Chapter 6: Persidal Village (Mission 1- Part 4)

Tahimik kaming tatlo habang tinatahak ang daan patungo sa gusaling nakita kanina.

Nasa dalawang palapag lamang ito at dahil malayo na ito sa main village, hindi ito basta-bastang makikita nila. So, it means... dito namamalagi iyong puno't-dulo ng gulo sa Persidal Village? Sa lakas ng kapangyarihang nararamdaman ko ngayon, imposibleng wala dito ang sagot hinahanap namin ngayon!

"Now I remember this place," wika ni Clarisse noong nasa tapat na kami ng gusali. "This place was a sacred place near Persidal Village. An ancient one. Ang buong akala ko'y hindi ito totoo. Minsan na itong nabanggit sa akin ng aking ama ngunit ang sabi niya matagal na itong wala. This place was supposed to be just part of history," dagdag pa nito at humugot ng isang malalim na hininga.

Hindi ako nagsalita at tiningnan lamang ang matayog na pinto ng gusaling nakita namin kanina. Inilapat ko ang kamay sa pinto nito ngunit agad din akong napaatras noong makaramdaman nang malakas na kuryente mula roon. The hell?

"Ana, ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Clarisse sa akin habang tinitingnan ko ang kamay kong lumapat sa pinto kanina. What kind of power was this? Ipinilig ko ang ulo pakanan at maingat na ibinaba ang kamay. Mayamaya lang ay nakarinig ako ng kakaibang ingay sa loob ng gusali. Mabilis akong napabaling kay Grayson at namataan ang seryosong mukha nito. Mas malakas ang pandama ni Grayson kumpara sa akin kaya alam kong narinig nito ang kung anong narinig ko sa loob. I know he can feel how powerful and dangerous this situation we have right now!

At nandito na kami, wala nang atrasan ito!

"Clarisse, can you fight, right? Combat fighting?" I asked her. Sanay kami ni Grayson sa labanan. We were trained for that. In this situation, we need to make sure that no one will get hurt.

Tumango sa akin si Clarisse at umayos nang pagkakatayo. "Yes. I can fight. Plus, the fact that I have my cursed magic, sa tingin ko ay 'di ako magiging pabigat sa inyong dalawa," aniya na siyang ikinatango ko na lamang din sa kanya. Hindi naman iyon ang nais kong iparating sa kanya pero bahala na. I just want her to protect herself kung mapasabak kaming dalawa ni Grayson sa labanan. It's useless to explain to her my side right now. And I hate explaining! Bahala na si Clarisse sa nais niyang isipin tungkol sa naging tanong ko sa kanya.

Si Grayson na ang nagbukas ng pinto ng gusali. Tahimik naming pinagmasdan ang madilim na pasilyo at noong makarinig na naman ako ng kakaibang ingay, mabilis kong ikinilos ang mga paa ko. "Not so fast, Anastasia," ani Grayson at mabilis na pinigilan ako. "Ako ang mauuna," seryosong saad nito at nauna nang maglakad sa aming dalawa ni Clarisse. Nagkibit-balikat na lamang ako at sumunod na sa kanya.

Inalerto ko ang sarili sa maaring mangyari habang tinatahak namin ang mahaba at madilim na pasilyo. Mayamaya lang ay napailing ako noong hindi ko na nakayanan pa ang dilim ng paligid. Napangiwi na lamang ako at itinaas na ang isang kamay ko. I created a fire ball and give us a little light. Kita kong napatingin si Clarisse sa akin na siyang ikinakibit-balikat ko na lamang. Mayamaya lang ay huminto kami sa paglakad sa may isang bilogang espasyo sa gitna ng pasilyong tinatahak kanina.

Itinaas kong muli ang kamay ko at noong i-di-disolve ko na sana ang fire ball na ginawa ko kanina, agad na lumipad ito sa kung saan. Napakunot ang noo ko at napatangin sa paligid noong isa-isang nagsi-ilaw ang mga sulong nakakabit sa pader ng gusali.

"It absorbed your attribute," mahinang wika ni Grayson na siyang ikinatigil ko.

Napaawang ang labi ko at tiningnan ang mga sulo na siyang humigop ng fire ball ko. Hindi ko inalis ang paningin dito at noong mapagtanto ko kung anong mayroon sa malawak na espayong ito, napakunot na lamang ang noo ko.

"Statues," mahinang sambit ni Clarisse at lumapit sa isa sa estatuwang naroon. Ganoon na rin ang ginawa ko samantalang nanatili naman sa kinatatayuan nito si Grayson. Hinayaan ko na lamang ito at itinuon ang buong atensiyon sa estatuwang nasa harapan. It's like a statue of an ancient warrior. May hawak pa nga itong espada. Wala sa sarili akong napakagat ng pang-ibabang labi at akmang hahawakan ko na sana ang estatuwa noong makaramdaman ako ng kakaiba mula rito. Napakunot ang noo ko at noong tingnan ko nang mabuti ang estatuwang nasa harapan, laking gulat ko noong gumalaw ito.

The hell?!

Agad akong napaatras palayo sa puwesto nito. Binalingan ko ang dalawang kasama ko, at katulad nang ginawa ko, lumayo ang mga ito sa estatuwa. Nagpalinga-linga ako at binilang ang estatuwang maaring magkaroon ng buhay. Napangiwi ako noong makitang anim na estatuwa ang nagsigalawan at ngayon ay nakapalibot na sa aming tatlo. Crap! This is a freaking trap!

"Someone's controlling the statues!" iritang wika ko at hinanap ang maaring kumokontrol dito. Paniguradong nasa malapit lang ito!

"Be ready ladies. Destroy the statue before it destroys you," ani naman ni Grayson sabay sugod sa estatuwa na nasa malapit sa puwesto niya. Yeah, right! We know that Grayson Tyler!

"Let's go, Clarisse!" sigaw ko at kumilos na rin. Agad kong isinumon ang attribute ko at gumawa ng isang fire sword. Dalawang espada na ang ginawa at hawak-hawak ko na ngayon. Mabilis kong sinugod ang estatuwang nasa harapan ko at buong puwersang inihampas nang salitan ang espada ko. I managed to destroy one of his arms, but still, gumagalaw pa rin ito. Right! This is a freaking statue. Lifeless. Walang pakiramdam. Ang tanging paraan lang para matalo ito ay ang sirain ito nang lubusan!

Umatake akong muli. This time, pinugot ko na ang ulo nito. And it frustrates the hell out of me noong nakita ko itong gumalaw pa rin kahit pinugot ko na ang ulo nito! Damn you, statue! At dahil sa inis, I dissolved my fire sword and create fire balls. Tiningnan ko muna ang dalawa sa ginagawa nila bago umatakeng muli. They're both busy with their own battle. At kagaya ko, mukhang naiinis na rin sila sa mga estatuwang ito. "Hey!" Tawag pansin ko sa dalawa na siyang mabilis na ikinabaling nila sa puwesto ko. "Leave this place. I'm gonna have a little explosion here."

"What?" tanong ni Grayson sa akin habang panay iwas sa dalawang statue na sumusugod sa kanya. Ganoon din si Clarisse.

"Come on. Leave now kung ayaw niyong matusta kasama ng mga ito!" sigaw ko sabay talon noong makita umaatake sa dereksiyon ko ang dalawang estatwang nakalaban ko kanina. I heard Grayson hissed then immediately leave the place with Clarisse. Well, that was fast. Ang buong akala ko'y makikipagtalo pa itong si Graysn sa akin. Well, alam niya ang kakayahan ko. Alam nito ang kaya kong gawin. Napangisi na lamang ako at noong nawala na sa paningin ko ang dalawa, binalingan ko ang mga natitirang nakatayong estatuwang kalaban namin. "Now, let's have a fire party. Shall we?"

Pinaglapit ko ang dalawang kamay ko at itinaas ang mga iyon. Mayamaya lang ay unti-unti kong naramdaman ang kapangyarihan ko sa mga dalawang nakataas na kamay. Napangisi muli ako. "Let's see kung makagalaw pa kayo pagkatapos ng atakeng ito," mariing sambit ko at pinagpatuloy ang ginagawa.

Noong makuntento na ako sa laki ng ginawa kong fire ball, agad ko itong inihagis sa gawi ng mga estatuwa. And when my fire ball reached them, explosion came after. At hindi pa ako na kuntento. I sway my hands simultaneously and flames were immediately scattered around the area. Hindi ako tumigil hangga't sa hindi ko nakitang abo na lang ang mga estatuwang nagsigalawan kanina. At noong natapos na ako, napahugot ako ng isang malalim na hininga at ibinaba na ang mga kamay. Napangisi ako noong makitang wasak na wasak ang anim na estatwang umatake sa amin. Tingnan natin kung makakagalaw pa kayong muli!

Mayamaya lang ay hinawi ko ang buhok sa balikat at humakbang ng isang beses papalapit sa mga abo nito. "You overdone it, Anastasia," rinig kong sambit ni Grayson sa likuran ko na siyang ikinatigil ko sa paghakbang. Binalingan ko ito at nagkibit-balikat sa kanya. "Kahit nasa labas kami kanina, ramdam namin ang attribute na pinapakawalan mo."

I just shrugged and smirked at Grayson. Well, that's me and my attribute.

"Let's go," biglang yaya naman sa akin ni Grayson na siyang ikinakunot ng noo ko.

"Where to?" takang tanong ko sa kanya.

"Sa main village." Natigilan ako sa sinabi ng Grayson. What? Bakit naman kami babalik sa village? Nandito na kami sa gusali kung saan ko naramdaman iyong kakaibang kapangyarihan bumabagabag sa akin, sa amin! Kaya naman bakit kami aalis kung halos abot-kamay na namin ang solusiyon sa problemang mayroon ang Persidal Village? "I found something. Mas makakabuti kung makakausap natin si Lycon," paliwanag nito na siyang lalong ikinakunot ng noo ko.

Nagkatinginan naman kami ni Clarisse at hindi nagsalita. He found something! Really?

Gusto kong tanungin si Grayson ngunit tinalikuran na niya kami at nagsimula nang maglakad palayo sa amin. Sumunod naman agad dito si Clarisse kaya naman ay wala na akong nagawa pa. Hinakbang ko na ang mga paa at sinundan na ang dalawa.

We left the building. And I felt something strange. Really strange. Pagkapuksa ko sa mga estatuwa kanina ay nawala na rin ang kapangyarihang naramdaman namin. Alam ko. I can feel it. Nasa tabi-tabi lang ang may kagagawan nito! And we don't have enough time right now. We need to find this bastard as soon as possible! We only have one night and two daylights before the full moon!

Pagkabalik namin sa main village ay agad kaming tumungo sa bahay ni Lycon. Hanggang ngayon ay wala pa ring sinasabi sa akin si Grayson tungkol sa natuklasan niya. I wanted to ask him badly pero seryoso ito ngayon. I don't want to mess up with his mood. Tahimik lang ito hanggang sa makarating kami sa bahay ni Lycon.

"Do you know anything about the Sigma?" bungad na tanong ni Grayson na ikinatigil naming lahat. Gulat ko itong binalingan sa kinatatayuan niya. What the hell is he talking about?

"The Sigma?" Lycon curiously asked him. Tumingin muna ito sa akin at muling tiningnan ang seryosong si Grayson.

"Yes. The Sigma. May alam ka ba tungkol sa kanila?" muling tanong nito at ipinilig ang ulo pa kanan.

"Wala akong masyadong alam sa kanila, Agent. All I know is that they are one of the guilds here in Lynus Division," sagot naman ni Lycon na siyang nagpawala ng kunot ng noo ko. So, this Sigma is a guild here in Lynus Division. I wonder kung saan nalaman ni Grayson ang tungkol sa kanila?

"I saw this earlier," muling sambit ni Grayson sabay kuha ng kung ano mula sa bulsa niya. Napa-arko ang isang kilay ko sa nakita. A piece of cloth? Nakuha niya ba ito sa gusaling pinanggaling namin kanina?

"This is the Sigma sign," mahinang sambit ni Lycon noong makita ang marka sa telang pinakita ni Grayson sa kanya.

"They're here in our village?" Hindi makapaniwalang tanong ni Clarisse kay Grayson.

"I guess so. And this thing serves as evidence. Nasa Persidal Village nga sila. At kung hindi ako nagkakamali, Sigma is a dark guild. A dark guild who uses dark magic," malamig na turan ni Grayson na siyang nagpaawang ng labi ko.

Sigma. A dark magic guild. A dangerous group here in Tereshle who works against the law and rules of the Council and uses dark magic.

"Did you manage to trace them?" seryosong tanong naman ni Lycon sa amin. Umiling lang si Grayson sa kanya bilang sagot sa naging tanong nito.

"We need to find them," mariing sambit ni Clarisse at napabaling sa ama niya. Yeah. I agree with her. Kailangan naming makita sila before it's too late! Kung isa silang dark magic guild, tiyak kong may mas malala pang mangyayari dito sa Persidal Village! We need to find and stop them immediately!

"No," seryosong sambit muli ni Grayson na siyang ikinagulat ko.

Binalingan ko ito at pinagtaasan ng isang kilay. "What do you mean? Wala tayong gagawin kahit na alam nating nandito nga sila sa village na ito? Grayson, we need to-"

"We'll wait till the full moon comes. That's the only time they'll show their true intentions to us. Kung ano man ang nais nila sa lugar na ito, malalaman natin kapag sumapit na ang full moon. Let's wait until then." Natigilan kami sa sinabi niya. No way! Hindi namin alam ang mangyayari kapag full moon na! We need to stop them before someone's die here! Ano ba itong pinaplano ni Grayson? "Trust me with this one, Ana," seryosong saad pa rin nito na siyang nagpatigil sa akin. "This is our only chance. Please, trust me."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top