Chapter 4: Persidal Village (Mission 1- Part 2)

"Cursed Magic. I possessed one of it."

Natigilan ako sa sinabi ni Clarisse. Napalunok ako at wala sa sariling napatingin kay Grayson.

Namataan ko itong seryosong nakatitig kay Clarisse kaya naman ay nabaling muli ako sa babae.

She possessed one of the cursed magic! Cursed magics are magics that are naturally yours, inborn, like your attribute. Base sa naaalala ko noong nasa Tereshle Academy pa ako, this cursed magic was all written on the book of Creation. Wala akong idea kung ano ito basta sabi nila nag-eexist ito dito sa Tereshle!

And here it is! A woman named Clarisse claimed to have one!

"So, sinasabi mo na kaya hindi ka nanghihina kagaya ng ibang villagers ay dahil you possessed this cursed magic?" Seryosong tanong ni Grayson nito kay Clarisse. Napailing na lang ako at napahawak sa may sintido ko. This is not good. Akala ko ay isang simpleng misyon lang ang mayroon dito sa Persidal Village! And it turns out na isang komplikadong misyon pala ito!

I can't believe this!

"Yes." Marahang sagot ni Clarisse sa naging tanong muli ni Grayson sa kanya.

"And you also told us that this village, the whole Persidal village to be exact is being cursed. How the hell that happened?" Mas seryosong tanong muli ni Grayson sa babae.

Napailing naman akong muli. Iyong totoo? Gusto kong matawa ngayon. Parang bumaliktad ang sitwasyon namin ni Grayson. Siya na ang mas seryoso ngayon sa misyon na ito. Well, you can't blame me. Nawalan ako ng interes dahil sa pagsisinungaling nila sa amin tungko sa request letter nila sa Tynera!

"Iyon lang ang tanging nasa isip namin, Agent." Wika ni Lycon. "Kaya hindi naaapektuhan ang anak ko ay dahil nga sa cursed magic nito. At iyong nangyayari tuwing kabilugan ng buwan, wala kaming ideya kung bakit iyon nangyayari dito sa amin."

Tahimik ko na lang silang pinagmasdan. I'm trying to analyze the situation we have right now.

Kung iisiping mabuti, lahat ng villagers ay nakakaranas ng panghihina tuwing full moon. Then after that, the very next day, isa sa kanila ang namamatay. That was scary. Ni hindi nila alam kung sino ang mamatay dahil lahat naman sila ay apektado sa kung anong sumpa ang mayroon sa lugar na ito!

Hinihigop...

Their attributes are being absorbed that's why they felt weak. So, someone must collecting their attributes, right? Someone's gathering a Tereshlian attribute at kung sino ang mauubusan ng attribute sa katawan ay siya ang mamatay. But, base sa kwento nila, isa sa malalakas na attributers ang namamatay! And a strong attributer has a lot of attributes on his or her body. Hindi basta-bastang mauubos ito kung isa kang top attribute user!

There's something missing here.

May mali talaga sa nangyayari at sa kuwento nila sa amin!

"Sa loob ng isang taon, iyon lang ba ang kakaibang nangyari sa buong isla?" I suddenly asked them. Kita kong natigilan sila sa biglaang tanong ko. Pati na si Grayson ay natigilan din at napabaling sa gawi ko. He knows na nawalan na ako nang interes sa misyong ito kanina kaya naman nakita kong ngumisi ito noong magsalita ako.

Whatever, Tyler!

"What do you mean by that, Agent?" Lycon asked me.

"There's something missing here, Sir. I'm sorry but if your village was being cursed, just like what you've claimed, then... there must be someone who casted the spell of that curse, right?" ani ko at tiningnan sila isa-isa.

"That's right. And you tell us that the villagers, including you, felt weak during full moon. I think it was because someone's absorbing your attributes and collecting it." Wika naman ni Grayson na siyang tipid na ikinangiti ko. Nagkatinginan kaming dalawa at noong magtagpo ang mga mata namin, pinagtaasan ko ito ng isang kilay. Akalain mo yun at pareho kami ng iniisip!

"Have you checked the whole island?" Dagdag na tanong pa nito sa kanila.

Umiling sila sa amin na siyang tahimik na nagpatango sa amin ni Grayson.

"Then, we're going to investigate, Sir. We'll stay here in your village until we solve this case. May dalawang araw pa tayo bago ang kabilugan ng buwan. I guess that's more than enough for us to know what's the real deal here in Persidal Village." Sambit ni Grayson na sinang-ayunan naman nila Lycon. Nagkasundo ang mga ito at noong mapabaling ako sa puwesto ni Clarisse, napakunot ang noo ko. Tahimik lang si Clarisse sa tabi ng ama nito. If she thinks that their village is being curse, then she might have a little idea of it. 

I think I need a little chitchat with her.

Binalot ng katahimikan ang gabi.

Nagpapahinga na ako ngayon sa kuwartong ibinigay nila Lycon sa akin. Nasa kabilang silid naman si Grayson at natitiyak kong tulog na ito. I closed my eyes and tried to rest my mind. I need to sleep. May trabaho pa akong gagawin bukas! Kailangan kong magpahinga dahil kung hindi, tiyak kong magiging lutang ako habang ginagawa ang misyong ito.

Lumipas ang ilang oras, hindi pa rin ako makatulog. Nakapikit lang ang mga mata ko ngunit gising na gising naman ang diwa ko. Marahas akong napabuntong-hininga at noong akmang kikilos na ako patagilid sa hinihigaan ko, mabilis akong napatigil sa pagkilos.

Agad akong napamulat ng mga mata noong makaramdaman akong kakaiba sa paligid. Tahimik pa rin ang buong paligid pero iba na ito ngayon. I can feel an unknow energy right now.

Unknown. Something dark...

Clarisse!

Agad akong bumangon mula sa pagkakahiga at lumabas sa kwarto inuukupahan ko. Pagkalabas ko sa silid, agad akong napatigil sa pagkilos. Napatingin ako sa paligid at inalerto ang sarili.

Darkness.

Ba't ang dilim naman!

I looked up. Wala akong makitang ni isang bituin sa langit. That's impossible!

Napatingin naman ako sa gawing kanan ko. Ipinilig ko ang ulo pakanan at pinatalas ang pakiramdam ko. I can feel her. I can feel her overflowing presence! Agad kong tinungo ang lugar kung saan nararamdaman ko siya. And there. I saw her.

Clarisse.

"You felt it, too." Rinig kong sambit niya na siyang lalong ikinakunot ng noo ko.

Seryoso ko lang siyang tiningnan. Nakatalikod siya sa akin at nakatingin din sa madilim na paligid na ngayon ay bumabalot sa buong Persidal Village.

"Uhm.. Yeah. I felt your power." Maingat na sambit ko dito.

"That's not mine." She said. "That power is not mine."

Natigilan ako. Hindi siya ang nagmamay-ari nitong kadilimang ito?

"What do you mean?" Litong tanong ko kay Clarisse. I'm sure that it was her power I felt earlier. This is a dark magic! At sa village na ito, hindi ba siya lang ang may ganitong kakayahan?

"Hindi ako ang may-ari ng kapangyarihang iyon, Ana. That's not mine." Seryosong wika nito at namataan ko ang paghugot ng isang malalim na hininga. 

Tahimik ko lang itong pinagmasdan. Kung hindi sa kanya, kanino itong kapangyarihang ito? Bakit nasa Persidal Village ito ngayon?

"Tell me, Clarisse. Ano ang alam mo sa mga nangyayari sa nayon na ito?" I asked intently. Kita ko ang dahan-dahan na paglingon niya sa akin at ang muling paghugot nito ng isang malalim na hininga.

"I've been investigating things on my own for a year now." Panimula niya na siyang ikinaayos ko nang pagkakatayo. "This darkness. Hindi ito normal na dilim lamang, Ana. Tuwing nalalapit na ang kabilugan ng buwan, ganito ang nangyayari dito sa Persidal. And I'm always here. In this particular spot, because I want to solve this freaking curse! Two days from now, may mawawala na naman na taga rito sa Persidal Village. And I can't do anything to stop it." Kita ko ang galit sa mukha nito.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Kung ako naman ang nasa kalagayan niya ay ganyan din marahil ang mararamdaman ko. I will be frustrated, too!

"You really believed that your village was being cursed." I said to her. Kanina ko pa naiisip at gustong itanong ito sa kanya. May kung anong kulang sa mga sinabi nila sa amin kanina at kailangan kong malaman iyon para malutas namin ang misteryo ng lugar na ito! "Your cursed magic, Clarisse. What is it?" I slowly asked her.

I saw how she closed her eyes. She looks like in pain. Ilang segundo muna ang lumipas bago niya sagutin ang tanong ko sa kanya.

"Darkness, Ana. That was my cursed magic." sagot niya na siyang ikinakuyom ko ng mga kamao.

Darkness.

Napatingin ako sa buong paligid. Now, it makes sense to me. Clarisse possessed a cursed magic, the darkness. And the village was coated now by darkness. Pero, ang sabi niya ay hindi nanggagaling sa kanya ang kapangyarihang ito.

Don't tell me may iba pang dark magic user sa village na ito at hindi lang si Clarisse?

"Ana." Tawag pansin ni Clarisse sa akin na siyang ikinabaling kong muli dito.

"Is it possible na ako ang may kasalanan ng lahat ng ito?"

Hindi na ako nagulat sa naging tanong nito sa akin. Natural na isipin niya iyon. And I think I'm slowly getting the situation here. Wala siyang kinalaman dito. Walang kinalaman si Clarisse sa kung anong nangyayari dito sa Persidal Village. I must admit, may naramdaman akong kapangyarihan kanina. And I really thought it was her. Pero ngayon, base sa nakikita ko, I can tell the difference. Her cursed magic and this darkness covering the whole Persidal Village.

Lumapit ako sa kanya at inilagay ang dalawang kamay ko sa braso niya.

"Listen, Clarisse. Wala kang kinalaman dito. Hindi ikaw ang rason kung bakit nangyayari ito sa nayon ninyo. I can feel it. Don't worry, okay. We are here to help you out. To be honest, medyo naiinis ako sa inyo dahil sa pagsisinungaling ninyo sa request letter sa Tynera. Bago ako pumunta dito, I was so damn happy because all I know was I can use my healing power here in Persidal but it turns out, iyong utak ko pala ang magagamit ko ngayon." I released her shoulder and tapped it once.

"Hindi ko pa alam kung ano ba talaga ang meron sa village niyo. Pero ito lang masasabi ko," I paused for a second and nod at her. "We will do our best to help you and the whole Persidal Village. After all, you have us now on your side, one of the best team of Tynera." I smiled at her.

I can't believe on what I've said to her!

Linya kaya iyon ni Grayson Tyler! Paniguradong papalakpak tenga ng isang iyon kung narinig niya ang sinabi ko!

Great! Just great, Anastasia Miller! Jez!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top