Chapter 44: Gone
"Please. Stop it already! Please!"
My body is releasing too much dark magic right now. And it's bad. Really bad. Masyadong delikado ito at paniguradong maapektuhan nito ang kung sino man magtatangkang magtungo sa lugar na ito!
Kahit wala akong kontrol sa sariling katawan ko, ramdam na ramdam ko pa rin ang kapangyarihang nananalaytay sa mga ugat ko. This power... it's too much for me! "Stop it already!" pakiusap kong muli sa kanya.
I heard her laughed. Kahit na sa isipan ko lang itong pag-uusap namin, ramdam ko namumuong galit ko sa kanya. I want her to stop whatever she's planning to do! She can't use my body! Sa kahit anong kasamaang nais niyang gawin, hindi ako maaaring magpatalo na lamang at hayaang gamitin nito ang katawan ko!
"Nagsisimula pa lang tayo, Anastasia. Nagsisimula pa lamang!" She laughed again.
"No! Itigil na natin ito. Nakuha na natin ang nais nating dalawa! Patay na ang mga miyembro ng Malverine! Patay na si Jax kaya naman ay tumigil ka na!" I screamed at her.
Hindi ito sumagot sa akin kaya naman ay mas lalo akong nagalit sa kanya. Damn it! I badly want to move my body. To stop myself from releasing too much dark magic, pero sadyang siya na ang nagmamay-ari ng katawan ko ngayon at hindi ako!
"Grayson." Wala sa sariling sambit ko sa pangalan nito. Grayson... siya lang ang tanging naiisip kong makakatulong sa akin. He can definitely help me!
"What did you say?" She asked then chuckled a little.
"He'll surely come here and save me." Mariing sambit ko sa kanya.
Natawa itong muli. "Oh, stop it, Anastasia." Sambit niya at lalong pinalakas ang kapangyarihang inilalabas ng katawan ko ngayon. "Hindi ka maliligtas ng kahit sino! The only way for me to disappear is killing you! At sa tingin mo makakaya iyon ni Grayson? Sa'yo? Think again!"
"He'll save me. No matter what. He. Will. Save. Me." Mahinang wika ko na lalong ikinainis niya sa akin.
"Shut up!" Galit na bulalas nito. "No one will save you! No one!"
Napahugot ako ng isang malalim na hininga at ikinalma ang sarili. Kung sasabayan ko ang galit nito ngayon, mas lalong lalakas ang kapangyarihang pinapakawalan niya. I need to stay calm. "You're wrong." Kalmadong turan ko sa kanya. "Hindi ako kagaya mo. I have friends who treasures me. A brother who loves me. Kaya may tiwala ako sa kanila. They'll come here to save me, that's for sure. And I don't live in darkness alone. I live with them."
"I said... shut up!"
Ramdam na ramdam ko ang galit niya sa mga pinagsasabi ko. I understand her. She was created during my darkest days. She was the product of my anger, distress and fear of being alive while my parents died in front of me. She was created because I badly want to get my revenge. She has no one... except of me.
Minutes passed, hindi na kami nag-usap pa. Pero patuloy pa rin ito sa pag-release ng itim na kapangyarihan ko na ngayon ay bumabalot na sa buong gubat na kinaroroonan namin ngayon.
I frustratedly sighed. If I can only use my fire attribute to stop my dark magic, kanina ko pa dapat ginawa iyon! How can I use my fire attribute if I can't even control my own body? How can I summon my fire without moving a finger? I need to think for an alternative. I badly need to stop her now!
Natigilan na lamang ako sa pag-iisip noong makaramdam ako ng kakaibang presensiya sa paligid. I may not be the one who's controlling my body, but I still have my senses with me.
These presences and power! I can't be wrong! It's Grayson and the Trio!
Mukhang naramdam din iyon ng isang ako kaya naman ay mabilis itong kumilos at binalutan ng itim na enerhiya ang buong katawan ko. She camouflaged with the dark energy she released earlier and wait for them to arrive. And I was right, mayamaya pa'y bumungad na sa akin si Grayson, Blue, Myst at Lester. They're here! My friends are here!
"Finally." Napamura na lamang ako sa isipan no'ng magsalita itong isang ako! Kitang-kita ko naman ang gulat sa mukha ng apat noong tuluyan na nila akong nakita.
"I told you. They'll come over here. They'll save me." Mahinang sambit ko habang matamang nakatitig sa kanilang apat.
"Where is she?" Grayson coldy asked.
Tumawa naman ako kaya naman ay mabilis ko itong sinaway. Damn it! "Stop it already!" I tried to talk to her again. Ngunit kagaya nang kanina, 'di niya ako pinansin. Sa halip ay nagpatuloy ito sa pinaggagagawa niya sa mga kaibigan ko.
"Look at me, Grayson. Ako at si Anastasia ay iisa. If you're looking for her then she's right in front of you!"
"Shut up already! Please! Tama na at hayaan mo na ang katawan ko!"
"You're not her!" Natigilan ako dahil sa galit sa tinig ni Blue. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata nito. Ganoon din sila Lester at Myst. Lalong-lalo na kay Grayson!
"Bakit? Sinong Anastasia ba ang hinahanap niyo? Iyong mabait? Iyong Anastasia na walang poot na nararamdaman? Think again! This is her. This is Anastasia Miller. Ito ang tunay na ako!"
"No." Grayson said and closed his eyes. "You're just a part of her. The dark part of herself."
Hindi ko na nasundan pa ang sunod na mga nangyari. Basta bigla na lang akong nanghina at nawalan ng kontrol sa lahat! At sa muling pagbabalik ng lakas ko, natigilan na lamang ako noong nasa harapan ko na si Grayson. And now, pain is written all over his face. What happened?
"Anastasia." He softly uttered my name. "Please. Come back already. Please."
Mayamaya lang ay nakaramdam ako nang matinding sakit sa tiyan ko. What the hell?
"Stop... You're killing... us both." Pigil nito sa kung ano ang ginagawa ni Grayson sa amin. And when I finally understood what's really happening, I suddenly froze and just looked at him.
Grayson... You... Damn it! He's using his special ability on me! Pero alam nito ang magiging epekto sa akin! Bakit... Bakit niya ginagawa ito? Wala na bang ibang paraan para iligtas ako? Ito na lang ba ang mayroon sila?
Minutes passed, ganoon pa rin ang nangyayayari. Slowly, Grayson's dissolving my dark magic using his special ability. At kung magpapatuloy ito, paniguradong hindi lang ang dark magic ko ang mawawala sa akin!
"S-stop." I finally uttered a word. My voice... it's back!
Gamit ang natitirang lakas sa katawan ko, I moved my right hand and managed to touch his arm. "G-Grayson. You... better s-stop."
Stop it, moron! Ako na ito! Nawala na iyong dark energy na kumokontrol sa akin kanina!
"No." Malungkot na wika niya habang nakatingin pa rin sa akin. "I will not stop. You need to disappear first."
Tears escape on my eyes. Segundo lang din ay namataan kong natigilan siya sa nasaksihan.
I know it's hard for him to use his special ability on me. Pero ginawa pa rin niya. To save me. Kahit walang kasiguraduhang maliligtas niya ba ako o hindi. He did this to save me, but he needs to stop it right now! Or else, I'll be gone, too!
"Anastasia." He uttered my name again.
Napatango na lamang ako sa kanya. Slowly, I moved my hand again and touched his cheek. He froze. Ngayon ay taka na itong nakatingin sa akin.
Pilit akong ngumiti sa kanya.
I can feel it. Wala na ang pag-take-over ng dark magic sa akin. Unti-unti ko na ring naigagalaw ang ibang parte ng katawan ko! And it only means one thing. Nagtagumpay itong alisin ang itim na enerhiyang kumokontrol sa akin! He dissolves my dark magic!
His eyes widen and take a step backward. "Anastasia." He carefully said my name. Ngumiti ako sa kanya. And when he finally released me, isang matinding sakit ang naramdaman ko sa buong katawan. Hindi ko napigilang mapasigaw. Kasabay no'n ang pag-release ko nang malakas na fire attribute ko!
I closed my eyes and mentally cursed. What's happening?
Napasigaw akong muli noong makaramdam ako ng panibagong sakit sa buong katawan ko. Damn! Ito marahil ang epekto sa ginawa ni Grayson! Ngayong isang attribute na lamang ang nasa katawan ko, pilit itong kumakawala upang protektahan ako.
"Anastasia!" Rinig kong tawag nila sa akin. I didn't bother to open my eyes. The pain inside me... it's too much! My fire... it's bursting again!
Nanatili akong nakapikit hanggang sa unti-unting nawala iyong matinding sakit na naramdaman ko. Hindi ko alam kung gaano katagal iyong nangyari kanina pero iisa lang ang sigurado ako, tiyak kong sira at sunog na ang buong gubat na kinaroroonan ko. My fire is not an ordinary fire. Alam iyan ng lahat!
I took a deep breath, and slowly, I opened my eyes. Inangat ko ang dalawang kamay para makita kung ano ang nangyayari sa akin. My body is not in pain anymore but my attribute, it's a different case.
Flames.
My whole body is burning! My fire... it's now bursting even without summoning it!
I looked down.
Hindi ko man lang namalayan kanina na lumulutang na pala ako!
"Anastasia!" Grayson called me.
Wala sa sarili akong napangiti at itinaas na lamang ang kanang kamay kong saan dapat naroon ang markang ginawa ni daddy para sa akin. At noon nakita kong wala na ang marka sa kamay, napangiti na lamang muli ako.
The dark magic that my father passed unto me is now gone. My dark magic is now gone. All was left on me is my flame.
My fire attribute is all I need. And this is the real Anastasia Miller of Aundros. The real me. Owned by a fire. Claimed by my own flames and not by darkness.
Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at napatingala muli. "Let's go for another adventure, Anastasia." I whispered to myself and smiled again.
And the last thing I've remember. After that. Everything went black.
Again.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top