Chapter 29: Good and Evil.

Noon pa man ay hindi na kami magkasundo ni Alexa sa lahat ng bagay. Kahit noong nasa Tereshle Academy pa kami at nag-aaral. Mas lumala pa ang kung anong hindi pagkakasundo namin noong naging pareho na kaming Agent ng Tynera.

And of course, ang walang kamatayang obsession niya kay Grayson Tyler. Mas lalo itong nagalit sa akin dahil mas naging malapit kaming dalawa ng lalaki. It was a big deal to her. Maybe because she really likes him. Wala naman akong pakialam sa kung anong relasyon ng dalawa. Gusto ko lang naman na magtrabaho at manatili sa Tynera bilang Agent nang matiwasay. But now, by just looking at her, mukhang alam ko na kung ano ang tunay na rason kung bakit kailanman ay hinding-hindi kami magkakasundo ng babaeng ito.

"That's unfair! Kahit kailan talaga ay madumi kang lumaban, Anastasia Miller!" galit na wika ni Alexa sa akin.

Nakalunod na ito ngayon sa may lupa. Kanina pa kami nagpapalitan ng mga atake sa isa't-isa. Ang dapat aerial battle namin ay naging mahirap dahil sa kapangyarihang pinakawalan ni Grayson. Maging ang Trio ay natigilan kanina dahil doon. Kaya naman sinugod ko si Alexa at buong puwersang binagsak sa lupa. Grayson can handle any kind of aerial battles. Siya na ang bahala sa wind attributers din na kalaban niya.

"What's unfair here, Alexa? Hah?" I mocked at her. Dahil sa naging palitan ng mga atake namin kanina ay nagkasugat-sugat na kaming dalawa. Malas lang ni Alexa, I can use my special ability to heal my wounds!

Mas lalo itong nagalit dahil sa sinabi ko. "You bitch!" asik nito at napangiwi na lamang noong maramdaman ang sakit mula sa mga natamong sugat nito sa katawan.

Napabuntonghininga ako. "Why Alexa?" mariing tanong ko sa kanya. "Bakit ka nagtraydor sa amin? Sa Tynera? You're an Agent! Bakit mo ito ginawa?"

Mayamaya lang ay narinig ko ang mahinang pagtawa nito sa puwesto niya. Mas naging seryoso ako at hindi inalis ang paningin sa kanya. "You think sasagutin ko ang mga tanong mo?" She laughed again. I sway my right hand towards her kaya naman ay mabilis na tumilapon ito. My power right now is beyond its normal force. Tila ba kahit kaunting apoy lang ang pakawalan ko ay maaari na itong kumitil ng buhay! I'm mad, yes, but my fire attribute, it's getting more dangerous than before!

Nakita kong napaubo si Alexa dahil sa ginawa ko sa kanya. I even saw blood coming out from her mouth. Umayos ito nang pagkakaupo at muling binalingan ako. She smirked and coughed again.

Naglakad na ako dahan-dahan palapit sa kanya. "I promised myself before coming here that once I saw a single member of Malverine, I'll finish them with my own hands," seryosong saad ko habang hindi inaalis ang paningin kay Alexa. "At sa dinami-raming miyembro ng Malverine, ikaw pa talaga ang nakita ko sa lugar na ito."

Napailing ito at muling ngumisi sa akin. "Papatayin mo ako? Go and do ito, Anastasia Miller. Iyon ay kung kaya mo." matapang na hamon niya sa akin.

Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi at nagpatuloy sa paglapit sa puwesto niya. Pagkatapat ko sa kanya ay agad ko siyang sinipa sa tiyan. Napadaing ito at masamang tiningnan akong muli. "Ugh! Damn you, Miller!" She cursed me.

Galit ko itong tiningnan. "Stand up, Alexa! Ganya ka ba talaga kahina, hah? I thought your better than me!" mariing sambit ko sabay sipa muli sa kanya. She's a freaking Malverine! And yes, I badly want to kill her! Pero hindi sa ganitong paraan! Hindi sa paraang wala itong kalaban-laban sa akin!

"Anastasia." Natigilan ako dahil sa taong nagsalita nasa likod ko. I know it's him. Tapos na ba siya sa kalaban niya? Maybe yes. He's Grayson Tyler after all! He's a freaking strong Tereshlian! Paniguradong hindi ito nahirapan sa mga naging kalaban niya.

Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at umayos na sa pagkakatayo. I dissolved my fire sword and coldly looked at her. "I'll let you live, Alexa," ani ko dito sabay talikod sa kanya. Ngayon ay kaharap ko na si Grayson. Mataman nitong sinalubong ang mga mata ko. I sighed again. "Sa susunod na magkaharap tayo, sisiguraduhin kong isa sa atin ang mawawala sa mundong ito," sambit ko pa sabay lakad palayo sa kay Alexa. Naramdaman kong sumunod naman sa akin si Grayson.

"Nasaan ang tatlo? Iyong mga nakalaban niyo?" I asked him. Nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad.

"We managed to finish them. Huwag mo na silang alalahanin pa." He sighed. "Are you okay?" Natigilan naman ako dahil sa naging tanong ni Grayson sa akin. Am I okay?

"I don't know." I honestly answered. Napabuntonghininga muli ako. "Let's go. I need to see my cousin," yaya ko kay Gray at nagpatuloy na sa paglalakad. Nakasalubong ko naman ang tatlo. Bakas sa mga itsura nila na kagagaling lang nila sa laban. May sugat pa akong nakita kay Blue.

"I'll heal you later, Blue. Sa ngayon ay kailangan kong makausap si Hades," sambit ko na sinang-ayunan naman nilang tatlo.

Mabilis ang naging galaw namin. Alerto kaming lahat sa kung anong pwedeng mangyari sa daan patungo sa bahay ni Hades. Hanggang ngayon ay hindi maalis sa isipan ko ang mga nangyari kanina.

Ang mga taong nadamay dahil sa lasong kumalat sa hangin. Ang pagtratraydor ni Alexa sa amin. Ang naging laban naming dalawa. Lahat ng iyon ay sariwang sariwa sa isipan ko.

Sa dami ng mga iniisip ko ay naghalo-halo na rin ang emosyong nararamdaman ngayon! Hindi ko alam kung kaya ko pang kontrolin ang mga ito! Damn it!

"Hades." Pambungad na salita ko no'ng makaharap ko na ang pinsan ko.

Seryoso naman itong tumitig sa akin. "I heard what happened. Now, what's your plan, Ana?" He calmly asked. Marahas akong naupo sa bakanteng upuang malapit sa akin. Isinandal ko ang katawan sa sandalan nito at mabilis na ipinikit ang mga mata. I'm damn exhausted!

"The Malverine, Hades. Where exactly are they?" Narinig kong tanong ni Grayson sa pinsan. I heard someone sighed. Nanatiling nakapikit ang mga mata ko at hinayaan silang mag-usap muna. I need to calm myself. Hindi magiging maganda ang planong itong kung hindi ko mapapakalma nang maayos ang sarili.

"Nandito lang sila sa Dark World. Pakalat-kalat," rinig kong sagot ng pinsan ko sa naging tanong ni Grayson sa kanya. Napakunot ang noo ko.

"So, you don't know exactly where the Malverines are." I calmly stated. "I thought you rule this world, Hades," pahabol na sambit ko pa.

"Yes, ako ang may hawak sa lugar na ito ngunit hindi ang mga mamamayan, Ana. The Malverines are out of my control. I can't use my magic against them," paliwanag nito na siya ikinamulat ng mga mata ko.

Mabilis akong umayos nang pagkakaupo at napabaling sa kanya. "Anong sinabi mo? You can't use your what?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Kahit gaano pa kalakas ang dark magic ko, it's powerless against them. They're just absorbing every damn dark magic that this place doesn't own. Lahat ng unfamiliar na dark magic. Lahat ng iyon ay hinihigop nila. To use for their own sake. To use to defeat the council... and its members."

"So, why are you still staying in this place? What if they absorb your dark magic? You might die because of that," matamang saad ni Lester sa pinsan ko.

Hades sighed. "I won't die easily. Hindi lang ako isang simpleng dark magic user. I'm also a fire attributer from Aundros. Kaya kampante akong kaya ko ang sarili ko. Kaya kong manatili sa lugar na ito na hindi napapahamak dahil sa kanila."

Napakagat ako ng pang-ibabang labi at umayos na lamang sa kinauupuan. "A dark magic that absorbs dark magic," mahinang bulalas ko sa puwesto. Itinukod ko ang mga siko sa mesang nasa harapan ko at nagpatuloy sa pagsasalita. "And it can control dark magic users, too. Kagaya nang ginawa nila sa'yo noon. Tama ba ako?" tanong ko kay Hades.

Nakita kong tumango ito bilang tugon sa naging tanong ko sa kanya. Napatingin ako sa apat na kasamahan ko na seryosong nakatingin lang sa akin. Tila ba hinihintay nila ang susunod kong sasabihin.

Napasandal akong muli sa upuan. "What kind of magic that can defeat the dark one?" I asked them.

"What do you mean, Ana?" tanong ni Myst habang nakakunot-noong nakatingin sa akin.

I sighed. "I'm thinking an alternative here. Noon, ipinasama sa misyon si Hades dahil sa dark magic niya. They were thinking na makakatulong ito to defeat them. Well, natalo nga nila ang Malverine noon. Maging ang malalakas na miyembro nila ay natalo sa labang iyon. But... some lives were gone, too." I sighed before speaking again. "Now, we can't use the same method against them. Lalo na ngayon na mukhang naging mas malakas sila sa paglipas ng panahon."

Walang nagsalita sa kanila kaya naman ay nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Dark symbolizes evil," maingat na sambit ko sabay tingin kay Hades. He's a good man, I know that. Kilala ko ito noong nasa Aundros pa ito but... I just hate him and his dark magic! I sighed again for the nth times. "And for us to defeat the evil, what do we need?"

"Good... evil." Narinig kong saad ni Lester sa puwesto nito. Napabaling ako sa kanya at namataang nakatingala ito at tila nag-iisip sa kung ano ba talaga ang nais kong iparating sa kanila. Mayamaya lang ay namataan ko ang pagbabago ng ekspresiyon nito at mabilis na napaayos nang pagkakaupo. "A good magic!" Napatingin itong muli sa akin kaya naman ay napangisi ako.

"Ever heard about the Book of Creation? Hmm?" I asked to them again.

Seconds passed; I heard Grayson sighed. "What is exactly your plan, Anastasia? Just tell us," matamang wika nito sa akin.

"We need to create something good to defeat the bad one. We need to create a magic to defeat another magic," mabilis na saad ko na siyang lalong ikinalito ng mga kasama ko. "The Book of Creation. We need that book for us to finish this mission."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top