ang ibig kong sabihin, 'pag nagkaayos na ulit kami, will that make you happy?"


"Of course! Bakit pa ako magpapakahirap na tulungan ka to win her back kung hindi ako sasaya? Lahat ng ginagawa ko, connected sa kaligayahan ko. My self is my first priority always, dapat alam mo na 'yon."


Pinakatitigan ni Chance ng ilang segundo si Luna. "Okay. I'll make up with her."


A bit tipsy now, she started patting Chance on the head as if he was a puppy dog. "Good. And please, try to not get dumped again, okay?"


"If that will make you happy, okay. I'll try my hardest."


"Thank you, Chance."


--


Sinunod nga ni Chance kinabukasan ang pinayo sa kaniya ni Luna. Sinurpresa niya si Suzy sa hospital. Sinundo niya ito from her shift, gave her flowers and chocolates, and said he's so sorry, sa harap pa mismo ng co-nurses ng babae.


Suzy is someone who forgives people easily. Kilala itong saksakan ng bait at 'yung tipo na hirap sumagot ng 'hindi', kaya naman pagkatapos ng ginawa ni Chance, okay na ulit sila. Successful ang pinayo ni Luna. They're back together again.


Tuwang-tuwa si Luna nang malamang okay na ulit ang dalawa. Na-witness niya pa kanina kung paanong nag-sorry si Chance kay Suzy, and she must admit, he really looked quite dreamy for a second there. Kung hindi nga niya siguro kilala si Chance sa personal, maiingit siya nang sobra kay Suzy, and she would wish to be in her place so bad. But heck, she knows Chance. Sa labas lang ito dreamy. Pag nakilala mo 'to like she knows him, you'll know he's a total nightmare.


"Ms. Nurse, gusto mo sumama sa akin sa Batangas?" tanong sa kaniya ni Paul over the phone.


"Bakit? Kailan?"


"Iniinvite ako ng tita ko na magbakasyon sa kanila next week. They own a resort there."


"Ilang araw ka mag-sistay do'n?"


"My aunt wanted na isang week, pero hindi kakayaning mag-leave sa work nang gano'n katagal. So I opted to visit there for 3 days. Makakasama ka ba?"


Kung leave lang ang pag-uusapan, makakapag-leave naman siya, ang kaso nga lang...


"Sorry Paul, I don't think I can go. Medyo malayo ang Batangas. I don't think I can leave Chance behind by himself nang gano'n katagal. Hindi ko lang ma-eenjoy ang vacation kasi poproblemahin ko lang na baka kung ano na namang ginawa niya. You see, mamamatay kasi talaga 'yon pag walang constant supervision."


Paul laughed on the other line. "He's with Suzy naman 'di ba?"


"Hindi pa gano'n kapalagay ang loob ni Chance sa kaniya, kaya for sure, ako pa rin ang tatawagan no'n para humingi ng tulong. I'm really sorry, Paul. Alam kong ikaw dapat ang mas priority ko, pero kasi, Chance is a lost cause. He's just—"


"I know. Naiintindihan ko, don't worry. Na-witness ko naman first hand kung gaano siya kalala."


Natawa si Luna. "Di 'ba? Mas nasi-stress pa ako do'n kaysa sa mga pasyente sa ward."


Tumawa lang si Paul. "Hmm... what if, you just invite him then?"


"Sino? Si Chance?"


"Oo. Tell him to come with us. Of course, tell him to bring his girlfriend too. 'Di ba sabi mo hindi pa gano'n kapalagay ang loob niya rito? Maybe this trip is a good opportunity to make them even closer."


Parang may light bulb na biglang sumindi sa utak ni Luna. "Ang talino mo talaga, ex-patient!" 'Di niya napigilang sabihin.


Paul laughed. "Ako pa?"


And so, taking Paul's suggestion, Luna did invite Chance to go with Paul and her to Batangas.


Nang malaman ni Chance na tatlong araw na mawawala si Luna, of course, he knows he needed to come. He's sort of like a dog, and Luna is his owner. 'Pag nawala ang amo niya nang tatlong araw, he would feel so lonely.


"Na-invite mo na si Suzy?" tanong ni Luna kay Chance.


Tumango ito.


"Anong sabi? Pumayag?"


"Oo."


Luna patted him on the head. "Good." Pagkatapos no'n, pumunta na siyang muli sa kusina para silipin ang kaniyang niluluto.


Pagpasok ni Luna sa kusina, hindi napigilan ni Chance na hawakan ang parte ng ulo niyang hinawakan ni Luna. He really likes it, how she always pats his head whenever he does something that makes her happy. Kaligayahan na ata niya talaga ang makitang maligaya si Luna.


He really likes it, her smile. At mas lalo niyang nagugustuhan 'yon, tuwing siya ang dahilan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top