xxxvii

Kyuri's POV

Hinampas ko ng malakas yung alarm clock ko ng bigla itong tumunog. Paano kasi 2 oras pa lang yung tulog ko.

Nakaidlip ako ng mas matagal pero nagising ako ng may kumatok.

"Wala kaming yelo."

"Hoy Kyuri, tulog ka pa?"

"Anong sa tingin mo?"

"Hindi ka pa bihis? Sundo mo andito na?"

"Gago, graduate na ako."

Saka lang ako napabangon ng narealize ko kung bakit may sumusundo sa akin.

SI JIN PALA!

Hindi si Jin yung susundo sa akin ha, wag kayo. Mamimiss niyo ko pag namatay ako.

Muntik pa akong madulas ng binuksan ko ng konti yung pinto ko.

Lintek na, si Jimin nga, bihis na bihis. Ako amoy panis. Di bale, kaya ko pa tong matiis.

SHET RHYMING LAHAT BOOM PANIS.

Naligo ako ng mabilis. (puta rhyming ulit). Hindi ko nga alam kung ligo yun kasi puro pagpapanick lang ata yung nagawa ko.

Muntik pa akong madulas nung nakapagbihis na ako, ni hindi pa ako nagpupulbos pero ayokong maghintay yung tao. Lumabas ako ng kwarto at nagmadaling bumaba.

"U-uy Jimin..ah..sorry hindi pa ako masyadong handa kakagising ko lang kasi--"

"You look flawless."

Kingina mo, umagang umaga wag mo kong pakiligin.

"A-ah..gusto mong kape bago tayo umalis?"

"Hindi na."

"Ah..sige, tayo na." Nagpaalam ako kay Jungkook at lumabas na ng bahay.

"Tayo na?"

Napatingin naman ako kaagad sa kanya pagkasakay namin ng sasakyan niya.

"H-ha?"

"I mean wala ka bang nakalimutan na dalhin? Aalis na tayo."

Akala ko naman kung ano. Wag ka kasing magisip ng kung ano ano, Kyuri. Kalma.

"Wala na." Ngumiti siya sa akin at pinaandar na yung kotse.

Walang nagsalita sa amin. Nakatingin nga lang ako sa labas ng bintana eh.

Hindi ko rin talaga alam kung bakit ang awkward kaya binuksan ko na lang yung radyo.

This next song is..Paper Hearts by Tori Kelly. This is such an awesome song even though it's been years! Good morning everyone and have a nice day!

Nananadya ba talaga yung radyo ngayon?

Papalitan ko na sana yung istasyon pero hinawakan ni Jimin yung kamay ko para pigilan.

"Huwag mo ng palitan."

Nakatingin lang ako sa mukha niya na nakangiti na ngayon habang nakafocus sa daan. Hinigpitan niya yung hawak sa kamay ko.

"Jimin..yung k-kamay ko." Punyeta, kanina pa ako nauutal.

Binitiwan niya yung kamay ko at nilapag ko naman agad sa gilid ko, pero hinawakan niya na naman ulit.

Parang patay malisya siya kasi nakatingin pa rin siya sa daan at sinasabayan yung kanta.

"Remember the way you made me feel such young love but something in my head knew it was real.." Damang dama niya pa yung kanta habang nakahawak sa kamay ko.

"Ah..bakit mo ulit hinawakan yung kamay ko?"

"Hindi na nga kasi kita bibitawan diba?"

Nginitian niya lang ako bago nagfocus sa pagddrive ulit.

Napatingin na lang ako ulit sa bintana.

Maya maya, he intertwined his hand into mine. Tapos hinalikan niya yung kamay ko.

Galawang pandak.

Ng makarating kami sa sementeryo, di para dalawin yung puso daw ni Jimin na patay na patay sa akin, kundi para bisitahin si Jin.

Napangiti ako ng makita ko ulit yung puntod niya. Umupo ako sa gilid niya.

"Hi Jin."

Malamang walang sumagot, aalis ako kung biglang may nag-"Hi, Kyuri."

"Sorry hindi ako nakakabisita. Nasa Canada ako eh." Sabi ko. Napansin ko naman si Jimin na naglatag ng tela at umupo.

"Arte mo naman."

"Ayoko upuan yung pagkain ni Hoseok." Turo niya sa damuhan na inuupuan ko. Nagroll eyes na lang ako.

Naglabas din siya ng pagkain. Galing McDo ata. Wow, handa siya ah.

"Jin, baka magtaka ka kung bakit ko kasama si Jimin."

"Ganito kasi yan hyung, cute kasi ako." Sabi ni Jimin at nag-aegyo.

"Gusto mo bang ilibing na rin kita dito."

"Ayoko, baka mamiss mo ako."

"Asa ka." Kinuha ko na lang yung pagkain pero nagsalita ulit.

"Isa palang malaking maling akala ang lahat. Para pala kaming tanga noh?" Napatawa na lang ako sa kahibangan na nagawa namin. Akalain mo nagbreak kami dahil lang sa hindi namin pinagexplain si Eunji?

"Hyung, alam mo ba ang ganda nung drama na pinapanood ko ngayon. Kikwentuhan kita." Sabi ni Jimin kaya napakunot ako ng noo. Hindi naman nanonood ng mga tv shows to ah?

"Love story siya, hyung. Tungkol sa lalake na ginawa ang lahat para makuha niya ulit yung babae. Nagkamali kasi siya nung una, kaya nung nakuha niya na. Sabi niya hindi na niya bibitawan yung babae pang muli. Pero, hyung..sadyang may binigay sa kanyang malaking pagsubok. Mas malaki pa sa kanya. Nakabuntis siya ng iba." Napatawa siya at nagkwento ulit, habang ako nakikinig lang.

"Ayun..nagbreak sila nung babaeng mahal niya. Hyung, sobrang nasaktan yung lalake. Naisip niya ng magpakamatay, pero it turns out na mali pala yung akala niya. Hindi siya yung ama. Sobrang naganahan ng loob yung lalake kasi umaasa siyang magkabalikan sila nung babae. Tapos bumalik yung babae pero nakalimutan niya na yung feelings niya dun sa lalake."

Napakunot ako ng noo habang nakikinig sa kanya..totoong palabas ba to?

"Pero dahil sa cute yung lalake, narealize nung babae na mahal niya pa rin. Hehe." Umubo siya at tinuloy yung kwento niya. "May plano yung lalake eh, excited na nga ako para sa next episode."

Plano? Interesado tuloy ako sa drama na sinasabi niya.

"Anong palabas yan?"

"Secret. May hula ka kung anong plano nung lalake?" Sabi naman ni Jimin.

"Malay ko, di ko naman pinapanood eh." Nag-shrug lang ako.

"Magugustuhan mo." Sabi niya at ngumiti.

Huh? Ano daw?

"Saka hyung alam mo ba, miss ka na ni Namjoon. May picture ka nga niya sa kwarto niya eh. HAHAHAHAHA!"

"WEH?" Napatawa naman ako.

"Oo, tapos kinakausap niya pa tuwing gabi bago siya matulog. Sinasayawan niya pa nga eh."

"Jin, buti hindi mo siya minumulto. Ay oo nga pala, mahal mo." Napatawa ako at nagsimula ng kumain.

"Lapit na pala birthday ko." Napatulala na lang ako sa kawalan habang ngumunguya.

"Talaga? Kelan?"

Nag-poker face na lang ako at tumawa si Jimin.

"Joke, syempre alam ko."

Napatulala na lang ako ulit sa kawalan.

"Kyuri, may sikreto ako."

"Ano?"

"Sikreto nga eh, ano ba?" Binatukan ko naman siya ng malakas. "Aray! Joke lang."

"Ano nga?"

"Mahal daw ni Park Jimin si Jeon Kyuri?!" Sabi ni Jimin na umarte pa na gulat na gulat.

"Ay weh?" Nakisakay na lang ako sa kung ano mang trip niya.

"Oo daw. Marami nga daw nagseselos kasi ang gwapo nung Jimin." Nag-shrug siya at kumain na lang.

"Loko loko."

"At thankful daw si Jimin! Alam mo kung baket?"

"Ano?"

"Thankful si Jimin kasi mahal siya nung pinakamagandang babae sa mundo." Nagtaas baba siya ng kilay.

"Hindi naman si Kyuri yung pinakamaganda sa lahat ah." Hehe, teka kinikilig ako.

"Hindi nga. Pero sa mga mata ni Jimin, oo." Sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.

"At sa sementeryo pa kayo naglandian." Muntik na akong mapatalon ng may nagsalita.

"Sorry na, alam mo namang ikaw lang." Nginitian ni Jimin si Jungkook at ako napairap na lang.

"Bakit ka andito?" Tumingala ako kasi nga nakaupo ako.

"Masama bumisita?"

"Oo, laki ng ilong mo eh."

"Anong konek? Kingina." Inirapan niya ako at umupo siya sa gitna. Oo, kingina, pagitan namin ni Jimin.

"Walang konek, pero sana tayo meron. Hehe." Parang gago naman si Jimin, ngiting ngiti. Luh.

Parang kanina puro siya "Kyuri" ngayon puro siya "Jungkook".

"Jungkook, kkwentuhan kita tungkol sa paborito kong drama sa tv." Kinwento niya yung kinwento niya rin sa akin kanina. Ako nakatingin lang sa puntod ni Jin.

Miss na miss na kita. Hanggang ngayon hindi ko pa rin tanggap na wala ka na. Di bale, pagtanda ko magkikita ulit tayo.

Teka, ang creepy nun.

"Tapos ayun, may plano yung lalake. Excited na ako sa next episode. Pero may pinakita sa 'ABANGAN' eh!"

"Ano naman yun?"

"Tutulungan daw siya ng isang lalake para dun sa plano niya..at yung lalakeng yun malaki ang ilong."

"Aba nananadya ka ba?"

"Hindi lang yung lalakeng malaking ilong yung tutulong sa kanya, pati yung mga kasamahan niya."

"Tropa ganun?"

"Tumpak ka diyan."

Napairap na lang ako at kumain ulit. Ay ubos ko na pala.

"So?" Tinaasan siya ng kilay ni Jungkook at napairap si Jimin.

"Hindi mo ba gets? Slow mo ah. Pero ang bilis mong pumasok sa puso ko." Nagheart sign pa ang gago.

"Gets ko kasi kingina mo."

"Ay weh? Galing ah, bibigyan kita ng star."

"Wag na, aanhin ko yun."

"Pangsubtitute kung namimiss mo si Yoongi hyung. Pareho namang kumikinang gaya ng gilagid niya."

"Anong plano nung lalake?" Sabi ni Jungkook.

"Sabihin ko sa'yo mamaya. Nandito yung babae." Binulong niya yung huling part kaya hindi ko narinig.

****

PAYUUUUUUR HEHEHE EBRIBADI SEY LA LA LA LA LA

pogi ni yoongi sa fire mv huhu pero syempre loyal ako kay jemen hihi

Last 2 chapters + epilogue

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top