Photograph 📸
A/N: This chapter is dedicated to mamsh katrynleonor . 🤗 Love lots!
💞
Lumipas ang ilang mga taon at eto na kami.
Grade Six.
Graduating na.
Nagkaroon pa ng kaunting problema sa school at kinailangan kong lumipat.
Wala muna akong pinagsabihan sa mga kaibigan ko pero nagsimula na akong magtake ng entrance exams sa mga school na mas malapit sa bahay namin.
Ganoon din ang mga pinsan ko.
Package deal kasi kaming apat.
Hanggang sa isang araw at kinailangan kong umabsent sa klase para sa entrance exam.
"Sige, dito ka muna ha. May isang oras ka para sagutan ang questionnaires." Sabi ng Guidance Counselor nila doon.
Pagpasok ko sa classroom ay ganoon na lang ang pagkagulat ko ng nandoon rin si Jericho.
"Oy." Tango nito sa akin.
"Ui." Simpleng sagot ko rin at napatingin pa sa amin ang Guidance Counselor.
"Magkakilala pala kayo?" Tanong nito at natawa pa.
"Classmate ko po siya." Sagot ko.
"O siya, hindi muna kayo magkakilala ha. Dito ka muna umupo, Camilla." Inilayo ako nito ng ilang upuan sa harapan at iniwan na kame para sumagot sa entrance exam.
Ilang minutong katahimikan at bigla siyang nagsalita.
"Una na ako, Cam. Ingat ka pauwi." Saad niya at nginitian ako.
"Sige. Ingat ka rin." Sinuklian ko siya ng ngiti at umalis na siya.
Nagtagal pa ako ng ilang minuto sa pagsasagot at bumalik na rin sa office para ibigay ang answer sheet at questionnaire ko.
"Sige po, Mommy and Daddy, i-email na lang po sa school nila ang resulta ng entrance exam." Nakangiting sambit ng Guidance Counselor sa amin at nagpaalam na rin kami nila Mama.
"Anak, andito rin pala si Jericho kanina. Ikaw ha!" Panunudyo pa sa akin ni Mama at namula na naman ako. "Naku, kapag lumabas ang resulta ng exams, wag mo muna sabihin sa kanya. Baka gawan ka ng issue sa school niyo."
"Beth, hindi naman siguro." Komento ni papa. "Halika na at magmerienda na tayo bago umuwi."
Dalawang linggo matapos ang entrance exam...
"Class, eto na mga results nyo sa entrance exams." Ani ni Teacher Roselle.
"Jericho..." tawag niya at tumayo naman ito at kinuha ang envelope sa kanya. "Nathalie..."
Kinakabahan ako sa resulta nito dahil isa lang ang ibig sabihin nito, lilipat na ako sa susunod na taon.
"Camilla... Nag-exam ka pala?" Komento ni Teacher Roselle at binigyan ko lang siya ng tipid na ngiti at bumalik sa upuan ko pagkakuha ng puting sobre.
Nagkatinginan kami ni Jericho nang recess time at isa lang ang naging tanong niya,
"Nakapasa ka?"
Naalala ko ang komento ni Mama na baka maging issue sa school ito kaya hindi ko sinagot ang tanong ni Jericho.
Nag-iwas ako ng tingin at nagkataong nagtatawanan sila Marthina. Inalis ko sa isip ko ang itsura ni Echo kanina.
Malungkot at nagtataka.
Siguro nga..
Hindi pa oras para intindihin ko ang nararamdaman ko..
Mga bata pa kami.
Dumating ang Graduation Day at kanya-kanyang picture ang lahat kasama ang mga kaibigan.
Masaya ang lahat.
Pero, andyan ang mga nag-iiyakang mga kaklase ko.
Yung iba kasi ay magmamigrate na sa ibang bansa. Yung iba ay magtatransfer na rin sa ibang paaralan.
Ilan na lang yata ang matitira.
"Halika, Cam! Picture tayo!" Paanyaya sa akin ni Noreen at ngumiti kami sa camera. Ganon din ang ginawa ko sa camera na hawak ni Mama. Nagpicture din kami.
Remembrance ba.
Ilalagay ko ito sa scrapbook ko.
Nakita namin si Noreen at hinatak namin eto at nagpakuha ng litrato sa camera naming dalawa.
Mamimiss ko sila.
Sila ang naging bestfriends ko simula sa unang taong lumipat ako.
"Cam..." boses iyon ni Jericho.
Tumingala ako at ngumiti. Lalo pa siyang tumangkad paglipas ng taon.
"Hello." Tipid na ngiti ko sa kanya.
"Picture tayo?" Tanong niya at ako ay tumango. "Ma, papicture kami."
"Naks naman ang anak ko! Binata na!" Pang-aasar pa ng Mama niya.
"Mama!" Pagrereklamo nito at natawa na lang ako. Agad niya akong hinawakan sa balikat at ang lakas ng dagundong ng puso ko.
Kahit kailan ay hindi kami ganito kadikit.
Kumpara sa Christmas Party, walang pagkakataong naging ganito kami kalapit.
"Okay, smile mga anak!" Sabi ni Tita.
Ngumiti kami pareho habang naka-akbay siya.
Nang matapos ay iniwan kami saglit ni Tita.
Humarap siya sa akin at ngumiti.
"Mamimiss kita, Cam."
"Ako rin, Echo." Sabi ko sa kanya. Ako rin.
End of Grade School Days
Proceed to the next chapter.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top