Chapter 37: Absorb

Halos manghina ako sa mga nakikita ngayon.

This world is totally over! What the hell happened here? Sino ang mga kagagawan nito? Ang Council ba? Ang mga miyembro ng Malverine?

I scanned the whole place. Lahat nang nakikita ko ay sirang-sira na!

Dahan-dahan akong naglakad habang nasa mga sirang bahay at gusali pa rin ang paningin. Hindi ko na alam kong saan ako pupunta ngayon. Pagkatapos kong makatakas sa mula kay Rogue sa tore niya ay mabilis kong hinanap ang daan pabalik sa sentro ng Dark World.

I was hoping na may maabutan pa ako sa kanya... na may matutulungan pa ako, but I guess it's too late for me to do that.

"There you are." Napalingon ako noong may nagsalita sa likuran ko.

Humugot ako ng isang malalim na hininga at ikinuyom na lamang ang mga kamao noong mapagtantong nasundan pa rin ako nito. "Rogue," mahinang turan ko sa pangalan nito. "What happened here?" halos walang tinig na tanong ko sa kanya.

"This was their battlefield, Anastasia. And a battlefield was destined to be destroyed like this." He said while looking around. Mayamaya lang ay napatingin ito sa akin at iritableng nagsalitang muli. "And you, stubborn woman, is making a big mistake now!" He hissed at me.

"I just want to help!"

"Ang tulong na sinasabi mo ang siyang magpapatalo sa atin sa laban na ito, Anastasia!" malamig na bulalas niya sa akin. "The Malverine will definitely look for you! Just like what they did before!"

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. What? The looked for me before, really? Sa anong dahilan naman? "They did what?" wala sa sariling tanong ko sa kanya.

"They'll do everything to have you, my Queen. And me, as your primary guardian, will risk my life just to save and protect you from them!" mas galit na turan nito ngayon sa akin.

Napaawang ang labi ko at gulong-gulong tiningnan si Rogue. Primary what? My guardian? Kailan nangyari iyon? "W-what? What the hell are you saying, Rogue?"

"I'm a shadow, Anastasia. Your shadow! I was trained to be your guardian." He said in a serious tone. Hindi ako nakaimik dahil sa mga pinagsasabi nito sa akin. "You have the strongest dark magic, Anastasia Miller. And for you to use it properly, you need someone to guide you. Your father, my master, once told that when this day come, I'll risk my life to save yours!"

Napatanga akong muli sa mga sinabi niya. "Are you for real?" Hind makapaniwalang tanong ko dito. "So, you mean... Teka nga!" galit na saad ko at itinuro ito! "Kung nandito ka para protektahan ako, para saan pa iyong pinagsasabi mo sa akin? You want me and my power, right? Ikaw mismo ang nagsabi niyan sa akin noong nagtungo ka sa mansyon ni Hades!"

Napailing si Rogue at napahugot na lamang ng isang malalim na hininga. "I don't want you to freak out. It was just an act."

"Freak out? Paano kung nakipaglaban ako talaga ako sa'yo gamit ang dark magic ko at napahamak din kagaya sa nangyari sa kapatid mo? Sa tingin mo ba ikatutuwa ko iyon? Dapat ay nagpakilala ka na lamang sa akin!" inis na bulalas ko sa harapan nito. I can't believe him! Kung nagkataon, ako mismo ang tatapos sa mga buhay ng magkapatid na Rogue at Garnett! Sino ba ang nakaisip na ganito dapat ang approach nila sa akin? Hindi ba sila binalaan na kaya kong lumaban nang patayan kung nanaisin ko lang?

"Hindi na mahalaga ang iyon," anito na siyang ikinailing ko na lamang sa kanya. "Ngayong alam mo na kung sino talaga ako, just please, listen to me. I'm here for you, Anastasia. I'm not your enemy kaya naman ay makinig ka sa akin. Para sa kaligtasan mo rin naman ito," malamig na wika niya na siyang ikinangiwi ko.

"Just who the hell are you, Rogue?" Hindi pa rin ako tapos sa mga tanong ko sa kanya. I still need more information about him! Primary guardian? Sino may pakana nito? Si daddy ba?

Akmang magsasalita na sana akong muli noong biglang yumanig ang buong paligid. Agad kong inalerto ang sarili sa maaring sunod na mangyari sa amin. They're still here. Hindi pa sila tapos sa laban nila!

Napatingin naman ako kay Rogue noong makaramdam ako ng matinding pressure mula sa kanya. Seryoso at tahimik lang itong nakamasid sa paligid namin. "They're coming." Mayamaya'y imporma nito sabay lapit sa akin. "Be ready, Anastasia."

Napatango na lamang ako at segundo lang din ang lumipas no'ng biglang may sumulpot na mga lalaki mula sa kung saan sa harapan naming dalawa. I closed my fist firmly upon seeing two men. Saan nanggaling ang mga ito? Tinitigan ko sila nang mabuti. I don't know them. And base sa suot nila na all black, I think they're members of Malverine. No doubt about that!

"Looks like we have her now," ani ng isa habang nakatingin sa akin. Napa-arko ang kilay ko dahil sa tinuran nito.

"Damn! Ikaw lang pala ang nagtatago sa kanya, Rogue!" wika naman ng isa habang nakangisi at nakatingin na rin sa akin.

Mabilis namang kumilos si Rogue at puwesto sa harapan ko. Hinarangan niya ang dalawa kaya naman ay hindi ko na makita ang mga bagong dating. "What took you so long, morons? Seriously? You guys are freaking weaklings?" ani Rogue na siyang ikinakunot ng noo ko. What the hell? Balak niya bang galitin ang mga lalaking ito?

"Don't you dare underestimate us, Rogue. Baka nakakalimutan mo, we're one of the members of the Masters," inis na turan no'ng isa sa kanila.

"What? Anong Masters?" mahinang bulong ko sa likuran ni Rogue. Napalingon ito ng bahagya sa akin. Ngumisi lang ito sabay harap muli sa dalawa.

"Hindi ko iyon nakakalimutan, Dark. But I also know that I'm way stronger than you two. Alam niyo naman iyon, 'di ba?" anito at mahinang tumawa. Damn. This man really knows how to ruin someone's ego. Paniguradong hindi magtatagal ay magpapalitan ang mga ito ng kanya-kanyang atake. "Ana, when I say leave, you'll leave. I'll distract this two morons," mahinang saad niya, saktong maririnig ko lang.

Napangiwi ako sa tinuran nito. "Tatakas ako? Sa kanila? You gotta be kidding me?"

"No. I'm dead serious here, so, gawin mo na lamang ang tinuran ko sa'yo."

Napailing na lamang ako at wala nang nagawa pa. Bakit kailangan tumakas? Dalawa lang naman itong miyembro ng Malverine. We can defeat them! Kahit siya nga lang ay tiyak kong kayang labanan ang dalawang ito!

Just in a blink of an eye, biglang napalibutan ng itim na mga anino ang dalawang lalaki. Gulat itong napatingin sa gawi namin ni Rogue at mayamaya lang ay galit na tumitig sa lalaki. Mukhang hindi nila inaasahang ang ginawa ni Rogue sa kanila.

"Damn it!" rinig kong sigaw no'ng tinawag na Dark ni Rogue kanina. "You're a traitor now? Hah, Rogue?"

Napailing si Rogue at muling binalingan ako. "Now, Anastasia! Find Hades and your brother! At kahit anong mangyari, iwasan mong makatagpo ng kahit sinong miyembro ng Malverine. Don't fight against them!" aniya at muling itinuon ang paningin sa dalawang lalaki.

Kahit naguguluhan ay nagsimula na akong tumakbo palayo sa kinaroroonan ni Rogue.

Hindi ko alam kung gaano kalayo na ang tinakbo ko mula sa lugar kung saan ko iniwan si Rogue kanina. Hindi ko na rin alam kung saang bahagi na ako ng Dark World ngayon! What the hell? Ganito ba talaga kalawak ang lugar na ito? Parang kanina pa ako tumatakbo at hinahanap ang mansyon ni Hades!

Sa paanan ng isang masukal na gubat ako natigil sa paghakbang ng mga pa. Humugot ako ng isang malalim na hininga at ikinalma ang sarili. I need to find the way towards Hades' mansion. Sana'y naroon pa ito at hindi nasira kagaya sa mga bahay at gusali na nadaanan ko kanina!

No'ng kumalma na ako ay dahan-dahan akong naupo sa malaking ugat ng puno malapit sa akin. Napatingala ako no'ng makakita ako kakaiba sa taas. Agad naman akong tumayo noong mapagtanto ko kung ano iyon. I immediately summoned my fire attribute and created a fire wing on my feet. Mayamaya lang ay naramdamn kong lumulutang na ako sa ere. Pataas nang pataas hangang sa makita ko na ang nais makita ng mga mata ko.

Naikuyom ko ang mga kamao ko no'ng makita ang nangyari sa paligid ko. The whole place. The whole damn place was burned and destroyed! Napamura na lamang ako sa isipan at agad kong nilapad ang distansya patungo sa sentro. I need to stop the fire they created. May namataan pa akong natitirang mga bahay na di pa inabot ng apoy! I need to stop it!

Ilang milya na lamang ang layo ko sa sentro kaya naman ay tumigil na ako sa paglipad. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at seryosong tiningnan ang apoy sa unahan. Mayamaya lang ay inangat ko ang magkabilang mga kamay at humugot ng isang malalim na hininga.

If I can make fire, I can definitely absorb it and make it my own. At iyon ang gagawin ko ngayon! I'll absorb the fire they created to destroy this place!

Hindi ko pa ito nagagawa noon kaya naman ay nananalangin ako na sana gumana ito. No. Dapat ay gumana talaga itong gagawin ko. I need to make it work! Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko at itinuon ang buong atensiyon sa nais gawin. Mayamaya pa'y nakaramdam na ako nang matinding init na bumabalot ngayon sa buong katawan ko. I opened my eyes and was shocked upon seeing what just happened.

The fire!

Iyong hinigop kong apoy na kanina lang tumutupok sa buong sentro ng Dark World ay nakapalibot na ngayon sa akin. Ramdam na ramdam ko ang init na pumapasok ngayon sa katawan ko!

Napangiti na lamang ako.

I can't believe it! I just freaking absorb the fire! Hindi ko man alam kung saan galing iyon pero nagawa ko pa rin ang pakay ko. At iyon ang maisalba ang mga natitirang bahay sa lugar na ito!

Mayamaya lang ay napapikit ako dahil sa sakit na biglang naramdaman sa katawan. Napaawang ang labi ko at wala sa sariling napatitig sa mga kamay. My body... my body can't contain this power. Sobrang-sobra iyon kaya naman ay tila bumibigay na ang katawan ko ngayon! Damn it! My body can't take all this fire!

"Aahh!" sigaw ko no'ng maramdaman kong muli ang sakit sa buong katawan! No! This is not good. Kahit na isang fire attributer pa ako, hindi pa rin maganda para sa akin ang sobrang daming apoy sa katawan! Fire is a destructive element. Kapag hindi ko ito makontrol, it will destroy my body! Dam it!

"Found you." Napabaling ako sa gawing kanan ko. Nakalutang pa rin ako ngayon sa ere kaya naman ay gulat kong tiningnan ang nagsalita. He's flying too and now; he's looking at me darkly.

"Who are you?" I asked him. Wala sa sarili naman akong napatingin sa kabuuan nito.

Dark energy. His body is releasing too much dark energy!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top