Chapter 21: The Bait

Pagkatapos nang pag-uusap namin ni Kuya Anthony ay lumabas na ako sa private room niya. Agad naman akong napahawak sa may dingding ng pasilyo dahil nakaramdam ako ng biglaang panghihina. That conversation drained me! Damn it! I acted so toughed in front of my brother and worst, nakipag-deal pa talaga ako sa kanya!

Seriously, Anastasia?

"Hey, are you okay?" Mabilis akong napatingin kay Grayson na nasa tabi ko na pala ngayon.

I smiled at him. Palagi na lang tinatanong ng lalaking ito kung okay lang ako. Umayos ako nang pagkakatayo at hinarap ito. "I think so." I honestly answered to him.

"Come on. Let me help you," aniya sabay alalay sa akin sa paglalakad. Maayos na naman ang pakiramdam ko ngunit dahil nakahawak na si Grayson sa may braso ko, hinayaan ko na lamang ito sa pag-aalalay sa akin.

Nagtungo kami sa may sala ng mansyon. Pagkaupo ko ay agad akong sumandal sa sofa at ipinikit ang mata ko. Marahang kong iniling ang ulo noong maalala na naman ang naging pag-uusap namin ng kapatid ko.

"Anastasia, anong napag-usapan niyo ng-"

"Grayson, I need your help," mabilis na sambit ko na siyang ikinatigil nito sa pagsasalita. Nakapikit pa rin ako at umayos nang pagkakasandal sa backrest ng sofa. Hindi umimik si Gray sa tabi ko kaya namna ay nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Kuya Anthony told me to take the mission, Gray. Iyong misyong sinasabi ng Trio sa atin. Iyong misyong nais ng Council na gawin natin."

"The Malverine... sila ang misyong ito, hindi ba?" I heard Grayson asked. I nodded.

"I don't know if I can handle them. Kahit na isang Agent na ako ngayon, hindi pa rin ako sigurado kung kaya ko na bang harapin sila. That's why I'm asking for your help." Napamulat ako at tumingin sa kanya. He didn't utter a single word and just looking at me. "Will you help me?" marahang tanong ko sa kanya.

"Ana, alam mong sasang-ayon ako sa kung anong desisyon mo. So ngayon, ano na ang gagawin natin? Ano na ang plano mo?"

Napangiti ako at umayos nang pagkakaupo. Right. Alam ko namang sasang-ayon itong si Gray sa nais ko. I... I just need to hear it directly from him! "Let's go back to Tynera. Simulan na natin ang misyong ito."

Hindi na kami nakapagpaalam kay Kuya Anthony noong umalis kami sa masyon namin. Nagtungo agad kaming dalawa sa Tynera. Ni hindi ko nga dalawang muli ang mga gamit na bitbit ko noong umuwi ako rito sa Aundros. May mga gamit pa naman ako sa Tynera kaya hindi na ako nag-aksaya pa ng oras para mag-empakeng muli.

"Nakita niyo sila Blue?" agad kong tanong sa unang Agent na nakita ko sa Tynera.

Mabilis naman itong tumigil sa ginagawa niya at noong bumaling ito sa akin, agad kong napansin ang gulat na ekspresiyon nito habang nakatingin sa akin. Umauyos nang pagkakatayo ang Agent na pinagtanungan ko at marahang tumango sa akin. "Ngayon-ngayon lang ay pinatawag ang Trio sa opisina ng Council," marahang sagot nito sa naging tanong ko sa kanya.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at nagpasalamat sa Agent na kausap. Napatingin naman ako kay Grayson at noong makitang tumango ito, mabilis kaming kumilos muli. Hindi na kami nag-aksaya pa ng oras at tinahak na ang daan patungo sa opisina ng Council.

Lakad-takbo ang ginawa naming dalawa ni Gray. May ilang bumabati sa akin sa daan ngunit hindi na namin sila nabibigyan atensiyon pa. Kailangan na naming makarating agad sa opisina ng Council. Baka kung ano pa ang masabi ng Trio sa kanila! Ang alam ng tatlo ay hindi ako pumayag sa misyon. Well, iyon naman talaga ang unang plano ko ngunit pagkatapos ng naging pag-uusap namin ng kapatid, tama lang talaga na sa amin ibigay ang misyong ito.

Pagkatapat namin sa malaking pinto ng opisna ng Council, agad kong ikinumpas ang kamay. This door is automatic. Hindi ito basta-bastang mabubuksan at hindi ka makakapasok dito kung hindi ka miyembro ng Council o kaya isang mahalagang panauhin na hinihintay ng Council. In our case, nabuksan ko ito. So, the Council is expecting me. Expecting us!

Bumungad agad sa amin ang sampung Council Members at ang Trio sa loob ng silid. Nakatingin silang lahat sa gawi namin. Napatingin naman ako sa seryosong mukha ng kapatid ko. He's here. Kailan pa at bakit tila mas nauna pa ito sa aming dumating dito?

"So, we're complete." Halos manlamig ang buong katawan ko nong marinig ko ang boses ng Headmaster ng Council, Nixon Light. A powerful fire attributer from Aundros. Napatingin ako sa gawing kanan ni Headmaster Nixon, there, I saw a face that looked exactly like him, Demetre Tyler, the legend Agent and now a member of the Council, Grayson's brother.

"Anastasia Miller. Grayson Tyler. Please be seated," simpleng sambit ni Demetre sabay turo sa bakanteng upuan sa gawi ng Trio. Napalunok naman ako no'ng makita kong seryoso ang mukha ng tatlo. Grayson gently grab my arm sabay lakad palapit sa kinauupuan ng tatlo.

"Ang buong akala namin ay hindi kaya pumayag sa misyong ito. What happened?" tanong ni Blue sa amin. Nagkibit-balikat na lang ako sa kanya. Wala akong sapat na oras para ikuwento sa kanya ang kung anong nangyari sa amin sa Aundros. Sa ngayon, kailangan muna naming ituon ang atensiyon sa pagtitipon na ito kasama ng Council members.

The thought of facing all the members of the Council freaks me out. Minsan ko nang nasaksihan ang ganitong sitwasyon at pagkatapos noon... may nawalang mga importanteng tao sa buhay ko. It was a nightmare. Na kahit anong pilit na kalimutan ang mga nangyari noon, nakatatak pa rin ito sa memorya ko.

I closed my fist firmly. Humugot ako ng isang malalim na hininga at itinuon ang paningin sa mga miyembro ng Council.

Focus, Ana. Focus!

Napatingin ako kay Kuya Anthony no'ng tumayo ito sa kinauupuan niya. Nasa malayong puwesto ito sa akin. At dahil nasa isang malaking bilugang mesa kami ngayon, sinuyod niya ng kanyang tingin ang lahat ng narito sa silid. "The Aundros will lead the mission, Headmaster." Panimula ni Kuya Anthony. Tahimik namang nakikinig ang lahat sa kapatid ko. "But of course, kasama na roon ang dalawang grupo ng Agents just like what we've discussed days ago."

"The Agents will be our bait, am I right?" Napatingin ako kay Demetre no'ng magsalita ito sa kinauupuan niya. Bait? Kaming mga Agents ng Tynera? So, kami ang magiging primary bait para sa misyong ito! Damn! Ba't wala naman ito sa naging deal namin ng kapatid ko?

"Yes," seryosong sagot ni Kuya kat Demetre. "They're going to the dark world as a bait. We all know the agreement between us, the Council, and the Dark World. As you can see, Anastasia, my sister, her mission together with Grayson Tyler, they always encountered them, the Sigma. And that Sigma is a part of the Malverine. It seems like they wanted something from them. It's either Grayson or my sister."

Nanlamig ako no'ng mapagtanto ko ang nais iparating ng kapatid ko habang binibitawan ang mga salitang iyon. Kami mismo ang pupunta sa Dark World kung saan naroon ang iba't-ibang klase ng dark guild. At kapag may ginawang labag sa agreement sila ay magdedeklara ang Council ng War sa kanila.

"Why can't we just finish them immediately?" tanong ng isang Council member na siyang ikinabaling namin sa kanya. "Afterall, we have proofs. Wala na silang kawalan sa atin ngayon."

"We can't do that," sambit naman ni Kuya Anthony dito. "If we want to exterminate them, then let's do this mission and make sure na ito na ang huling gulong gagawin nila sa buong Tereshle." Napatingin ang kapatid ko sa akin. Marahan itong tumango sa akin na siyang ikinaayos ko na lamang nang pagkakaupo ko.

"Agents, pupunta kayo sa Dark World," matamang sambit ni Headmaster Nixon sa amin. "You will go there as peace Agents sent by the Council. Wala kayong ibang gagawin doon. You'll just roam their premises and wait until they strike. This mission will be a difficult one, Agents. Malalakas ang nasa Dark World. And we expect the best from you."

I held my breathe for a second. Mayamaya lang ay namataan kong tumayo si Grayson mula sa pagkakaupo niya. Maging ang tatlo ay ganoon din ang ginawa. Napakagat ako ng pang-ibabang labi ko. I know what they're doing. It's a sign that their accepting the mission given to us. I took a deep breath again and stood from my seat too.

This is it. Wala nang atrasan ito.

"Remember, once the Malverine strikes, the war will begin," seryosong bilin sa amin ni Demetre. "Agents, maaari na kayong maghanda para sa misyong ito. You can go now."

Hindi na kami nagsalita pa. We all bow down our heads then leave the room.

Pagkalabas namin sa silid ay mabilis akong napabuntonghininga. Inayos ko ang suot na damit at hinawi ang buhok sa balikat. Damn, I'm sweating! Hindi pa rin nawawala ang malakas na kabog ng dibdib ko. Damn it!

"Ana." Napatingin ako kay Blue no'ng tawagin niya ako. "Tungkol sa sinabi ni Mr. Miller kanina, do you have an idea about it?" tanong nito na siyang ikinatigil ko naman sa kinatatayuan ko.

Well... sa totoo lang ay medyo naguguluhan din ako sa mga salitang binitawan ni Kuya kanina. Iyong sinabi niya na may kailangan ang Malverine sa amin, sa akin o 'di kaya kay Grayson. May ideya ako pero ayaw kong bigyang pansin iyon. I sighed and just shrugged my shoulders. "I have an idea, but I hope I'm wrong."

Tumango na lamang sa akin si Blue at nagsimula nang maglakad palayo sa akin. Nagpalaam na rin sila Myst sa amin at noong kami na lamang ni Grayson ang naiwan sa labas ng opisina ng Council, halos sabay kaming napabuntonghininga.

Wala sa sarili akong napailing at mahinang tinapik ang braso nito.

"We'll be fine," mahinang sambit ko at niyaya na itong umalis na rin.

Malverine.

I'll make sure to stop you this time. Kung nabigo man ako noon, sa pagkakataong ito, hindi ko na hahayaan pang magtagumpay kayo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top