xxxiii
Kyuri's POV
"U-uhm..dahil nandito na kayo, gusto niyong pumunta sa restaurant ni Namjoon?" Sabay kamot ng batok na sabi ni Yoongi.
"Restaurant nino?!" Gulat na gulat naming sabing dalawa ni Jungkook.
"Gago, hindi pa tapos yung pagpagawa nun. McDo na lang tayo." Umirap naman si Namjoon.
"Magkakarestaurant ka? Aba, congrats ha." Sabi ko at nginitian siya. Nagprisinta naman si Jimin na sa kotse na lang niya kami sumakay.
May sasakyan na siya..dati sa jeep lang kami sumasakay--
"Kyuri, tara na. Nakatunganga ka pa diyan." Napakamot naman ako ng ulo at sumakay na.
Pagkadating namin doon, agad kaming umupo sa may gilid. Gusto daw ni Ella dun kasi tabi ng aircon.
"Sino pipila?"
"Ako na." Tumayo naman si Jimin at inayos yung damit niya.
"Kyuri, samahan mo--ARAY!" Napangiwi naman si Yoongi sa paghampas sa kanya ni Ella.
"Ah..hindi okay lang." Ngumiti ako at tumayo na din. Pagkatapos nilang sabihin kung anong oorderin nila, pumila na kaming dalawa.
"Kamusta?" Sabi niya. Ok na rin to para maalis yung awkwardness sa aming dalawa.
Tuloy ka, halika na pare wag kang mahiyang pumasok.
"Better." Sabi ko. Siguro naman alam niya kung anong ibig kong sabihin pag sinabi kong better.
"May boyfriend ka? I mean--oo..may boyfriend ka?" Natawa naman ako ng bahagya sa tanong niya. Parang biglaan eh.
"Wala akong boyfriend, noh. Ikaw..baka ikaw ang may girlfriend."
"Ah..hehe..sa katanuyan niyan may inaantay akong babae."
Napatingin naman ako sa kanya. "Weh? Sino?"
"Ikaw."
Hindi na ako nakasagot dahil kami na ang susunod sa pila.
"Welcome to McDonalds, can I take your order?"
No you can't. Dejk.
"Isa ngang McWater." Natawa ako sa sinabi ni Jimin, gago talaga to kahit kailan.
"May binebenta ba kayong damo? Papakain ko lang sana sa pet horse ko." Sabi niya sabay turo kay Hoseok.
Natawa ulit ako pero nilinaw ko sa cashier kung anong inoorder talaga namin.
"Uhm..tatlong one piece chicken..dalawang two piece chicken. Isang happy meal nga, miss. Request ni Jungkook yun. Lahat yun, coke yung drinks. Uh..Jimin ano sa'yo?"
"Ikaw muna." Sabi niya habang nakangiti, nawawala na naman yung mga mata niya.
"Isang cheeseburger..Sprite yung drinks. Miss, pakidagdagan ng yelo yung Sprite. Thank you."
Napatingin naman ako kay Jimin na natawa ng bahagya.
"Bakit?"
"Yun pa din yung inoorder mo hanggang ngayon."
Hindi ako nakasalita..napansin ko na lang na nagorder na rin siya at nilalagay na yung pagkain sa tray.
Pagkabalik namin, bigla silang tumahimik. Na-weirdohan naman kaming dalawa. Umupo ako sa tabi ni Jungkook.
"Jimin, dun ka na lang sa tabi ni Kyuri..ehehehe." Sabi ni Taehyung sabay ngiti. Na-miss ko yung rectangle smile niya ah.
Napa-irap na lang si Jimin at umupo sa tabi ko.
"Kwento naman kayo." Sabi ko.
"Si Yoongi at Ella, hihi." Tawang tawa naman sina Taehyung at Hoseok. Luh?
Napairap na lang sina Yoongi at Ella at tuloy lang sa pagkain.
"Si Taehyung magiging nurse na."
"HAHAHAHAHAHA! NURSE NG ANO? MGA HAYOP?" Sabi ni Jungkook.
"OO AT IKAW ANG UNA KONG PASYENTE!" Sagot pabalik ni Taehyung.
"Si Namjoon magkakarestaurant na..teka kayo naman!" Napahinga ng malalim si Jungkook bago nagsalita.
"Magpapatayo na ako ng bar."
"BAR? YUNG MAY MGA SEXY NA BABAE--"
"Si Namjoon malibog pa din."
"Hindi kasi ganung bar!" Napairap na lang si Jungkook.
"Ulul, sa bagay. Nag-order ka nga ng happy meal eh. HAHAHAHAHAHA!"
Habang nagkkwentuhan, nakita ko naman si Jimin na nakangiti habang nakatingin sa akin.
"Bakit?"
"Kinakain mo pa din yung yelo."
Napatigil ako sa pagnguya ng yelo at binaba yung iniinom ko.
Bakit ba ako ganito? Naka-move on na ako pero natatamaan pa rin ako sa mga sinasabi niya. Hindi ba dapat wala na akong pake?
"Cr lang ako." Sabi ko at dumeretso sa labas.
"Cr daw pero sa labas pumunta."
"Baka naman trip niyang umihi sa kalsada."
Nagmamadali akong umalis. Gusto kong makapagisip. Hindi ko rin alam kung bakit bigla bigla na lang akong naiiyak.
"KYURI SAGLIT!"
Sadyang nakakadeputa lang ang tadhana. Bakit niya ako hinahabol?
Naabutan niya ako. Kingina, akala ko ba maliliit ang mga biyas neto pero bakit nahabol niya pa din ako.
"Bakit ka umiiyak?"
"Wala."
Hinawakan niya yung dalawa kong mga kamay.
"Pwede ba tayong mag-usap?" Sabi niya naman. Napatango na lang ako.
Dinala niya ako sa tabi ng isang bay. Kingina naman.
"Kyuri..mahal mo..pa ba..ako?" Sabi ni Jimin na hindi makatingin sa akin.
"Ano bang sinasabi mo? May anak ka Jimin. Dapat nandun ka ngayon sa mag-ina mo."
"Wala akong anak.." Nakayuko niyang sabi.
"Jimin naman eh." Napaupo na lang ako sa may damuhan.
Hanggang ngayon ba sasabihin niya pa rin sa akin na ayaw niyang panindigan yung bata? Huwag mong sabihing..
Napatayo ako kaagad. "Hindi mo pinanindigan? JIMIN ANONG SINAB--"
"HINDI AKO ANG AMA NUNG BATA." Bigla niyang sabat sa akin.
Naguguluhan man ako..pero mukhang nasaktan lang ako dahil sa isang maling akala.
"Ha?"
"Mali yung pagkaintindi mo..ko..nating lahat. Hindi ako yung ama."
Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinasabi niya ngayon. All this time akala ko niloko ako, at all this time akala ko inagaw na naman ni Eunji si Jimin sa akin.
Kinginang yan.
Kinginang pag-ibig to.
Napaupo na lang ako ulit. Sinasabunutan ko na yung sarili ko. Hindi ko na rin mapigilan yung luha ko.
Ngayon ko lang naintindihan ang lahat.
Umupo rin siya at hinawakan ang magkabilang pulso ko.
"Tumingin ka sa akin." Sabi niya kaya napatingin na lang ako sa kanya habang umiiyak.
"Pwede bang tayo na lang ulit?"
"Jimin, ayoko na." Pumiglas ako sa hawak niya at nagmadaling tumayo at naglakad.
Pero, natural lang talaga sa kanya ang pagiging makulit. Hinabol niya pa din ako.
"Alam mo ba kung anong petsa ngayon?"
"February 12."
"Dapat..anniversary natin ngayon eh." Sabi niya. Gusto kong magpalamon sa lupa nung nakita kong may tumulong luha sa mata niya.
"Malas sa akin yang numero na yan. Ayoko na."
"Paano naging malas? Dahil ba yun yung araw na naging tayo?"
"Hindi lang yun..Room 12 yung hospital room dati ni Jin. At alam mo kung anong oras siya nawala?" Sabi ko bago huminga ulit ng malalim. "12:21."
Tinignan ako ni Jimin, halatang naguguluhan.
"Last year namatay ang nanay ko."
Kahit halos isumpa ko na yung nanay ko, nanay ko pa din yun. Hindi naging madali sa akin lahat ng nangyari.
"December 12 siya namatay. December..12th month ng taon." Sabi ko at napaluha ulit.
"12 din yung araw na naging tayo. Siguro kaya tayo naghiwalay kasi talagang hindi lang talaga tayo para sa isa't isa."
"Pero--" Tinalikuran ko na ulit siya at naglakad palayo. Niyakap niya naman ako sa likod.
Kingina.
"Mahal pa rin kita." Sabi niya. Naramdaman ko naman yung luha sa balikat ko. "Kahit isang katiting hindi nagbago yung nararamdaman ko para sa'yo."
"Mahal mo pa din ba ako?"
Hinarap ko siya at saka sinabing.."Hindi."
Nakita ko yung pagbagsak ng mukha niya. Tumingin siya sa taas, halatang pinipigilan yung pag-agos ng luha niya.
"Hindi..ko alam." Huli kong sabi bago tumakbo palayo.
****
hustisya sa rapmon biased dyan kasi pukengina hindi man lang nakita yung mukha ni rapmon dun sa "bts 'epilogue: walang forever' mv.
este young forever pala
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top