Chapter 7: Persidal Village (Mission 1- Part 5)

Kinagabihan ay hindi ako nakatulog nang maayos.

Gising na gising ang diwa ko. Hindi ko mabasa kung ano ang nais mangyari ni Grayson. Hindi kami puwedeng maghintay na lamang ng full moon! Buhay ng isang villager ang nakasalalay dito at hindi kung ano man lang! Buhay na isang Tereshlian! Dapat talaga ay kumilos na kami at gumawa na nang paraan para mapigilan ang Sigma na iyan!

"Trust me with this one, Ana."

I trust him, okay. May tiwala ako sa kanya pero hindi lang talaga ako mapakali ngayon dahil alam kong may isa sa mga tao sa village na ito ang maaaring mamatay! At kapag mangyari iyon, ibig sabihin ay nabigo kami sa misyong ito. Hindi lang ako, pati na rin kay Grayson. We are here to help them, not to witness them to die. This is freaking frustrating! Pakiramdam ko ay walang silbi ang presensiya ko ngayon sa lugar na ito!

Nong simikat ang araw ay agad akong nag-ayos ng sarili ko. Wala akong maayos na tulog ngayon kaya alam kong magiging iritable ako sa paligid ko. Humugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at nagsimula nang maglakad patungo sa pinto. Pagkalabas ko ng kuwarto ay natigilan ako nong makita ko si Grayson sa tabi ng pinto, nakasandal at tila may malalim na iniisip. Nagtaas ako ng kilay at noong bumaling ito sa akin, tahimik akong humugot muli ng isang malalim na hininga.

"Ana," bigkas niya sa pangalan ko. Hindi ako tumugon sa kanya at seryosong tumitig lamang sa kanya. "You looked tired. Natulog ka ba?" He asked me.

I sighed again and instead of answering his question, iba ang lumabas sa bibig ko. "I thought we are a team now." Kita kong natigilan siya sa sinabi ko. "Tell me Grayson, what's your plan?" I asked him. Mataman niya lang akong tiningnan at 'di nagsalita. "I do trust you, pero hindi nito maaalis ang takot na mayroon ako sa maaaring mangyari sa village na ito at sa mga naninirahan dito. Wala akong idea sa plano mo, Gray. Care to give me a piece of whatever you're up to?" tanong ko pa sa kanya. I saw him sighed. Dahan-dahan itong lumapit sa kinatatayuan ko kaya naman ay hindi ako gumalaw. Nang makalapit na ito ay saka siya nagsalita.

"I believe one of the villagers here is a member of the Sigma," sambit niya habang matamang nakatitig pa rin sa akin. Napatanga ako sa sinabi niya. A what? A member of that guild is one of the villagers! Seryoso ba siya sa paratang niya? "Don't worry, Ana. I won't let someone die here. Not when we're around. I know that this mission gives too much pressure and frustration on you. And it makes you uncomfortable, too." Napalunok ako sa sinabi niya. Grayson Tyler really knows my emotions. He knows how I really felt! "We're going to catch them. Sa kahit anong paraan. So, please, trust me," muling sambit nito at tinanguhan ako. Mayamaya lang ay niyaya na niya akng lumabas sa bahay ni Lycon. "Come on. Nasa labas na silang lahat. I've already talked to the villagers. Naghahanda na sila para sa full moon mamaya."

Napatango na lamang din ako kay Grayson at hindi na nagsalita pa.

Mabilis na lumipas ang oras.

Nakapuwesto na kaming lahat ngayon ayon sa plano ni Grayson. Kami ni Clarisse ay pinabalik niya sa gusali na pinaggalingan namin kahapon samantala siya ay nagpaiwan sa village. Walang reklamo akong sumunod sa utos nito at noong nasa tamang posisyon na kaming dalawa ni Clarisse, napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga.

Tahimik lang kaming dalawa ni Clarisse habang nakikiramdam sa paligid. Ramdam ko ang tensyon kay Clarisse. She's scared for her fellow villagers. So am I. Ngunit kong magiging successful ang mga plano ni Grayson, tiyak kong magiging ligtas lahat ng villager ng Persidal village. Trust... I really need to trust whatever Grayson is up to. I sighed again.

Napatingala na lamang ako at pinagmasdan ang perpektong buwan. Bilog na bilog it ngayon at sobrang liwanag. Kung ano man ang mayroon sa village na ito, ngayon namin malalaman.

I closed my eyes and silently hoped that everything will be done peacefully, without sacrificing someone's life.

Grayson. I trust you.

Pagkabukas ko ng mata ko ay natigilan ako nong makita ko ang itsura ng buwan. I looked at Clarisse. Seryoso itong nakatingin sa buwan. "Here it goes. Kapag makompleto iyan, magsisimula na ang paghihina ng lahat," mahinang wika nito habang matamang nakatingin pa rin sa buwan.

Napakagat ako ng pang-ibabang labi at hindi inalis ang paningin sa buwan. Unti-unti na itong nababalot ng dilim. Ang kaninang liwanag nito ay unti-unting nawawala. At mukhang ilang minuto na lang ang natitira bago tuluyang mawala ang liwanag nito.

Seconds passed; I suddenly froze when I felt something. Naging alerto ako sa paligid namin ni Clarisse. I closed my fist firmly. This power. Naramdaman ko na ito noong unang beses kaming nagtungo sa lugar na ito! Nagpalingon-lingon ako at pilit na hinanap ang pinanggagalingan ng kapangyarihang nararamdaman ngayon. Ngunit noong mapansin ko ang nangyayari sa paligid, lalo akong kinabahan sa mga nangyayari ngayon.

Darkness. Total darkness! Tiningnan kong muli ang buwan. Wala na ang liwanag nito! Damn it!

"Clarisse," tawag ko sa kanya. Tahimik lang siya at hindi ako inimik. Naging alerto muli ako noong mas naramdaman ang matinding kapangyarihan na ngayon ay mas malapit na sa puwesto naming dalawa.

"Nasa loob sila," agarang sambit ni Clarisse at biglang tumakbo sa loob ng templo.

"Shit!" bulalas ko sabay sunod sa tumatakbong si Clarisse. What the hell is thinking? Napailing na lamang ako at mas binilisan ang pagtakbo para maabutan si Clarisse. Mayamaya lang ay namataan ko itong tumigil sa pagtakbo. Maging ako ay natigilan at napatanga sa nakikita ko. What's happening here?

Sa lugar sa kung saan kami inatake ng mga nagsigalawang estatuwa, sa gitna ng bilugang espasyo nito ay may kung anong lumutang doon. Napatingala ako at napamura nong makita ko ang itim na usok mula doon. May butas ang bubong ng gusali at kitang-kita ang itim na buwan. Ibinalik ko ang paningin ko sa kung anong lumulutang sa gitna nito.

"Water particles," rinig kong sambit ni Clarisse at humukbang muli ito.

Ganoon din ang ginawa ko at noong mapagtanto ko kung ano talaga itong water particles sa gusaling ito, napakuyom na lamang ako ng mga kamao ko. Damn it! This must be the attributes of the villagers! Damn, this is not good. "We need to stop this one," matamang wika ko habang hindi inaalis ang paningin sa malaking water particles.

"How?" Naguguluhang tanong ni Clarisse sa akin.

"The moon. Kailangan nating ilayo ang pwesto nito. Iyong hindi direktang nakatutok sa buwan!" Suhestiyon ko sa kanya.

"Pero... paanong-"

"Sa tingin mo ay papayagan kong gawin niyo iyon?" Nakapalingon ako sa gawing kanan ko noong makarinig ako ng isang hindi pamilyar na tinig. Napaayos ako nang pagkakatayo at matamang tiningnan ang bagong dating.

"You're the one who's responsible of this shit!" galit na wika ko sa kanya. I saw him smirked at me that makes me mad at his presence. I immediately moved and swayed my hand and tried to hit him with my attribute.

Mabilis namang kumilos ang lalaki at iniwasan ang atakeng ginawa ko. "O... a fire attributer! I'm beyond impressed. So, the villagers manage to contact someone to help them." The guy said without breaking an eye contact with me. Akmang susugurin ko na sana muli ang lalaki noong marinig kong magsalita si Clarisse sa tabi ko.

"Ana! The water particles. It grew bigger!"

Napamura ako dahil doon! Now, what to do? We need to destroy this water particle! Kapag masira ito, maaring matigil ang pagkukulekta ng water attributes! Pero paano? Damn it! "Clarisse, deal with this piece of shit! I'll destroy that one!" mabilis na sambit ko sabay summon ng fire attribute ko sa mga paa ko. With the help of my fire attribute, makakalipad ako patungo sa water particles na ito!

"No, I won't let you do that." Napalingon ako sa lalaki nong magsalita siya.

"Me either," wika naman ni Clarisse na siyang ikinatigil ng lalaki. "You'll pay for this. You'll pay for making us suffer!" galit na wika pa nito at mabilis na sinugod ang lalaki.

Hinayaan ko na si Clarisse na makikipaglaban sa lalaki. Tiningnan kong mabuti ang water particle sa harapan ko. Tama nga si Clarisse. Bawat segundo ay lumalaki ito. This is bad. I need to destroy it before they absorb everything from the villagers. I need to destroy it now!

Napatingala ako sa buwan. Yung itim na kulay nito ay unti-unting nawawala. We're running out of time now. Damn it!

"Make it fast, Ana. Kapag bumalik ang buwan sa dating kulay nito, ibig sabihin tapos na ang lahat ng kung anong ginagawa nila! Isa na sa mga villager ng Persidal ang nasa panganib and worst, baka wala ng buhay!" sigaw ni Clarisse habang sinasangga ang mga atake sa kanya ng lalaking kinakaharap nito ngayon.

Damn it!

Napakagat ako ng pang-ibabang labi at muling itinuon ang buong atensiyon sa water particle na nasa harapan. Fire and water. Paano ko masisira ito gayung tubig ito at ako naman ay apoy? Paano ko masisira ito kung kaya nitong patayin ang fire attribute na mayroon ako?

Ilang segundo akong nag-isip nang paraan para masira ito at noong may naalala ako, mabilis akong kumilos. I can do something here. Kaya kong masira ng water particle gamit ang fire attribute ko! I immediately closed my eyes and concentrate. I can dissolve this water particle! I can destroy and evaporate it! All I need is a massive amount of my fire attribute.

Humugot ako ng isang malalim na hininga at nagsimula na sa binabalak. Seconds passed; I can already feel my power within my veins. Nagtipon-tipon iyon sa dalawang kamay ko. One hit, Ana. Just one massive hit and the whole village will be saved. One hit!

Ramdam ko ang tensiyon sa lugar na kinaroroonan namin. Malalakas na atake na rin ang pinapakawalan nila Clarisse at nang kalaban nito. And when I opened my eyes, alam kong sapat na ang ginawa kong fire ball kaya naman ay agad kong inatake ang water particle na nasa harapan ko!

Isang malakas na pagsabog ang yumanig sa buong gusali at dahil s amalakas na impact, tumilapon ako sa kabilang bahagi ng bulwagan. Napadaing na lamang ako dahil sa sakit na nanuot sa katawan ko dahil sa pagtama nito sa pader at pagbagsak ko konkretong sahig. Damn!

Napangiwi na lamang ako at napatingala sa taas kung saan naroon ang water particle at iyong fire ball na ginawa ko. Nagpatuloy sa pagyanig ang buong gusali at noong nagkaroong muli ng isang malakas na pagsabog, mabilis akong kumilos ang prinotektahan ang sarili sa mga nahuhulog na konkreto mula sa pader at kisame ng gusali.

"Anastasia!" Mabilis akong napabaling sa tumawag ng pangalan ko. It was Grayson! He's here!

Mayamaya lang ay napatingala muli ako no'ng maramdaman ang panibagong enerhiya na siyang nagpapatuloy sa pagkasira ng gusaling kinaroroonan namin ngayon. Shit! My fire and the water particles are now clashing! Ramdam na ramdam ko ang pagyanig ng buong paligid. Napangiwi na lamang ako at ininda ang sakit na nararamdam sa buong katawan. I can heal myself later. This time, I need to finish this mission.

Kumilos na ako at tumayo mula sa pagkabagsak kanina. Mayamaya lang ay bumaling ako sa puwesto ng mga kasama ko. Namataan ko kung paano kinakalaban nila Clarisse at Grayson ang lalaki. Nagpapalitan na sila ng mga atake. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga at lumipad muli ako gamit ng fire attribute ko. Isang atake pa, Anastasia. Isang atake pa gamit ng fire attribute ko at tuluyan nang mawawasak ang water particle na iyon!

I know I still have enough attribute to hit this thing. I know I can destroy this one. Without a doubt, we'll win this fight.

I closed my eyes and started to collect all my remaining fire attribute. And when I collected enough power to destroy this thing, I opened my eyes and released it towards the water particles.

Please... evaporate already! Damn it!

Napatingala ako sa buwan. Shit! Kaunting oras na lang at babalik na ito sa dating itsura nito! Muli kong tiningnan ang fire attribute ko at noong nag-clash na naman ito sa water particle na target ko, mabilis akong napamura dahil tumilapon na naman ang katawan ko at sa pagkakataong ito, mas malakas ang impact na nakuha ko. Mas dumoble ang sakit ng katawan ko dahil sa pagtama nito sa pader at pagbagsak sa konkretong sahig. Bahagya rin ako nakaramdam nang matinding pagkahilo dahil tumama ang ulo ko sa sahig! Damn it!

"Anastasia! Damn it! Can you hear me? Ana!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top