Pinsan 👫

A/N: This chapter is dedicated to beb kulinnn_ . 🤗 Love lots, beb!

💞

Lumipas ang isang taon at nasa Grade Four na kami.

Magkaklase pa rin kami ni Jericho at nagtetelebabad pa rin tuwing gabi. Madalang na nga lang.

Nagkahiyaan na rin siguro noong Christmas Party.

Hanggang isang araw...

"Kay Camilla po..." saad ng pinsan kong si Felix kay Teacher Sandy.

"Camilla daw." Sabi nito at hininto ko muna ang pagsusulat ko.

Tumayo ako at nag-excuse kay Hilary para makaraan ako papunta kay Felix.

"Ano yun?" Sabi ko ng makarating ako sa pintuan ng classroom.

"Pahiram ako ng ballpen, Ate. Nakalimutan kong magpabili kay mama kahapon. Naubusan ako ng tinta." Saad nito sa akin habang nagkakamot pa ng batok nito.

Napailing na lang ako sa kanya at sinabing kukuha lang ako sa bag ko.
Wala pang sampung minuto ay umalis na ang pinsan ko pagkakuha ng ballpen.

"Sino yun? Ang pogi ha! Ang tangkad pa!" Rinig kong komento ng mga kaklase ko.

Naalala ko, wala nga palang nakakaalam na magpipinsan kaming lumipat dito last year. Kaya napangiti ako ng lihim sa kanila.

Naramdaman ko ang titig sa akin ni Jericho hanggang makarating sa upuan ko. Binalewala ko lang ito dahil iniisip ko pa ang mga homeworks na sunod-sunod na binigay sa amin ngayong araw.

Gusto kong manood ng Mojacko mamaya bago matulog sa hapon kasi mukhang malabo.

Sumapit ang Biyernes at excited akong magpahinga at hindi magmadaling maligo sa umaga.

Andyan pa ang MYX sa channel 23 na palagi kong pinapanood pagsapit ng alas onse dahil sa Favorite Hits na segment nila.

Andoon kasi ang mga paborito kong boybands maging sila Britney Spears at Christina Aguilera.

"Nak, phone!" Sabi sa akin ni papa habang nanonood ako ng Myx at pakanta-kanta pa ng Oops I did It Again.

"Hello?" Sagot ko rito at naupo sa tabi ng telepono.

"Hi, Cam. Si Echo to." Saad ng pamilyar na boses na nagpabilis na naman ng tibok ng puso ko.

"Hi." Sabi ko sa kanya. "Anong meron?" Pilit na pinapagaan ang usapan dahil nagkakahiyaan na naman kami.

"Nangangamusta lang." Natatawang usal niya. "Kinakalimutan mo na ako agad ha. Porket may bumibisita sa classroom natin sayo."

Napakunot ang noo ko at inaalala kung sino ang tinutukoy niya.

Hanggang maalala ko ang pinsan kong palagi nga namang nanghihiram ng kung ano-ano. Si Tita naman kasi eh!

"Hahahhah! Ah! Okay!" Natatawang sagot ko sa kanya.

Sasabihin ko bang pinsan ko si Felix?

Bakit pakiramdam ko nagseselos siya?

Waaah!

Ano ba to!

Bakit ako kinikilig?

Iniba ko ang usapan namin at ng matapos ay napangiti ako ng malawak dahil sa naisip kong plano.

"Dali na, Felix. Kahit ano hiramin mo sa akin. Wag lang araw-araw ha. Baka makahalata siya!" Pagpupumilit ko sa kanya ng pumunta ako sa bahay nila na ilang hakbang lang sa amin.

"Ate Cam naman!" Pagrereklamo pa nito.

"Sige na. Libre kita ng bazooka atsaka Judge! Di ba gusto mo yun?" Pamimilit ko pa ulit. "O gusto mo ng pritos ring?"

"Oo na. Sige na." Tumango na lang ito sabay ngisi sa akin. "May crush ka na ha! Sumbong kita kay Tita Beth!"

"Alam ni Mama kung sino. Bleh!" Irap ko sa kanya pero ng maalala ang usapan namin ay bigla ko siyang hinatak ng akmang pupunta sa bahay. "Waaah! Felix naman eh! Sige na! Lilibre na nga kita eh!"

"Hahahah! Oo na, Ate! Hindi ka mabiro!" Pang-iinis pa sa akin. "Sa Wednesday, hiram ako sa iyo ng pangtasa."

"Yehey! Salamat, Fel!" Sabi ko rito at masayang umalis sa bahay nila.

Dumating ang araw ng Miyerkules at gaya nang napag-usapan ay nanghiram nga sa akin siya ng pantasa ng lapis.

Nitong Biyernes naman ay pambura naman ang hiniram hanggang kinagabihan ay tinawagan ako ni Echo.

"Sino ba yung hiram ng hiram sayo sa school? Wala ba siyang sariling gamit ha?" Inis na tanong niya sa akin.

Hindi ko na kinaya at bumunghalit ako ng tawa.

"Hoy! Wag mo ngang awayin ang pinsan ko!" Natatawang depensa ko kay Felix.

"Pano ba naman kasi! Kulang na lang buong bag mo ipahiram mo sa kanya." Pagrereklamo pa nito at natigilan, "anoo? Pinsan?"

"Oo, pinsan ko siya." Natawa pa ako ng todo at dinagdagan ko pa, "yung kinaiinisan mong tao ay pinsan ko sa side ni Mama."

"Ah.. Pinsan.. Okay." Sabi niya na may himig ng pagkamangha. "Akala ko may karibal na ako."

"Ha?" Pagmamaang-maangan ko. "May sinasabi ka?"

"Wala, wala." Sabi niya pa.

Matapos ang araw na yun ay bumalik kami sa dati. Makulit pa rin siya pero madalang na dahil nagiging busy na rin sa school.

Kada makikita namin ang isa't isa ay bigla na lang kami humahagikgik sa tabi na akala mo ay may matinding kalokohang nagawa.

Proceed to next chapter.
🦋🦋🦋

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top