Chapter 16: Reward

Tahimik kong pinagmamasdan ngayon ang mag-amang Swan. Panay yakap ni Aurora sa ama nito at nanghingi rin siya ng paumanhin sa gulong dinulot nang biglaan pagkawala niya sa Enthrea.

Kanina pa kami nakauwing tatlo galing fairy land at tuwang-tuwa sa amin ang ama ni Aurora dahil naging matagumpay ang misyon namin ni Grayson. Panay ang pasasalamat nila sa amin at ngayon ay pinagpipilitan nilang kunin at tanggapin namin ang ibinibigay nilang pabuya sa aming dalawa.

"Mr. Swan. It's okay. Aurora is our friend. No need for that kind of reward," sambit ni Grayson na siyang ikinakunot ng noo ko. Mayamaya lang ay kinalabit ko ito. Tamad na bumaling sa akin ang lalaki at nagtaas ng isang kilay habang nakatingin sa akin.

Napairap ako sa kinaakto nito at hindi na napigilan pang tumabi sa kinatatayuan nito. "Let's accept it, Grayson," mahinang bulong ko sa kanya. "Minsan lang ang ganitong klaseng reward sa isang misyon natin. Let's take this opportunity. It's a vacation for us."

Ngayon ay napakunot na ang noo ni Gray habang nakatingin pa rin sa akin. "So, you want a vacation? hah?" mababang boses na tanong niya sa akin. "We can have our own vacation, Ana. But we can't accept this kind of reward."

"Bakit naman?" Napa-ismid na lamang ako sa kaibigan. Ano na naman kaya ang deal ng isang ito? Wala namang masama kung tatanggapin namin ang reward ng ama ni Aurora.

"We need to go back to Tynera immediately. So... it means, no vacation. For now," mariing sambit nito sa akin na siyang ikinairap kong muli habang nakatingin sa kanya.

Napailing ako at umayos na lamang nang pagkakatayo. "Pwede namang tanggapin na lang natin ito, Gray." I sighed. "Tapos gamitin na lang natin kung may oras na tayo para magbakasyon. Proble solve!" saad ko at pinagtaasan ito ng isang kilay. Hindi sumagot sa Gray at nanatiling nakatingin sa akin. Napailing muli ako sa kanya at dumistansya na sa puwesto nito. Bumaling naman ako sa kinaroroonan ni Aurora at tipid na nginitian nito. Mayamaya lang ay tumingin ako sa ama nito at marahang tumango rito. "We'll take the reward, Mr. Swan," nakangiting imporma ko sa kanya. "Saan po ba ang sinasabi niyong reward." I asked him.

Nagkatinginan naman ang mag-ama sa naging tanong ko at noong bumaling muli ang mga ito sa akin, halos sabay na ngumiti sila at hinarap ako nang maayos.

"Sa Xeerna, Ana," nakangiting sagot ni Aurora sa naging tanong ko.

"Xeerna?" Gulat na tanong ko at mabolis na napatingin kay Grayson. Is this for real? Xeerna is one of the most beautiful islands of our kingdom. It's an enchanted island! Sikat ito sa halos lahat ng mga Tereshlian na nabibilang sa Ynus! Tanging mga mararangya lamang ang nakapunta sa islang ito! Nasasakop pa rin naman ng Enthrea ang lugar na ito ngunit may isang pamilya ang nagmamay-ari sa kakaibang islang ito. It's the Dawnson family, one of the wealthiest family here in Enthrea! "Grayson! Come on! Huwag na tayong mag-inarte pa! Let"s accept it!" mariing sambit ko sa kaibigan at humakbang ng isang beses papalapit sa kanya. Hinawakan ko ang braso nito at mahinang tinulak ito. "Sige na!" Pangungulit ko pa rin sa kanya.

Hindi nagsalita si Grayson sa harapan ko kaya naman ay napahugot na lamang ako nang isang malalim na hininga. Umayos ako nang pagkakatayo at matamang tiningnan ang lalaki. "Ayaw mo?" wala sa sarili akong napalabi sa harapan niya.

"Stop it, Ana. We're not accepting it," ani nito na tila hindi naaapektuhan sa pangungulit ko sa kanya.

"Ayaw mo talaga?" tanong ko pa ulit habang matamang nakatingin sa mukha niya. Tumango naman ito bilang sagot sa naging tanong ko sa kanya. Napairap na ako. "Kung ayaw mo, puwes, ako gusto!" I suddenly hissed at him. Muli ko itong inirapan at humarap ulit ako sa mag-ama. "Puwede po bang isa lang ang pumunta sa Xeerna?" I asked them.

"You mean, you'll go there alone, Ana?" marahang tanong ni Aurora sa akin

Ngumit naman ako sa kaibigan. "Yes!" magiliw na sagot ko sa kanya. Xeerna is a wonderful island. Hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito! I can go there with or without Grayson! I can enjoy my reward alone! Hah! Akala niya, ah!

Akmang magsasalita na sanang muli si Aurora noong marinig namin ang malamig na boses ni Gray. "No, Ana," mariing sambit nito sa akin. I mentally rolled my eyes. Hindi ko na lamang pinansin ang sinabi nito at itinuon na lamang kay Aurora ang buong atensiyon.

"Ano, Aurora? Puwede namang mag-isa, 'di ba?" tanong ko pa sa kaibigan.

"Puwede naman, Ana. Pero paano si Gray-"

"Uuwi na siya sa Tynera," putol ko sa sinasabi ni Aurora sabay tingin kay Grayson sa tabi ko. He's just glaring at me. I smiled at him. "Hindi ba, Gray? Babalik ka ng Tynera... right?"

Masama niya lang akong tiningnan at hindi man lang nagsalita. Napangisi na lamang ako at noong akmang magsasalita na sana akong muli, mabilis itong kumilos at humakbang ng isang beses. "Fine! We'll take it, Mr. Swan, Aurora. We'll the reward," anito na siyang mas lalong ikinalawak ng ngisi ko. Napatingin naman ako kay Aurora at namataan ang pag-iling nito habang nakatingin kay Gray. Napabaling na rin akong muli sa akin at umayos na lamang nang pagkakayayo sa tabi nito. Hah! Hindi mo talaga ako natitiis, Grayson!

Gusto kong tumawa ngunit hindi ko iyon ginawa. Kinagat ko na lamang ang pang-ibabang labi at pinirmi ang sarili sa kinatatayuan ko.

Nakangisi akong nakatingin sa main entrance ng Xeerna island. Mabilis ko namang tiningnan ang paligid at napapasinghap na lamang dahil sa ganda ng tanawin. Wow! This place is wonderful! Ngayon lang ako napadpad sa lugar na ito kaya naman ay hindi ko maiwasang hindi mamangha sa ganda ng islang ito! "Grayson! Ang ganda dito!" magiliw na wika ko sa kasama. Nagpatuloy ako sa pagmamasid at noong napansin kong wala man lang reaksiyon si Gray, natigilan ako sa ginagawa. Napahugot ako ng isang malalim na hininga at binalingan ito. "Are you mad?" I asked him.

Hind pa rin nagsalita si Gray. Mayamaya lang ay kinuha nito ang bag na hawak-hawak ko at nauna nang maglakad patungo sa isang malaking gusali na narito Xeerna. Napatanga na lamang ako sa ginawa nito at tiningnan ang papalayong bulto nito sa akin.

I bit my lips! Okay! Confirmed. He's mad at me! Napailing na lamang ako at tahimik na naglakad at sumunod kay Grayson.

Naabutan ko siya may inaabot sa pinaka-lobby ng building. Ito iyong ibinigay sa amin nila Aurora kanina. Ito ang pinaka- entry pass namin sa buong isla. Gagamitin daw namin iyon sa loob ng isang linggong pamamalagi namin sa lugar na ito. Wala na rin kaming proproblemahin sa mga bayarin sa isla. They already paid everything. Libre ang lahat ng ito kaya naman ay wala na kaming ibang gagawin kung hindi mag-enjoy sa reward na ito!

"Sir, maayos na po. Enjoy your stay." Nakangiting sabi nang babae na kausap ni Grayson. Napakunot naman ang noo ko nong makitang gumanti ng ngiti ang loko! Wala sa sarili akong napairap! He's unbelievable! Sa akin suplado tapos sa iba, wagas kung makangiti? Napailing na lamang ako.

"Thank you," sambit pa nito. Napabuntonghininga na lamang ako at nagsimula nang kumilos. Lumapit ako sa kinatatayuan ni Grayson sabay kuha ng bag ko sa kamay niya. Mabilis namang napatingin sa akin si Grayson. Mukhang nagulat pa nga ito sa ginawa ko. Inirapan ko ito sabay harap sa babaeng kausap nito sa lobby ng building.

"Is this my key?" walang emosyong na tanong ko sa kanya.

"Opo, Ma'am," magalang na sagot naman nito sa akin.

"Great. Thank you," mabilis na saad ko sabay talikod sa kanya. Narinig ko ang pagtawag naman ni Grayson sa pangalan ko ngunit hindi ko na ito pinansin pa. Dali-dali akong naglakad at hindi na binigyan pansin ang presensiya ni Grayson Tyler sa likuran ko. Mukhang isang direksiyon lang naman ang tatahakin namin kaya walang silbi kong iiwasan ko ito. Mas mabuting hindi ko na lang muna ito pansinin kaysa naman magbangayan na naman kami sa bakasyong ito!

"Ana." Narinig kong tawag muli ni Grayson sa pangalan ko bago pa man ako makapasok sa kuwartong tutuluyan ko rito sa Xeerna island. Napairap akong muli. Hindi na ako nagsalita pa at nagpatuloy na sa pagbukas ng pinto at padabog na isinara iyon pagkapasok ko.

Agad naman akong napasandal sa pinto at humugot ng isang malalim na hininga.

What the heck, Anastasia Miller? Bakit ganito ka umasta ngayon? What's your deal, huh?

Mayamaya lang ay napailing na lamang ako sa inakto ko kanina! Marahan kong tinampal ang noo at muling humugot ng isang malalim na hininga. This is nothing. Naaasar lang ako sa lalaking iyon kaya naman ganito na lamang ang reaksiyon ko sa kanya. Yes. Iyon lang ang dahilan.

Nagpahinga muna ako sa loob ng silid at inayos ang mga dalang gamit. Gusto ko pa sanang magkulong dito ngunit hindi ko maaaring gawin iyon. Nandito ako para magbakasayon. Para ma-enjoy ang buong isla ng Xeerna. I'm not here sulk and stay annoyed at Grayson! Nandito ako para ipahinga ang sarili at hindi mamroblema sa lalaking iyon!

Mabilis akong tumayo sa gilid ng kama at agad na inihakbang ang mga paa. Agad ko namang binuksan ang pinto ng silid at lumabas na roon. Bahagya muna akong huminto sa pagkilos at wala sa sariling napatingin ako sa kabilang silid. It was Grayson's room. Sarado ang pinto nito. Nandyan kaya si Grayson?

Napabuntonghininga na lamang ako at mabilis na umiling. No, Ana. Stop thinking about that Tyler. You're here to enjoy your vacation. Sakit sa ulo naman ang lalaking iyon kaya dapat ay hindi ko na ito alalahanin pa!

Tahimik kong pinagmamasdan ang magandang tanawin ng buong isla ng Xeerna. This place is really beautiful. Dahil isang Enthrean ang may ari ng islang ito, talaga napaka-magical at enchanted nito sa aming mga taga ibang division! Humugot ako ng isang malalim na hininga at umayos nang pagkakaupo sa puwesto ko.

"Mind if I join you?"

Napatingin ako sa nagsalita. Napangiwi ako no'ng makita ko ang pagmumukha niya. "Bakit?" walang ganang tanong ko sa kanya.

"Anong bakit?" kunot-noong tanong niya sa akin.

"Anong kailangan mo?"

"Well, my partner is here. Kaya naman dapat ay nandito ako," kaswal na sagot nito sa akin at naupo sa tabi ko. Napailing na lamang ako sa ginawa niya. Hindi na ako nagsalita at tahimik na lang pinagmasdan muli ang paligid. "Akala ko pa naman mag-e-enjoy ka sa lugar na ito," anito na siyang ikinatigil ko. I heard him sighed kaya naman ay napatingin ako kay Grayson. "Ipinagpalit mo ang pagbabalik natin sa Tynera para sa reward na ito. Stop frowning, Ana. Have fun," aniya at tumingin na rin sa magandang tanawin sa harapan naming dalawa.

"I'm having fun," walang ganang sabi ko at umirap dito. "I'm enjoying the view here."

"You sure?" tanong nito at hinarap akong muli. Tumango na lang ako sa kanya bilang tugon sa tanong nito. Marahan itong umiling sa akin kaya naman ay napakunot na ang noo ko. "Nah. You're not. Hindi ganyan ang mukha ng masaya at nag-e-enjoy, Anastasia," wika nito sabay turo sa noo ko. Agad ko namang inalis ang daliri nito sa noo ko.

"Tigilan mo ako, Grayson!" masungit na suway ko sa kanya.

"There... much better. Mas okay kapag nagtataray ka sa akin kaysa naman nakabasungot iyang mukha mo," ani nito sabay pisil ng magkabilang pisngi ko.

Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya kaya naman ay umalma na ako. "Stop it!" mariing sambit at inalis ang kamay nito sa mukha ko. Mabilis ko namang hinawakan ang pisnging pinisil niya at masamang tiningnan ito. Anong trip na naman ba itong ginagawa ng lalaking ito?

"Come on. Libutin natin ang buong isla. Let's enjoy our vacation here," yaya nito at tumayo na.

Napakunot muli ang noo ko sa kanya. "Akala ko ba ayaw mo na nandito tayo." I said to him.

"Yeah. Ayaw ko but since nandito na tayo at nandito ka kasama ko, I might as well enjoy this vacation." Nakangiti nitong saad sabay lahad ng kamay niya sa harapan ko.

Ipinilig ko ang ulo pakanan at matamang tiningnan ito. Well, he's right. Mas makakabuting i-enjoy namin ang bakasyong ito habang nandito pa kami at hindi pa nakakabalik sa Tynera. This is a rare opportunity for us. Bihira lang sa mga Agent na kagaya namin ang nakakaranas ng ganitong bakasyon! Nagkibit-balikat na lamang ako at tumayo na rin.

I took his hand then smiled at him.

"Let's go."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top