BM3: Scammed
MIKAELA
“Mika, anak gising na,kanina pa ingay ng ingay ang cellphone mo.”
Weekend naman ah, sino ba ang tumatawag sa ganitong oras?
Tumalikod ako kay mother at nagtago sa ilalim ng kumot. Magsasalita sana ako ng bigla na lang niyang binasa ang caller ID, napahinga ako ng malalim sabay isip kung ano na namang sermon ang makukuha ko.
“Panot ang ngalan niya, sino ba ito at ito ang inilagay mong pangalan?”
Agad akong napaupo ng pumasok sa utak ko ang sinabi niya kahapon, bakit ko nakalimutan yon. Dalidali akong tumayo sabay kuha sa cellphone kay mother, napakagat ako sa labi ko ng makita ang oras kasabay ang pagsagot ko ng tawag ni Sir Mark.
“Magandang umaga sayo!” Masayang sigaw niya sa kabilang linya kaya ganun na lang ang pagkahinga ko ng maluwag, akala ko sisigawan ako nito dahil late ako sa usapan.
Tiningnan ko si mother na nakatingin sa akin habang nakapamewang sa harapan ko, ngumiti lang ako at umalis na sa harapan niya. Kailangan ko ayusin ang susuotin ko. Nakapili naman ako ng mga damit pero hindi ko pa rin napili kung ano ang mas magandang iharap sa taong haharapin ko, formal ba siya o casual lang.
“Goodmorning rin Sir Mark,” may kaunting pag-aalinlangan ang boses ko na bumati, kinakabahan pa rin na masyado siyang chill ngayon habang kinakusap ako. Sino ba hindi kakabahan kung ang nakasanayan kong tono niya kapag kausap ako ay pasigaw, kahit anong oras pa yan ay pasigaw talaga ang tono niya.
“Haha, good nga ang morning mo,” ang plain ng tawa niya, napalunok ako ng wala sa oras. “Eh ako, kailan mo planong gawing good ang morning ko?” sabi ko na ba may mali sa tono niya, siguro nag titimpi lang siya sa akin dahil ako ang susi niya sa kayamanan niya.
“Ngayong araw po Sir Mark.” Napakamot ako sa ulo ko habang nakatingin sa salamin dito sa banyo, napangiwi ako ng makita ang mukha ko na hindi maipinta. Agad kong kinuha ang toothbrush ko at isinubo ito, kailangan ko na talaga mag handa.
“Siguraduhin mong magiging good.”
Naibulsa ko na lang ang cellphone ko habang nagsisipilyo, pinatayan lang naman ako ng tawag. Bakit kailangan pa niya tumawag eh hindi ko naman itatakbo ang pera na makukuha ko noh, kung may pera nga akong matatanggap.
“Nanay!” tawag ko ng matapos akong maghilamos, nasa harapan ako ngayon ng higaan ko na ngayon ay magulo dahil doon ko nilagay ang mga pagpipilian kong damit.
Bumukas naman ang pinto at doon pumasok si mother. “Ano kailangan mo anak?” Lumapit siya sa tabi ko kaya itinuro ko ang mga damit ko sa higaan, dalawa lang naman ang pagpipilian pero hindi ako maka-decide.
“Ang gulo ng higaan mo anak, magtupi ka kaya.” Umupo siya sa paanan ng higaan at nagsimulang mag tupi, napakamot lang ako sa ulo ko sa ginagawa niya.
Kaunting kalat lang, aayusin agad.
“Mamaya na yan Nay.” kinuha ko ang dalawang damit at itinapat sa katawan ko, “ano ang mas magandang isuot ko dito sa dalawa?” sa kanan ko ay white blouse with black trousers at sa kaliwa ko naman ay isang brown striped sweater at white jeans.
Kung sa mall lang ang punta ko ay pipiliin ko ang nasa kaliwa, pero hindi dahil kompanya ata ang pupuntahan ko eh. Branch ata ng sinasabing Plastiksurg Company, ayaw ko pumunta pero ayaw ko rin naman ma-disappoint si Sir Mark.
Baka ikalat pa na hindi ako mabuting empleyado at maging dahilan na walang tatanggap sa akin, sa dami niyang connection magagawa niya talaga ang iniisip ko lalo na at mga bigatin ang circle of friends niya.
“Saan naman punta mo anak, kailangan pa ba ng opinion ko?” tumango ako sa sagot niya, kailangan talaga dahil alam niya kung anong susuotin para good impression ako sa isang Koreano. Alam ko na koreano ang mahaharap ko mamaya kasi sino pa ba ang rason kung bakit ako makakapunta ng Korea?
“Oh, nga pala Nay.” Umupo ako sa tabi niya at hinarap siya, kailangan ko pala sabihin kung ano opinion niya sa offer na ito. Sinabi ko lahat ang nangyari kahapon tungkol sa offer sa akin, pumayag naman siya basta siguraduhin ko lang daw na hindi scam ang tatanggap sa akin.
NANDITO na ako sa harapan ng isang kahinahinalang building, hindi naman siya bongga gaya ng iniisip ko kaya naghihinala na ako kung totoo ba ang offer nila. Kung iisipin sayang ang suot ko ngayon, white blouse with black trousers pa naman ang napili ni mother kasi akala namin bonggahan.
May ari ba naman ng beauty company ang haharapin ko kaya paanong hindi namin maiisip na dapat formal, lumapit ako sa glassdoor na halos punit-punit na poster ang makikita mo. Mukhang siyang iniwan ng may-ari, sumilip ako sa loob at napakunot na lang ang noo ko dahil sa pagkalito.
Hindi mo masasabing isang office ang loob nito, nag sikalat ang mga papeles na parang may hinahanap bago umalis. Hinila ko ang pinto para buksan na agad namang nabuksan na parang bago lang nilisan, iniwan na nakabukas ang office.
Pumasok ako sa loob at tama nga na bago lang iniwan ang lugar na ito, fresh pa ang usok ng sigarilyo. Nakabukas halos lahat ng mga drawer ng cabinets at tables, ano naman ang ginawa ng may-ari nito?
Lumapit ako sa isang pinto na feeling ko ang head office. Hindi ko alam kung bakit pa ako pumasok kung alam ko naman na parang ninakawan ang office na ito, tama ba ang napasukan ko? Tiningnan ko ang text na natanggap ko galing kay Sir Mark.
Tama naman ang sinabi ko kay manong driver, hindi rin naman mukhang nawawala si manong driver dahil walang tanong niyang pinuntahan ang lokasyon. Napalingon ako sa pintuan ng may biglang bumukas nito, hindi ko alam pero nagtago ako sa likod ng pintuan nitong kwarto.
Napapikit ako sa ginagawa ko. Wala naman akong kasalanan, kung makatago naman parang ako pa ang nagkalat ng mga papeles dito. Mag pakita na lang ako para masabi na hindi ako ang may gawa nitong gulo sa office, pero ano naman sasabihin ko kung magtanong siya?
Bahala na nga, at least nagpakatotoo ako bago pa nila ako akusahan na trespassing. Trespassing nga ba ang ginawa ko? Eh may i-meet lang naman akong tao dito eh, may proof pa nga ako na dito yung meet up namin. Proof na hindi trespassing ito.
Itutulak ko na ang pinto matapos ang pag-dadalawang isip, nangangalay na ang mga paa ko dito. Slowly, hinawakan ko ang doorknob. Huminga ako ng malalim at ipinikit ang mata ko, hinahanda ang sarili na itulak ito at magpakita sakanila.
Kaya mo to self, innocent ka naman.
Itutulak ko na ang pintuan ng magsalita ang isa sa mga pumasok, napatigil ako sa narinig. Alam ko na marami sila dahil sa dami ng mga yapak nila, ilang beses rin nabuksan ang pintuan.
“Mukhang ngang pinasukan ito, galing mo naman.”
Huh?
“Ako pa, malaki ang matatanggap natin dito kaya ginalingan ko na.”
HUH?
“Sa tingin mo nakarating na siya?”
Napatakip ako sa bibig ko ng maintindihan ko na kung ano ang pinagsasabi nila, mariin akong napapikit habang pilit na hindi gumawa ng ingay. Napahigpit ang hawak ko sa doorknob ng marinig ko ang kanilang paglapit, pinipilit kong huwag igalaw ang pinto kasabay ng pagpigil kong hindi manginig.
Ang lapit na nila sa pinagtataguan kong pwesto kaya ganu'n na lang ang pagbilis ng takbo ng puso ko, takbo dahil feel ko lalabas na siya. Napakagat na ako sa dila ko ng makita ko ang likod ng isang maliit na lalaki, nakapasok na siya dito sa office at anytime ay makikita niya ako kapag lalabas siya.
Shit! Shit! Shit!
Pinagpapawisan na ako ng malamig, pati kamay ko namamawis na. Anytime pwede kong mabitawan ang pinto dahil sa malagkit kong palad, nakakadiri sa pakiramdam. Sensitive pa naman ako sa textures.
“Hello?” Pabiro nitong tanong sa kawalan habang naglilibot sa mga table, parang tinitingnan kung may nausog ba sa planned niyang pagkalat ng mga gamit.
“Late ata si miss, tawagan mo kaya si Mark.” Nahigit ko ang hininga ko ng maramdaman ko ang pinto na umusog papalapit sa akin, naiipit na ako dito pero pinigilan kong itulak dahil sumandal ang kasama nito.
“Takutin mo, kailangan makapunta na dito ang babae kung ayaw niyang masira ang restaurant niya.” Napakunot ang noo ko habang iniinda ang naiipit kong paa, napatingala ako ng mas bumigat ang pagkakasandal ng lalaki sa pinto.
Gusto ko ng itulak ang pinto para mauntog sila sa cabinet pero hindi ko magawa dahil nakita ko ang isang patalim sa back pocket ng naka white shirt. Wala akong laban sa kanya na may kasama, may possiblity na may patalim rin na dala ang kasama niya.
“Hello, Mark. Where's your employee, boss is getting impatient. Tell her to make it fast.”
Narinig ko na lang ang pagtawa nila matapos nilang patayin ang tawag, napadoble na ang panginginig ng binti ko ng maramdaman ko ang pre-vibration ng cellphone ko. Pahiwatig na may tumatawag, ilang segundo pa ay umalingawngaw ang tunog ng ringing tone ko.
I'm dead.
Patay.
Literal na patay.
Hindi ko nga alam kung ano pakay ng mga ito, totoo ba na kasama ng CEO na yun ang dalawang ito?
~~
“He-he-he,” awkward kong tawa ng bigla nilang buksan ang pinto, napatayo ako ng maayos ng tingnan nila ako mula ulo hanggang paa. Napalunok ako ng makitang ang laki ng pangangatawan ng ikalawang lalaki na kasama nung maliit, feel ko isang suntok mula sa kanya knockout na ako.
“Chicks pala to eh,” masayang saad ng maliit na lalaki na may padila-dila pa sa labi niya, napalingon ako sa malaking lalaki ng isinara niya ang pinto at ni-lock.
“Hi-hindi niyo ba ako dadalhin sa boss niyo?” Nauutal na akong nagsalita ng ibulsa niya ang susi, napalayo ako sa kinatatayuan ko ng lumapit sila. Nagtinginan ang dalawa na parang gumagawa ng plano, na ilibot ko na ang tingin ko sa loob ng office para matingnan kung may matakasan ba ako.
While they communicate with thier eyes, I'm here planning my next move. Kailangan kong tumakas, sa mga mukha nila ay alam kong kapahamakan ang makukuha ko.
“We are our own boss.”
Biglang sabi ng maliit na agad kong ikinabalik sa kanila ang tingin na parang hindi ako naghahanap ng tatakbuhan, kailangan nilang isipin na wala akong magawa dahil kung alam nila na may plano na ako alam ko na hindi sila magdadalawang isip na gamitin ang mga patalim nila.
“plastiksurg.com HAHAHAHAHA”
“Pinaniwalaan naman ng mukhang pera na 'yun, ang legit pa naman ng pagkakagawa ko ng contract.”
“Pansin mo nga diba, unang bigay pa lang ng papeles sa pinakababa agad ang punta ng mata niya.”
Mga scammer pala ito eh. So lahat ng nasa contract na 'yun ay lahat kasinungalingan? Eh kung sipain ko ang mga precious balls nila, makatawa pa ba sila na parang walang bukas?
Napailing na lang ako sa isip ko, kung gagawin ko man 'yun ay pinadali ko ang katapusan ko. Mas mabuting tumakas na lang ako kaysa pairalin ang pagkainis ko.
Gamit ang mga knowledge ko sa mga ganitong cases ay medyo hindi ako kinakabahan, medyo lang dahil hindi ako sure kung magawa ko ba talaga ang mga pinagagawa ng mga main characters sa action movies na iyon.
May nakita akong maliit na bintana, sinuswerte ba naman ako at bukas iyon. Kailangan ko lang ma-tyempohan kung kailan ako makakatakbo doon ng mabilis, yung walang makahawak sa akin.
Sa likod ito ng office table na kung saan ay nasa kaliwa ko lang ito, hindi ko naman pwedeng takbuhin ito agad dahil malapit doon ang pwesto ng maliit na lalaki. Sa pangangatawan niya, alam ko na mabilis itong tumakbo.
Kailangan ko muna silang i-distract para makalapit ako sa office table.
“Anong kailangan niyo, pera ba?”
Sinimulan ko na silang tanongin, kahit anong tanong basta ma-distract sila. Nagtinginan naman silang dalawa na parang nahihibang ako, humakbang ako ng maliit papunta sa kaliwa. Maliit pero hindi halata, sana nga.
“Pagkain?”
Humakbang ako ulit. Kumunot na ang noo ng dalawa sa sinabi ko, hindi nila pansin ang pasimple kong paglakad dahil nagtatanungan na sila gamit ang mata nila.
“Kotse?”
Napakapit ako sa office table ng marating ko ito, napatignin ako sa bintana ng maramdaman ko ang hangin doon. Kaunti na lang, makakalabas na ako.
“BWAHAHAHAHAHAHA...”
Napalingon ako sa gawi nila ng tawang-tawa sila sa tanong ko, nakakatawa ba 'yun? Ilang segundo akong nakatingin sa kanila ng marealize na change ko na ito, busy sila sa katatawa na ngayon ay nasa sahig na sila.
“Mukha ba tayong gutom? WHAHAHAHA...”
“Kotse daw, HAHAHAHA...”
Sige, tumawa lang kayo.
Agad akong tumalikod at tinakbo ang distansya ko sa bintana, dumungaw ako at napangiti ng hindi ito gaano ka taas. Akala ko mababalian pa ako bago ako makapunta sa ligtas na lugar, ganun naman ang mga nangyayari sa mga main characters.
Binuksan ko na ng malaki ang binata na at inilabas ang kanang paa ko, sakto ang laki ng binata para sa akin. Ako lang ata makakalusot dito sa liit niya, sakto para hindi ako mahabol ng dalawang iyon.
“Miss, hindi namin kailangan ang mga bagay na iyon.”
Napalingon ako sa gawi nila ng mapagod na sila sa katatawa, nakahiga pa rin sila sa sahig na parang nag-papahinga. Agad akong gumalaw ng tumayo ang maliit, nasa labas na ako ngayon kaya napangiti ako.
“Ikaw lang sapat na– HOY!”
Isinara ko ang bintana ng tumakbo siya papalapit sa akin, kinabahan ako doon. Akala ko makukuha na niya ako, kinidnatan ko siya at tumalikod na. Naglakad ako papunta sa kalsada para pumara ng taxi, ganito lang pala kadaling tumakas sa mga tangang scammer.
I mean hindi ko naman sinabing madali ang pagtakas ng mga sitwasyon na ganun, hirap na hirap na nga yung mga tao na pinanuod ko kaya alam kong mahirap. Sadyang marami akong napanuod na hostage na nakatakas sa kidnapping, sa sitwasyon na ito wala naman akong prince charming kaya kailangan kong kumilos sa sariling sikap.
Isa pa, tanga talaga yung dalawang iyon.
Nakapara na ako ng taxi kaya umuwi na ako, akala ko maabutan ako ng dalawa pero ilang minuto na pero walang dumating sa kanila. Kinuha ko na lang ang cellphone ko at nag-text kay Sir Mark na kasinungalingan lang ang natanggap niyang offer, hindi naman iyon magagalit sa akin.
Kung magalit man siya edi magalit siya, kasalanan ko ba na uto-uto siya at tinanggap ang pekeng contact, matagal ko ng alam na mukha siyangng pera pero hindi ko inaasahan na ganun siya kadaling malinlang.
“Oh, anyare sa contract?”
Napasandal ko sa sofa sabay pikit sa pagod, sinong hindi mapapagod kung buong biyahe pauwi ay iniisip ko ang advance salary payment sa akin. I'm sure babawiin niya ito sa akin, isang buwang pera 'yun na salary ko. Napa-advance payday ako dahil sa good mood siya, paano na sa monday.
“Scam.”
“Sabi na nga ba, buti naka-alis ka.” Umupo siya sa tabi ko at tinapik ang hita ko, nakapikit pa rin ako habang tahimik siyang nakatingin sa akin. Ramdam ko yung titig niya kaya hindi ko kayang buksan ang mga mata ko, naramdaman ko na lang ang sarili ko na lumuluha.
“You're safe anak.”
Napaiyak ako ng malakas nang haplusin niya ang mukha ko, yumakap ako sa kanya at nanginginig na nagsumbong.
“Nay, hindi pala maganda na ma-hostage.”
Hindi talaga maganda sa piling, dati nananalangin pa ako na ma-hostage ako dahil ang cool tingan. Lalo na kapag darating ang to the rescue na tall and handsome, gusto ko may mag save rin sa akin.
“Aray!” napasigaw ako sa sakit ng kurutin niya ang ilalim ng kili-kili ko, nakasimangot akong nakatingin sa kanya na ngayon ay hindi na maipinta ang mukha niya sa reaction niya na parang hindi normal ang sinasabi ko.
HAHAHA, hindi naman talaga normal.
“Sinong may sabi na maganda ma-hostage ha? At anong hostage ka dyan?” taas kilay niya akong tinanong, napakamot na lang ako sa ulo ko at napapunas ng mukha.
“Hostage? Ako, ni-corner ng dalwang lalaki, ano ba ang hostage?” narinig ko na lang ang tunog ng pagsampal niya sa kanyang noo, napakurap ako ng ilang beses habang nakatingin sa kanya na hindi pa rin nilalayo ang palad niya sa noo niya.
Bakit niya sinampal ang noo niya?
“Mikaela Villanueva,” mabagal at nagbabanta niyang saad na ikinalunok ko sa kaba. “Are you even my daughter?” Napakagat ako sa loob ng bibig ko ng bigla siyang tumingin sa mata ko, napakuha ako ng throw pillow sa tabi ko at agad na ihinarang sa mukha ko.
“Eh, ano pala ang nangyari sa akin kung hindi hostage?”
“Ewan ko rin, matulog na nga lang tayo.”
Napanganga ako ng iwan niya lang ako sa sala na parang hindi anak na kailangan ng comfort, umiyak na ako eh, natigil lang dahil sa sinabi ko. Hindi ba talaga hostage ang nangyari sa akin? Eh ano ang nangyari ba sa akin?
Pumasok na ako sa kwarto ko at deretsong napahiga dahil sa pagod, mamaya na lang ako mag palit. Huminga ako ng malalim habang nakatitig sa kisame, kailan kaya magiging maaliwalas ang mukha ng kisame at dingding namin?
Sa tagal na ng panahon na paninirahan namin dito ni mother, kailan man ay hindi na napalitan ang flowery wallpaper na ito. Buong bahay na ito ay flowery ang wallpaper, maliban lang sa banyo na walang ka-kulay-kulay.
“Wag mag alala, mapapalitan rin ito, kapag makahanap na ako ng trabaho after graduation.” Umupo ako at nag hilamos na para makatulog na ako, ang dami kong gagawin bukas kaya kailangan maaga ang gising. Sabi nga nila, early birds gets food.
Pumikit na ako ng mahanap ko na ang magandang pwesto ng katawan ko, akala ko hanggang umaga ang sarap ng tulog ko. Ngising na lang ako sa isang sigaw sabay sunod-sunod na kalabog sa pintuan ko...
“Anak!”
“Anak, buksan mo ang pinto!”
••დ••
A/N:
Last week pa sana ko ito i-publish pero nagkulang ako ng oras kaya ito.
I promised every sunday night ako mag publish pero dahil nga ito ang nangyayari, naisipan kong sunday night pa rin pero extended siya either monday morning or night.
Kapag busy talaga ako, I'll still update pero baka every other sunday or monday.
Humahaba na ito kaya kita na lang tayo sa susunod na updated. Enjoy reading and have a happy weekday♥️
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top