Slumbook at Telebabad 📞

A/N: This chapter is dedicated to my soul sister HannahRedspring . 💞 Love lots, bb! 😘

P.S. Ayaw ako pag-dedicatin ni WP sa Chrome. 😆 Kaya ganito na lang. Haha.

📒📞

"May bago tayong klasmeyt oh!" Rinig kong komento ng mga kaklase namin ng maupo ako sa aking upuan.

Lumipat kami nila mama ng tirahan nitong taon lang dahil nakahanap ang tito namin ng bahay na kakasya kaming lahat ng mga tita at pinsan ko. Isang compound ang aming tinitirhan. Tatlong bahay sa isang gate. May apat na pamilya kasama na kami doon.

"Hi. Ako pala si Marthina. " nangingiting sambit nito sa akin. Katatapos lang ng Flag Ceremony noon at kaakyat lang namin sa classroom.

"Hello. Ako si Camilla." Pagpapakilala ko sa kanya. Ang saya ko na may unang nakipagkaibigan agad sa akin.

Grade Three pa lang ako at bago pa rito sa eskwelahan nila pero hindi ko naramdamang left out ako. Sinasama niya ako tuwing recess time. Pang-umagang section pala ako.

"Camilla. May nagpapabigay." Sambit sa akin ni Teacher Lauren, na teacher namin sa Filipino, na nakaupo sa likod ko. Doon siya umupo para magcheck ng mga quarterly exams namin.

Katabi niya ang matangkad at medyo chubby kong classmate na lalaki na may chinitong mga mata at maputing kutis. Nagawi ang tingin ko sa kamay ni Teacher Lau. Mayroong tatlong chocolate na nasa palad niya.

Panglima sa harapan ang pwesto ko sa klase. Nakaayos kami by height at  pangalawa sa likuran sa may aisle ang upuan ko.

"Po?" Tanong ko kay Teacher Lau.

"Para sa yo daw." Ulit niya sa akin at nilagay ang tatlong tsokolate sa kamay ko.

Wala na akong nagawa kundi magpasalamat. Nilagay ko ito sa loob ng bag ko para kainin pag-uwi ng bahay.

Kinabukasan...

"Uy, teka, pa-autograph ako, Cam!" Sabi ni Geneva, na isa sa mga madalas ko ng nakakausap.

"Sige, balik ko bukas." Tango ko at bago pa man matapos ang araw, nakatanggap ako ng tatlo hanggang limang slumbook mula sa mga kaklase namin.

Hindi ko alam kung para saan eto pero sabi nila para daw mas makilala ang isa't isa kaya nakisabay na rin ako.

Pag-uwi ng bahay, kinagabihan, ay ginawa ko na ang mga assignment namin at sunod naman ay ang slumbook.

What is love?
Who is your crush?
What is your motto?
Hobbies?
Message

Sa aking kuryosidad, sinilip ko ang ibang mga entries ng mga kaibigan at kaklase namin.

Love is like a rosary: full of mysteries.

Nick Carter of Backstreet Boys

Try and try until you succeed.

Ilan lamang ito sa mga sagot nila at napaisip naman ako ng para sa akin.

Love?

Hindi ko pa naman nararanasan iyon. Sa Sweet Valley Kids ko pa lang nababasa ang tungkol sa mga crush. Pero love? Parang wala pa naman..

Motto?

Hmmm.

Time is gold. Oo. Yun ang nilagay ko. Dahil para sa akin, mahalaga ang bawat segundo.

Ilang mga katanungan pa ang sinagutan ko nang biglang tawagin ako ni mama.

"Naak! Telepono!" Napakunot ang noo ko sa pag-iisip kung sino naman ang tatawag sa akin ng alas sais ng gabi.

"Sino, Ma?" Tanong ko habang pababa ng hagdan mula sa kwarto ko.

"Si Jericho daw!" Sagot niya sa akin at biglang nanlaki ang mga mata ko.
Siya yung katabi ni Teacher Lau kanina!

"Hello?" Nahihiyang tanong ko sa kanya.

"Hello, Cam?" Sagot niya.

"Oo. Si Cam nga to. Bakit po?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Tatanong ko sana yung assignment natin sa English. Hindi ko nakopya kanina kasi inerase agad ni Diane. Okay lang ba?" May himig ng hiya sa tono ng boses niya.

"Ay oo. Sige. Saglit lang ha." Sabi ko at ibinaba sa sofa ang telepono upang kunin sa bag ko ang notebook. Nilipat ko agad ang pahina sa assignment ng araw na iyon at agad na sinabi sa kanya.

"Salamat, Cam." Ani ni Jericho.

"Welcome." Nangiting sagot ko kahit hindi niya nakikita. Inaasahan kong ibababa na niya ang telepono pero wala akong narinig. "Ah.. May kailangan ka pa ba?"

"W-wala. Sige. Salamat uli. Goodnight." Sabi nito at binaba agad ang telepono.

"Sino iyon, anak?" Tanong ni Mama na katabi ko pala. May ngiti sa kanyang labi.

"Classmate ko po, Ma." Sagot ko habang binabalik ang notebook sa bag.

"Sino doon?" Tanong niya ulit.

"Yung matangkad po. Na maputi at may pagkakulot ang buhok." Saad ko.

"Pogi yun ah!" Pang-aasar pa nito.

Pinamulahan ako ng mukha ng maalala ang itsura niya.

"Mama!" Hiyaw ko ng hindi inaasahan.

"Bakit ka niya tinawagan?" Hindi ako tinantanan ni mama kakatanong at ako naman ay sagot ng sagot sa kanya.

"Matutulog na po ako. May klase pa po kami bukas." Sabi ko at naggoodnight na sa kanila.

Lumipas ang mga araw at buwan at panay na ang tawag niya sa bahay.
Natutunan ko na rin siyang magustuhan.

Mabait siya. Magaling rin naman sa klase. Hindi nga lang sapat para umabot sa top pero average naman ang grades niya.

Gwapo pa. Ang cute niya kapag ngumingiti. Nawawala mga mata niya.

Waaah! Si Mama kasi eh! Inaasar ako!

Lalo na tuwing may activity sa school at invited ang parents.
Palagi ba namang, "nak, si Jericho oh."

Ganyan kami kaclose ni Mama. Kilalang-kilala niya ako.

Andyan pa yung automatic na ngiti niya tuwing gabi kada linggo na tumatawag si Jericho sa bahay.

Pano ba naman kasi, inaabot kami ng isang oras sa telepono!

Kung ano-ano napag-uusapan namin. Mula sa paboritong mga pagkain, musika atbp.

"Sige na. Gabi na pala. Bukas ulit." Sambit ni Jericho sa telepono.

"Sige. Babye na." Sagot ko na nagpipigil ng ngiti.

"Mauna ka na magbaba ng telepono." Banggit niya.

"Ikaw na. Sige na. Bye." Sabi ko pero ganoon pa rin siya.

"Sabay na tayo. One. Two..." binaba ko na ito agad dahil baka abutin kami ng alas dies nito at pagalitan ako ni Papa.

Ilang mga araw pa ang nagdaan at mas naging malapit pa kami sa isa't isa. Hindi ko alam kung bakit kapag nasa eskwelahan ay hindi naman kami nag-uusap masyado pero kapag nasa telepono ay ang ingay namin.

Kaya sa tuwing magtatagpo ang mga mata namin sa eskwelahan maging sa classroom ay nangingiti kami pareho. Tila ba may sikretong kami lang ang nakakaalam.

Hanggang sa isang gabi...

"Cam.. sino crush mo? Pwede ko bang malaman?" Tanong niya at nanlaki ang mga mata ko. Mabuti na lang at nasa telepono kami nag-uusap kundi makikita niya pamumula ng mukha ko. Bigla akong pinagpawisan sa hindi ko malamang kadahilanan. Nakatutok naman ang electric fan sa akin.

"Uh. Naku... Para namang hindi mo alam! Sila Mark sa Westlife atsaka Bob sa Moffatts!" Sabi ko na natatawa. Pilit na itinatago ang kaba. "Ikaw ba? Sino crush mo?"

"Si Angelica Panganiban siyempre!" Sagot rin niya. "Pero sa classroom, sino?"

"Ay teka.. tawag na ako ni papa. Goodnight na, Echo." Sabi ko na may pagmamadali sa boses kunwari.

"Meron no? Andaya! Sige na nga.. goodnight na!" Sabi niya at binaba ang telepono.

Hala! Nagalit siya!

Ilang mga gabi pa niya ako kinukulit para sabihin ang crush ko hanggang sa may napag-usapan kaming dalawa...

"Cam.. bigayan na lang ng letters..clue na lang." Pagsasuggest niya sa akin.

"Uh.. o sige." Sabi ko na may pagdududa sa loob ko.

"Ilang letters ang meron sa name ng crush mo?" Tanong niya. "Akin pito."

"Pito rin akin." Sambit ko.

"May letter A at I sa pangalan. Dalawang A pala." Agad akong kumuha ng scratch paper sa tabi ko at isinulat ang mga sinasabi niya.

_ A _ I _ _ A

Dumagundong ang kaba at pag-asa sa puso ko.

"Uh.. may I at O ang name ng akin." Sabi ko sa mahinang boses.

_ _ _ I _ _ O

"Sige.. sa consonants naman tayo!" Excited na sambit niya habang ako ay kinakabahan. "May C at L sa pangalan niya. Dalawang L pala."

C A _ I L L A

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang pangalan na malapit ng mabuo rito.

"Andyan ka pa ba, Cam?" Tanong niya ng hindi ko sinagot ang sinabi niya kanina.

"O-oo. Andito pa ako." Usal ko na may ngiti sa mukha. Gusto kong tumili pero hindi ko magawa. "Uh.. May H at C sa pangalan nung akin."

_ _ _ I C H O

"Ganito na lang! Malapit na Christmas Party natin.. Sabay nating sabihin yung buong pangalan ng crush natin ha!" Saad niya.

"Ano?" Gulat na tanong ko. "Sa bibig mismo natin manggagaling kung sino crush ng isa't isa?"

"Pwede namang ipasabi sa mga classmates natin. Kung gusto mo." Sabi niya.

"Oo. Ganon na lang. Nakakahiya naman kasi pag ganon..hehe." pilit kong sagot sa kanya.

"Sige.. Goodnight, Cam!" Pamamaalam nito. "Baba mo na telepono."

"Goodnight rin, Echo." Sabi ko at binaba na ito agad kagaya ng sinabi niya.

Dalawang linggo na lang at Christmas Party na!

Ang dyahe naman!

Parang ang bilis!

Hindi pa ako handa!

Proceed to next chapter
😊

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top