Chapter 19: Finish Them
I'm unconsciously tapping my fingers on the table.
Tahimik lang din akong pinagmamasdan ng kapatid ko ngayon.
Pagkatapos nang usapan namin ni Sean kanina ay pumanhik na ako sa kuwarto ko. Hindi ko nga namalayang nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako dahil sa marahang pagkatok ng isang katulong namin. At lalong nagising ang diwa ko noong sabihin nitong nakauwi na si Kuya Anthony mula sa naging meeting nito sa Council!
Kaya naman ito ako ngayon, nasa private room niya. Tahimik at hindi mapakali sa kinauupuan ko.
"Anong nangyari sa Council, Kuya?" Lakas-loob kong tanong sa kanya.
I saw him sighed before answering my question. "Same old things, Anastasia," sagot nito sabay sandal sa upuan niya. Hindi ko inalis ang paningin sa kapatid. Normal lang ang inaakto nito ngayon. Kabaliktaran sa kung anong kinikilos ko ngayon.
"Is it true?" I bit my lips upon uttering my own question. Kinakabahan ako sa maaaring isagot ng kapatid ko! Damn it!
"I don't know," ani niya sabay hilot ng sintido nito. Napaawang naman ang labi ko. Kahit na wala pa akong ibang binabanggit, mukha alam na ng kapatid ko kung bakit ako nandito ngayon sa mansyon namin at kung bakit ganito ako kumilos ngayon! "We need more evidence, Ana," dagdag pang sabi nito sa akin.
"The Council wants me to join the mission. Me and Grayson, Kuya. And the Trio," sambit ko at humugot ng isang malalim na hininga. "And I declined. Hindi ako sasama sa misyon na iyon."
Narinig kong bumuntonghininga ako kapatid ko. I know, he's having a hard time, too. Of course, this matter is all about our past. The Malverine. The Exorcist of Tereshle. "Take some rest first, Ana. Hanggang kailan ka rito sa Aundros?" mahinang tanong nito sa akin.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at muling nagpakawala ng isang malalim na hininga. "Maybe a couple of days, Kuya." I answered him. Lumapit ako kay Kuya Anthony at marahang yumakap dito. "I'll be fine, kuya. We'll be fine." I said then bid my goodnight to him. Umayos na ako nang pagkakatayo at marahang ngumiti sa kapatid. Nagpaalam akong muli sa kanya at lumabas na sa silid.
Maaga akong nagising kinabukasan. Nag-ayos ako ng sarili at mabilis na lumabas sa kuwarto. Nakapagdesisyon na ako. Hindi muna ako babalik sa Tynera. I won't accept any mission right now. I need some peace of mind. Dahil sa biglaang paglitaw ng Malverine, tila biglang naubos ang lakas ko. Wala pa nga akong ginagawa, super drain na ng katawan ko! Damn it!
"Lalabas lang muna ako. Just tell my brother if he asked about me, okay?" Paalam ko sa nakasalubong kong katulong ng mansyon. Tumango naman ito at bumalik na sa ginagawa nito kanina.
Pagkalabas ko ng mansyon ay tumama agad sa akin ang init ng sikat ng araw. Ininda ko ito at nagsimula nang maglakad patungo sa sentro ng Aundros. Dahil sa trabaho ay madalang lang akong makauwi sa division namin. Kaya naman kung nagkakaroon ako nang pagkakataong umuwi, talagang nagtutungo ako sa sentro para makita at kumustahin na rin ang mga kakilala at kaibigan.
Pagkarating ko sa sentro ay bumungad sa akin ang maingay na paligid. Most of the citizen here are Lerna, yung pangalawang uri ng mamamayan ng Tereshle. Kaunti lang ang makakasalubong mong Randus sa bayan na ito. Well, that was the goal of our family. Iyong matulungang umangat ang estado ng lahat ng taga-Aundros.
"Ana?" Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko.
I smiled when I recognized who it was. "Venus." I uttered her name.
"Nako, Ana. How are you? Kumusta ang buhay ng isang Agent? Masaya ba? Mahirap?" Excited na tanong nito. Natawa na lang ako sa mga tanong niya. Venus was the daughter of my Nana Vernic. Iyong nag-alaga sa akin mula pagkabata. So, basically, Venus is one my childhood friends here in Audros.
"Ayos naman. On leave ako ngayon sa trabaho." Natatawang sagot ko dito. Magsasalita pa sana akong muli nong natigilan ako dahil may naramdaman akong kakaiba sa paligid. Mukhang napansin iyon ni Venus kaya naman ay mabilis itong nagtanong ito sa akin.
"May problema ba, Ana?" Nag-aalalang tanong nito.
Hindi ako sumagot sa tanong niya. Pinakiramdam ko lang ang paligid. Ipinilig ko ang ulo at mas pinalakas pa ang pakiramdam. Second passed; I felt a faint and unfamiliar presence. Palihim akong tumingin sa paligid at hinanap ang pinanggagalingan ng presensiyang nararamdaman.
I firmly closed my fist and tried my best to stay calm. I can't be wrong. Someone's watching us. Someone's watching me.
"Venus, I gotta go," paalam ko sa kaibigan. Kung may sumusunod nga sa akin, dapat mailayo ko ang sarili kay Venus. It's for her safety. Mahirap na at baka madamay pa ito kung sakaling magkagulo kami ng taong nakamasid sa akin.
Nagsimula muli akong maglakad. I tried my best na dumaan sa hindi masyadong lugar ngunit nasa sentro nga pala ako ngayon. Matao rito kaya naman mahihirapan akong umiwas sa kanila! I silently sighed and continue walking. Nagkunwari na lamang akong tumitingin-tingin sa mga paninda sa sentro. I alerted myself. All my senses now are activated, too. Hindi ko pa matukoy kung sino ang sumusunod sa akin ngayon. At kapag magkaroon ito nang pagkakataong magpakita sa akin, tiyak kong hindi maiiwasang hindi kami magpalitan ng mga atake.
I started walking in no direction. My goal was to stay away to the center of Aundros as far as possible. And it took me a few minutes to do that. May mga nakakasalubong pa kasi akong kakilala at napapahinto sa paglalakad dahil kinakausap nila ako. At noong natiyak kong wala nang madadamay pang iba tao, tumigil na ako sa paglalakad.
I closed my fist firmly when I felt their presence. Damn. One. Two. Three. Tatlo na sila ngayon!
"Get out now. Show yourselves, assholes," seryosong sambit ko sabay gawa ng fire sword sa kanang kamay ko.
As a cue, may lumabas na tatlong lalaki sa likod ng mga puno 'di kalayuan sa kinatatayuan ko. Masama ko silang tiningnan at pinagmasdan nang mabuti. Who the hell are they? Hindi ko kilala ang mga ito ngunit may kung ano akong nararamdaman mula sa kung anong attribute ang ginagamit nila. "Sino kayo?" I coldly asked them.
Walang nagsalita sa kanila, imbes ay inilabas din nila ang mga sandata nila. Fire attributer. They're fucking Aundros people! Damn it! "Anong kailangan niyo?" I asked them again. Hindi pa rin sila nagsalita at segundo lang ang lumipas, sumugod na silang tatlo sa akin.
Napailing na lamang ako at mabilis na inihanda ang sarili. I immediately slashed my sword towards them. May lumabas doon na apoy at iyon ang sumalubong sa tatlo. Namataan kong natigilan sila kaya naman ay sinamantala ko ang pagkakataong iyon para sugurin sila.
Agad akong nakalapit sa puwesto nilang tatlo. We clashed the moment na tumama ang espada ko sa mga sandata nila. Muli kong inihampas ang hawak na espada at halos sabay na napaatras ang mga ito palayo sa akin. Ipinilig ko naman ang ulo at itinaas ang isang kamay. I created fire balls and immediately throw it towards them. Agad naman silang umiwas at muling humakbang palayo sa kinatatayuan ko.
These three are not as good as I am expected. They're just Lerna, that's for sure. Sa uri pa lang nang pakikipaglaban nila, tukoy ko na agad ang lebel ng mga attribute nila.
I'm an Ynus. My level is higher and much stronger than them. Kahit magsama-sama pa sila, hindi nila kayang tapatan ang lakas ng fire attribute ko.
I immediately created another fire balls and strike unto them. Sa pagkakataong ito, hindi na sila agad naka-iwas pa. Namataan ko kung paano tumilapon silang tatlo dahil sa naging atake ko. Napangisi na lamang ako at mabilis na ikinumpas muli ang hawak na espada. Akmang susugurin ko na sanang muli ang mga ito noong mabilis na napirmi ako sa kinatatayuan. Napaawang ang labi ko at napakurap.
This can't be happening! How... Damn, I can feel his presence!
Nagpalingon-lingon ako para hanapin ito. Agad naman akong napabaling sa gawing kanan ko no'ng maramdaman kong may papalapit sa kinatatayuan ko ngayon. I mentally cursed and move my body again! Damn it! Nawala ako sa focus dahil lang naramdaman ko ang presensiya nito!
Handa na akong lumaban muli no'ng makita kong biglang napalunod iyong lalaking dapat ay susugod sa akin. He screams in pain. Napakunot ang noo ko at napahigpit ang pagkakahawak sa espada ko. Dumako naman ang paningin ko sa dalawa pa niyang kasama at ganoon ang nangyayari sa kanila ngayon, namimilipit dahil sa sakit.
Napailing na lamang ako at umayos nang pagkakatayo. This power belongs to someone I know. Kilalang kilala ko ang may-ari ng kapangyarihang ito!
"Never lose your focus during a battle, Anastasia."
Natigil ako noong marinig ang tinig niya sa bandang kaliwa ko. There. I saw him. "Grayson," sambit ko sa pangalan niya. He just smiled at me then look at my opponents. Ganoon pa rin ang pustura ng tatlo. Grayson's special ability conquers them. He's now manipulating their attributes. He's draining them until they can't move and eventually, die.
"Who are you, people?" seryosong tanong nito sa tatlo. Itinaas niya ang dalawang kamay at nagsilutang ang tatlo ere. His attribute is really strong. Grayson is really an incredible wind attribute user. No doubt about that. Mayamaya lang ay pabagsak niyang ibinaba ang tatlo sa harapan namin. "Uulitin ko ang tanong ko. Sino kayo?" He coldly asked them again.
Wala pa ring nagsalita sa kanilang tatlo. I sighed as I looked at them. "Grayson, mukhang wala silang balak na magsalita," mahinang wika ko. Tiningnan niya muna ako bago ibaling muli ang atensyon sa tatlo.
"Well then, let me finish them. Wala naman pala tayong mapapala sa kanila," walang emosyong sambit nito at maingat na itinaas ang isang kamay. Akmang tatapusin na sana niya ang tatlo noong may nahagip ang mga mata ko sa braso ng isang sa lalaki.
"Wait!" mabilis na pigil ko rito. Lumapit ako ng kaunti sa lalaki para matingnan nang maayos ang namataan ko kanina. Mayamaya lang ay napakunot ang noo ko. Seconds passed; I froze when I confirm what I saw. That symbol... the symbol that I cursed to death. Iyon ang markang nasa braso niya!
I closed my fist and coldly said, "Finish them, Grayson. Finish them and leave no trace."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top