xxxix

Kyuri's POV

Ano na naman bang pakana to? Leche ha.

"Ok na?" Lumabas ako ng fitting room pagkatapos ako bigyan ni Jungkook ng damit.

"K na, tara." Nauna siyang maglakad at sumunod ako.

"Bilisan mo!" Sabi niya kaya umirap ako.

"Palibhasa matangkad ka kaya ang bilis mo. Haba ng legs." Bulong ko.

Oo na, ako ng maliit.

"Bilisan mo nga!" Sabi niya ulit.

"Hindi ka naman maliit so shut up ka na lang!" Sabi ko at binilisan yung paglakad ko.

Birthday na birthday ko, hindi ako binati ni Jimin. Kingina ha.

Nung nakasakay kami ng taxi, nagvibrate naman yung cellphone ko. May nagmessage sa gc ng Bangagtan Squad. Buti naka-3G ako hehehe.

Namjoon July August: hAPPY BIRTHDAY KYURI

tete ng bohaii mo: YEET

tete ng bohaii mo: *yehet

stephen kyuri: thanks

sugums: di ko sasabihin na may suprise kami di talaga

bhozxcs hoseok baba lordzxcs: aNO BA YOONGI

sugums: bakit di ko nga sasabihin na may suprise tayo eh

Namjoon July August: bobo ampu--

stephen kyuri: ok lang haha

tete ng bohaii mo: bakit ano problema mo kyuri

stephen kyuri: wala noh

tete ng bohaii mo: sus ayaw sabihin ganyan naman kayo eh

sugums: wag ka magdrama taehyung di bagay

tete ng bohaii mo: kasi tayo lang bagay hyung hehehehehe

sugums: yuck

tete ng bohaii mo: di mo ba ako mahal :---'(

tete ng bohaii mo: **:'---(

Namjoon July August: bakit :---'(

sugums: may sipon :---'(

bhozxcs hoseok baba lordzxcs: nora aunor ata eh :---'( may nunal

sugums: walang himala :---'(

tete ng bohaii mo: putangina niyo

Hindi na ako nag-reply. Inexit ko na at pinatay yung cellphone ko. Masyado akong malungkot.

"Junggago, saan galing tong damit?" Tanong ko kay Jungkook kasi bago lang yung pinasuot niya sa akin.

"Sa department store."

"Pakyu." Inirapan ko siya. Hindi naman marunong sumagot ng matino yan.

Noong nakarating na kami sa bahay, nauna ng umakyat yung kapatid ko. Pagkataas ko, hindi nakabukas yung ilaw, malamang kaya madilim.

Bakit hindi nakabukas tong ilaw, tanga tanga naman nila. Tapos ako na naman sisisihin kapag nadapa sila. Ganun naman lagi eh, ako naman laging mali.

Pagkabukas ko ng ilaw, biglang may nagpaputok ng confetti kaya muntik na akong mapatili sa gulat.

"MALIGAYANG KAARAWAN KYURI!" Sigaw nilang lahat.

May kulang ngang isa, si Jimin.

Oh baka naman nandyan, hindi ko lang makita.

"Yehey!"

"Regalo ko?"

"Tanga, siya may birthday, hindi ikaw."

Napangiti naman ako at nagpasalamat. Bigla akong nilapitan ni Taehyung.

"Kyuri, bakit hindi ka nagpaparty? At kung magpapaparty ka, sa Jollibee tayo ha? Thank you." Sabi niya saka umalis.

Umupo kami sa sofa at saka naman nila ako binigyan ng regalo isa isa.

Tangina, wala nga si Jimin. Akala ko nagtatago lang eh.

Isa isa kong binuksan yung mga regalo nila. Inuna ko na yung regalo ni Namjoon.

"NAAAAKS!"

"RAY BAN OH!"

"PEKE SIGURO YAN AHAHA!"

"YAN YUNG MGA TIG-50 PESOS NA SALAMIN NA BINEBENTA SA BANGKETA."

Napangiti naman ako sa regalo ni Namjoon. Ray Ban shades, yaman ng gago. Orig eh.

"Binigyan kita ng salamin para makita mo naman yung pagmamahal ko sa'yo." Bigla niyang banat.

"WAHAHAHAHAHAHAHA!"

"CORNY AMPUTA."

"MUMULTUHIN KA NI JIN!"

Sunod kong binuksan yung regalo ni Hoseok.

"Damo siguro yan." Binatukan naman ni Hoseok si Jungkook sa sinabi niya.

"WOW SAPATOS!"

"HORSE SHOE BA YAN? AHAHAHA!"

"TIGNAN MO BAKA PARA SA KABAYO YAN."

Tawang tawa naman kami. Nike ang regalo ng kabayo niyo. Kailan pa yumaman tong mga to?

"Iyan regalo ko para maproteksyunan naman yang paa mo. Kanina ka pa kasi tumatakbo sa isip ko." Bumanat din si Hoseok gaya ni Namjoon.

"MAS CORNY YUNG IYO."

"Hindi kasya si Kyuri sa utak mo, Hoseok."

"Wala ka namang utak."

Sunod kong binuksan yung regalo ni Taehyung.

"Layo tayo, malay mo bomba nilagay ni Taehyung diyan." Inirapan lang ni Taehyung si Yoongi.

"Kingina."

"Tag-hirap ka ba ngayon, Taehyung?"

Hinawakan ko yung isang pack ng XO candy. Oo, candy regalo niya.

"Bakit akala ko ba fan siya ng XO?" Gulong gulong sabi ni Taehyung.

"EXO yun. E-X-O." Pagpapaliwanang ni Ella.

"Aahh, bagong brand ng candy?"

"Pu--"

"Ok lang yan. Pareho naman kayo ng candy, Kyuri eh, sweet." Sabi ni Taehyung sabay kindat.

"BAHAHAHAHAHA!"

"NATIKMAN MO SI KYURI HA? NATIKMAN MO?"

"Kadiri bwiset."

Binuksan ko naman yung regalo ni Yoongi.

"Toothpaste yan, pustahan."

"Toothbrush yan."

"Pustiso yan, tsk."

"Dental floss hula ko." Ang cocorny nila, naiyak ako.

Napanganga naman ako, lahat kami.

"iPHONE AMPU--"

"OH MAN HOLY SHIT."

"TIGNAN MO NGA KUNG TOTOO?!"

iPhone 6, nanlaki yung mata ko.

"SALAMAT YOONGI!" Sabi ko naman.

"KINGINA YOONGI BAKET NUNG BIRTHDAY KO NAGREQUEST DIN AKO NG APPLE PRODUCT, BAKIT LITERAL NA MANSANAS BINIGAY MO SA AKIN. HINDI AKO LECHON." Nagluksa naman si Hoseok sa sinabi niya.

"Oo, kasi kabayo ka."

"Kingina ka."

"Niregaluhan kita ng Apple product because you're the apple of my eye." Sabi ni Yoongi.

Walang ni isang nagsalita sa amin. Nakatingin lang kami sa sahig.

"Mga bwiset, isang buwan kong pinag-aralang sabihin yun kasi English tapos hindi niyo maappreciate?!" Sabi ni Yoongi.

Binigay sa akin ni Jungkook yung regalo niya. Tahimik pa din kaming lahat, nag-ingay lang nung tumawa ng malakas si Hoseok.

"Huh, akala ko etong damit na yung regalo mo?" Sabi ko sa kanya.

"Hindi akin galing yan." Sabi niya.

"Saan nga galing to?"

"Sa department store nga." Inirapan ko siya at binuksan yung regalo niya.

Niregaluhan niya ako ng damit samantalang si Ella niregaluhan ako ng bag. Yaman ng mga to oh, si Taehyung lang talaga eh.

"Salamat pala sa lahat ng 'to." Sabi ko at ngumiti.

"Hindi pa tapos, ehe." Nagtaas baba ng kilay si Ella.

"Ha?"

"May isa pang kulang, hindi mo napapansin?"

Napapokerface naman ako. "Kanina ko pa nga hinahanap yung pandak na yun, hindi pa rin nagpaparamdam." Sabi ko.

Biglang may bumisina sa labas.

"Ayan na hihi, nagpaparamdam na!"

"KINIKILIG AKO OMYGAAAAD--"

"Tumahimik nga, Ella." Pinalo lang ni Ella sa Yoongi sa braso. Ayie, walang forever.

"Ayan na yung hinahanap mo sa baba, Kyuri." Tumayo ako at pumunta sa baba.

Sasakyan ni Jimin yung bumungad sa akin. Bigla siyang bumaba ng kotse at nginitian ako.

"Happy birthday." Nawala na naman yung mga mata niya.

"Salamat." Pinagbuksan niya ako ng pinto. Hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko kailangan kong pumasok ng kotse niya, di ako tanga.

Pinaandar niya yung kotse.

"Saan tayo pupunta?"

"Magdedate."

Stupido. Sabi ko saan, sabi niya magdedate.

"Saan?"

"Amusement park." Ngumiti siya at nag-drive na ulit.

"Matulog ka muna, malayo yung amusement park na pupuntahan natin."

"Ah..sige." Medyo pagod din ako sa gala namin ni Jungkook sa mall kanina.

Nagising ako dahil sa may naramdaman akong tumutusok sa ilong ko.

"Kyuri~" Napabangon ako kaagad. Nakabukas na yung pinto sa gilid ko at nandun si Jimin.

"Nandito na po tayo." Bumangon naman ako at inayos yung sarili ko.

"Welcome to SM, we got it all for you." Sumayaw sayaw pa siya at tinuro yung entrance.

"Baliw."

"Sa'yo. Ayiee, tara na." Hinawakan niya yung kamay ko at pumila.

SM Town yung pangalan ng amusement park. Hehe, baka nandito yung Red Velvet, papa-autograph ako.

Matapos kaming bumili ng ticket, ang bilis nga eh, nakapasok naman kami kaagad. Mangha mangha ako sa nakikita ko.

Author's POV

Ang ganda ko--joke ehe.

Kasalukuyang manghang mangha pa rin si Kyuri sa nakikita niya. Nakangiti siya habang nakatingin sa ferris wheel. Hawak pa rin ni Jimin yung kamay niya.

"Ang ganda." Napangiti ng malaki si Kyuri habang nakatingin pa rin sa taas ng Ferris Wheel.

"Oo nga eh, sobra." Pang-sangayon ni Jimin, pero hindi siya sa Ferris Wheel, nakatingin siya kay Kyuri.

Hinila ni Kyuri si Jimin papuntang roller coaster. Masyado siyang excited.

"Gusto mo agad diyan?"

"Oo, takot ka, noh?" Pang-aasar niya kay Jimin at umiling naman ang pandak.

"Di ah, baka ikaw ang takot." Walang maloloko yang pandak, natatakot talaga yan sa loob loob niya.

Pumila sila at nag-antay. Sasakay na sana sila pero hinarangan naman sila.

"Sir, may height requirement po."

"Aba't kingi--" Pinigilan ni Kyuri si Jimin at tuloy pa rin sila sa pagsakay. Bahala na yung guard, thug life sila eh, bahala na.

Sumakay sila sa pinakaharapan, oo putangina, sa harapan. Nagtapang-tapangan pa si Jimin at nag-aya na dun umupo.

Pagkatapos ng ride, hilong hilo si Jimin.

"AYAN SABI KO SA'YO EH. AHAHAHAHA!" Hindi na mapigilan ni Kyuri na tumawa.

Nakahawak si Jimin sa isang poste at nakahawak sa noo niya.

"Okay ka lang?" Lumapit si Kyuri, at kinuha na ni Jimin yung oportunidad para mayakap si Kyuri.

Hokage noh. Galawang pandak.

"Saglit lang." Pinatong ni Jimin yung ulo niya sa balikat ni Kyuri at hinawakan ang bewang nito.

"Hala ang cute." May isang grupo ng teenagers na nadaanan sila. Planong picture-an nung isa kaya lang tanga si ate, may flash. Napatingin naman si Kyuri doon sa mga teenagers at agad naman silang naglakad ng mabilis.

"Oy, nakatulog ka na ba?" Tinapik ni Kyuri yung likod ni Jimin pero umiling lang ito.

"Wait lang."

Ilang tao na ang dinaanan sila at puro "Ang cute oh." "Goals." "Hala tignan mo!" ang naririnig nila sa mga dumadaan pero may isang nagsabi ng "walang forever."

Humiwalay si Jimin at saka ngumiti. "Tara na." Hinawakan niya ang kamay ni Kyuri saka sila naglakad paalis.

Halos lahat ng rides, sinakyan nila. Halos lahat din, dumadamoves si Jimin. Kahit habang kumakain sila, dumadamoves pa rin ito kay Kyuri. Hanggang sa nag-gabi na.

Umilaw ang mga ilaw na nakapalibot sa mga puno, poste, kahit sa mga bench meron. Lalo na yung Ferris Wheel, lumiwanag ito at nagmistulang pangunahing atraksyon sa lahat. Napakaganda nga naman ng lugar na iyon. Magical kumbaga.

Halos lahat ng babae gustong makapunta dito. Isa ngang maswerteng babae si Kyuri, lalo na't dinala pa siya dito ng mahal niya. Napakaswerte.

Lumamig ang simoy ng hangin, para kaming nasa ibang bansa, sabi ni Kyuri sa isip niya.

"Anong gusto mong huling sakyan?" Tanong ni Jimin, kinakabahan dahil mamaya niya na maiibigay yung regalo niya kay Kyuri.

"Yung Ferris Wheel." Sagot naman nito.

Naglakad sila papunta doon, nung nakasakay na sila, napatingin si Kyuri sa baba. Nakatigil yung sinasakyan nila.

"Nakakatakot saka nakakalula." Sabi ni Kyuri kahit wala pa naman sila sa tuktok.

"Huwag mo kasi tignan. Ako na lang tignan mo."

"Mas lalong nakakatakot. Hehe, joke lang." Nag-peace sign si Kyuri at hindi na tumingin sa baba.

"Kyuri may tanong ako."

"Ano?" Sabi ni Kyuri habang dinadamdam yung simoy ng hangin.

"Kung sakaling..kung sakali lang naman..uhm..tanungin kitang pwede ba tayong magpakasal, anong sagot mo?"

Nagulat si Kyuri sa tanong ng kausap niya, sumeryoso yung atmosphere bigla.

Nakatitig si Jimin sa mga mata ni Kyuri, seryoso ito.

"Hindi."

Nakagat ni Jimin yung labi niya ng madiin at saka siya umiwas ng tingin.

"Ano? Tatanungin mo lang ako ng "pwede ba tayong magpakasal." sa tingin mo papayag ako? Dapat mag-effort ka noh. Hindi ka man lang ba bibili ng singsing? O luluhod sa harapan ko? Sa tingin mo ba--"

"So kapag nag-effort ako papayag ka?" Napangisi si Jimin, hindi niya maitago yung kasiyahan niya.

"Oo, pag nageffort ka."

Ngumiti si Jimin at umiwas ng tingin, namumula ito at tumingin sa labas.

"Kilig ka naman." Sabi ni Kyuri at tumawa.

Ngumiti si Jimin, nawawala na naman yung mga mata niya, pakihanap.

Isinandal ni Jimin yung ulo niya sa balikat ni Kyuri. Baliktad noh? Yung babae dapat gumagawa nun eh.

Napangiti si Jimin, sa sobrang saya. Hinawakan niya ang kamay ni Kyuri at hinalikan ito.

"Mahal mo naman ako diba." Parang tangang tanong nito.

"Jusko Jimin, ano sa tingin mo? Stupido--OMYGAD." Biglang umandar yung sinasakyan nila kaya napaayos ng upo si Jimin.

"HAHAHAHA, relax."

"Eh sa nagulat ako!"

Nag tawanan at kwentuhan lang sila buong magdamag. Hanggang sa natapos na ito, at bumaba na sila.

"Aw, uuwi na tayo." Malungkot na sabi ni Kyuri.

"Aw." Paggaya ni Jimin sa tono niya at tumawa. Pinalo ni Kyuri yung braso niya.

"Aray! Galawan mo ha, para mahawak muscles ko. Ayie."

"Ulol!"

"Cr muna ako." Biglang tumakbo si Jimin palayo kaya napakunot ng noo yung isa. Nag-shrug ito at umupo sa isang bench.

Bumili siya ng shake dahil sa nauuhaw ito. Habang umiinom, nag-ssway yung legs niya. Masyado kasi siyang maliit para maabot yung sahig, o sadyang mataas lang yung upuan.

"Tagal naman nun, na-flush na ba yun sa kubeta?" Bulong ni Kyuri sa sarili.

Dahil sa pag-aalala ni Kyuri, hindi niya napansin na may mga napakalibot na sa kanyang mga tao.

Napatingin na lang siya at nagulat sa nakita niya.

"Luh, anong nangyayari?" Bulong nito.

Biglang siyang nakakita ng mga anim na lalake sa gilid, may drums at trumpeta silang hawak. May dalawang babae sa harap. Lahat sila naka-red. Napaisip siya na baka isa silang marching band.

Nagulat na lang si Kyuri ng bigla silang nagpatugtog, at kumanta yung mga taong nakapaligid sa kanya ng "Happy Birthday."

"Happy Birthday Kyuri~Happy Birthday Kyuri~"

Napatakip ng bibig si Kyuri sa gulat.

Paano nila nalaman? Nabroadcast ba ito sa tv? Ganun ba ako kaganda? Sabi ni Kyuri sa utak niya.

Binigyan siya ng mga papel nung mga tao.

Hindi ako ganun kahirap para hindi makabili ng papel, bakit niyo ako binibigyan. Parang tangang sabi ni Kyuri sa sarili niya.

Binuksan niya ang mga ito. Puro I Love You lang naman ang mga nakalagay. Walang kwenta, dejoke.

Nagpalakpakan ang mga tao, biglang pinaulanan ng rose petals si Kyuri.

Yung shake ko, may toppings na na rose petals. Parang gaga si Kyuri, kung ano ano iniisip.

Isa lang masasabi ni Kyuri, maeffort ang taong gumawa nito. Iisa lang ang alam niya kung sino ang may pakana.

Biglang humiwalay yung mga tao, dumaan si Jimin na may dalang bouquet ng roses.

Kinanta niya yung Paper Hearts. wala ng bago, pero kung hindi lang naman meaningful yung kantang yan para sa kanila.

Biglang lumuhod sa harapan niya si Jimin, at naglabas ng box, dahilan para magsigawan ang mga tao.

Hindi yun ineexpect ni Kyuri, hindi niya napigilang mapaluha, at lalong hindi siya handa.

"Jeon Kyuri, hindi man ikaw ang pinakamagandang babae sa buong mundo, hindi rin naman ikaw ang pinakamabait, o kaya naman pinakasporty, pinakamaalaga, pero hindi yun hadlang para tumigil na akong mahalin ka."

Kulang na lang mabingi na si Kyuri sa sigawan ng mga tao.

"Kahit gaano ka kaimperpekto, kahit tumanda ka, pumuti man yang buhok mo, mag-kapimples ka man, hindi kita iiwan. Mahal kita eh."

"I'm here to ask you a question. Payag akong makasama ka habang buhay. Papayag ka rin ba?"

Naghiyawan ang mga tao.

"Jeon Kyuri, would you like to change your surname the same as mine?"

Yung ibang taong napadaan, nakisawsaw na din. Marami na ring nagpipicture sa kanila.

"Will you marry me?"

Once again, puno ng sigawan at tili yung mga tao.

Hindi naman inaasahan ni Jimin yung sagot ni Kyuri.

Hindi talaga.

****

sorry for not updating netong nakaraang mga araw, masyado akong naiinis sa halalan saka yung concert prinoblema ko pa, but hinabaan ko talaga, first time umabot ng 2000 words ! :D

up next: epilogue

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top