Chapter 36: Rogue

Sa isang 'di pamilyar na silid ko natagpuan ang sarili ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at mabilis na inilibot ang paningin ko sa kabuuan ng kuwartong kinaroroonan ngayon.

Where the hell am I? Paano ako napunta sa lugar na ito?

Mariing kong ikinuyom ang mga kamao at maingat na bumangon mula sa pagkakahiga at pinakiramdaman ang sarili ko. Wala namang masakit sa akin, so I guess ay nawalan lang ako nang malay kanina.

Wala sa sarili akong napasapo sa noo ko at pilit na inaalala ang nangyari sa akin bago mawalan nang malay kanina. Paano ban ga ba ako napunta sa lugar na ito?

Napabuntonghininga na lamang akong muli at segundo lang din ay natigilan noong biglang may naalala ako.

Rogue.... Grayson!

That's right! Nahuli ako ni Rogue sa mansyon ni Hades at ginamitan ng kapangyarihan niya para tuluyang sumama sa kanya! Na-kidnap ako ng lalaking iyon? Really, Anastasia? Damn it! At si Grayson! Paniguradong umusok na ang ilong at tenga ng isang iyon dahil sa nangyari!

He saw me! He what happened to me!

Wala sa sarili akong napatingin sa gawing kanan ko. May isang bintana roon at may itim kurtina. Dahan-dahan akong naglakad patungo roon sa bintana at noong nasa tapat na ako nito, maingat kong hinawi ang kurtina at palihim na tiningnan ang paligid kung nasaan ako ngayon. I need to know where the hell am I right!

Mayamaya lang ay maingat akong napaatras palayo sa bintana dahil sa mga nakita ko.

What the hell? Nasaan ba ako?

Umabante akong muli palapit sa bintana at sa pagkakataong ito, hinawi ko na talaga ang kurtina para makumpirma ang mga nakita ko kanina. Wala sa sarili na lamang akong napahawak sa sentido ko noong makumpirma kong tama at hindi ako namamalikmata kanina!

Mountains! I saw freaking mountains and damn tall trees!

Napailing ako at tuluyan nang binuksan ang bintana sa harapan at agad akong nilamig noong umihip ang hangin. Naikuyom ko agad ang mga kamao ko no'ng napagtanto ko kung nasaan talaga ako.

Nasa isang tower ako ngayon! What the hell? Paano ako napunta sa lugar na ito?

Sa inis ko ay agad kong isinumon ang fire attribute ko at agad pinakawalan iyon patungo sa labas ng tore pero agad naman akong natigilan sa sunod na nangyari. My fire! In a blink of my eyes, nawala ng parang bula ang apoy na ginawa ko!

"You can't use any kind of attributes here, my Queen."

Marahas akong napalingon sa taong nagsalita sa likuran ko. "Rogue." mariing sambit ko sa pangalan nito. "What the hell you think you're doing? Bakit mo ako dinala sa lugar na ito?" seryoso at galit na tanong ko sa kanya.

"Saving you? Again?" He said then smirked.

Napakunot ang noo ko sa sinagot nito. "Saving me? Really? From whom exactly? Sa Malverine? Bakit? Hindi ba isa ka sa kanila?" Sunod-sunod na tanong ko sa nakangising si Rogue.

I don't know who exactly this guy. Isang beses ko lang ito nakita noon. That was the time I saw my parents died because of the war between Malverine and the Council! That time, I was about to burst my anger but for some unknown reason, bigla akong nawalan ng malay noon. And that was it! Paggising ko ay nasa isang madilim na lugar na ako at kasama itong lalaking nag-ngangalang Rogue! He didn't explain to me what happened before and the next thing I remember, nasa Aundros na muli ako. I saw my brother crying and the whole division mourned for the death of my parents!

Narinig kong bahagyang napatawa si Rogue sa mga itinanong ko sa kanya. Umiling ito at umayos na lamang nang pagkakatayo habang nakatingin sa akin. "Relax, Anastasia," matamang wika niya sa akin. I stay still upon hearing him uttering my whole name. This guy really knows me well! "Hindi ako miyembro ng Malverine."

Kunot-noo ko itong tiningnan. Hindi siya isang Malverine? "At sa tingin mo maniniwala ako sa pinagsasabi mo?" inis na tanong ko sabay kuyom ng mga kamao. Well, if I can't use my attribute in this freaking place, then, I think I don't have any choice now. Kaya kong lumaban kahit na walang attribute na ginagamit! I'm an Agent, for Pete's sake! Hindi ako umaasa lamang sa attribute na mayroon ang katawan kong ito!

"I'm not a Malverine, Anastasia. Maging si Garnett ay hindi rin miyembro ng dark guild na iyon," sabi nito na siyang ikinatigil ko. What?

"You know him?" halos bulong na tanong ko sa kanya. He nodded at me and smiled bitterly. "He was my younger brother."

Bigla akong nanghina sa narinig mula kay Rogue. No hell way! "I... I killed him," walang emosyong turan ko habang matamang nakatingin kay Rogue. Garnett was his brother... He's my friend's bother!

"No." Umiiling na sambit nito habang sinasalubong ang matamang titig ko sa kanya. "You didn't kill him. Let's just say that he just did something incredible for this world," pahabol pa nito na siyang ikinakagat ko ng pang-ibabang labi ko.

This world. "Save this world, Anastasia." Right! Iyon ang mga katagang binitawan sa akin noon ni Garnett. So, he really wanted to save Dark World! Pero... bakit? Kung hindi naman ito parte ng Malverine, bakit kailangang iligtas ang mundong ito?

"Sino ka ba talaga? Si Garnett? Schoolmate ko siya noon sa Academy!" Naguguluhang tanong ko sa kanya! I need some answer from him! Hindi ako mapipirma hangga't hindi ako naliliwanagan sa mga mangyayari ngayon!

Rogue sighed. "Yes. Garnett was your schoolmate. And that was part of his mission. To protect you. And as for me, I am Rogue, his older brother. Ako iyong nagligtas sa'yo noon," matamang saad nito.

Napailing ako habang nakatingin pa rin sa kanya. "Misyon? Ano bang pinagsasabi mo? Niligtas mo ako noon? Oh, come on! You didn't save me, Rogue! Inilayo mo lang ako noon sa mga taong dapat ay naprotektahan ko!" galit na turan ko sa kanya.

"I saved you from him, Anastasia. Kung nalaman na niya ang existence mo noon pa man, malamang ay matagal ka nang wala sa mundong ito," seryosong saad nito na ikinakunot ng noo ko.

Napalunok ako at umayos nang pagkakatayo. "Him? Sino itong tinutukoy mo, Rogue?" Ang daming tanong sa isipan ko ngayon! I need his freaking answers kung hindi ay baka mabaliw na ako!

Hindi sumagot si Rogue sa huling tanong ko sa kanya. Sa halip ay tinalikuran niya ako at walang imik na naglakad patungo sa nakasarang pinto ng silid. Napamura na lamang ako sa isipan. "Wait, Rogue!" Pigil ko sa lalaki. "Wala ka man lang bang planong sagutin ang mga tanong ko? Sino ang tinutukoy mo kanina? Sino iyon? And please, at least tell me where the hell am I?"

"You're in my place, Anastasia. You'll stay here until the war between them ends," malamig na turan nito na siyang ikinaawang ng labi ko.

"What?" bulalas ko sa harapan niya. "So, you mean... you'll lock me in this damn room while my friends and my brother are fighting those Malverine? Iyon ba ang nais mong iparating sa akin, hah, Rogue?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

There's no way I'll stay here! I need to fight with them! Hindi ako papayag na manatili na lamang sa lugar na ito!

"Forget about your revenge, Anastasia." Natigilan ako sa sinabi niya sa akin.

Revenge.

Honestly, nawala na sa isip ko ang paghihigante na iyan. All I want to achieve right now is peace. A peace for this world. Masyadong marami na ang nangyayari sa Tereshle ngayon. At kung makakatulong sa kapayapaang nais ko ang tuluyang pagkatalo ng Malverine, then, I'll do everything to stop them.

Napabuntonghininga na lamang ako at muling itinuon kay Rogue ang buong atensiyon. "It's not my revenge anymore, Rogue," wika ko na siyang ikinatigil naman nito. "Garnett told me to save this world." I sighed again. "Hindi ko alam kung paano gagawin iyon pero may tiwala ako sa kakayahan ko." I raised my right hand and immediately feel my own power. " I will do it, Rogue. Hindi ko man alam ang tunay na rason kung bakit nais iligtas ito ni Garnett, mukhang iyon din naman ang makakabuti sa lahat. This war between the Council and Malverine should stop now. The conflict between them caused troubled and pain to those who lived inside the Dark World. Dapat na talagang matigil ang gulong ito," dagdag ko pa sabay tingin ng deretso sa kanya. "I'll fight till I succeed, so... habang nakikiusap pa ako sa'yo ngayon, pakawalan mo na ako, Rogue," seryosong saad ko sa kanya. "Let me go before I destroy this damn place of yours."

Namataan ko ang pagkamangha sa mukha ni Rogue. Mayamaya lang ay umiling ito at nginisihan ako. "You never failed to amuse me, Anastasia Miller." He said then step forward towards me. At noong makalapit na ito sa akin, yumuko ito at muling nagsalita. "Sorry to say this, but I can't let you go, Anastasia. This is an order to me as well. Let them fight for this world. Cause, you know, it will be a total mess if you're inside of that damn battlefield. Just stay put and wait till it ends."

Hindi pa siya tuluyang nakakatayo nang maayos mula sa pagkakayuko ay nagsalita ako. "Sorry to say this to you too but I won't let you keep me inside this freaking room, Rogue," ganting bulong ko sa kanya. "Kahit ano man ang sabihin mo sa akin, I'll fight. I'll fight with them, and no one can stop me. Kahit na ikaw pa."

Pagkasabi ko noon ay agad ko siyang sinikmuran na siyang nagpadaing sa kanya. Mabilis kong itinaas ang kanang kamay at buong puwersong sinuntok ito. Marahil ay hindi niya inaasahan na gagawin ko iyon. Ni hindi nga niya nagawang sanggain ang naging pag-atake ko.

Napangisi na lamang ako at malakas na sinipa si Rogue noong napaluhod ito sa harapan ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top