Chapter 8: Lifeless

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Bumungad sa akin ang isang pamilyar na silid. Agad akong napatayo no'ng mapagtanto ko kung nasaan ako ngayon. Nasa kuwarto na ako ngayon. Iyong kwartong ginagamit ko sa pamamahay nila Lycon!

"Ouch!" Napadaing ako dahil sa sakit na naramdaman ko ngayon sa tagiliran ko. I slowly raised my shirt and was shocked when I saw the bruise on it! Damn it! Napasama talaga ang bagsak ko! Napabuntonghininga na lamang ako at wala sa sarling napahawak sa may ulo ko. Napangiwi ako. May benda ito.

Ano bang nangyari? Bakit nandito na ako?

I froze when I remember everything. The moon. The darkness. The water particle. The Sigma! Shit! Anong nangyari sa misyon namin? Anong nangyari sa naging laban namin? Anong nangyari sa water particle at sa mga residente ng Persidal Village?

Mabilis akong napatingin sa may bintana ng silid. Maliwanag. Ibig sabihin ay tapos na ang full moon. Umaga na!

Bigla akong kinabahan. Did someone die last night? Nabigo ba kami sa misyon namin sa lugar na ito? Damn it! I need to know!

Tatayo na sana ako ngunit agad akong natigilan at napamura na lamang ako sa isipan dahil sa sobrang sakit ng katawan ko. Plus, the fact na nahihilo po ako ngayon, mukhang kakailangan kong ipahinga ang sarili! Oh great! Saan naman kaya tumama ang ulo ko? Wala ba silang healer dito sa village na ito? I badly need someone to heal my injuries!

Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at inilapat ang kanang kamay sa tagiliran ko. I need to heal this one. Kailangan kong makagalaw nang maayos. I need to know what happened last night! Wala na akong ibang pagpipilian pa kung hindi gamitin mismo ang special ability ko.

Hindi na ako nagdalawang-isip pa at ginamit na ang sariling kapangyarihan. Ngunit agad akong nanghina dahil sa paggamit ng healing ability ko. Mas naramdaman ko ang panghihina dahil sa ginawa ko. I don't have enough attribute right now. I think I almost drained myself last night at hindi pa bumabalik ito! I need to rest my body! I need it but hell, I need to get out of this room!

Bahagya kong iginalaw ang katawan ko. Kumpara kanina ay mas okay na iyong sakit sa may tigiliran ko. Thanks to my own healing ability pero hindi pa ito sapat. I must take some rest later para naman mapagaling ko ang sarili ko nang maayos.

Ininda ko ang nararamdamang pagkahilo at lumabas na sa kuwartong kinaroronan. Nagpalinga-linga ako at noong hindi ko nakita si Grayson sa paligid, napagdesisyunan ko nang lumabas sa bahay nila Lycon.

Tahimik akong naglakad at noong makarating ako sa sentro ng village, natigilan ako. Pinagmasdan ko ang kumpulan ng mga villagers at noong dumako ang paningin ko sa may unahan, napaawang na lamang ang mga labi ko.

Three men were being captured at nasa loob sila ng isang wind barrier. It's a high-level force field. Nakakulong sila ngayon at hindi man lang makagalaw doon! It must be Grayson's attribute. Siya lang naman ay kayang gumawa ng ganitong klaseng force field gamit ang isang wind attribute. Hindi ko inalis ang paningin sa kanila at ipinilig na lamang ang ulo noong may napansin ako sa mga itsura ng mga lalaking nahuli nila. They were beaten so bad at sa tingin ko ay walang malay silang lahat! What happened to them?

"Ana." Palingon ako no'ng marinig kong may tumawag sa pangalan ko. It was Clarisse. Mabilis itong lumapit sa akin at tiningnan ako nang mabuti. "Anong ginagawa mo rito? You should rest, Ana," wika nito sa akin.

Tipid akong umiling sa kanya at muling binalingan ang mga bihag na nasa sentro ngayon ng village. "What happened, Clarisse. Are the villagers safe? Tell me." wika ko habang tahimik na pinagmamasdan ang mga taong nasa sentro.

"Yes, Ana. They're safe. Thanks to you," malumanay na sambit nito. "Your fire destroyed the water particles. Sakto lang bago may mamatay na naman na isang villager dito. Ligtas na ang lahat, Ana. Wala nang manghihina at mamamatay sa kanila."

Napangiti ako dahil sa narinig. Ligtas na sila. Tapos na ang misyon namin sa lugar na ito. Mayamaya lang ay muli akong nagsalita at nagtanong sa kanya. "And those thre." Agad kong turo sa tatlong bihag. "The Sigma?" I asked her.

"Yes, Ana. Grayson managed to capture them. Kaya pala siya nagpaiwan sa village kagabi ay dahil dito. He knew someone in our village is a member of the guild. Not only one but there are two," sagot nito sa akin na siyang ikinatango ko na lamang. Grayson was right! May miyembro nga ng Sigma sa lugar na ito. "And the guy we fought last night? We managed to defeat him with the help of your attribute, too," imporma niya na siya ikinataas ng kilay ko. They what?

Don't tell me he used my attribute again? Really? Ginamit na naman niya ang attribute ko? Unbelievable!

"You should take some rest, Anastasia." Napalingon ako sa nagsalita at masamang tiningnan ito. Naramdaman marahil ni Clarisse ang tensyon sa aming dalawa kaya naman nagpaalam itong babalik muna sa bahay nila. Hindi ko na lamang binigyan pansin si Clarisse at itinuon kay Grayson ang buong atensiuon. "Ana-"

"You sneaky... damn it!" I hissed and tried to compose myself.

"Whoa. What now? Anong ginawa ko this time?" tila inosenteng tanong niya sa akin.

"You're unbelievable! You used my attribute, Grayson Tyler. Again!" bulyaw ko sa kanya at sinubukang kumilos. Hahakbang pa lang sana ako noong mabilis akong natigilan at dumaing dahil sa sakit ng tagiliran ko.

"Ana, magpahinga ka muna. Mamaya na natin pag-usapan ang bagay na iyan. You need to rest. You need to gain your power again. Wala ni isang healer dito kung hindi ang sarili mo. You need to recover fast," wika nito at humakbang na papalapit sa akin. Buwesit ka talaga kahit kailan, Grayson Tyler! Pasalamat talaga ang lalaking ito at nanghihina ako ngayon dahil kung hindi, nako, kanina ko pa tinusta ang lalaking ito!

"I really hate you," mariing sambit ko at inirapan ito.

I heard him chuckled and reach my hand. Inalalayan niya ako at mahinang tumawa sa puwesto niya. "Oh, come on, Anastasia. We both know you didn't," aniya sabay ngisi sa akin.

"Nah! I hate you, Tyler!" Muling tumawa si Grayson at noong magsasalita na sana akong muli, mabilis akong natulos sa kinatatayuan ko. Natigilan din si Grayson at pagkalipas lang ng ilang segundo, isang malakas na sigaw ang narinig namin. Agad akong napalingon sa gawi no'ng tatlong nahuli nila Grayson kagabi.

Gising na ang mga ito!

Nagkatinginan muna kami ni Grayson bago kumilos. Naglakad kaming dalawa patungo sa kinaroroonan nila at tahimik na pinagmasdan ang mga kondisyon nila. Noong tuluyan na kaming makalapit sa kanila, masama kaming tiningnan ng mga lalaki. Lalo na iyong nakalaban namin sa gusali 'di kalayuan sa village na ito.

"Magbabayad kayo sa paghihimasok ninyo!" ani nito na tila nagbabanta sa amin. Napaarko ang isang kilay ko at hindi inalis ang paningin sa kanila.

"Really?" Grayson coldly responded.

"Hindi niyo kilala ang kinakalaban ninyo! We are the Sigma!" sigaw pa ng lalaki na tila nanlalaban sa sakit na nararamdaman nito ngayon. Ipinilig ko ang ulo pa kanan at tiningnan ang force field na nakapalibot sa kanila. Mayamaya lang ay ibinalik ko ang paningin sa lalaki at namataan kong mas lali itong nahihirapan kahit na wala naman siyang ginagawa sa loob ng force field. What's wrong with him? Nakapikit na ito ngayon na tila ba nanghihina ng husto.

Agad akong napatingin kay Grayson. Seriously? He's using his special ability on him! "At hindi niyo rin kilala ang kinakalaban ninyo," malamig na turan ni Grayson na siyang ikinangiwi ko. Sometimes, this guy is scary. Lalo na't ganito ang tono ng boses niya! "We are Agents from Tynera, asshole. At sa tingin ko ay 'di nanaisin ng guild niyo ang kalabanin ang Council. Tama ba ako?" Nakita kong natigilan ang lalaki dahil sa sinabi ni Grayson. What is this? Hindi na nila alam na mga Agent kami galing Tynera? "You guys are members of the Sigma. I wonder if your guild master knows about this," dagdag pa ni Grayson na siyang lalong ikinatigil ng mga lalaki.

"For a year, you were collecting water attributes from this village. And for a year, people of this village died because of your doing. Now tell us, para saan ang mga water particles na inipon niyo?" Grayson asked pero ngumisi lang ang isa sa kanila. Mukhang wala itong planong sagutin ang tanong sa kanya ni Grayson!

Lumipas ang ilang segundo ay wala kaming nakuha na kahit ano sa lalaki. Napabuntonghininga na lamang ako at noong akmang magsasalita na sana ako, muling nagsalita naman si Grayson. This time, mas mapanganib ang tono nito. "So, you're not going to answer me, huh? Tha's your choice, bastard." He paused for a second before continuing what he's doing. "What do you think is the best punishment for the three of you?" tanong nito na tila ba nag-iisip. Napailing ako. I know him. Alam ko na kung ano ang ihahatol sa tatlong ito. Dahil maski ako rin naman ay iyon ang nanaisin kong ihatol sa kanila.

"Death." mariing wika ni Grayson na siyang ikinakuyom ko ng mga kamao. Yes. That's the best punishment for them.

"Kapag pinatay niyo kami, malalaman ito ng buong Sigma. At alam mo na siguro ang mangyayari." The guy managed to say.

Napatingin ako kay Grayson. He's smirking right now! And his aura! Oh, great God! He's going to use it!

"Really? Iyon ay kung malalaman pa nila ang tungkol sa pagkamatay ninyo."

Pagkasabi no'n ni Grayson ay agad napasigaw ang tatlong lalaki. Nagkamalay na pala ang dalawa. Nagsisigaw na ang tatlo! Marahil sa sakit na nararamdaman nila ngayon sa buong katawan nila. Hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko at matamang tiningnan lamang sila sa loob ng force field. These three deserve to be die. A lot of innocent villagers suffered because of them. If this is the only way for them to pay their crimes, then be it! Afterall, we Agents have the right to kill the criminals like them. May kakayahan kaming gawin iyon kung alam naming wala nang paglilitis na magaganap sa kanila. This is our own judgement. Dalawa kaming Agent na narito ngayon sa lugar na ito, and we both came into the same punishment for them.

Kita ko kung paano bumagsak ang katawan ng tatlong lalaki sa lupa. Hindi ako umimik, maging ang mga residente ng Persidal Village na nakasaksi sa mga nangyari ay walang reaksiyon sa nangyari sa tatlo.

I silently sighed and look at their bodies. Lifeless. Dead.

Napakagat ako ng labi ko at binalingan si Grayson sa tabi ko. Seryoso pa rin ito hanggang ngayon. Itong kapangyarihan niyang ito, hindi yata ako masasanay kahit na ilang beses ko na itong nasaksihang ginamit niya! It gives me chills whenever he uses it!

Now, no one will know your mere existence. Burado na lahat tungkol sa mga pagkatao ng tatlong miyembro ng dark guild na iyon.

I looked at Grayson Tyler again. Unti-unti na ring nawawala ang dark aura nito.

I silently sighed again. It's over now. Tapos na ang misyon namin sa village na ito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top