Chapter 26: Right Time

I took a deep breathe.

Hindi ko napigilang 'di umiiyak sa mga ikinukwento ko sa kanila. Bahagya pa akong napahikbi dahil sa sakit dulot ng mga alaalang bumalik saakin. "Anastasia." Tawag pansin sa akin ni Gray.

Napailing ako sa kanya. "Don't ask me if I'm okay, Grayson. Masasapak kita." I hissed sabay irap sa kanya. Ipinikit ko ang mga mata sabay sandal sa backrest ng upuang kinaroroonan ngayon.

Napahugot ako ng isang malalim na hininga at inalis ang panibagong luha sa mga mata. Lahat ng sakit na naramdaman ko noon ay tila bumalik sa akin ngayon. Parang sinayang ko lang ang labing-limang taon na lumipas. Sinayang ko ang mga taong ginugol para maging maayos ako. Hindi pa rin pala nawawala sa akin ang sakit na naramdaman ko noon. Hindi pa pala sapat ang lahat ng panahong lumipas para makalimutan ang lahat.

"What happened next, Ana?" rinig kong tanong ni Myst sa akin. "What happened to Mundro? Hindi ba siya ang lider ng Malverine noon? What happened to him?"

I smiled weakly when I remember what happened to that evil. Pagkatapos no'ng nangyaring pagsabog, sunod-sunod na malalakas na atake ang ginawa ni daddy. I was too occupied with my mother's condition and when I finally remembered about my father and that man, the fight between them ended. "My dad killed him." I answered. Nakapikit pa rin ang mga mata ko. Natatakot akong imulat ang mga iyon. Paniguradong babaha na naman ang mga luha ko.

"That's it? Your father killed him? And what about Hades? What happened to him?" tanong naman ni Lester.

I sighed again. "My father used all his power to end everything. He used them to self-destruct himself... at kasama na roon si Mundro," malungkot na sagot ko kay Lester.

Napakagat ako ng pang-ibabang labi noong biglang pumasok sa isipan ko ang mga huling tagpong nasaksihan ko noong araw na iyon. It was a nightmare. Gusto kong sumigaw... gusto kong sabihing panaginip lang ang lahat. Na hindi nasaktana ng mommy ko... na hindi nag-aagaw buhay ito ngayon. I wanted to scream and just wake up. It was a hellish day for me and for my parents.

"Mom! Please, wake up!" natatarantang wiko ko noong pumikit ito at nawalan nang malay. Kinagat ko ang pang-ibabang labi sabay lapat ng kamay ko sa likod nito kung saan naroon ang sugat na natamo niya! Humugot muna ako ng isang malalim na hininga at hindi na nagdalawang-isip pa na gamitin ang natitirang healing power na mayroon ako ngayon."God!"bulalas ko noong bigla akong nahilo.

Lalo akong nahina dahil sa paggamit ng special ability ko. I already reached my limit. Hindi na kaya ng katawan ko ang sunod-sunod na paggamit ng healing magic ko. Pero wala na akong pakialam pa! Kahit mawalan pa ako ng malay dito ngayon ay gagawin ko pa rin ang lahat mailigtas lang si mommy! I will heal her! Kahit ikapahamak ko pa ito, gagamutin ko pa rin si mommy!

"Anastasia." Mabilis akong napatingin sa taong nasa harapan ko na ngayon at hawak-hawak ang kamay ni mommy. Napahikbi ako at pinagpatuloy ang paggamit ng healing magic ko.

"Dad, si mommy po. Hindi gumagana ang healing magic ko sa kanya... Daddy! Help her, please." Pagmamakaawa ko sa ama.

Kita ko ang mga luhang dumaloy sa mga mata ng ama ko. Lalo akong nanghina dahil doon. "Ana, listen. You need to get out of here," anito na siyang mabilis na ikinailing ko. No. Hindi ako aalis dito. Hindi ko sila iiwan! "Baby, you need to be alive. Kailangan mong makabalik sa mansyon. Kailangan mong makabalik sa Aundros ng ligtas at buhay. Ana, kailangan ka ng Audros, kayo ng kapatid mo," wika muli nito sabay hawak ng nanginginig kong kamay. "It's okay, Ana. You can stop using your special ability now."

"No, dad. Hindi pa magaling si mommy!"

"Ako na ang bahala sa kanya, anak," saad nito at hinaplos ang kanang pisngi ko. Tipid na ngumiti sa akin si daddy at may kung anong binulong. He chanted something on me at wala sa sarili akong napatingin sa ibabaw ng kanang kamay noong tila may mga kakaibang guhit na lumalabas doon. Segundo lang din ang lumipas at biglang nawala ito sa ibabaw ng kanang kamay ko.

Napakurap ako at muling tiningnan ang ama. "Daddy, what was that? Ano iyong mga guhit na iyon?" I asked him. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at hinintay ang magiging sagot nito sa akin. Anong ginawa niya? Anong klaseng spell ang tinuran nito kanina?

"Stay strong, Anastasia. Say our goodbyes to your brother. We love you... so much. Stay alive."

Iyon lang ang sinabi ni daddy sa akin at tumayo na. Kahit gulong-gulo ako ay nagawa ko pang pigilan si daddy. "Dad. I don't know what to do." I honestly said to him. "Hindi ko kayang bumalik sa Aundros ng hindi kayo kasama. Daddy, I can't do that alone.".

"Trust yourself, Anastasia. You are a Miller. Always remember that. Lahat ay kaya mong gawin, anak." Huling wika nito sa akin at tuluyan nang umalis si daddy sa harapan ko. Hindi ko inalis ang paningin sa ama. Agad niyang nilapitan ang nakahandusay na si Mundro at matamang tiningnan ito.

Paanong nangyari iyon? Natalo siya ni daddy? But... how? Alam kong malakas ang ama ko ngunit hindi rin naman mahina itong si Mundro! Anong ginawa nito kanina? Maging si Hades ay wala na ring malay sa ngayon at nakahandusay sa lupa!

So... tapos na ang lahat?

Wala sa sarili naman akong napatingin sa katawan ni mommy. At halos mawalan ako ng lakas noong makita ang sitwasyong mayroon ngayon sa sariling ina! No! Her body... it's turning ashes! "No... no. Please. Mommy! No!" I instantly panicked. "No, please. No! Pagagalingin pa kita, Mom! Please, no... don't do this to me, mommy!"

Akmang gagamitin kong muli ang healing magic ko no'ng bigla akong natigilan dahil sa kapangyarihang naramdaman ko. Napatingin ako sa gawi ni daddy at doon ko lang napagtanto ang lahat. "No! Daddy! No!" malakas na sigaw ko sabay takbo papalapit sa kinatatayuan nito! No! He can't do that! He can't do this to me! They can't leave me like this... not like this!

Bago pa ako makalapit sa puwesto ni daddy ay tuluyan na akong nanghina. Napaluhod ako dahil sa kawalan nang lakas. I cried and pleaded my dad to stop and dispel his spell, but he didn't listen. Bumaling lang ito sa puwesto ko at tipid na nginitian ako. Panay naman ang iling ko habang tinatawag ko ang pangalan nito.

Seconds passed; another explosion ruined the place. I screamed loudly as the explosion finally hit my dad's body.

"No!" I cried again and after that... everything went black.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.

Inilibot ko ang paningin sa silid na kinaroroonan ngayon. Madilim na ang paligid. Kinapa ko ang pisngi kong may bakas ng mga luha ko kanina. What happened? Paano ako nakatulog gayong nag-kwe-kuwento ako noon kila Grayson at sa Trio tungkol sa nangyari sa mga magulang ko at sa gulong mayroon noon ang Council at Malverine?

Napailing na lamang ako at marahang tinampal ang noo. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at humugot ng isang malalim na hininga. "Wala akong maalala," marahang sambit ko sa sarili.

Mayamaya lang ay napagdesisyunan kong bumango na. Mabilis akong naupo at segundo lang din ang lumipas ay agad akong napangiwi. Nakaramdam ako ng kaunting pagkahilo kaya agad akong napahawak sa ulo ko. Damn it!

Masakit na nga ang puso ko dahil sa mga alaalang binalikan ko kanina, ngayon naman ay sumabay pa itong lintek na ulo ko!

Humiga muli ako sa kama at kinalma ang sarili. Pikit-mata kong dinama ang sakit na mayroon ako ngayon. Kahit anong gawin ko yata ay hindi na mawawala sa akin ang sakit ng nakaraan. I saw how my parents died that day. My world was wrecked because of that. At ipinangako ko sa sarili ko na hindi na iyon mauulit pang muli. Na kahit anong mangyari, ililigtas ko lahat ng mahalaga sa akin. Kaya nga ako naging isang Agent. To honor my dead parents. To follow their footsteps. To do what they loved to do.

Wala sa sarili akong napatingin sa mga guhit na nasa ibabaw ng kanang kamay ko. Ito ang huling ginawa ni daddy sa akin bago niya tinapos nang tuluyan si Mundro at ang kanyang buhay.

Kung titingnan mo ito ay tila isang ordinaryong tattoo lang ito na nakaukit sa kanang kamay ko. But it's not! Definitely not! This was my father's power passed unto me. And these black lines are the seal he created.

Mapait akong napangiti noong maalala ang mga katagang binitawan nito noon sa akin.

"When the right time comes, use this power to protect those who dear to you. And when that time comes, always remember that we are here for you, Anastasia. Always. Kasama mo kami ng mommy mo sa lahat ng magiging laban mo."

I sighed and placed my hand on the top of my chest. "Is this right time, dad? Ito na ba ang panahong sinasabi mo sa akin?" mahinang tanong ko sa sarili.

I don't have any idea kung paano ko magagamit itong kapangyarihang ibinigay sa akin ni daddy. It has a seal. Hindi ko ito basta-bastang magagamit lang. I need to know how to dispel the seal first before using it. Noon, hindi na ako nag-abala pang alamin kung paano maaalis ang seal na ito. Hindi ko rin naman kasi kailangang gamitin ang kapangyarihang iniwan niya sa akin. But now... now that we're dealing with the same enemy we have before, mukhang ito na ang tamang panahon na tinutukoy nito sa akin.

Ipinikit ko nang mariin ang mga mata ko at ikinalma ang sarili. Think, Anastasia. How can I use this power to save those who dear so much to me? Just how to dispel the seal?

"Trust yourself, Anastasia. You already know to use it. You already did."

Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga sa kama dahil tinig na narinig. Napaawang ang labi ko at mabilis na tiningnan ang madilim na silid na kinaroroonan. Hindi ako puwedeng magkamali! Boses iyon ni mommy! That was my mom's voice!

A tear suddenly escaped from my eyes. Napayuko ako at mabilis na napailing na lamang. "Mom," mahinang saad ko at napahikbi na lamang. "I missed you so much, mom. Kayong dalawa ni daddy." I covered my face with my both hands. I missed them! I missed my parents... so damn much!

"Please." Iyak na pakiusap ko. "Please... please guide me until the end of this mission, mommy, daddy. Please."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at marahang tumayo na. Umalis na ako sa kama at maingat na humakbang palabas ng silid.

Right time...

This is definitely the right time.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top