xxxv

Kyuri's POV

"Ella sumagot ka naman oh, kingina." Paikot ikot na ako sa kwarto ko habang inaantay na sagutin ni Ella yung tawag ko.

Sabagay, sino ba namang baliw na tatawag sa kaibigan mo ng 3:00 ng madaling araw?

Ako. Hehe.

[ tangina natutulog ako by-- ]

"ELLA!"

[ ANONG PROBLEMA NG ILONG MO HA MADALING ARAW NA NANANAGINIP NA NGA AKONG HAHALIKAN NA DAW AKO NI YOONGI-- ]

"ELLA ANG TANGA KO!"

[ ngayon mo lang nalaman? ]

"Bakit nga ngayon ko lang nalaman?"

[ na ano puta ]

"Na mahal ko pa rin siya."

Jimin's POV

Pagkamulat ko ng mata ko, para akong binagsakan ng lahat ng kometa sa universe sa sobrang sakit ng ulo ko.

Asan ako?

"Uy, gising ka na." Biglang may pumasok sa pinto.

"EUNJI?!"

Ngayon ko lang narealize na hindi ko pala to kwarto.

"Dinala ka ni Yoongi dito. Sinabi mo daw kasi na ayaw mo pa umuwi. Anyare sa'yo? Lasing na lasing ka kagabi."

Kinunot ko yung noo ko, lalo lang sumakit yung ulo ko.

Tinaas ko yung kanang kamay ko at nagulat ng nakabalot ito, kumikirot din.

Tangina, bakit wala akong ma-alala?

MAY AMNESIA NA AKO?!

Pero bakit hindi ko pa rin nakalimutan na gwapo ako? Hehe.

"Oh, lugaw." Naglapag siya ng isang bowl sa katabi kong lamesa.

"Kakainin ko?"

"Malay ko sa'yo, inumin mo kung gusto mo."

Napairap na lang ako at kinuha yung lugaw. Gutom na ang gwapo.

"Salamat."

Habang kumakain, nakatitig lang siya sa akin.

"Ganyan ba ako kagwapo na pati pagkain ko sinusuri mo?"

Napatigil naman ako sa sinabi ko.

Yun pala yung sinabi ko kay Kyuri dati.

Haha.

Masakit.

Sobra.

"Hoy, masarap yang lugaw, wag mong iyakan. Pati ba naman lugaw pagluluksaan mo."

Teary eyed na naman ako. Okay lang yan, gwapo pa din ako.

"Ayoko na kumain." Nilagay ko sa lamesa yung lugaw.

"Edi wag, papakain ko na lang kay Sanha. Bahala ka diyan. Umuwi ka nga, mukhang okay ka naman na eh. Yung kotse mo nasa labas. Eto susi mo, binigay sakin ni Yoongi." Binato niya sa akin yung susi. Tumayo siya at kinuha yung lugaw at lumabas.

Napaupo ako at hinawakan yung ulo ko.

Yung ulo sa taas ha, wag kang ano.

Sinubukan kong tumayo, buti naman nagawa ko. Inayos ko yung sarili ko at bumaba sa sala nila. Aalis na ako.

"Salamat pala, Eunji. Bye, Sanha!" Pinisil ko yung pisngi ni Sanha at aalis na sana ng hawakan ni Sanha yung kamay ko.

Ang cute ng batang to kahit apat na taon pa lang.

"Hmm, baket?"

"Kyu..."

"Kyu? Kyut ako? Alam ko na yun, Sanha."

Nakakapaglakad na siya pero hindi pa siya ganun kasanay na magsalita. Bulol nga eh.

"Kyuri!" Bigla niyang sigaw.

Napangiti naman si Eunji.

"Nagkwento ako tungkol sa inyong dalawa." Pagpapaliwanag niya.

Anong gagawin ko kay Kyuri? Mukhang wala na eh.

"Ipaglaban mo siya, Jimin."

Napatingin naman ako kay Eunji. Napangiti ako ng pilit at umiling. Pinisil ko na lang ulit yung pisngi ni Sanha.

"Ayaw niya na eh. Anong magagawa ko?"

"Mahal mo siya diba? Wag mong hahayaang masira yung pagmamahal na yun."

Hindi ako umimik.

"Love never fails, Jimin. Don't let your relationship fail."

Kyuri's POV

"JIMIN?!" Sigaw na ako ng sigaw ng pangalan niya sa tapat ng bahay niya.

WALA BANG TAO DITO!

Napatigil ako sa kakasigaw ng biglang umulan.

"Wow." Bulong ko at napatingin sa langit.

"Napakagaling naman ng timing mo. Nakakaiyak." Sabi ko at umiyak na lang.

Mga kalahating oras na akong nakatitig sa gate nila, nagbabakasakaling lumabas diyan si Jimin na may hawak na payong.

Eh kung tawagan ko kaya? Ay..nagpalit na pala siya ng number.

Basang basa na ako sa ulan. Napaupo na lang ako sa kalsada.

"Jimin." Huli kong sabi ng may maaninag akong ilaw sa gilid ko.

Bigla namang nanlabo yung paningin ko at napahiga sa kalsada.

Sobrang nanghihina na ako.

"K-KYURI?" Sabi ng isang lalake habang inaalog yung balikat ko.

Jimin's POV

"K-KYURI?" Inalog ko yung mga balikat niya pero nakapikit lang siya at humihinga ng malalim.

Binuhat ko siya at pumasok sa bahay.

Buti naman at walang tao ngayon dito.

Hiniga ko siya sa may sofa, wala na akong pake kung basang basa na yung sofa.

Tumaas ako sa kwarto at kumuha ng twalya, kumot at pati na din isang t-shirt ko. Bumaba na ako at nakita siyang nanlalamig.

"Tangina, paano to?" Hindi naman pwedeng hubaran ko siya at palitan ng damit. Napaka manyak naman nun.

Kumuha ako ng isang bimpo at hinugasan ko sa maligamgam na tubig.

Sinimulan kong punasan yung mukha niya pati nasa mga braso niya at leeg.

Paano ko ba to papalitan ng damit?

"Kyuri?" Inalog alog ko yung balikat niya pero humihinga lang siya ng malalim at giniginaw.

Kinumutan ko muna siya pansamantala at pinatay yung electric fan para hindi siya lamigin.

Nagpalit ako ng damit, binilisan ko talaga. Pagbaba ko, nilagay ko yung likod ng palad ko sa noo niya.

Medyo mainit. Natuyo na kasi yung damit niya, yung buhok niya na lang yung basa.

"Kyuri?" Muli kong tawag sa kanya.

"Giniginaw ka?" Sabi ko.

Tangina, hindi ba halata?

"Gusto mo yakapin kita?" Sabi ko. "Namiss ko na kasing yakapin ka."

Niyakap ko siya habang nakaupo sa sahig. Biglang naging normal yung paghinga niya at napangiti naman ako.

"Sana pag-gising mo mahal mo na ako ulit." Sabi ko sa kanya kahit alam kong hindi niya maririnig kasi tulog siya.

"Nami-miss na kasi kita. Sana bumalik na lang tayo sa dati." Sabi ko naman ulit at niyakap siya ng mahigpit.

Hinalikan ko siya sa noo bago umupo ulit at pumikit na. Inaantok na ako.

"Mahal na mahal kita."

Kyuri's POV

Nagising ako ng may kung anong mabigat na nakapatong sa akin. Teka, nasaan ako?

"HO MAN HOLY SHI!" Napasigaw ako ng nakita ko si Jimin na yakap yakap ako.

Anong..bakit..paano?

Napatitig na lang ako sa mukha niya. Ang cute cute niya matulog. Parang gago lang kasi kinikilig ako, walang hiya ka Kyuri.

"Jimin?" Tinusok tusok ko na lang yung pisngi niya pero hindi pa rin siya bumabangon.

Mahimbing yung tulog niya ah. Kausapin ko na lang siya.

"Jimin, sorry ha. Sorry kung ang tanga ko."

"Alam mo ba kung hindi ko pa maaalala lahat ng pinag-gagagawa natin dati hindi ko marerealize na mahal pa din kita." Napatawa ako ng bahagya. Kinakausap ko ang isang tulog na nilalang.

"Sagutin mo nga ako..bakit ang tanga ko?"

"Gwapo ko kasi." Bigla siyang nagsalita habang nakapikit. Napalaki naman yung mata ko ng bigla siyang dumilat at ngumiti.

"JIMIN?!"

"Bakit?" Hindi maalis sa mukha niya yung ngiti niya. Umupo siya ng maayos at ako naman napanganga na lang.

"Mahal din kita." Sabi niya at tumawa.

Napabangon kaagad ako sa hinihigaan ko. Ngayon ko lang napansin na hindi ko ito kwarto at lalong nasa iba akong bahay.

Oo nga pala, nag-aantay ako sa tapat ng bahay niya na parang tanga.

"J-joke lang yun. Aalis n-na ako." Sabi ko at tatayo na sana ng pigilan niya ako.

"Kyuri, tama ba yung narinig ko?"

"H-ha?"

"Mahal mo pa ako diba?"

"A-ah ano..uhm--"

Naputol yung dapat kong sasabihin ng bigla niya akong hinalikan sa labi.

****

ang saya saya ng bangtan dun sa multimedia oh

ANG SAYA SAYA NILA SAMANTALANG AKO NAMOMROBLEMA KUNG SAAN AKO KUKUHA NG PERA PARA SA CONCERT NILA kingina bye

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top