Chapter 27: Revenge
Alas-kuwatro pa lang ng umaga ay gising na ako. Nakaligo at handa nang simulan ang araw ko.
Tulog pa ang apat na lalaking kasama ko ngayon sa silid. Nasa lapag ang mga ito at nagsisiksikan sa iisang kamot. I silently watched them. Ewan ko bas a mga ito at talagang ipinagpilitan na sa isang silid na lamang kami. Ako ang pumuwesto sa kama samantalang silang apat ay sa sahig na natulog. Mayamaya lang ay napailing na lamang ako no'ng marinig ang mahinang hilik mula kay Grayson. Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at maingat na kumilos.
Dahan-dahan akong naglakad patungo sa nakasarang pinto ng silid. Sinigurado kong wala akong magagawang ingay na puwedeng bumulabog sa tulog ng mga kaibigan ko. I moved carefully until I reached the door. Binuksan ko iyon at nagpatuloy na sa paglalakad palabas ng bahay na kinaroroonan namin ngayon.
Noong tuluyan na akong makalabas ay mabilis akong napahawak sa magkabilang braso ko. Humugot akong muli ng isang malalim na hininga at napakagat na lamang sa labi ko. Madaling araw pa lang kaya naman malamig pa ang buong paligid. Malamig at madilim.
I sighed again then ignored the cold feeling I'm having right now. Sanay naman ako sa ganitong temperatura kaya namay pinagsawalang bahala ko na lamang iyon. Nagpatuloy ako sa paglalakad at hinayaan na lamang ang mga paa sa direksiyon na tatahakin ko.
Tahimik.
Payapa.
Ito ang bumungad sa akin sa sentro ng Dark World. Bagama't tahimik ngayon, ramdam ko pa rin ang itim na kapangyarihang bumabalot sa buong lugar. Nagpatuloy ako sa paglalakad habang yakap ang sarili. Maingat at halos walang ingay ang kilos ko ngayon. I need to find something here. Anything. Kung ano man itong nais kong malaman sa lugar na ito ay hindi ko pa matukoy. Tila ba'y may nag-uudyok sa aking libutin ang buong lugar. There's something I need to find in the place. Mukhang hindi ako mapipirmi hangga't hindi ko iyon matatagpuan.
Ilang metro na ang aking nalakad no'ng bigla akong natigil sa pagkilos dahil sa kakaibang enerhiyang naramdam sa paligid. Inalis ko ang mga kamay sa sariling braso at umayos nang pagkakatayo. I scanned the whole place. I silently watched the houses and when the energy I felt earlier suddenly gone, I sighed. Ipinilig ko ang ulo pakanan at pinagmasdan pa rin ang paligid. Nothing's strange. Kagaya kanina noong dumating ako rito, tahimik pa rin ang buong sentro. Mukhang tulog pa ang mga Tereshlian na naninirahan sa lugar na ito.
Napailing na lamang ako at akmang ihahakbang ko na sanang muli ang mga paa ko no'ng may naramdaman na naman akong kakaiba sa paligid. But this time, I ignored it. Nagpanggap akong walang naramdamang presensiya at nagpatuloy sa paglalakad. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at mas pinalakas ang pandama ko.
There... I sense its presence again.
Tama nga ang hinala ko. May sumusunod sa akin ngayon! I closed my fist firmly because of that. This person must be a member of Malverine! Sino ba naman kasi ang maglalakas loob na sumunod sa isang Agent na galing Tynera kagaya ko? Nagpatuloy ako sa paglalakad at inihanda na lamang ang sarili kung sakaling umatake man ang lalaking ito sa akin.
Sa isang lumang gusali ako dinala ng mga paa ko. Natigil ako sa paglalakad at kunot-noong tiningnan ang gusaling nasa harapan. This building is about to collapse! May nakatira pa bas a gusaling ito? Mayamaya lang ay napakunot muli ang noo ko noong maramdaman ko ang isang pamilyar na kapangyarihan. Napangiwi ako at napailing na lamang.
It's Grayson's presence! He's here! Hindi ako maaaring magkamali! Agad kong inilibot ang paningin sa paligid ngunit hindi ko ito makita. I'm pretty sure that he's here! "Grayson!" I called him out. Where the hell is that guy? "Gray-"
Hindi ko na natapos ang dapat na sasabihin ko noong may humatak bigla sa akin at agad na tinakpan ang bibig ko. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa nito at hindi naka-alma noong bigla niya akong hinila patungo sa tagong parte ng gusaling nasa harapan.
"Don't move. It's just me, Ana," sambit nito sa akin. "Don't make any noise, Anastasia. Nasa paligid lang sila. Hide your power."
"What?" iritang tanong ko habang nasa bibig ko pa rin ang kamay niya.
Hindi na sumagot si Graysonns sa akin. Inalis nito ang kamay sa bibig ko at pinaharap ako sa kanya. Mayamamaya lang ay kusang nawala ang kapangyarihan nito na siyang ikina-arko ng isang kilay ko. He hides his attribute presence! Napailing na lamang ako sa kanya at umayos nang pagkakatayo. Napabuntonghininga na lamang ako noong may naramdaman akong panibagong presensiya sa paligid.
Fine. I'll do the same!
Mariin kong ikinyom ang mga kamao at ginaya ang ginawa nito kanina. Itinago ko ang presensiya ng attribute ko at nag-iwas na nang tingin sa kanya. Tahimik naming pinagmasdan ang madilim na paligid at hinintay ang pagdating ng mga kalaban namin. Ilang minuto lang ang lumipas ay may naramdaman akong papalapit sa kinaroroonan namin ngayon.
Oh, it's them! They're here!
"Dito ko siya huling nakita kanina." rinig kong sambit ng isang lalaki. Madilim pa kaya naman ay 'di ko maaninag ang mukha no'ng nagsalita. Marahil ay siya ang kanina pa sumusunod sa akin!
"Are you sure about that, hah? Baka naman hindi siya iyon!" bulalas naman ng isa sa kanila.
"Sigurado ako! Siya lang naman ang babae sa limang keepers na ipinadala ng Council!"
So, they're talking about me. "So now what? Nasaan na ang babaeng iyon?"
"Hindi ko rin alam! Kanina ramdam na ramdam ko ang kapangyarihan nito. Pero bigla lang itong nawala! Nandito lang iyon kanina!"
"Forget it! Let's go! Mukhang napansin na niya ang pagsunod mo kanina. We can't fight against her."
Iyon lang ang huling mga narinig namin bago tumahimik muli ang paligid. Ipinilig ko ang ulo pakanan at matamang tinignan ang madilim na tanawin sa unahan. So, someone's wants me, huh? Ano naman kaya ang kailangan nila sa akin? Bakit ako ang pinasundan nila?
"What do you think? May ideya ka kung bakit sinusundan ka ng mga iyon kanina?" Napalingon ako kay Grayson no'ng magsalita ito sa tabi ko. Umayos na ito nang pagkakatayo ay hinarap ako.
Napailing ako sa kanya at humugot ng isang malalim na hininga. "I don't know. Wala akong ideya sa kung anong nais nila sa akin," matamang sagot ko sa kanya.
"That guy... the one who followed you, kagabi ko pa nararamdaman ang presensiya niya. Kaya nagtataka ako kung bakit hindi mo man lang napansin iyon." Napakunot ang noo ko dahil sa narinig mula sa kanya. Kagabi pa? Really? Napangiwi ako at napailing na lamang. This is not good! "Focus, Anastasia. We can't afford to loss here," seryosong wika nito sa akin. "I can't afford to lose you, too." He sighed. "Let's go." Pahabol pang sabi nito sabay lakad palayo sa akin.
I blinked twice. No. More than thrice! What the hell was that?
Kinagat ko ang pang ibabang labi habang pinagmamasdan ang likod ni Grayson. What did he say? Huh? Napailing na lamang ako at tahimik na inihakbang ang mga paa. Sumunod na ako kay Grayson at hindi na inisip pa ang mga katagang binitawan nito kanina sa harapan ko.
Another distraction, Anastasia! Just focus on your mission, damn it!
"Saan kayo galing?" Iyan agad ang bumungad sa amin ni Grayson pagkapasok namin sa kuwarto. Gising na ang Trio. Nakaligo at nakahanda na rin para simulan ang misyon namin dito sa Dark World.
"Sa labas lang," sagot ni Grayson sa kanila. "I'll take a shower first. Mauna na kayo sa labas. May malapit na kainan dito," dagdag pa nito. He looked at me first then sa tatlo. "Huwag niyong hahayaang mag-isa si Ana. Someone's after her," seryosong pahabol pa nito at tuluyan nang pumasok sa banyo ng silid. Napairap na lamang ako at tamad na lumapit sa may kama. Naupo ako roon at hindi na nagbigay komento pa sa tinuran ni Grayson.
Mayamaya lang ay napatingin ako sa tatlo. Bakas sa mga mukha nila ang pagtataka sa mga tinuran ni Grayson. Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at niyaya na sila sa labas. At habang naglalakad kami patungo sa restaurant na tinutukoy ni Grayson, ikinuwento ko sa kanila ang nangyari kanina.
"Ano naman ang kailangan nila sa'yo?" takang tanong ni Myst habang paupo sa bakanteng upuang nasa harapan niya.
Nagkibit-balikat ako sa kanya. "I don't know, Myst. Wala akong ideya." I lied. Naupo na rin ako at mabilis na hinawakan ang magkabilang kamay. I have a hint pero hindi ako sigurado kung ito ba talaga ang pakay nila sa akin!
"Do you think... they want revenge?" tanong naman ni Lester. Natigilan ako at napatitig sa kanya.
"No. I don't think that's the real reason why they're after her!" saad naman ni Blue na sinang-ayunan ni Myst. Isinandal ko ang likod sa sandalan ng upuan at matamang tiningnan ang tatlo. Hindi na ako nagsalita sa puwesto ko at nanatiling tahimik. I just listened to their arguments. "Pero kung paghihiganti nga ang rason kung bakit nila pinasundan si Ana, mukhang alam nila ang tunay na katauhan nito. Alam ng mga natirang Malverine members na ang ama ni Ana ang tumapos sa leader nila noon," matamang sambit ni Blue at napahugot na lamang ng isang malalim na hininga.
"And if that's the case, sa ating limang narito sa misyong ito, si Ana lang ang nasa panganib... tama ba? tanong naman ni Lester.
I shook my head and played my finger on the top of the table. "Entering Dark World means battling with dangers. Nasa danger zone tayo ng Tereshle," seryosong saad ko. "Pero kung ako man talaga ang pakay nila, then I'll be willing to be their hostage. Afterall, we are here as a bait."
"Ana," mariing sambit ni Blue sa pangalan ko.
"I'm going to finish what my parents started. I'm going to win this battle no matter what. If they want revenge, then, I want my revenge too. Hindi lang sila ang nais maghiganti. Ako rin naman ay iyon ang nais sa kanila," sambit ko pa at umayos nang pagkakaupo sa puwesto ko.
"You think you can do that?" Natigilan ako sa puwesto no'ng marinig ang boses ni Grayson. Palihim akong ngumiwi at binalingan ito. I smiled at him. Kita kong natigilan ito dahil sa ginawad kong ngiti sa kanya.
Nagkibit-balikat ako rito at tiningnan isa-isa ang mga kasama ko sa mesa. "Well... I have you guys with me. So, alam kong kaya ko. You'll fight with me, right?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top