Chapter 30: Scream
"Sigurado ba kayo sa ginagawa natin, hah?"
Napairap na naman ako sa naging tanong ni Myst. Nasa hidden library kami ngayon dito sa Dark World. The library was located at the basement of Hades mansion. Good thing talaga nandito siya. As a leader of this freaking dark world, advantage talaga sa amin ito. And we're here because we are looking for the book that can defeat the Malverine!
"Baka nakakalimutan na ninyo ang misyon natin dito, guys!" muling bulalas pa nito sa amin.
"We know that Myst! Alam ko rin kung ano ba talaga ang role natin sa mundong ito. We are the freaking bait of the Council. Pero hindi naman ako papayag na basta-bastang maging isang pain lang tayo. We need to fight," medyo iritableng sambit ko sa kanya.
Napailing si Myst sa akin. "Seriously, Ana? We can fight without that book!" saad nitong muli sa akin. Napairap akong muli sa kanya. Kanina pa siya salita nang salita tungkol dito. Ngayon ko lang pinatulan kasi naririndi na ako!
"Hey! Stop it." Pumagitna na sa aming dalawa si Lester.
Binitawan ko ang librong hawak at maingat na ibinalik ito sa bookshelf na pinaglalagyan nito kanina. Hinarap ko si Myst na ngayon ay yamot na yamot na. Tahimik naman si Blue at Grayson na naghahanap ng pinapahanap kong libro.
"Yes, Myst, we can fight them without using the book. But the question here, can we defeat them? Can we claim our victory?" I asked him without breaking an eye contact. "The answer it no, Myst. Nasaksihan ko na iyon noon kaya naman ay hindi ako magbabakasakali ngayon. We need the book," dagdag ko pa.
Namataan kong humugot ng isang malalim na hiniga si Myst at nag-iwas na nang tingin sa akin. Napailing na lamang ako at nagpatuloy sa paghahanap ng libro maaaring makatulong sa amin. "Malverines are ruthless. They used different kind of attributes and magics. Yes, we have special abilities but it's not enough. Kung nais nating maisagawa at matapos nang maayos ang misyong ito, we need to at least try to use the Book of Creation. Trust me, makakatulong ito sa atin."
Wala na akong narinig muli na angal mula kay Myst. Hindi na rin ako umimik sa puwesto ko at nagpatuloy sa paghahanap ng libro.
Hindi ko alam kung nandito ba talaga ang librong iyon. Wala rin naman kasing may ideya kung nasaan ba ito. Kaya naman noong nabanggit ni Hades na may hidden library dito sa Dark World, hindi na ako nagdalawang-isip pa na puntahan ito. It's a library. May isang porsiyento na nandito ang librong hinahanap namin!
"The Book of Creation." Napalingon ako kay Grayson noong magsalita ito. Napaayos ako nang pagkakatayo at wala sa sariling napatingin sa kamay niya. May hawak-hawak itong libro ngayon. Could it be? Iyon na ba ang librong hinahanap namin? Napatingin ito sa akin at naglakad patungo sa kinatatayuan ko. "This might be the book we are looking for." He said and handed me the book he's holding.
Napaawang ang labi ko.
The Book of Creation.
Wala sa sarili akong napangiti at binalingan ang mga kasama. "Ito na iyon!" bulalas ko at mariing hinawakan ang libro. "Let's go. Bumalik na tayo sa taas!"
Mahigpit ang hawak ko sa libro habang naglalakad pabalik sa main mansion ni Hades. I know about this book because of my mom. She was a bookworm at namana ko iyon sa kanya. Noong bata pa ako, she accidentally mentioned to me about this Book of Creation. Isa raw ito sa mga aklat na gawa ng isang makapangyarihang Tereshlian. Walang nakakaalam kung sino ang gumawa nito ngunit may kung anong koneksiyon daw ito sa mga Tereshlian na nais magtuto nang iba't-ibang uri ng mahika. At simula noon ay naging curious na ako tungkol sa librong ito. My mom gave me ideas what was the book all about. Pero hindi niya sinabi sa akin lahat. All I knew was this book contains magic. All about magic.
"Hindi ko alam na nasa pamamahay ko pala ang librong iyan," seryosong wika ni Hades habang pinagmamasdan ang librong prenteng nakalapag sa mesa.
Napakagat ako ng pang-ibabang labi at naalala muli ang tinuran noon ni mommy sa akin. No, Hades. Paniguradong wala ang librong ito sa mansyon mo bago pa man nating maisipang hanapin ito. It was the special connection of the book and the Tereshlian my mom told me about. This book... hindi lang ito isang normal na aklat lang. Paniguradong puno rin ito ng kakaibang mahika kaya naman ay biglang napunta ito sa library sa basement ng mansiyong ito!
"So, what to do now?" marahang tanong ni Lester habang nasa libro pa rin ang buong atensiyon. "May makukuha kaya tayo sa lumang aklat na iyan?"
Napahugot ako ng isang malalim na hininga. "I'll read the book," sambit ko na siyang ikinatigil ng mga kasamahan ko.
"The whole book?" tanong pa ni Blue sa akin. Mabilis akong tumango habang nasa libro pa rin ang buong atensiyon. Hindi naman masyadong makapal ang librong ito. I can manage to read it in two hours straight! I guess? Whatever! Basta kailangan ko itong matapos ngayong araw!
"Hades," tawag pansin ko sa pinsan. "May kuwarto bang bakante dito sa mansyon mo na puwedeng magamit ko? Give me two hours. I'll finish this book. After that, we'll do whatever this book contains."
Agad namang ipinahanda ni Hades ang kuwartong gagamitin ko. Hindi na rin nakaangal pa ang mga kasama ko at tahimik na sumang-ayon na lang sa binabalak ko.
Sa isang malawak na silid niya ako inilagay. Dahan-dahan akong umupo sa gilid ng kama at huminga nang malalim. Sa totoo lang ay kinakabahan din ako. I don't know what this book is all about! Tanging kuwento lamang ni mommy ang ideyang mayroon ako ngayon!
Book of Creation... Creation... creating something new.
I took a deep breathe again. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at napagdesisyunan nang magsimula sa pagbabasa. Binuksan ko na ang unang pahina at nagsimulang alamin ang laman ng librong hawak-hawak.
GRAYSON POV
"Dalawang oras na."
Napatingin ako sa suot kong relo noong magsalita si Blue. Tama siya. Dalawang oras na ang nakalilipas simula noong pumasok si Anastasia sa kuwarto kung saan niya binabasa ngayon ang librong nahanap namin sa basement ng mansyon ni Hades.
Sa totoo lang ay may ideya na ako sa nilalaman ng librong nahanap namin. Matagal na iyong nais ng ama ko na mapasakamay niya. He wanted this book to be at the Tereshle Academy. Laging bukang-bibig niya ang tungkol sa Book of Creation na ito. After all, minsan na rin kasi itong napasakamay sa pamilya namin noon.
"Sa tingin niyo ba ay matatapos ni Ana iyong libro na iyon?" Lester asked us.
I heard Hades chuckled. Maging ako ay nais ko ring matawa sa naging tanong ni Lester. "Ana is a freaking bookworm. Noon, kapag walang pasok sa academy ay nagkukulong lang ito sa kuwarto niya para magbasa ng kung anong librong mayroon sa mansyon ng pamilya namin. She knows a lot of things because of that," marahang sambit ni Hades sa kinauupuan nito.
Akmang dadagdagan ko pa sana ang komento ni Hades tungkol sa pagiging bookworm ni Anastasia noong bigla kaming nakarinig nang sigaw mula sa silid na kinaroroonan nito. Napaayos ako nang pagkakatayo at kusa kumilos ang mga paa ko.
"Si Ana!" rinig kong bulalas ni Blue sabay takbo na rin patungo sa silid na kinaroroonan ni Anastasia. Damn it! What happened to her?
Halos liparin ko na ang distansiya mula sa salas ng mansyon hanggang sa pinto ng silid kong nasaan ito ngayon. At noong nasa harapan na ako nito, agad kong kinalampag ang pintong nasa harapan.
"Anastasia! What happened?" sigaw na tanong ko habang sinusubukang buksan ang nakasaradong pinto. "Damn it!" bulalas ko pa no'ng hindi ko ito mabuksan! She locked it!
Napailing na lamang ako at buong puwersang binuksan ang nakasarang pinto. Using my power, I pushed the door so hard until it breaks.
"Aaah!" malakas na sigaw ni Anastasia sa loob ng silid.
Mabilis naman akong natigilan dahil sa bumungad sa akin pagkabukas ng pinto. Maging sila Blue ay natigilan na rin at hindi nakakilos sa mga puwesto nila.
"Ana!" malakas na sigaw ni Hades sabay lakad palapit sa pinsan na ngayon ay nakalutang sa ere. Black smokes surround her. It might be a dark magic! Pero... paanong napunta iyon sa silid na ito? "Get out of this room. Now!" mabilis na utos ni Hades sa amin ng Trio. "Lumabas na kayo!"
Umiling ako at nagsimula nang ihakbang muli ang mga paa. "No." I firmly said to him. No, I won't leave her!
Napahugot ng isang malalim na hininga si Hades at binalingan ang tatlo. "Trio, check the mansion. Call some of my men. They can help you. And be careful. Some members of the Malverine might come here because of this magic," sambit ni Hades na siyang ikinakunot naman ng noo ko.
Mayamaya lang ay natigilan ako. Mataman kong tiningnan ang kalagayan ni Anastasia. Nakalutang pa rin ito ngayon at panay ang sigaw. And the black smoke... no, it's like an energy. A magic, a dark one! And it's coming out from her hands! Damn it!
Wala sa sarili akong napatingin sa librong nasa ibabaw ng kama. Did she used it to create this dark magic? Did she used it to have this?
"Hades, anong nangyayari sa kanya?" nag-aalalang tanong ni Myst.
"Don't ask. For now, we need to make sure that this place will be safe for her," sagot nito sabay tingin kay Anastasia na ngayon ay walang tigil pa rin sa kakasigaw. Mabilis na umalis ang Trio sa silid at sinunod ang inutos sa kanila ni Hades kanina. Tanging ako, si Hades at Anastasia na lang ang nasa silid ngayon.
I looked at her.
She's in pain. And... I'm just here. Looking at her. Doing nothing.
"Ana," mahinang tawag ko sa pangalan niya. "Anastasia."
"Grayson, kunin mo ang libro!" Napakurap ako at mabilis na napatingin kay Hades. Agad naman akong lumapit sa kinaroroonan nilang dalawa. I picked the book and immediately open it.
Agad naman akong natigilan sa pahinang may nakaguhit na tila pamilyar sa akin.
Napakunot ang noo ko at wala sa sariling napatingin kay Anastasia.
This symbol... ito ang markang nasa kamay ni Ana!
I scanned the pages, and it froze me.
"Sealed of a dark magic," mahinang basa ko. "Hades," tawag pansin ko sa kanya. Hindi ko pa rin maalis ang paningin ko sa pahina ng libro. "Ano itong-"
"Yes, Grayson. Anastasia has a dark magic. It was inborn, just like mine," mabilis na sambit ni Hades sa akin na siyang nagpakumpirma sa hinuha ko. "But unlike mine, Ana's dark magic is much way powerful. And I think she's just unleased it! She just broke the seal her father created before!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top