xxx

Jimin's POV

Wala na.

Sa totoo lang, takot ako. Natatakot ako sa nakaakong responsibilidad na kailangan kong panindigan.

Ayoko munang umuwi. Pumunta muna ako sa isang convenience store. Umupo ako sa upuan ng makabili ako ng makakain.

Pagod na din ako. Akala niya ba siya lang?

Lumabas na ako ng matapos ako, sakto namang may naglalakad na lalake sa kabilang sidewalk na papalapit dito. Hindi ko siya mamukhaan kasi nga umuulan.

Nagulat ako ng bigla niya akong sinuntok.

"TANGINA MO JIMIN! ANONG SINABI KO HA?" Kinwelyuhan niya ako at sinuntok ulit.

Sino ba to?

Saka ko lang nakitang si Jungkook pala to.

Hindi ako makatayo sa sahig dahil sa ang lakas ng pagkakasuntok niya at masyado na akong pagod para lumaban pa.

At bagay lang sa akin to.

"ALAM MO BANG ISA KANG NAPAKALAKING GAGO?!" Tinadyakan niya ako at may nangawat naman sa kanyang security guard. Galing ata sa convenience store.

"SIMULA NGAYON HINDI KA NA NAMIN KILALA! TANGINA MO, HA! PASALAMAT KA HINDI KO KAYANG PUMATAY!" Pumiglas naman siya sa hawak ng security guard.

"Bitiwan mo ako! Crush mo ata ako eh!" Sabi ni Jungkook sa guard.

"Sir.." Sabi nung guard na parang galit.

"Ano?!" Aakmang susuntukin niya yung guard pero napairap na lang si Jungkook at inirapan kaming dalawa. Umalis na siya, pero tangay niya pa rin yung puso ko, dejk.

"Paano niya nalaman? Hihi." Bulong ng guard at bumalik sa loob ng store.

ABA HINDI MAN LANG AKO TINULUNGAN OH ANO?

Kinginang buhay to. Bakit hindi na lang ako tinuluyan ni Jungkook para hindi na ako nahihirapan.

Hindi ko na lang napansin na nawalan na pala ako ng malay.

Taehyung's POV

Ang gwapo ko.

Sino umangal, walang kiss.

Nasa bahay kami nila Jungkook. Lahat kami nandito, maliban kay Kyuri at Jimin.

"Anong plano niyo?" Tanong ni Namjoon hyung kay Jungkook.

Alam na namin ang lahat. Alam na naming..

Napakagwapo ko.

Joke, nalaman na din naming pinagtataga ni Jungkook si Jimin gamit ang ilong niya.

Hindi ko namang naiwasang mag-alala..

Sa kamay ni Jungkook :< nasugatan kaya siya?

"Lipat kami ng school." Bigla niyang sabi.

"Ay weh? Saan? Para lipat din kami, hehe." Sabi ni Hoseok.

Naks, tropang Bangagtan walang titibag <2+1

"Sa Canada." Yumuko naman si Jungkook.

"San yun? Bagong school?" Sabi ko, binatukan naman ako ni Yoongi hyung. Aba..

"Tanga, di mo alam yung Canada?"

"Hindi."

"Sa ibang bansa kasi yun." Sabu niya. Napakunot naman noo ko.

"Saang bansa?"

"Tanga! Sa Canada nga!"

"Huh? Akala ko ba Canada yung school?" Gulo rin nila eh.

"Eto 3 dollars, hanap ka kausap mo." Sinampal ni Yoongi hyung yung 3 dollars sa mukha ko.

"Seryoso?" Sabi ni Namjoon.

"Nagjojoke lang siya, hyung." Napairap si Namjoon sa sinabi ni Hoseok.

"Oo, nalaman na ni Papa eh. Ayun, isasama kami sa Canada tutal di pa nakakabalik." Sabi ni Jungkook.

"Weh?" Sabi ni Namjoon.

"Honja Saranghago." Biglang kanta ko.

"Isa pa ba, hyung?" Sabi naman ni Hoseok.

"Oo. Baka dun na din kami mag-college." Sabi ni Jungkook.

"Weh?" Sabi ni Namjoon.

"Isa pa ba, hyung?" Binato na ni Namjoon ng unan si Hoseok.

Buti di nasira.

"Seryoso?" Parang nanlumo si Namjoon.

"KINGINA ISA PA BA HYUNG?!" Sigaw ni Hoseok. Binatuhan ulit siya ng unan.

"Wala na, magkakawatak watak na tayo." Malungkot na sabi ko.

Okay lang yan, at least gwapo pa din ako.

"Babalik din kami." Sabi ni Jungkook.

"Group hug nga." Tumayo si Namjoon.

"Ayoko, ang asim kaya ni Hoseok."

"Amoy damo na may tae."

"PAANO NAGING MAASIM YUN, SIGE NGA?!"

"Joke lang, dali group hug."

Nagyakapan kami.

Walang Jimin, walang Jin.

Nakakaiyak. Huhuhuhu.

Dejoke, hindi kaya ako umiiyak.

Umangal, walang kiss.

Di ka umangal? Sige, halika dito, kiss kita.

Kyuri's POV

"Gago, kain na." Narinig ko si Junggago sa labas.

"Ayoko, pakyu, manigas ka."

Anong titigas?

"Hoy, ngayon na flight natin, hindi ka ba magpapaalam sa iba?"

Oo nga pala.

Tangina.

Napabangon ako, pagkabukas ko ng pinto, nakatayo ang isang gago.

"Samahan mo ko, kuya." Naiiyak na sabi ko. Gusto kong makita yung mga kaibigan ko.

"Ay wow, tinawag niya akong kuya."

"Ayaw mo? Edi wag." Napairap na lang ako.

Mamayang gabi na kami aalis, oh.

"Joke, tara. Sino una?" Sabi niya.

"Ikaw, uunahin na kita." Napairap na lang siya.

"Inbitahin mo na lang sila dito." Sabi niya. Napatango ako at tinawagan sila isa isa.

Lahat naman sila, napapayag at pupunta na daw dito.

"Alam mo, Kyuri. Huwag kang magmukmok diyan sa loob. Ang baho mo na oh." Napatakip naman ng ilong si Jungkook.

Ayun, di kasya isang kamay, kailangan dalawa. Laki kasi ng ilong.

"Wow? Sinong mas mabaho satin ha? Amoy hininga ni Taehyung yang kili kili mo."

Bigla niyang pinaamoy yung kili kili niya sa akin.

"TANGINA--HAHAHA--TIGILAN MO AKO!" Kinurot ko siya sa braso.

Napangiti na lang ako. Namimiss ko yung mga kakulitan namin nung bata pa kami.

Joke, tinulak niya pala ako sa tae ng aso namin dati. Ulol.

Isa isa silang nagdatingan. Nagusap kami tungkol sa mga bagay bagay hanggang sa gabi na. At, magpapaalam na kami.

Eto sila, iyak ng iyak. Kingina.

"Wag ka ngang umiyak, Hoseok. Nahahawa ako eh." Sabi ko bigla.

"Ikaw rin, Ella. Patangkad ka ha?"

"Pakyu, aalis ka na nga lang eh." Sabi ni Ella at nagyakapan kaming dalawa.

"Kyuri, knock knock." Biglang sabi ni Hoseok.

"Aalis na ako, Hoseok oh. Who's there?"

"Amo ni Juan."

"Who?"

"Amo ni Juan..call away. I'll be there to save the day. Superman got--"

"Kingina, mas nakakaiyak ata yang joke mo eh." Sabi ni Yoongi.

"Ikaw, Yoongi. Umayos ka ha. Taehyung, sana makagraduate ka pa. Hoseok, sana hindi ka magbago. Namjoon, alam na." Sabi ko at niyakap silang lahat.

Ayoko na tuloy umalis. Ganun din ang ginawa ni Jungkook.

"Kyuri, pahingi ng bra." Biglang sabi ni Taehyung.

"Taehyung..may boobs ka din?"

"Remembrance lang, please."

Sa dinami dami ng bagay, bra pa talaga hihingin niya.

Naawa ako, binigyan ko siya ng isa.

"Kingina mo nga."

Bumaba si Papa galing sa taas. Malamang.

"Ready na ba?" Sabi niya.

Kingina, pwede ba silang isama? Huhuhu.

Tumango na lang kami at nagpaalam na sa isa't isa. Niyakap ko sila sa huling pagkakataon.

Ng nakasakay kami ng sasakyan. Nasa labas ng gate silang lahat. Napaiyak na lang ako ng biglang umandar.

Winagayway naman ni Taehyung yung bra ko. Gago talaga.

Ng mawala sila sa paningin ko, napatingin ako kay Jungkook, umiiyak tapos tumulo pa yung sipon. Kadiri talaga, puta.

Paalam, Pilipinas. See you pag okay na ang lahat.

Jimin's POV

Tangina, nasaan ako?

Nakahiga ako sa isang kama..alam ko hindi akin to.

Ang laki eh..hehe yung akin kasi sakto lang sa height ko.

Bigla akong nahulog sa kama ng pumasok si Eunji.

AMPUTA?

"Nahimatay ka sa labas ng 7 11. Sakto papunta ako dun."

Kumunot noo ko.

Oo nga pala.

"Hindi mo ba siya hahabulin?"

Sino? Ano ako? Aso?

(oo, isa kang shit-zu. pakshit ka)

"Sinong hahabulin?"

"Kyuri." Sabi niya bigla at umupo sa kama.

Hahabulin ko pa ba, ako na nga ang lumayo.

"Jimin..walang nangyari sa atin."

Ah oka--teka ano?

Napabangon agad ako sa kama.

"Ano?"

"Bakit? Pag-gising mo pantaas lang naman yung nawala sayo diba? May pangbaba ka pa. Pinigilan kita nung gabing yun."

Puta. Kapag maling akala lang ang lahat papasabugin ko yang tiyan mo.

"Hindi niyo kasi ako pinapakinggan nung una eh. Salita kayo ng salita. Deputa rin kayo eh? Kasalanan mo yan."

"TANGINA EUNJI BAKIT NGAYON MO LANG SINABI?!"

"PUNYETA SASABIHIN KO KAYA SA INYO NUNG NASA CR PA LANG TAYO, EH INUUNAHAN NIYO AKO EH. AMPUTA DALDAL NIYO KASI."

"EUNJI!" Napatalon naman ako sa tuwa.

TANGINA I IS NOT BECOMES DADDY!

But I can be your daddy ;)

"Habulin mo siya."

"Paano? Galit nga pala siya sakin.."

"Gago, papuntang Canada yun. Di mo alam?"

"WEH?!"

"Honja saranghago~"

"Sino pala ama niyan?"

Napasimangot naman siya. "Boyfriend ko."

"Sino ba boyfriend mo?"

"Jungkook."

Puta. Ano. Kingina?! Pinagpalit ako ni Jungkook?!

"Joke lang. Hehe, crush ko lang si Jungkook."

Kung di lang to buntis at hindi to babae, sinapak ko na to.

"Basta, di mo naman ata kilala."

"Saang airport ba?" Medyo nangingirot pa rin yung katawan ko dahil nga binugbog ako ni Jungkook.

Binugbog ng pagmamahal, hehe.

"Ano bang pinakamalapit na airport dito?"

"Yung noo mo."

"Aba, tangina mo ah." Binatuhan niya ako ng unan.

"Sige sige, salamat." Sabi ko't tumakbo palabas. Buti nakalabas ako.

Hintayin mo ako Kyuri, hindi na talaga kita papakawalan.

****

Spoiler: mamatay silang lahat. HAHA dejk.

may hula kayo sa mga susunod na mangyayari? hihi

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top