Chapter 31: Plan
It was a magic seal. Iyong markang ginawa ni daddy noon ay isang magic seal at nakita ko iyon sa Book of Creation!
Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko ngunit sinunod ko lamang ang kung anong nakasulat sa pahina ng librong binabasa. I just chanted the written spell that will dispel the seal, and after that, pain started to consume my whole body. It was painful that I can't help but to scream! Pakiramdam ko'y tila may kung anong kumawala sa katawan ko. I just can't stop it kaya naman ay wala akong ibang nagawa kung hindi ang sumigaw.
Nagising ang diwa ko dahil sa mga boses na naririnig ko sa paligid. I wanted to move but my body... I can control it! It feels like I was stuck on something! Ni pagmulat ng mga mata ay hindi ko magawa! And... I feel suffocated as well! What the hell is happening to me?
"Her pulse is slowing down."
"Oh no!"
"What should we do now?"
"Come on, Anastasia! You can fight it!"
"I'll use my power."
"What? No! Hindi mo gagamitin ang kapangyarihan mo sa kanya!"
Ano bang pinag-uusapan nila? And what power? Kapangyarihan ba ni Hades?
"No! Stop it, Hades!"
"What do you think you're doing? You'll turn her into ashes!"
"She needs it! She needs fire to survive! Hindi kinakaya ng katawan niya ang kapangyarihan na taglay nito ngayon. She needs this. She badly needs this!"
Ano bang nangyayari sa akin ngayon? Come on, Anastasia. Move your body! Now!
Mayamaya pa'y nakaramdam ako ng init sa paligid ng katawan ko. It's fire!
"You better not harm her with your fucking flames, Hades!" Grayson? Tiyak kong boses iyon ni Grayson!
Ramdam na ramdam ko ang init sa buong katawan ko. It was like my body is being burn right now! This must be Hades's attribute! Siya lang naman ang fire attributer sa mga kasama ko ngayon!
"Aaah!!" Finally! I can finally control my body now! Kanina ko pa gustong sumigaw dahil sa init na nararamdaman ngayon! Damn it!
"Ana!" It was Grayson again. I closed my fist firmly. May kung ano sa mga kamay ko ngayon. Na tila ba kapag binuksan ko iyon ay may kung ano ang lalabas mula roon. "Hades! Enough!" I heard Grayson screamed to my cousin.
No, Gray! Hindi maaaring tumigil ngayon si Hades. I need more! I need more of his flames!
"She's absorbing my attribute. She needs more, Tyler."
"What?"
"Aaah!" malakas na sigaw ko sabay mulat ng mga mata. Napaawang ang mga labi ko at pilit na hinahabol ang sariling hininga.
"Anastasia!"
"She's awake," kalmadong turan ni Hades sa tabi ko.
"Anastasia-"
"Stop," mahinang wika ko at humugot ng isang malalim na hininga. Bumaling ako sa gawing kanan ko at nakita si Hades doon. I smiled weakly at him. Tiningnan ko ang kabuuan nito at mayamaya lang ay tumango ito sa akin. He uses too much of his attribute for me. "Thank you," sambit ko sa kanya.
Ibinaba na nito ang dalawang kamay niya na kanina pa nakatutok sa akin. He smiled weakly too. Dahan-dahan naman akong umupo mula sa pagkakahiga ko.
"Hey, mahiga ka lang muna, Ana. You need to rest," matamang wika ni Grayson sabay lapit sa akin.
Umiling ako sa kanya. "I'm all good now, Grayson. Thanks to Hades," sambit ko sa kanya sabay baling sa pinsan ko. "He needs some rest more than I do. My body absorbed too much of his attribute. Mas kailangan niya nang pahinga kaysa sa akin."
"I'm fine, Anastasia. No need to worry about me," ani ni Hades sa akin.
Napairap ako sa kanya. "Rest, Hades," seryosong utos ko rito. "And when you're fully recovered, we'll be doing something." Binalingan ko ang mga kasama ko at matamang tiningnan sila isa-isa. They all look confused right now. I sighed. "Where's the book?" I asked them. Agad namang inilabas ni Blue ang librong hinahanap ko. Inabot nito sa akin ang libro at muling bumalik sa kinatatayuan nito kanina.
"Grayson, do me a favor." Panimula ko. Kunot-noo naman akong tiningnan ni Grayson. "Bring this book to the Tereshle Academy. Make sure that Principal Tyler will have this one."
Lalong kumunot ang noo nito habang nakatingin sa akin. "You mean I need to leave you all here? And for what? Para lang dalhin ito sa academy?" Tila hindi makapaniwalang tanong nito sa akin.
Tahimik akong tumango sa kanya at bumaling sa puwesto ng Trio. "Join him, Myst. You need to secure the book. And the academy is the only safest place for this book. Hindi na dapat ito mapunta sa ibang lugar. Dapat ay nasa academy lamang ito."
Seryoso pa rin si Grayson at matamang nakatingin sa akin. Hindi na ako muling nagsalita at inilahad ko na sa kanya ang librong hawak-hawak. Come on, Grayson. Just do it. Please!
Mayamaya lang ay namataan ko ang paghugot ng isang malalim na hininga ni Grayson. Maingat nitong kinuha sa akin ang libro habang hindi inaalis sa akin ang paningin nito. "We'll be right back. Hindi kami magtatagal sa academy. Just... don't do something without me, Anastasia. Hintayin niyo kaming makabalik dito bago ipagpatuloy ang misyong ito," bilin nito sa akin sabay tapik ng balikat ko. "Let's go, Myst."
Tumango lamang si Myst kay Grayson at nagsimula na silang maglakad palabas sa kuwarto kung nasaan kami. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at napahugot na lamang ng isang malalim na hininga.
"Ana," tawag pansin ni Hades sa akin.
Napatingin ako sa kanya. Mayamaya lang ay bumaling na rin ako sa dalawa pang miyembro ng Trio. "Can you please leave us alone for a moment?" I asked them. Marahang tumango naman ang mga ito sa akin. And without any word, they left the room too. Ngayon ay kami na lamang ni Hades ang narito sa silid.
"What is it, Anastasia?" marahang tanong ni Hades sa akin.
I sighed. "Alam mo ba ang dahilan kung bakit itinago nila daddy ang totoong kapangyarihan ko? Alam ba ni Kuya Anthony ito?" panimulang tanong ko sa pinsan. I know that he needs to take some rest first, but I need to talk to him about this. Ngayon ko lang natuklasan ang tungkol sa dark magic na mayroon sa katawan ko. I... I was born with this kind of magic! Paniguradong may alam ang kapatid ko tungkol sa kapangyarihang ito!
Napabuntonghininga rin si Hades at nagsimula nang magsalita. "Yes, Ana. We both know about your inborn dark magic. Pero kung ang nais mong malaman ay kung bakit naka-seal ito, ngayon ko pa lang napagtanto ang tunay na dahilan kung bakit ginawa iyon ng daddy mo," sagot niya na siyang napatango sa akin.
Right! My father must know this thing will happened. Yung pagkokontrol ng mga Malverine sa mga dark magic users na kagaya ni Hades. Siguro nga iyon ang dahilan ni daddy kaya itinago niya ito sa lahat, pati na rin sa akin. For me not to use it, dapat ay hindi ko rin malaman ang tungkol sa pagkakaroon ko ng ganitong klaseng kapangyarihan!
Napailing na lamang ako at mahinang tinampal ang noo. "But... I dispel the seal," mahinang wika ko at napamura na lamang sa isipan.
Hades sighed again. "We don't have any choice here, Ana. We'll going to use it," matamang saad niya sa akin.
Napalunok ako at hindi inalis ang paningin sa kanya. "The book... I've read something on it. Hindi ko alam kong totoo o gagana ba ito but it was written there. It was kind of a spell or a strategy that can block the magic that can control us." I managed to say to him.
Biglang namang nagbago ang ekspresiyon ni Hades habang nakatingin sa akin. "Totoo ba iyan, Ana? H-how?" seryosong tanong nito sa akin.
"We must use our dark magic as our primary weapon... our main attribute," sagot ko sa pinsan ko. Natahimik naman si Hades sa puwesto niya. Mayamaya lang ay napatingala ito na tila may kung anong malalim na iniisip. I sighed. "Kung maaalala mo, during the war fifteen years ago, you only used your fire attribute. And when they found out that you have this dark magic, they immediately control it. Tama ba?" Nakita kong tumango lamang si Hades sa naging tanong ko. Muli itong bumaling sa puwesto ko at seryosong tumitig sa akin. "This time, to block their controlling abilities, we must use our dark magic as our main weapon. We must consider ourselves as dark magic users and not fire attributers."
Napakagat ng pang-ibabang labi si Hades at napailing na lamang. Ginulo nito ang buhok at muling humugot ng isang malalim na hininga. "So, what's the plan, Anastasia Miller?" He carefully asked me.
"Papalabasin natin ang mga Malverine na nagkukuta ngayon sa buong Dark World," sagot ko sa kanya.
"And what about the Council's order? Iyong misyon niyo bilang mga keepers ng lugar na ito?" tanong pa nito sa akin. "You're here for peace with the people of Dark World, Anastasia, and not to start a war with them."
"Doon din naman ang end game ng lahat ng ito, Hades. Gulo. Giyera. Sa pagkakataong ito, tayo na mismo ang gagawa nang paraan para lumabas sa lungga nila ang mga Malverine. This is the only way for us to fight and defeat them."
"Pero, paano nga? Hindi sila basta-bastang nagpapakita sa lugar na ito. Yes, they're here pero ni minsan ay hindi nila ipinakita mismo ang mga sarili nila. I just felt their presence, Ana. That's all!"
And for the nth times, I sighed again.
I've been thinking this matter while reading the book. I just hope na hindi ako nagkakamali sa pag-intindi ng mga salitang nakasulat sa librong binasa ko. "I'll used this magic." Inangat ko ang kanang kamay ko. Segundo lang ay naramdaman ko ang kapangyarihang dumadaloy dito. "If they feel my power, my dark magic, then they'll come after me. And when they attack me, the war will begin," seryosong saad ko sa kanya.
Napailing si Hades sa tinuran ko. "You can't do that, Ana! Masyadong delikado ang nais mong mangyari!" mariing sambit niya sa akin.
"That's our only choice, Hades. Hindi tayo puwedeng maghintay na lang sa paglantad nila! After all, kaya naman talaga kami narito sa lugar na ito because we're the bait of the Council! We're just a freaking pawn!"
"You can't do that, Anastasia. Malverine ang kalaban natin dito. It's been what? Fifteen years! Hindi natin alam ang kung anong kayang gawin nila ngayon! No. Don't do this. Your brother will surely against with this plan!" Napapikit ako sa lakas ng boses ni Hades. But instead of listening to his words, I ignored it. No. My decision is final. Iyon lang din naman ang dapat kong gawin para matapos na rin ang gulong ito. To accomplish our mission, we must end the Malverine. "Kaya mo ba pinapunta si Grayson sa Tereshle Academy? Ha, Anastasia? Para walang pumigil sa plano mong ito?" Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Seryoso itong nakatingin pa rin sa akin.
"I need to do this," mariing sambit ko sa kanya.
"Do what exactly, Anastasia? Your revenge? Hah?"
"Yes!" agarang sagot ko na siyang nagpatigil sa kanya. "I'll start this battle, this fight, to claim my revenge! Iyon ang plano ko, Hades!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top