CHAPTER 3


***


Luck. It seems that luck is really on Luna's side this time!


It's been more than two weeks now, at hanggang ngayon, hindi pa dina-dump ni Suzy si Chance! Mukhang going stronger and deeper pa nga ang feelings nito for him.


Luna is so pleased. Mukhang she really did well on choosing a match for him this time.


Between her and Paul naman, everything is going so good too. They really did went on a date again, and got to know each other more. They went on even more dates after that.


Luna likes Paul's humor so much. Nasasakyan ni Paul parati ang mga jokes at sarcastic remarks niya. Ang pagiging taklesa niya at madalas na pagmumura ng 'punyeta', na akala niya'y ikaka-turn off nito, he actually called those thing 'endearing'. Gustong-gusto rin ni Luna ang pagiging hindi clingy ni Paul. He gives her enough space to breathe, and relax, always. Hindi ito mahilig makipagtext just like her. He prefers talking in person. Sobrang plus points no'n kay Luna! She hates small talks and texting kasi. She prefers having deep convos with someone. Pero ang pinakamaling plus points about Paul? It's the fact na hindi ito intimidated kay Chance.


Most of Luna's ex-boyfriends, 'pag na-meet na nila si Chance, kitang-kita mo 'yung selos at takot na ng mga ito na baka maagaw ni Chance si Luna. Pero si Paul? Iba. He's confident with his self. Madalas pa nga niyang batiin si Chance tuwing dadalaw at susunduin si Luna sa apartment.


Na kay Paul na ata halos lahat ng hinahanap ni Luna sa lalaki. He filled her check list with a lot of checks in just a span of two weeks! Record-breaking 'yun! Kaya naman, even though wala pa silang isang buwan na magkakilala, when Paul asked her to be his girlfriend yesterday, hindi na s'ya nagpakipot. Sinagot na niya agad! Yes. Sila nang dalawa since yesterday!


"Ms. Nurse, free ka today?" Si Paul, kakatawag lang nito. "Off ka ngayon, 'di ba?"


"I am. Pero wala ako sa mood gumalaw Paul, sorry. It's actually that time of the month. Sobrang sama ng pakiramdam ko tuwing first day, gusto ko na lang magpahinga at humilata buong araw."


"I see."


"Sorry, Ex-Patient."


"I understand. Let's just go on a date next time. Pahinga ka nang mabuti, Ms. Nurse."


"Ikaw rin. Enjoy your day even without me."


"I will try."


"Paul Sanchez, fighting!"


He laughed. "Salamat sa cheer."


She laughed, too. "You're welcome."


After lingering on the phone for awhile, listening to each other's breaths, binaba na rin nila ang tawag.


Luna couldn't help but like him more for being so understanding.


--


Nagluluto si Luna ng dinner nila ni Chance nang biglang may mag-doorbell.


She thought it was just the pizza delivery guy, since nag-order siya ng pizza, so inabutan lang niya si Chance ng pera at inutusan 'tong buksan ang pinto.


To her surprise though, nang buksan ni Chance ang pintuan, si Paul 'yung pumasok. May bit-bit itong plastic bags, all containing treats that she likes. Lahat ng nabanggit niyang comfort food at cravings dito, naroon.


Luna was so touched. Hindi niya kasi akalaing matatandaan nito lahat ng nabanggit niyang favorite food. He's just so sweet. Matapos niya 'tong tanggihan kanina sa phone, imbis na magtampo, ito, siya pa mismo ang pumunta sa kaniya. At may dala-dala pang foods!


Sobrang plus points pa na hindi siya nito hinusgahan agad at pinag-isipan nang masama nang makita si Chance sa loob ng kaniyang unit. Yes, he was shocked. Pero after niyang ipaliwanag dito ang sitwasyon at kung bakit, he trusted her words without furtherquestioning. He even offered Chance the food he brought and asked him to stay with them.


"Mas masarap kumain pag mas marami!" that's what Paul said when Chance said he's just gonna leave dahil baka nakakaabala lang siya. "Hindi namin mauubos 'to ni Luna nang kami lang. You came here to have dinner, right? Malungkot kumain nang mag-isa. Dito ka na lang."


Sa lahat ng naging boyfriends ni Luna, si Paul lang ang ata ang maganda ang pakikitungo kay Chance. He's the only one who never once treated him like some rival. Ito lang ang hindi nagbigay ng malisya sa kanila ni Chance. He believes in her 100%. And because of that, Luna is really really really liking him more.


"S'ya na po ba, Lord?" hindi naiwasang sambitin ni Luna sa sarili habang pinagmamasdan si Paul.


"Anong sabi mo?" tanong ni Paul.


"Ha? Wala. Sabi ko, kumain na tayo."


--


With Chance having no signs of getting dumped still, and with her relationship with Paul going so smoothly, Luna was so stress free. She have never felt this happy to be alive before.


Everything is progressing nicely... Naniniwala na siyang kampi na rin sa kaniya sa wakas ang mundo, until... one night...


Chance came knocking on her door.


She knows he's supposed to still be on his date with Suzy, but he's now knocking on her door. Of course, punyeta, that's bad news.


"Luna..." tawag nito sa kaniya pagbukas niya ng pinto.


"You have been dumped again, haven't you?"


Tumango lang si Chance.


Huminga siya nang malalim.


Nagbuntong-hininga.


Pagkatapos...


"Ugh!"


"Punyeta!"


"T*ng in*!"


"Sh*t!"


"F*ck!!!"


Sangkaterbang mura ang sunod-sunod na namang lumabas sa kaniyang bibig. Hindi na naman niya napigilang k'westyunin ang mundo.


Shet lang. Mapapainom na naman siya nito! At ang isa pang malaking problema, nauubusan na siya ng irereto!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top