Bus 2156 [1]
Bus 2156
Written by: XenontheReaper
- - -
"Malayo pa ba Ma?" Panay sa pagtanong si Kaizer na nakatangila sa 'kin habang tinatahak ng bus ang paliko-likong daan. "Excited na akong makita si Papa."
"Ako rin naman anak." Sagot ko sa kaniya at ginawaran ito ng halik sa noo.
Ibinaba niya ang kaniyang tingin at mas tinuon ang sarili sa daan. Inayos ko na rin ang pagkakandong sa kaniya't umayos sa pag-upo sabay sandal sa inuupuan.
Malalim na ang gabi. Madilim na kakahuyan ang nadadaraanan namin, ni isang street lights ay wala akong naaaninagan. Tanging ilaw ng sinasakyang bus namin ang nagsisilbing tanglaw para sa lahat. Tulog na rin ang lahat, batid kong ako na lamang at ng anak ko ang gising sa oras na ito.
Medyo marami-rami pa rin ang pasahero, ngunit do'n sila nagsama-sama sa harapan kaya kap'wa nag-iisa lamang kami ng anak ko sa pinakalikurang bahagi.
Sa kalagitnaan ng pagbabiyahe'y pinukaw ang lahat ng pasahero ng isang malakas na ubo. Ubong nakakadiri sapagkat may halong kung anong laman ito.
Hinanap ko ito, kung kanino nagmula. Palinga-linga ako't hinanap ito. Isang malutong na ubo muli ang umalingawngaw sa buong bus. Nakakapangilabot dahil sa mas lumakas ito't parang may nasama ulit na laman.
Do'n ko na ito nahanap, ito pala'y nagmumula sa drayber ng bus. Ang kaliwang kamay niya'y nakahawak sa manibela samantalang ang kabila nama'y nakatakip sa sariling bibig.
Nakakaawa panoorin si Manong na kumakayod pa kahit na nagkakasakit na. Ang gaya niyang mister ay nararapat lang na makatanggap ng parangal.
Ngunit hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari.
Isang ubo pa'y masaganang dugo ang lumabas mula sa kamay nitong nakatakip. Halos masuka ako sa 'king nakita. Hindi lang kasi normal na dugo ito dahil sa may halong berdeng plema na medyo nagiging brown na.
Kahit nasa pinakalikurang parte ako'y kitang-kita ko ang walang humpay niyang pag-ubo. Walang tigil at patuloy sa pagluwa ng dugo't plema.
Nakakabahalang makita si Manong, nakakapag-alalang makita siyang walang humpay sa pag-ubo at nawawalan na ng pukos sa pagmamaneho.
Balak ko sana siyang lapitan pero 'di ko magawa. Nakakandong kasi ang anak ko at ayoko rin siyang galawin at iwan. Baka magising ito't magwala na naman.
Mas pinili kong magbingi-bingihan na lang at nagbulag-bulagan kahit na labag sa 'king kalooban.
Sinubukan kong umidlip pero 'di ko magawa. Bigla kasing tumigil sa pag-ubo si Manong at dama kong parang gumigewang ang takbo ng sasakyan.
"Manong?!" Kinakabahan kong tanonh sa kaniya. "Manong anong nangyayari?!" Sigaw ko sa kaniya't gumising naman sa mga kasama kong pasahero at kay Kaizer.
At namalayan ko na lang na wala nang kontrol si Manong sa bus.
Nagsimula na ring magkagulo ang lahat. Sigawan, iyakan, at panalangin ang umaalingawngaw sa loob ng bus. Mas lalong nakakatakot at nakakapangilabot na makita silang nagkagano'n.
"Manong!" Isang sigaw ang nangibabaw mula sa dulo.
Habang yakap-yakap ang anak kong takot na takot ay nakita ko kung paano nila sinaklolohan ang drayber na nakahiga na sa sahig at walang humpay sa panginginig at pagluwa ng dugo. Mayroon ding nagmamaneho at sinusubukang kontrolin ang takbo ng bus.
Pero sadyang mapaglaro ang tadhana.
"Kumapit kayo!"
Lumiko ang bus at 'di inaasahang dumiretso ito sa bangin.
"Mama!" Takot na takot si Kaizer at wala sa sariling napakapit sa 'kin.
Dama ko ang panginginig niya't panlalamig. Ipinulupot ko ang aking kkanang braso sa kaniya't ang malaya nama'y kumapit sa bakal sa bubong ng bus para kumuha ng suporta.
D'yos ko po! Anong nangyayari rito?!
Sigawan ng mga kasama kong pasahero ang umaalingawngaw sa loob ng bus. Ang ilan ay nababaliw na sa kakahampas ng bintana para buksan ito. Pero hindi nila magawa. Ang lock ng bintana'y mistulang nanigas at hinding-hindi talaga mabubuksan.
Isang malakas na kalabog at pagyanig sa buong bus, ang takbo nito'y nagsimulang bumilis, palatandaang nahulog na kami.
Napapansin ko ang pag-unti-unting pag-crack ng bintana sa 'king tabi dala ng ilang sanga ng kahoy sa labas na nahahampas.
Hanggang sa isang pag-alog pa ng bus ay nabasag ang bintana. Yumuko ako't binalot ang aking anak para hindi matamaan. Ilang bubog ang naramdaman kong bumaon sa 'king braso pero ininda ko ito at binalewala.
"Aray!"
"Tulong!"
"Jusko po!"
Mas lalong bumilis pa ang takbo ng bus at natatangay na rin kami, paggewang-gewang at paliko-liko ang takbo nito kaya nahihila ang bawat pasahero kung saan-saan.
Mahirap lalo na't yakap-yakap ko ang aking anak at kumakapit pa ako, pero mas mahirap dahil sa nadadaganan ako't nasasagi ng ilang pasahero. Pero kailangan ko itong tiisin, kailangan kong indain ang lahat kahit na nagdurugo na ang noo ko sa pagkauntog. Alang-alang kay Kaizer, titiisin ko.
"Mama!"
"Ssssh Kaizer, h'wag kang matakot nandito lang si Mama."
Panginoon, p-patawad sa mga nagawa ko. Kung mamamatay man ako ngayon, okay lang basta't masasalba lang ang anak ko.
Mas hinigpitan ko pa ang pagkapit at kumuha ng lakas mula sa 'king anak. Nangangawit at sobrang sakit na ng braso ko pero kung bibitaw ako ay matatangay kami sa agos sa loob ng bus at mabubunggo kung
"Kumapit kayo laha---"
"Aray!" Napasigaw ako't napamura nang mauntog muli ang ulo ko sa harapang upuan.
Damang-dama kong mas dumarami't nanghahapdi na ang noo ko dala ng sugat.
Isang nakakabing tili ang kalakip ng naputol na sigaw ng lalake kanina. Kasaba'y ng pagkaputol ng salita no'ng lalake ay bumunggo ang bus sa kung anong matigas na bagay. Pero ang kinatilian ng lahat ay ang biglang paglusot ng sanga ng kahoy na bumaon sa dibdib ng lalake't tumagos.
"Sssh. Kaizer okay lang ang lahat." Yinakap ko siya't inilalayo sa nakakasukang tanawin o sinapit no'ng lalake.
Iginala ko ang aking paningin at inobserbahan ang nangyari.
Gulong-gulo ang lahat, duguan ilang pasahero't umiiyak sa sakit na nadarama. May ilang nabalian rin at nadaganan ng kung anong mabigat na bagay. Basag na rin halos lahat ng bintana at ang mga bubog nito'y nakikita ko ang ilan sa sahig at ilan ay nakabaon sa mga balat ng pasahero, pati na rin sa akin.
Dahan-dahan kong binitawan si Kaizer at tinuon ang aking pansin sa bubog na nakabaon sa 'king braso.
"Shit! Shit! Shit!" Napapamura ako sa t'wing binubunot ko ang bubog sa 'king braso. Napakalalim pala ng pagkbaon nito't napakahapdi talaga kapag nahihiwalay na sa 'king braso, may kung ano pang sumasama na laman at walang tigil naman sa pag-agos ang dugo.
"Lu-lumabas kay-kayo! Umuusok ang bus, b-baka sumabog!" Narinig kong sigaw ng isang babae na pumukaw sa pansin ng lahat.
Kaniya-kaniya ang mga pasahero sa pagtayo't gumapang patungo sa bintana't pintuan. Ang iilan nama'y umiiyak at humihingi ng tulong para ialis sila, nabalian kasi ito't may kung anong malalaking sugat.
Hindi ko na sila pinansin pa't mas piniling magbingi-bingihan.
Uunahin ko muna ang anak ko.
Ngunit, akma ko na sanang aakayin si Kaizer nang mapansing may nawawala. Parang nakipaghabulan ako sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
"Ale!" Napatingin ako sa babaeng nakadungaw sa pintuan mula sa labas. Bakas ang takot sa mukha niya. "Bilisan n'yo po! Umaapoy na ang bus!" At agad itong umalis at nalusaw sa 'king paningin.
Ang kaninang tibok ay mas lalo pang lumakas at dumoble. Mula sa kinauupuan namin ni Kaizer ay naamoy ko ang amoy ng gasolina at usok.
"Kaizer anak, makinig ka kay Mama." Pinaharap ko siya't tinitigan sa mata. Alam kong nakikita niyang may luhang tumutulo sa 'kin at siguradong magtatanong ito kung bakit ako umiiyak. "Nakita mo 'yong si Ate sa labas diba?" Isang tango ang isinagot niya. "Puntahan mo si Ate at ibigay mo ito sa kaniya, sabihin mo pupuntahan mo si Papa mo." Napahagulhol ako't mas bumuhos ang luhang kanina ko pinipigilang h'wag umagos. "Sige na dali!"
Unti-unting nahihirapan akong huminga at may kung anong sakit akong nadarama.
Walang kaalam-alam ang bata. Sa murang edad nito'y isang malaking bangungot at palaisipan ang lahat. Ibinaba ko siya't isang halik sa noo ang ginawad sa kaniya.
Naalarma ako bigla nang makitang mas kumapal ang usok mula kung saan---palatandaang may apoy na nga.
"Dalian mo na Anak, be a good boy. Puntahan mo si Ate baka umalis na 'yon bilis." At itinulak ko siya papalayo.
Wala akong magawa kung hindi ang sundan siya ng tingin papalabas ng bus. Nakahinga na ako ng maluwag nang malamang ligtas na siya.
Isang hudyat ang paglabas ng anak ko sa pag-atake ng aking karamdaman. Nakakatawang ito rin pala ang papatay sa 'kin.
Unti-unting nanigas ang binti ko't hindi ko na magawang igalaw. Wala akong naramdaman kahit na ano mula sa 'king binti kahit na sugatan ko pa ito, daig ko pa ang naputulan ng binti sa 'king sitwasyon.
At nawawala ang gamot ko, a syringe na naglalaman ng gamot ko para makakilos. Hindi ko alam pero parang nawala ko ito dahil sa kaguluhan kanina. Nasa loob lang kasi ito ng bag ko at ngayo'y hindi ko na mahagilap ang aking bag.
Kung ipapahanap ko naman ito kay Kaizer ay siguradong madadamay siya, siguradong 'di kami aabot sa oras at dalawa kaming maiiwan dito.
Sa huling pagkakataon nagdasal ako ng taimtim, dasal na hindi ko pa nagawa noon pa, dasal na kailanman 'di ko inaakalang magagawa ko.
"Amen---"
"M-ma?"
"Kaizer lumabas ka---"
At isang pagsabog ang dumagundong at biglang binalot kami ng apoy.
...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top