Chapter 38: Dangerous
"Answer me. Who are you?" seryosong tanong kong muli sa lalaking nasa harapan ko.
I saw him smirked at me. "What a fierce young lady. I like it." He said then smirked again.
This man is definitely an enemy. Sa lakas ng itim na kapangyariahn nito, hindi na ako magtataka pa kung siya ang lider ng dark guild na kaaway ng Council! Without even thinking, I moved and swayed my right hand towards him. Bumulusok agad ang apoy ko patungo sa kanya. Nanatiling nakangisi naman ang lalaki habang nakatingin pa rin sa akin. Ni hindi siya gumalaw sa kinalalagyan niya!
Napakunot ang noo ko nong kusang na-dissolve yung apoy ko na umatake sa lalaki. Mayamaya lang ay tumawa ito at ipinilig ang ulo pakanan. I mentally cursed while looking at him. "Your attribute's useless against me, young lady." He carefully said. So, tama nga ako sa hinala ko kanina. This is him. The leader of the Malverine!
Kaya pala sinabi sa akin noon ni Hades na useless ang attributes sa mundong ito, lalo na kung ang lalaking ito ang kaharap mo. He can dissolve someone's attack, someone's attribute!
Napakuyom ako ng kamao ko. Ramdam na ramdam ko pa rin ang init na galing sa apoy na hinigop kanina. I need to release some more. Kahit na walang epekto sa kanya, I need to use my fire attribute para maging maayos muli ang lagay ng katawan ko!
Humugot muna ako ng isang malalim na hininha at matamang tiningnan ang lalaki sa harapan ko. Hind ko kilala ang isang ito. This man... he's definitely not Mundro! Patay na iyong lalaking iyon! Paniguradong ito ang lalaking pumalit sa kaya. I need to be careful. Hindi ko pa gamay ang kapangyarihan ng isang ito!
"What's with that look, young lady? You want to finish me already."
A small smile escape from my lips. Napailing ako sa kanya at muling ikinumpas ang kamay. Agad na umatake sa kanya ang fire magic ko at kagaya kanina, walang nangyari. "Nah. I was just thinking how strong you are," matamang sambit ko.
"You can't hurt me with your fire. But if you want to know what I can do, attack me again." Hamon nito sa akin.
Napa-arko ang isang kilay at muling napangiti. "I will," seryosong saad ko sabay kumpas ng dalawang kamay ko. My fire balls immediately attack him. Hindi ako tumigil hanggang sa maubos ang sobrang kapangyarihan sa katawan ko.
Mayamaya lang ay lumipad ako ng mas mataas sa kinalalagyan ng lalaking kalaban ko ngayon. Dumistansya na rin ako sa kanya. Nagpatuloy ako sa paglipad at noong biglang lumitaw sa harapan ko ang lalaki, mabilis akong natigil sa ginawa. Damn! Ang bilis nito! Ang buong akala ko'y nasa likuran ko ito kanina!
"Running away?" The guy asked me sabay sugod sa akin.
Napangiwi ako at mabilis na iniwasan ang atake nito. Mas binilisan ko ang paglipad at lumayo muli sa kanya.
Wala akong balak na takasan ang lalaking ito! Wala sa bokabolaryo ko ang umatras sa isang laban! Lumayo lang ako sa sentro ng Dark World! Masyado na itong sira ngayon at kung doon pa kami maglalaban ng lalaking ito, natitiyak kong wala na talagang matitira sa mundong ito!
Nagpatuloy ako sa paglipad hanggang napatigil ako at tumingin sa may paa ko. Napaawang ang labi ko noong unti-unting nagpatanto ang nangyayari sa fire attribute ko!
My fire is slowly fading under my feet!
Galit akong bumaling sa lalaking nasa likuran ko! "You're really pissing me off!" bulyaw ko sa kanya.
Ngumisi ito. "Am I?" He playfully asked. Mayamaya lang ay naging seryoso ang ekspresiyon nito sa mukha at mas lumakas ang dark energy na nakapalibot sa kanya. "Kung ganoon, simulan na natin ang laban ito para mas mapabilis na mapasaakin ang pakay ko sa'yo."
Mariin kong ikinuyom ang mga kamao ko. Palihim kong tiningnan ang kinaroroonan at noong mapansin malayo na kami sa sentro, ikinalma ko na ang sarili. Mayamaya lang ay unti-unti akong bumaba mula sa pagkakalutang, ganoon din siya. Pagkalapat ng mga paa ko ay agad akong nag-summon ng attribute ko at gumawa ng espada at itinutok sa lalaking kaharap ko.
Alam kong wala akong laban sa kanya kung tanging attribute ko lamang ang gagamitin ko. This man... he's stronger than I imagined. Sa lakas ng enerhiyang pinapakawalan ng katawan niya, paniguradong hasang-hasa na nito ang dark magic na pagmamay-ari niya.
Napabuntonghininga na lamang ako at inihanda na ang sarili. Might as well gamitin ko ang isa ko pang kapangyarihan laban sa lalaking ito. If I want to defeat, I need to fight and use my dark magic too.
"Now tell me, sino ka ba talaga?" seryosong tanong ko sa kanya.
Napangisi ito at mahinang tumawa. "Tatapusin ko na lang ang buhay mo, pero hindi mo pa rin alam ang pangalan ko. Well, let me introduce myself to you through this," aniya at walang sabi-sabing umatake sa akin. I was off guard by his sudden attack. Ang bilis nang galaw nito! Napamura na lamang ako sa isipan at agad na tumalon paatras para maiwasan ang atake niya.
But I was too late. Nakalapit na ito nang tuluyan sa akin. I gritted my teeth when I saw how he slash his sword in front of me. Napamura akong muli at mabilis na napaatras. Napangiwi naman ako no'ng madaplisan ang kanang braso ko ng espada niya.
He stopped for a moment and stood a few inches from me. He silently looked at me then pointed his sword towards me. "I'm Pyro, the reaper of this world, and I'm the one who will take everything from you... including your life," saad niya at nginisihan akong muli.
Umayos ako nang pagkakatayo at gumanti nang ngisi sa kanya. Segundo lang ay namataan ko ang pagkunot ng noo nito habang nakatingin sa akin. Nagtaas ako ng isang kilay at hinawakan ang braso kong nasugatan dahil sa naging pag-atake nito. "You'll take my life, hah?" I slowly asked him in a serious tone. "Sigurado ka?" tanong ko pa habang unti-unting ginagamot ang sugat ko.
Noong naging maayos na ang ako, mabilis kong dinisolve ang fire sword ko. Hindi ko inalis ang paningin kay Pyro at noong mas lalong kumunot ang noo nito habang nakatingin sa akin, mas lalo akong nagnais na matalo na agad ang isang ito.
"What now? You're not going to use your attribute?" tanong niya habang matamang nakatingin pa rin sa akin. "Kaya mo bang lumaban ng hindi gumagamit nito?"
Ngumisi ako sa kanya. "You told me earlier that you found me. The question is, kilala mo ba kung sino ang natagpuan mo, hah, Pyro?"
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Mabilis akong kumilos at umatake na sa kanya. I didn't summon my fire attribute, instead, ginamit ko ang dark magic na mayroon ako. I create a sword out of it. He was taken back with my sudden attack. Kaya naman sinamantala ko ang pagkakataong mayroon ako ngayon.
Noong tuluyann na akong nakalapit sa kanya, I immediately grab his arm at itinutok sa kanya ang hawak kong espada.
He froze. "You're not him, aren't you?" I asked coldly the man in front of me. Pero wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. Idiniin ko ang hawak kong espada na ngayon ay nakatutok na sa leeg niya. "Speak!" Sigaw ko sa harapan nito.
Umiling ito sa akin. "Bakit siya pa ang hinahanap mo? Ako lang sapat na. I can kill you." He said with a smirk plastered on his face.
Nagtaas ako ng isang kilay sa kanya. "Oh really? Well, I guess this will be your last breath, Pyro. Any last word?"
Ramdam ko tensiyon sa buong katawan niya. Mukhang naramdaman nitong hindi ako nagbibiro ngayon. Hindi ako magdadalawang-isip na tapusin ang buhay nito. After all, he's still a member of Malverine. Hindi nga lang siya ang lider nila. He was lying earlier. Yes, isang dark magic user din ang isang ito. But I can tell that he's not the leader of that dark guild. My dark magic can tell how strong this man is. At base sa nakikita ko, mas mataas lang ng ilang porsiyente ang lebel ng kapangyarihan nito sa dalawang lalaking biglang sumulpot kanina sa harapan namin ni Rogue.
"Damn you!" sigaw ni Pyro at nagpumiglas mula sa pagkakaghawak ko sa kanya. But he was too late. Damn too late. Nasimulan ko nang higupin ang kung anong mayroon sa kanya. Now, his dark magic is slowly fading inside his body. Tiningnan ko siya nang maigi. Mga galit na mata ang bumungad sa akin. "How ... dare you," nahihirapang usal nito.
"I told you, hindi mo kilala kung sino ang nahanap at kaharap mo ngayon." I said then let go of his body. Bumagsak ang walang lakas na katawan nito sa lupa. I sighed and looked at him intently. "See you in hell, Pyro," mahinang turan ko sabay summon ng fire attribute ko at itinutok ang mga kamay ko sa gawi niya. Mahinang dumaing si Pyro ngunit na nito nagawang i-dissolve ang apoy ko.
Ilang segundo lang lumipas ay natupok na nang tulungan ang katawan nito. Humugot ako ng isang malalim na hininga at ipinilig ang ulo pa kanan. I smirked then I raised my hands. Iginalaw ko iyon at matamang kinatitigan.
My fire. It became stronger. More powerful. More dangerous. Hindi na lamang ito isang simpleng apoy mula sa isang kagaya kong fire attributer ng Aundros. Dahil sa ginawa kong pag-absorb ng dark magic sa katawan ni Pyro, nagkaroon din ng kakaibang lakas ang apoy na taglay ko sa katawan!
I silently sighed at started to move my feet again. Hindi ko alam kung maganda ba ito para sa akin o hindi. But hell! Kung mabilis ko namang matatapos ang gulong ito, hindi ako magdadalawang-isip na gamiting muli ang kapangyarihang ito!
Napailing na lamang ako at pinagpatuloy ang paglalakad. Ilan pa kaya ang makakaharap kong miyembro ng Malverine bago ko marating sila Kuya Anthony at Hades. I need to see them now! I need to know if they're okay. I also need to know what happened to Grayson! Damn it! Kailangan ko na talagang makabalik sa mansyon na iyon!
Akmang ihahakbang ko na sanang muli ang mga paa ko no'ng mabilis akong natigilan sa kinatatayuan ko. I suddenly froze for a moment upon realizing how terrifying the magic that I'm sensing right now. I scanned the whole place. Kung malakas na iyong presensiya na naramdam ko kanina kay Pyro, itong isang ito ay tiyak kong mas nakakapangilabot.
This might be him. The real leader of the Malverine, the leader of the dark guild.
Ikinuyom ko ang mga kamao ko at nagsimulang ikilos muli ang mga paa. I need to find him first. I need to finish him before he finishes me.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top