✿ | 26

2:00pm

Mr. Condom: oi

Mr. Condom: badjao

Mr. Cama: bakit?

Mr. Cama: ano maitutulong ko?

Mr. Condom: ano ba dapat ko gawin?

Mr. Condom: sa dalawang babae?

Mr. Cama: Sino-sino ba sila?

Mr. Condom: Si Penisha, yung ikinewento ko sayo

Mr. Cama: Ah yung superwoman mo na nagsagip sayo 10 years ago nung nalunod ka sa dagat at muntik ng mamatay?

Mr. Cama: Tama ba?

Mr. Condom: Oo siya nga, ang first kiss ko

Mr. Condom: Kaso, mukhang hindi na niya ko na-recognize

Mr. Cama: At yung isa?

Mr. Condom: Si Bethany, ang ex ko

Mr. Condom: Siya lang ata ang nakatagal ko

Mr. Cama: Crush mo noon si Penisha diba?

Mr. Condom: Oo, kahit ata hanggang ngayon?

Mr. Cama: Eh kay Bethany? May feelings ka pa ba sa kanya?

Mr. Condom: Mag-iisang taon na nung naghiwalay kami, at siguro nga.. ay oo

Mr. Condom: Oo may feelings pa ko sa kanya

Mr. Condom: Kahit ba ilang beses na niya ko niloko, sinaktan. Mas lalo ko siya nagugustuhan

Mr. Cama: Pero?

Mr. Condom: Pero.. nung dumating muli sa buhay ko si Penisha, mukhang naglaho ang pagkabaliw ko sa ex ko.

Mr. Cama: Alam mo ba na ang crush ay lumalalim iyan?

Mr. Condom: Ha?

Mr. Cama: Gusto mo rin si Penisha

2:20pm

Mr. Cama: Akala mo na crush mo pa rin si Penisha hanggang ngayon pero nagkakamali ka

Mr. Cama: Hindi mo napapansin pero nagugustuhan mo na pala si Penisha

Mr. Condom: Paano?

Mr. Cama: Dalawa lang iyan

Mr. Cama: Siguro noong mga panahon na broken hearted ka pa at si Penisha lagi ang nasa tabi mo, nagpapasaya sayo sa araw o gabi man kaya mas lalong nahulog ang loob mo sa kanya

Mr. Condom: At yung isa?

Mr. Cama: At yung isa ay baka naka-move on ka na kay Bethany at bigla na lamang sumulpot si Penisha sa buhay mo. Dahil nga sa naka-move on ka na ay nainlove ka muli pero iniisip mo kung tama bang magmahal muli?

Mr. Condom: Paano kung wala sa choices?

Mr. Cama: Simple lang, malandi ka

Mr. Condom: Ha ako?

Mr. Cama: Oo, kasi gusto mo pa si Bethany at gusto mo na rin si Penisha. At parang gusto mo pa magdagdag ng dalawa pa. Edi malandi ka nga

Mr. Condom: ganon?

Mr. Cama: syempre joke lang

Mr. Cama: ilan ba ang puso ng tao?

Mr. Cama: isa diba? malamang isa rin ang laman ng puso mo

Mr. Cama: ewan ko na lang kung ibang creature ka at dalawa ang puso mo

Mr. Condom: Ang hirap naman

Mr. Cama: hindi ka pa nga nagsisimula, suko ka na agad? Tandaan mo, ang pag-ibig hindi sumusuko, lumalaban iyan!

Mr. Condom: Eh paano kung isang araw, sumuko na lang bigla ang pag-ibig?

Mr. Cama: Imposible. Pero nasa tao na rin iyan

Mr. Condom: Eh paano kapag may nasaktan ako?

Mr. Cama: Sa pag-ibig, may masasaktan at masasaktan talaga. Walang perpekto, Jarell.

Mr. Cama: Kahit ayaw na ayaw mong masugatan pero nakatadhanang madapa ka kasi ayon ang nararapat na mangyari. Parang sa pag-ibig, hindi naman natin ginusto na masaktan lang sadyang malas lang at ayon talaga ang nararapat para sa atin.

Mr. Cama: Kaya huwag mo isipin may masasaktan kasi nakatadhana talaga iyon

Mr. Condom: Nasaktan ka na ba?

Mr. Cama: Oo, kapag pinapasok ko tapos ang sikip

Mr. Cama: Ang sakit kaya

Mr. Condom: Ay puta

Mr. Cama: Ay basta, gawin mong tama ang desisyon mo

Mr. Condom: Paano ko naman malalaman kung tama ang pinili ko?

Mr. Cama: Mas kilala natin ang sarili natin kaysa sa ibang nakapaligid sa atin. Malalaman at malalaman mo rin ang kasagutan diyan sa tanong mo

Mr. Condom: Matagal pa ba iyon?

Mr. Condom: At tiyaka nandito na ko, sabihin mo na lang yung sagot kaya nga ko humingi ng tulong sa'yo eh

Mr. Cama: Naku Jarell, paano ka makakatayo mag-isa kung aasa ka sa iba?

Mr. Cama: At paano mo rin malalaman ang sagot kung wala kang tiwala sa sarili mo?

Mr. Cama: Maghintay ka, kasi ang pag-ibig hindi nagmamadali iyan.

Mr. Cama: Malalaman mo rin agad iyan

Mr. Condom: ay grabe, Knight

Mr. Condom: napakalove expert mo talaga

Mr. Condom: Saan mo ba natutunan ang lahat na iyan?

Mr. Cama: Hindi ka maniniwala pero sa redtube ko natutunan iyan

Mr. Condom: kingina iyan

Mr. Cama: oh siya, chat ka na lang uli kung may balita na ha

Mr. Cama: manonood na muli ako

Mr. Condom: ay gago, salamat pala!

2:32pm

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top