Christmas Party 🎁🎄
A/N: This chapter is dedicated to mamshie Wintermoonie . 💞 Love lots, mamsh!
🎁🎄
"Hello, good evening po, pwede po ba kay Cam?" Tanong ni Jericho kay Papa.
"Sandali ha." Narinig kong saad ni Papa mula sa baba.
Eto na naman siya.
Dalawang araw na lang at Christmas Party na namin.
Kinakabahan na ako.
Eto ba yung sinasabi nila sa mga pocketbook na paruparo sa tiyan? Yung hindi ka mapakali hanggat hindi mo naririnig ang boses niya at hindi siya nakikita?
Hay nako!
Kapag ako umamin sa kanya sa Friday, at pareho kami ng nararamdaman, hindi ba magboyfriend or girlfriend ang tawag na sa amin?
Hala!
Grade Three pa lang ako!
Hindi pwede to!
Hanggang crush lang ako dapat!
Magagalit si Mama!
Atsaka anong alam ko sa pag-bbf?
Hindi pwede to!
Hala!
"Caaam!" Sigaw sa akin ni Papa mula sa baba. "Phooone!"
"Opo! Saglit lang!" Sagot ko sabay sara ng binabasa kong The Unicorn Club pocketbook.
"Hello?" Agad kong sabi sa telepono.
"Hi, Cam!" Masayang tugon ni Echo. "Excited na ako magChristmas Party!"
Ano ang isasagot ko?
"Oo nga eh! Sino kaya nakabunot sa akin sa exchange gift?" Natatawa kong sambit.
"Nako, sinabi mo pa!" Pagsang-ayon sa akin ni Echo. "Yung usapan pala natin ha."
"Oo. Hindi ko nakakalimutan." Pilit kong ngiti sa likod ng telepono.
Napunta pa kami sa ibang mga usapan bago kami nagpaalam sa isa't isa.
Mabilis na lumipas ang araw at Christmas Party na namin.
Ang araw na kinatatakutan ko.
Hindi naman masyado kasi excited akong malaman kung sino ang nakabunot sa akin sa exchange gift.
Gusto ko ring makita ang magagandang suot ng mga kaklase namin at walang iniinting exams or quiz sa araw na iyon.
Andoon na rin ang katotohanang Christmas Break na kinabukasan.
Tatlong linggong walang pasok.
Pero ganoon na lang ang kaba ko ng magtama muli ang mga mata naming dalawa.
Nakapabilog ang mga upuan at nakasandal sa pader.
Katapat na katapat ko siya.
Ang hirap umiwas ng tingin. Mabuti na lang at andito sila Marthina at Noreen. Ang mga bestfriend ko.
May mga dala silang camera. Kaya maya't maya rin halos ang picture namin.
Hanggang may isang kumalabit sa akin habang nakikipagtawanan kay Noreen nang matapos akong kumain ng spaghetti at shanghai.
"Camilla." Paglingon ko ay si Nollie ang nasa harapan ko.
"Oh, bakit?" Tanong ko sa kanya dahil bihira kami magkausap nito.
"Pinapasabi ni Jericho na ikaw daw ang crush niya!" Natutuwang banggit niya na siyang nagpalaki ng mga mata ko.
"Caaam!" Kilig na kilig na sambit ni Noreen sa akin habang nakalagay ang dalawang kamay niya sa bibig niya.
"Waaah! Ano daw! Crush ka ni Jericho?" Dagdag pa ni Marthina na siyang nagpamula sa akin ng todo.
"Oo, sabi niya sabihin ko daw sayo. Sige. Babye!" Sabi ni Nollie sabay balik sa upuan niya.
Maya-maya ay may isang lumapit na naman sa akin habang nakaupo ako sa upuan ko na pinagigitnaan nila Marthina at Noreen.
"Cam! Crush ka raw ni Jericho! Sino daw crush mo?" Diretsong saad ni Arnel na kaibigan ni Jericho.
Umangat ang tingin ko sa kanya sabay iwas.
Sasabihin ko na ba?
Maniniwala na ba ako?
"Cam! Nagtatanong si Arnel. Sino daw?" Panunudyo ni Marthina sa akin na may pang-asar na ngiti.
"H-hindi ako naniniwala!" Bulalas ko sabay kuha ng camera ni Marthina at nag-abalang tingnan ang mga larawan namin.
"Walang sinabi, Echo!" Sigaw pa ni Arnel sa kanya.
Hanggang sa nagpalaro sa klase.
"Ayan, paper dance naman tayo! Yehey!" Sabi ni Teacher Lilian at nagpalakpakan naman ang mga kaklase naming mga sabik sa palaro.
Nagbanggit na siya ng mga magkakapareha hanggang sa tinawag niya ang pangalan ko.
"At ang huling maglalaro na magkapareha naman ay sila Camilla at Jericho! Yehey!" Sigaw ni Teacher Lilian at mas lumakas ang hiyawan at pang-aasar sa amin sa klase.
Gusto ko na lang lamunin ng lupa sa kahihiyan!
Huhu!
Bakit parang may alam na si Teacher?
"Dali na! Para makapagstart na tayo ng game!" Tawag niya sa amin.
Dahil no choice na ako ay nakisama na lang ako.
Tumayo ako sa aking upuan at lumapit sa gitna.
Ganon rin ang ginawa ni Jericho.
Dahan-dahan pa kami sa pagpunta sa gitna ng classroom.
"Ay sos, etong mga batang ito! Nagkakahiyaan pa!" Pagkomento ni Teacher at sa mga oras na iyon, lalo akong nahiya.
Nang magtapat na kami ni Echo, nagkatitigan pa kami saglit. Ngunit sabay ring nag-iwas ang mga mata.
Pinagpapawisan ako ng malamig.
Nagpatugtog na si Teacher at nagsasayawan na mga classmates naming kasali sa paper dance. Kami naman ni Echo ay nakatayo lang.
"Oy, sayaw kayo!" Pang-aasar pa samin ni Eric na katabi lang namin.
Ginalaw-galaw ni Jericho ang katawan niya at natawa ako sa ginawa niya. Ginaya ko sya at nagtatawanan na kaming dalawa.
Biglang huminto ang musika at agad kaming tumayo sa ibabaw ng diyaryong nakatupi sa kalahati.
Walang natanggal sa walong pares.
Tinupi uli sa gitna ang mga diyaryo at mas lumiit ang lugar na dapat kaming magkasya.
Muling nagpatugtog si Teacher Lilian at nagsayawan uli sila habang kami ni Jericho ay tila bumalik sa dati. Tahimik at mas kabado.
Puro kamay lang ang ginagalaw namin. Para kaming tuod.
Pero natatawa kaming dalawa. Hindi naman hilig ang sumayaw.
Alam niya yun.
Huminto muli ang musika at sa pagkakataong ito ay may nagtitilian na sa takot na matanggal sa laro.
Ipinatong ko ang kanang paa ko sa rubber shoes niya at hinawakan niya ako sa mga siko ko para maibalanse ko ang katawan ko habang chinecheck ni teacher ang bawat pares.
May natanggal ng dalawang pares at anim na lang kaming natitira.
Agad akong binitawan dahan-dahan ni Jericho at kumalas ako sa kanya.
Narinig ko ang mga pangalan naming sinisigaw ng mga kaibigan at kaklase namin.
Sa puntong ito, tinupi sa mas maliit ang diyaryong tinatapakan namin.
1/4 na lang ito. Imposibleng may manalo dahil isang paa na lang yata ang kakasya rito.
Nagpatugtog uli si Teacher at nagsimula kaming umikot sa labas ng diyaryo habang ang iba ay sumasayaw.
Huminto ang musika at agad nilagay ni Jericho ang paa niya sa diyaryo. Pinatong niya pa ang kaliwa niyang paa rito at hinawakan ang kamay ko.
Sa gulat ko sa ginawa niya, nagsalubong ang mga mata namin.
"Okay lang ako. Dali na. Lagay mo na mga paa mo sa ibabaw ng paa ko. Akong bahala sa atin." Nangingiting saad niya.
Para akong hinahatak ng mga tingin niya at ginawa ko ang sinabi niya.
Pero nawalan kami ng balanse at natanggal sa laro.
Bumalik kami sa kinauupuan namin.
"Nakakakilig kayo kanina ha!" Komento ni Marthina. "Yiee! Magboyfriend na ba kayo niyan?"
"Hala! Hoy! Hindi ah! Naglaro lang kami doon! Magkaibigan lang kami." Pagdedepensa ko sa sarili ko.
"Hay.. Sa akin kaya, may magcoconfess din?" Buntung-hininga ni Noreen sa tabi ko.
Napailing na lang ako sa kanila at sinandal ang likod ko sa backrest.
Hindi ko inakalang nakatingin na pala sa akin si Jericho ng oras na iyon.
Nag-iwas ako ng tingin at napabuntong hininga na rin.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Ano na kaming dalawa?
Magbestfriend pa rin kami ni Echo, tama?
Mutual Understanding?
Pero hindi ako umamin kanina?
Ang gulooo!
Aargh!
Proceed to the next chapter
🦋😊
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top