Chapter 34: Save The World
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin ngayon. Ilang beses kong ikinurap ang mga mata at kagaya kanina, ang pamilyar na mukha pa rin nito ang nakikita ko sa taong nasa harapan ko.
He's a one of the members of Malverine! Naikuyom ko na lamang ang kamao habang matamang nakatingin sa kanya. "Garnett," malamig na sambit ko sa pangalan nito.
Ngumisi ito sa akin at tiningnan ang kabuuan ko. "I'm so glad na kilala mo pa ako, Ana. It's been what? Five years simula noong huling nagtagpo ang mga landas natin sa academy," anito habang nakatingin pa rin sa akin.
Garnett... Of course, I still remember him! Isa ito sa mga naging malapit sa akin noong nag-aaral pa ako sa Tereshle Academy! He's a water attributer from Lynus Division. Palagi kaming nag-eensayo noon sa training room tuwing wala si Grayson sa academy! He's a strong Tereshlian with a very kind heart. But now, I can't believe him! He's a freaking member of Malverine and a dark magic user! What the hell happened to him?
Napailing na lamang ako habang nakatingin pa rin sa kanya. Umakbang ako ng isang beses paatras kaya naman ay umarko ang isang kilay nito sa akin. "You're my enemy," mahinang sambit ko sa dating kaibigan.
Kung makakalaban ko ngayon si Garnett ay tiyak kong matatalo niya ako. Mahina at walang lakas ang buong katawan ko ngayon. Kahit sabihin pa natin na taglay ko na ngayon ang malakas na dark magic na matagal nang naka-seal sa katawan ko, hindi ko pa rin kakayaning makipagsabayan sa kanya! I know my limitation at isa na itong sitwasyong mayroon ako ngayon!
"Come with me, Ana." Mayamaya'y sambit nito na siyang mabilis namang ikinailing ko.
"No. I'm not going anywhere, Garnett," mariing saad ko sa kanya.
"So, what now? Lalabanan mo ako? Come on, Anastasia Miller. I don't think if you can even summon your own attribute." Nakangising wika nito sa akin. Napaatras akong muli palayo sa kanya. He's damn right! I don't have enough energy to do that. Kaya nga ay nais ko na lamang tumakas mula sa kanya. I need to get out of this place. Now!
"We don't have much time, Anastasia. Huwag mo nang pahirapan pa ang sarili mo at sumama ka na sa akin," mariing sambit nito at nawala ang ngisi sa labi. Naging seryoso na ito habang nakatingin pa rin sa akin.
Umiling akong muli sa kanya. "I'm not coming with you, Garnett." Walang emosyong sambit ko sa kanya sabay summon ng kapangyarihan ko, my fire attribute. Mayamaya lang ay namataan ko naman ang bahagyang pagkagulat sa mukha ni Garnett. Yes, Garnett. I can still summon my own fire! Don't you underestimate me!
"You're still a stubborn one, Anastasia Miller! Huwag mo nang sayangin ang natitirang attribute mo sa katawan."
Napailign muli ako sa kanya. I don't care! Wala akong pakialam kung maubos man ang attribute ko sa katawan! No. Hindi siya magtatagumpay sa binabalak niya sa akin. Hindi ako sasama sa kanya! I will summon and use everything that's left inside my body!
Hindi na ako nagdalawang-isip pa na atakehin si Garnett ng fire attribute ko. Pero mukhang wala talaga ako sa tamang wisyo ngayon. Walang lakas ang mga atakeng ginawa ko kaya naman ay walang kahirap-hirap na nasangga lang ni Garnett ang mga ito. Mayamaya lang ay napaupo ako sa lupang tinatapakan dahil sa biglaang panghihina ng katawan ko. Come on! Talagang ngayon pa bibigay itong lintek na katawan ko!
Akmang kikilos na sana ako para tumayong muli noong mabilis akong natigilan. Napalapat ang mga kamay ko sa lupa noong biglang yumanig ito. It's an earthquake! No... hindi ito isang normal na lindol lamang! Someone's using their earth attributes right now and cause this earthquake!
"Damn it! The Council's here," rinig kong sabi ni Garnett at mabilis na kumilos sa kinatatayuan nito. Naglakad ito papalapit sa akin at agad na hinawakan ang kanang braso ko sabay hila patayo sa akin. "We need to leave this place now, Anastasia," aniya at hinila akong muli.
Nagpumiglas ako sa hawak niya. "I said, I'm not coming with you." Halos walang tinig na wika ko kay Garnett. Humugot ako ng isang malalim na hininga at wala sa sariling inangat ang kamay. Mabilis kong inilapat ang kanang kamay ko sa mukha ni Garnett. And for some unknown reason, biglang umilaw ang markang naroon at segundo lang ay namataan ko kung paano nanlaki ang mga mata nito. Agad akong binitawan ni Garnett kaya naman ay pabagsak akong napaupong muli sa lupa. Damn! That hurts!
"That was the cursed dark magic," mahinang usal ni Garnett na umabot sa pandinig ko. Napakunot ang noo ko.
Cursed magic? What the hell is that?
Mayamaya lang ay napasapo ako sa may bibig ko no'ng bigla akong napaubo! Napailing ako at mabilis na humugot ng isang malalim na hininga. Oh no. Bumibigay na ang katawan ko! Maging ang mga mata ko'y tila bibigay na rin. Gusto kong ipikit ang mga ito ngunit agad ko itong nilabanan. I need to stay awake! Hindi puwedeng mawalan ako ng malay habang nandito pa itong si Garnett! I need to stay awake and alert!
"What are you, Anastasia?" seryosong tanong ni Garnett sa akin. Napangiwi ako at hindi sinagot ang naging tanong nito sa akin. Muli akong napaubo at mariing ikinuyom ang mga kamao. "Kapangyarihan mo ba ang naramdaman namin kanina? Hah, Anastasia? Hindi ba si Hades Miller ang may-ari ng kapangyarihang iyon?" He asked me again.
So, they really thought that the magic earlier was from Hades! Mukhang siya rin ang pakay nila at hindi ako! Tanging may malakas na dark magic lamang ang nais ng Malverine! They're here for my cousin, not me.
Nanatili akong tahimik at hindi sinagot ang mga katanungan ni Garnett. "Noon pa man ay ramdam ko nang may kakaiba sa'yo, Anastasia Miller. Kung sa'yo man itong kapanyarihang namamayani ngayon sa lugar na ito, then it's confirmed. You have that cursed dark magic!" He exclaimed.
Napailing ako at pilit na itinayo ang sarili. "You're pertaining about this magic?" I asked him sabay taas ng kanang kamay ko. Kitang-kita roon ang markang nasa kamay ko. Mayamaya lang ay biglang may napansin ko roon. Wala sa sariling napaawang ang labi ko at napatitig sa markang nasa kamay. The mark... it's moving! What the hell?
Mayamaya lang ay mabilis akong napalingon kay Garnett noong naging mas malakas ang presensiya nito. Umayos ito nang pagkakatayo habang matamang nakatingin pa rin sa akin. "I really can't believe this. The headmaster needs to know about this!" He quickly said then move his feet. Umatras ito at naman ay wala sa sariling napagalaw na rin ang katawan ko. Agad din naman akong natigilan noong kusang gumalaw ang kanang kamay ko at tumutok sa gawi ni Garnett. Napakurap ako sa nangyayar. Seconds passed; dark energy came out from my hands and attacked Garnett!
Kita ko ang gulat sa mukha ni Garnett at huli na ang lahat para maiwasan nito ang naging atake ko sa kanya. Napalibutan na ito ng dark energy na lumabas sa mga kamay ko at tumilapon palayo sa kinatatayuan ko. Mayamaya lang ay namataan kong unti-unti itong napaupo sa kinatatayuan niya.
"What the hell?" mariing bulalas ko. Hindi naman ay hindi ko na makontrol ang kamay ko! Tiningnan kong maigi si Garnett. Nakahawak na ito ngayon sa may leeg niya. Tila nasasakal ito sa kapangyarihang nakapalibot ngayon sa kanya. Akmang ihahakbang ko na sanang muli ang mga paa noong mabilis akong natigilan. Napaawang ang mga labi ko at ikinalma ang sarili. Pinakiramdaman ko ang buong katawan ko. Mayamaya lang ay muling napaawang ang mga labi ko. My eyes widen upon realizing something! My body... maayos na ang pakiramdam ng katawan ko!
Sa pagkakataong ito ay nagawa ko nang kontrolin ang kamay ko. Mabilis ko itong ibinaba at iyong dark energy na umatake kanina kay Garnett ay unti-unting bumalik sa kamay ko. I curiously looked at my right hand. What did you do? Paanong nangyari iyon?
Napatingin akong bigla kay Garnett noong bumagsak ang katawan niya sa lupa! Napakagat ako ng pang-ibabang labi at kumilos muli. "Garnett!" I shouted his name sabay takbo patungo sa kanya.
This is great! Magaling na talaga ako! I can even run right now. I'm all healed!
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Mas binilisan ko ang pagkilos at noong tuluyan na akong nakalapit kay Garnett, napatanga na lamang ako. I froze upon seeing his condition. "Oh God!" Napatakip ako ng bibig ko noong makita ko ang kalagayan ni Garnett. This can't be happening to him! His life force... unti-unti itong nawawala sa katawan niya!
"You're a cursed dark magic user, Anastasia Miller," nahihirapang saad nito sa akin. "Your curse magic... absorbed my everything."
Nanlaki ang mga mata ko sa tinuran nito sabay tingin sa mga kamay ko. Normal na ito ngayon. Hindi na rin gumagalaw ang markang naroon! "Garnett, hindi ko alam na ito ang mangyayari sa'yo!" I said to him. I really don't have a freaking idea! Hindi ko alam na ganito pala ang taglay kong kapangyarihan! Wala rin ito sa Book of Creation na nabasa ko! "Hang on! I'll save you," mabilis na wika ko sabay luhod sa tabi niya.
I heard a soft chuckled from him. "Same old Anastasia Miller na nakilala ko noon sa Tereshle Academy." He said then smiled at me weakly.
"Garnett," mahinang usal ko sa pangalan niya.
Nakita kong umiling ito sa akin. "You." He said, almost a whisper. "You must save this world, Anastasia."
Napakunot ang noo ko sa narinig mula sa kanya. "What?" takang tanong ko pa.
"You must rule this world. Dark world needs someone like you. You must save it from them." Makahulugang wika niya sabay dahan-dahang ipinikit ang mga mata.
Napailing ako at hinawakan ang braso nito. "No, Garnett! Don't die on me!" I shouted at him pero hindi na siya gumalaw sa puwesto niya. He can't die in front of me! Hindi maaaring mangyari ito!
Dahil sa taranta ko ay hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin. Mayamaya lang ay natigilan akong muli no'ng makitang gumalaw ang mga daliri nito. Napaayos ako nang pagkakaupo at hinawakan ang kamay nito. "Kahit na isang miyembro ka na ng Malverine, still, you were my friend, Garnett! I'll save you. Just... hang on!" mariing sambit ko at akmang gagamitin ko na sana ang healing magic ko noong nagsalita itong muli.
"Don't." He stopped me. "Just don't do it, Anastasia."
"But-"
"You can't save me. My life force is already on its limit. You can't do anything," aniya at humugot ng isang malalim na hininga. "They're coming, Anastasia. Gamitin mo ang kung anong nakuha mong kapangyarihan mula sa akin," dagdag pa nito. "Remember this one." Humugot muna ito ng isang malalim na hininga bago magpatuloy sa pagsasalita. "Save this world. Save this world, Anastasia."
Iyon lang ang huling mga katagang narinig ko mula kay Garnett bago tuluyang ma-disolve ang katawan nito. At bilang isang water attributer mula sa Lynus Division, naging tubig na rin ito. Napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi at unti-unting itinayo ang sarili.
Hindi ko alam kung tama bang gawin ko iyon, iyong iligtas ang mundong ito, ngunit alam kong hindi rin isang masamang Tereshlian si Garnett. I can feel it. He treasured this place. Kung talagang miyembro na ito ng Malverine, paniguradong hindi ito magdadalawang-isip na saktan ako kanina.
But he didn't do anything. Kahit na nagpumiglas ako sa kanya at sinubukang lumaban, hindi niya ginamit ang attribute niya para tuluyang maisama ako sa kanya.
"Save this world. Save this world, Anastasia."
Kung ano man ang mayroon sa mundong ito, I'll definitely find it. And if this world really needs saving, hindi ako magdadalawang-isip na gawin ang huling mga katagang binitawan mo sa akin, Garnett.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top