Chapter 10: New Mission
Nakasimangot ako habang nakaupo sa isang upuan dito sa private room ng kapatid ko. I've been here for twenty minutes already at nauubos na ang pasensiya ko kakahintay sa kanya. Nasaan na ba si Kuya Anthony? Minsanan na nga lang akong umuwi rito sa Aundros tapos hindi ko pa siya makikita at makakausap!
Napatingin ako sa munting sugat na nasa braso ko. Hindi ko pa pala nagagamot ito. Kanina, bago ako pumarito ay galing kami ni Grayson sa isang misyon. It was an easy task. Natapos agad namin iyon. Wika pa nga ni Grayson 'Piece of cake' at dahil madaraanan namin ang Aundros, my hometown, galing sa misyong ginawa namin ay nagpaiwan na ako at pinauna si Grayson pabalik sa Tynera.
Napailing na lang ako at wala sa sariling napabuntonghininga. Talagang pinanindigan ni Grayson ang pagiging partner naming dalawa sa mga misyon na gagawin. Everyone in the Tynera was glad no'ng malaman nila na 'di kami mag-di-disband, well, except kay Alexa, of course. And I don't care about her anymore! Pagod na ako sa mga hinanakit niya sa buhay. Bahala na siya!
Akmang papagalingin ko na ang sugat ko no'ng bumukas ang malaking pinto sa silid na kinaroroonan ko. There. I saw my brother. Nakangiti itong pumasok sa private niya ngunit bigla itong sumimangot at tiningnan ako nang masama. Napakunot ang noo ko sa naging ekspresiyon nito at umayos na lamang nang pagkakaupo. What the hell is his problem?
Mayamaya lang ay dahan-dahan itong lumipit sa akin. Tumigil ito sa harapan ko at tiningnan niya ang braso kong may sugat. "Ilang ulit ko bang sasabihin sayo, hah, Anastasia? Dapat mag-iingat ka sa lahat ng misyong gagawin at mapupuntahan mo!" bulalas nito na siyang ikinangiwi ko.
I mentally rolled my eyes at my brother. Here we go again. His very possessive side. Ingat na ingat na naman siya sa akin. Akala mo naman babasagin ako na dapat ingatan nang husto. Akala mo naman sampung taong gulang pa lang ako. For Pete's sake! Twenty-two years old na ako! I'm old enough to take care of myself!
"Kuya, I'm fine. Galos lang ito," wika ko sa kapatid ko sabay lapat ng isang kamay sa sugat na natamo ko. I activated my healing magic and seconds passed, gumaling na ito at kahit bakas nito ay hindi ko na nakita sa balat ko. Napabuntonghininga na lamang ako at napatingin muli sa kapatid. Noong magtagpo ang mga mata namin, napangiwi na lamang ako noong mapansin ang tila iritadong ekspresiyon pa rin nito sa mukha. I sighed again. Seriously? Kaunting sugat lang naman ito. Mas malala pa nga ang mga sugat na natamo ko mula sa Persidal Village kaysa sa sugat na ito!
Nagkibit-balikat na lamang ako at umayos muli nang pagkakaupo sa puwesto ko. My brother is pissed right now. Dapat ay huwag ko nang sabayan ito. Minsan na lang kaming magkita rito sa Aundros at talagang magsasagutan pa kami dahil lang sa nangyari sa akin. Hindi maganda kong mag-aaway pa kami sa puntong ito.
"Anastasia, alam mo naman na ang kaligtasan mo lang ang iniisip ko. You know how much a care for you. You're my little sister, remember?" He paused then sighed before continuing his speech. Palihim akong napangiwi habang nakikinig lamang sa mga sinasabi nito. "From now on, ako ang mag-aapruba sa lahat ng misyong ibibigay sa'yo ng Council. Kailangang dumaan muna sa akin ito bago mo gawin iyon!" He said without even blinking! Natigilan ako sa sinabi ng kapatid ko. Seryosos ba siya sa pinagsasabi niya?
Napailing na lamang ako. Sa pagkakataong ito ay hindi na ako na nakapagtimpi pa. No way! Hindi ako papaya sa nais niya. Anong tingin niya sa akin? Walang sariling pag-iisip? Hinid kayang magdesisyon sa kung anong misyong dapat na gawin? There's no freaking way na papayag ako sa nais niya!
"Kuya, stop this nonsense. Please. Kaya ko na ang sarili ko. Para saan pa't naging isa ako sa mga Shendra ng Tereshle Academy? I'm one of the best students in our class. Kaya kong gawin ang kahit anong misyong mayroon sa Tynera. Come on, Kuya Anthony, hindi na ako bata para gawin ang bagay na iyon! No. Hindi ikaw ang magdedesisyon sa mga misyong kukunin at gagawin." I hissed at my brother. "Kaya ko ang sarili ko," pahabol na sambit ko pa sa kanya.
Namataan kong natigilan ang kapatid sa sunod-sunod na pagsasalita ko sa kanya. Kumunot ang noo nito habang matamang nakatingin sa akin. Hindi niya ata inaasahang tatalima ako sa nais niya. Duh? Kahit sino naman kasi ay talagang hindi sasang-ayon sa nais nitong mangyari!
"I'm Anastasia Miller at ang isang kagaya ko ay 'di basta-bastang napapatumba ng kahit sino. You should've known about that, Kuya Anthony," matamang wika ko sa kanya at napabuntonghininga na lamang. I really hate it when my brother and I have a nonsense fight like this. Pareho pa naman kaming maiinitin ang ulo! Napailing na lamang ako at tumayo na mula sa kinauupuan ko. "Aalis na ako, kuya. It was nice to see you," paalam ko sa kanya sabay labas sa study room ng kapatid ko.
My brother, Anthony Miller, the leader of the Aundros Division of the kingdom of Tereshle, sometimes is a pain in my ass. Masyado niya akong iniingatan. Hindi naman kasi maiiwasang hindi masaktan kung nasa isang misyon ka. Natural lang iyon sa aming mga agent ng Tynera. Sadyang maaalalahanin lang talaga minsan ang kapatid kong iyon, lalo na kung umuwi ako sa main na may sugat o hindi maganda ang kondisyon ng katawan ko. I guess it was a normal reaction from him, but I think he crossed the line there. Minsan naman ay halos hindi niya ako mapansin dahil sa dami ng trabaho niya sa buong Aundros, pero talagang may mga panahon talaga na sadyang nakakainis na dahil sa pakikialam niya sa akin. Sana ay 'di magmana sa kanya ang anak niya, si Sean. Isa rin kasi ang batang iyon. Sakit din sa ulo! Isang tunay na Miller talaga ang ugali ng batong iyon!
Napailing na lamang ako at nagpatuloy na sa paglalakad palabas sa tahanan namin dito sa Aundros Division. "Makabalik na nga lang sa Tynera," wala sa sariling wika ko. Baka may bagong misyon doon na puwede kong pagkaabalahan. I'm pretty sure na mayroon magandang trabaho ngayon doon. At isa pa, mas mabuti pang makipagbangayan kay Grayson kaysa kay Kuya Anthony! Si Grayson kasi puwede ko pang barabarahin nang paulit-ulit! At kapag si Kuya Anthony ang kausap ko, hindi ko magagawa ang kung anong ginagawa ko sa Tyler na iyon!
Napangiwi na lamang ako at nagsimula na sa paglalakbay pabalik sa Tynera.
Pagkarating ko sa Tynera, agad akong lumapit sa bulletin board namin. Tahimik kong binasa ang iilang poster na naroon habang pinaglalaruan ang dulo ng buhok. Mayamaya lang ay nakaramdam ako ng matalim na titig sa gawing kanan ko kaya naman napalingon ako roon. Noong makita ko kung sino ang kanina pa nakatitig sa akin ay napangisi ako at pinagtaasan ko ito ng isang kilay.
Now what, Alexa? You want some another nonsense fight again, huh?
Ilang segundo itong nakatingin nang masama sa akin at 'di nagtagal ay siya na rin mismo naman ang bumawi nang tingin niya at nagmartsa palayo sa akin. Napailing na lamang ako. I know we're not in good terms, matagal na. But can't she just grow up already? She's so childish! I know she's jealous because Grayson is my teammates, but hell, we're just doing our missions! As if naman may ibang nangyayari sa aming dalawa. Well, now that I've think of it, I think I need to vomit! That's gross! Bakit ba biglang pumasok iyon sa isipan ko?
Napailing na lamang ako sa mga walang kuwenteng naiisip at seryoso muling tuminging muli sa may bulletin board.
"Looking for our new job?" I mentally rolled my eyes when I heard him speak beside me. Great. He's here. Mabuti na lang at umalis na iyong si Alexa. Paniguradong pag-iinitan na naman ako ng babaeng iyon kung makikita niya kaming dalawa ni Grayson dito. "So, may napili ka na?" He asked me again.
Umiling ako. "Hindi mo ba nakikita? I'm still looking here," mataray na tugon ko at nagpatuloy sa pagbabasa ng mga job request sa harapan ko. I heard him chuckled then tried to help me decide for our next job.
Ilang minuto kaming natahimik ni Grayson at noong humugot ako ng isang malalim na hininga, naramdaman kong bumaling ito sa akin. Napanguso ako at hinawi ang buhok na nasa balikat. "I need to get any job that is posted here. I'm freaking bored right now," wala sa sariling bulalas ko at pinagpatuloy ang paghahanap nang matinong trabahong naka-post dito sa may bulletin board.
"I thought you'll stay at Aundros? What happened?" Tanong nito na siyang ikinangiwi ko naman. Oh, great God. Stop asking me, Grayson! Maiinis lang ako sa'yo. Manahimik ka na lang diyan at maghanap ng magandang trabaho para sa ating dalawa! Hindi ko na lamang ito pinansin at nagpatuloy sa ginagawa. Mayamaya lang ay naramdaman ko itong kumilos sa puwesto niya at muling nagsalita. "Hey, I'm asking you," anito na siyang tuluyang ikinairap ko.
"My brother was pissed. So am I. Kaya naman ay umalis na lang ako roon. Baka masunog naming dalawa ang buong mansyon ng mga Miller kung wala ni isa sa amin ang aalis sa bahay na iyon," sunod-sunod na sambit ko at napabuntonghininga na lamang ako.
I heard him chuckled. Napabaling tuloy ako sa kanya. "Hanggang ngayon ay 'di pa rin kayo nagkakasundo ng kapatid mo?" He asked me while checking one of the posted job requests.
"Stop asking, Grayson." I coldly said to him. I really don't like it when someone's asking me with regards to my family. It pisses the hell out of me!
"Okay. I won't ask anything," wika niya sabay lahad ng isang papel sa akin. Kunot-noo ko itong pinagmasdan at hindi nagsalita. "Here... Let's take this job. I saw this one earlier kaya kinuha ko agad," dagdag pa niya at iginalaw ang papel sa harapan ko. Napatingin ako sa papel na hawak niya at maingat na kinuha iyon sa kanya. Kunot-noo ko itong binasa.
"The heir of the Swan Family... went missing?" Hindi makapaniwalang tanong ko. The heir? No way! It must be Aurora Swan! Siya lang naman ang nag-iisang tagapagmana ng Swan family!
"Aurora went missing last month," rinig kong sambit ni Grayson sa tabi ko. Mariin kong hinawakan ang papel at pinagpatuloy ang pagbabasa sa mga nakasulat sa job request. No hell way! Aurora was one of our groupmates back when we were at the Tereshle Academy. She's a great Earth Attributer! Pano siya nawala? That's impossible, right? Hindi basta-bastang mawawala ang isang kagaya niyang makapangyarihang Tereshlian!
"Wanna go for some search and rescue for our dear old friend?" Napatingin ako kay Grayson noong magsalita itong muli. Nakangisi na ito ngayon sa akin. Mayamaya lang ay umarko ang isang kilay nito kaya naman ay napangisi na rin ako.
Hell, yeah!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top