Chapter 14: Aurora Swan (Mission 2- Part 4)

Hindi ko inalis ang paningin ko kay Grayson. Ganoon din siya sa akin.

Nakatutok pa rin sa leeg ko ang dulo ng espadang hawak ni Aurora. Nakalapat ito at kaunting diin lang nito sa balat ko ay paniguradong masusugatan na ako. Mariin kong ikinuyom ang mga kamao at noong akmang igagalaw ko na sana ang kamay para ilayo ang sarili kay Aurora, mabilis akong natigilan. What the hell?

Napakurap ako at wala sa sariling napamura sa isipan. I can't move my body! Damn it! Epekto pa rin ba ito no'ng panang tumama sa akin? O may ginawa itong si Kaylus para hindi ko makontrol ang sariling katawan?

Hindi na lamang ako kumibo at nanatili ang paningin sa harapan ko. Mayamaya lang ay biglang nag-iba ang ekspresiyon sa mukhang ni Grayson kaya naman ay naalarma ako. I looked curiously at him at noong marinig ko ang mahinang pagmumura nito, napahugot ako ng isang malalim na hininga. "What's wrong?" matamang tanong ko sa kaibigan.

"Shit! Damn it!" malutong na mura nitong muli sa puwesto niya.

Mayamaya lang ay namataan ko ang pagkawala nang pagkakagapos ng mga kamay ni Grayson. Nanlaki ang mga mata ko at biglang nagkaroon ng pag-asa. He's free! Maaari na niyang magamit ang attribute niya para matalo itong si Kaylus at ang mga tauhan nito!

Segundo ang lumipas ay wala pa ring ginagawa si Grayson. Nanatili lang ito sa puwesto niya at noong makitang pumikit ito, napakunot ang noo ko. What the hell is wrong with him? Akmang gagalaw na sana ako no'ng makaramdam ako ng hapdi sa bandang leeg ko! Shit! Damn it, Aurora! Hindi pa rin ba niya ako naaalala man lang? Ano bang ginawa ni Kaylus sa babaeng ito? Damn it!

"Grayson, hey, look at me," tawag pansin ko sa kanya. "Grayson! What the hell is happening? Ayos ka lang ba?" magkasunod na tanong ko at muling tinawag ang pangalan nito. "Grayson Tyler, answer me!"

"Move, Ana. Lumayo ka sa akin!" mariing sambit nito na tila nahihirapan sa sitwasyon niya. But how can I move? Ni hindi ko rin makontrol ang sariling katawan! Damn it! Hindi ko inalis ang paningin kay Grayson. He's suffering! Kitang-kita ko sa itsura nito ang paghihirapan na nararanasan niya ngayon! Mukhang may ginawa rin itong si Kaylus sa katawan ni Grayson! "Grayson!" muling tawag ko sa pangalan nito at noong kumilos ito sa puwesto niya, mabilis akong natigilan.

Nanlaki ang mata ko no'ng tinaas nito ang mga kamay niya sa harapan ko. Tila inaabot ako nito. Nakalahad ang mga iyon. Papalapit sa akin. "Shit! Anastasia, move away from me! Please! I can't control my body! He's manipulating it! Damn it!" mariing bulalas nito sa harapan ko.

Bago pa ako makapag-react sa mga sinabi ni Grayson ay naramdaman ko na ang dalawang kamay nito sa leeg ko! Napaawang ang mga labi ko habang mariing nakatingin kay Grayson. The hell?

Nawala na rin si Aurora sa tabi ko. Wala na ang espadang nakatutok sa leeg ko. Ngunit, ito na pumalit. Ang mga kamay ni Grayson Tyler!

"Ana!" sigaw ni Grayson sa harapan ko. Napakurap ako at mabilis na napahawak sa kamay niyang nasa leeg ko. Damn, I can move my body now! Mukhang ito ang nais na mangyari ni Kaylus sa aking dalawa ni Grayson. He wanted us to fight each other! Damn him!

Ngayon kaya ko nang kontrolin ang katawan ko, buong pwersa kong sinusubukang tanggalin ang kamay ni Grays na nakasakal sa kanya. Mahigpit kong hinawakan ang magkabilang kamay nito at noong maramdaman kong mas lalong humihigpit ang pagkakasakal niya sa akin, mabilis akong napamura at pilit na pinapaluwagan ang pagkakahawak niya sa leeg ko.

"Gray," mariing sambit ko sa pangalan niya at napamura na lamang. "This is your body. Huwag kang papayag na kontrolin ito ng kahit sino," dagdag ko pa at noong humigpit muli ang pagkakasakal ni Grayson sa akin, napamura na lamang muli ako sa isipan.

Ipinikit ko ang mga mata ko no'ng marinig ko ang tawa ni Kaylus. I kept on cursing him inside my head as I tried to loosen Grayson's grip.

"Come on you two. Give me a good show. Alam kong kayong dalawa ang best Agents na mayroon sa Tynera ngayon," sambit ni Kaylus at muling tumawa.

Iminulat kong muli ang mga mata at noong magtama ang paningin naming dalawa ni Grayson, napailing na lamang ako. Ngayon ay pahigpit nang pahigpit ang pagkakasakal niya sa akin. Nahihirapan na rin akong huminga dahil sa ginagawa nito!

"Damn it, Kaylus! Stop it!" sigaw ni Grayson sa harapan ko. He can't do anything. Kaylus Spere has the ability to manipulate someone's body. Walang magawa si Grayson kung hindi sumunod sa ginagawa ng sariling katawan.

"Na-ah. Hindi ko gagawin ang nais mo. You're not the boss here, Tyler, so you better behave and just let your body move. Let me see you fall, Tyler. Now... kill her," walang ganang sambit ni Kaylus na siyang ikinagalit nang husto ni Grayson.

"Damn you! You'll gonna pay for this, asshole!" galit na turan ni Grayson at noong maramdaman kong mas lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa leeg ko, napamura na lamang din ako.

"I'm waiting, Tyler," Kaylus said and chuckled a bit.

Dahil mas humigpit ang pagkakahawak ni Grayson sa akin, napaawang na lamang ang mga labi ko at pilit na inaalis ang kamay nito sa leeg. Mataman kong sinalubong ang mga titig nito at nakiusap sa akin. "Anastasia, please. Kalabanin mo ako. Use your attribute," mahinang pakiusap nito at napailing na lamang. "Gawin mo ang nais ni Kaylus. Give him what he wants. Fight and use your attribute."

My attribute? Pero... alam naming dalawa kung gaano ka destructive itong kapangyarihan ko! Ikapapahamak nito kung mapupuruhan ko siya! "Do it now, Ana!" sigaw ni Grayson sa harapan ko na siyang mabilis kong ikinatango sa kanya. Kahit na nanghihina dahil sa pagkakasakal sa akin ni Grayson, binitawan ko ang kamay na nakahawak sa magkabilang kamay niya at mabilis na itinaas ang mga ito. Nagpakawala ako ng isang malakas na fire magic at ngayon ay napapalibutan na kaming dalawa ng kapangyarihan ko.

Mayamaya lang ay naramdaman ko ang unti-unting pagluwag ng kamay ni Grayson sa leeg ko. Mukhang naaapektuhan ito sa apoy na ginawa ko. "Hit me on my chest," utos nito na siyang ikinatigil ko.

"W-what? Grayson, that's dangerous! No. Hindi ko gagawin iyon sa'yo," mariing sambit ko at hinawakan muli ang magkabilang mga kamay nito. Ngayon ay tila nanghihina na ang katawan niya. At dahil nasa loob kami ngayon ng sariling attribute ko, mas may advantage na ako ngayon sa aming dalawa.

"Do it, Anastasia. Iyon lang ang paraan para hindi na kita masaktang muli!" mariing sambit nito na siyang ikinailing ko na lamang sa harapan niya. No way! Hindi ko gagawin ang nais niya. Mapapahamak talaga siya sa nais niyang mangyari ngayon! "Please, do it! Mas mabuting ako na lamang ang mapahawak kaysa naman tuluyan kitang masaktan! Ana... do it! I'm begging you," anito at tinanguhan ako.

Napaawang na lamang ang labi ko at mayamaya lang ay humugot ng isang malalim na hininga. This is too risky. Kung gagawin ko ang nais niya, hindi ko alam kung ano ang magiging epekto nito sa kanya! Wala na ba akong puwedeng gawin para mapawalang bisa iyong kapangyarihang kumokontrol ngayon sa katawan niya? Ito na lang ba ang mayroon kami ngayon? Damn it!

Muli akong napahugot ng isang malalim na hininga at ipinikit ang mga mata. I can't think of anything right now. Walang pumapasok sa isipan ko kaya naman ay labag sa loob akong sumunod sa nais ni Grayson. Muli kong iminulat ang mga mata at buong puwersang tinira si Grayson sa may dibdib nito.

Napasinghap ako no'ng tumilapon si Grayson sa kabilang bahagi ng silid. Napamura na lamang ako sa isipan at mabilis na napahawak sa leeg kong hawak-hawak kanina ni Grayson. Napa-ubo ako at muling humugot ng isang malalim na hininga.

Napatingin naman ako kay Kaylus no'ng pumalakpak ito sa puwesto niya. "As what I've expected. Mas pipiliin talaga ng lalaking iyon ang iligtas ka kahit alam niyang ikakapahamak pa niya ito," walang ganang sambit ni Kaylus at nginisihan ako.

I closed my fist firmly. Hindi ko inalis ang masamang titig kay Kaylus at mabilis na gumawa ng fire sword. Mariin kong hinawakan ang handle nito at umayos nang pagkakatayo. In an instant, agad ko siyang sinugod sa kinatatayuan niya. Agad namang humarang si Aurora sa harapan ko para maprotektahan si Kaylus! Hindi ko naman ito binigyan pansin at mabilis na ikinumpas sa harapan niya ang hawak-hawak na espada. I'm pissed right now, and no one can ever stop me to kill this bastard. Kahit si Aurora pa ito.

Dalawang beses kong hinampas ang espada ko sa harapan ni Aurora na siyang ikinaatras naman nito. Isang hampas pa ang ginawa ko at noong masira ko ang espdang hawak nito, napataas ang isang kilay ko. Too weak, old friend. Agad ko itong sinipa kaya naman ay mabilis itong napaatras at kagaya nang ginawa ko kay Grayson, hindi na ako nagdalawang-isip pa at buong puwersa kong inatake si Aurora sa bandang dibdib nito. Agad naman itong tumilapon sa kabilang bahagi ng silid at mabilis na nawalan ng malay.

Ipinilig ko ang ulo pa kanan at binalingan ang lalaking kanina ko pa nais saktan. Kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Kaylus. He doesn't expect that, hah? Well, his trick won't work on me now. No'ng sinabi sa akin kanina ni Grayson na atakehin ko siya sa bandang dibdib nito ay nakuha ko agad ang nais niyang ipahiwatig sa akin. Nasa dibdib ang weak point ng tao. Kapag doon mo ito tinira, mawawalan ng kontrol si Kaylus sa katawan nila. Kaya naman iyon din ang ginawa ko kay Aurora. Now, Kaylus can't use his tricks on them. They're both knocked out now. I hope they're fine, though. Sana hindi malala ang nagawa ko sa mga katawan nila.

Tiningnan ko nang masama si Kaylus at dahan-dahang humakbang palapit sa kanya. Ilang hakbang pa lamang ang nagagawa ko noong mabilis na nagsikilos at umatake ang mga tauhan nito sa akin. Napailing na lamang ako at inangat ang isa pang kamay. Mabilis kong ikinumpas ito at agad na napuno ng apoy ang buong paligid. Mas pinalakas ko pa ang kapagyarihan ko kaya naman ay nahinto sa pagsugod ang mga tauhan ni Kaylus. Mayamaya lang ay narinig ko malalakas na sigawan ng mga kasama sa silid.

"You'll gonna pay for what you've done, Kaylus Spere," galit na wika ko at itinutok sa kanya ang hawak na espada. Hindi kagaya ng mga tauhan niya, hindi natutupok ng apoy ko si Kaylus. I can control my own fire. I spare this man for me to kill him myself.

Kita ko ang biglaang pagiging seryoso ni Kaylus Spere. Ipinilig ko ang ulo pakanan at wala sabi-sabing sumugod sa puwesto niya. Segundo lang ay agad naman siyang gumawa ng harang sa pagitan naming dalawa. He's an Earth Attributer, just like Aurora. He used the tree trunks to protect him. But it's no use against me. I'm a fire attributer and I can turn them into ashes!

Mas pinakalas ko ang fire attribute ko at sa paglapat nito sa attribute niya, mabilis itong natupok. Gumawa na rin ako ng fire ball at magkakasunod na inatake ko sa gawi niya. Panay naman ang iwas ni Kaylus sa mga fire ball ko kaya naman ay hindi na ako nag-aksaya ng oras. Habang abala ito sa pag-iwas sa mga ginawang fire ball, tinakbo ko na ang distansiya naming dalawa. At segundo lang din ang lumipas, nasa harapan na ako ni Kaylus. Now, it's my turn to get revenge!

Without a second thought, I immediately punched him on his stomach with a massive fire attribute on it. Agad itong napaupo habang sapu-sapo ang tiyan niya. Mabilis kong itinutok sa kanya ang espada ko kaya naman ay natigilan ito sa pagkilos. "Now tell me, may koneksyon ka ba sa Sigma?" I immediately asked him. Kaylus uses black magic. Kaya nga hindi lang katawan ni Aurora ang nakontrol niya, pati na rin ang pag-iisip nito! I'm a hundred percent sure na may alam ito tungkol sa dark guild na tinatanong ko sa kanya!

"Wala kang makukuhang impormasiyon sa akin, Anastasia," sambit nito kaya naman ay inilapat ko sa leeg niya ang dulo ng espada ko. Mas nilakasan ko rin ang fire attribute ko kaya naman ay nakakasigurado akong masusunog ang balat nito sa leeg kung magmamatigas pa ito sa akin.

"Oh, really? How about you tell me why you kidnapped and used my dear old friend Aurora? Huh?" tanong ko sa kanya at mabilis na gumawa ng barrier. Ngayon ay nasa loob na kami ng fire barrier ko. Kahit anong gawin nito, hindi niya magagamit nang maayos ang kung anong kapangyarihang mayroon siya.

"I didn't kidnap her! Tulad niyo, natunton niya lang din ang dimensiyon sa sentro ng Enthrea," sagot nito na siyang ikinakunot ng noo ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top