xxix

Kyuri's POV

"P-positive, Kyuri."

Para akong nanlumo sa narinig ko. Naaawa ako sa kanya, I mean..ang bata niya pa masyado para sa mga ganitong bagay.

"Eunji..s-sinong ama?" Sabi ko at hinawakan ang kamay niya. Hindi na siya makasalita ng maayos kasi iyak siya ng iyak.

Pagkatapos ng ilang hikbi, sinubukan niyang magsalita. "K-Kyuri--"

"I'm sorry, Eunji." Napatingin naman ako kay Jimin na nagsalita sa likod ko.

Napatingin kaming tatlo sa kanya, halatang naguguluhan.

"Ikaw ba y-yung..kasama ko nung gabing nalasing ako?" Nakayukong sabi niya.

Hindi ko pa rin ma-absorb lahat ng sinasabi niya.

Kasama niya..si Eunji..nung nalasing siya?

Hindi pwede.

"Oo, ako yun pero--"

"A-ano?" Napabitaw naman ako sa kamay ni Eunji at tinignan silang dalawa.

"Tangina, sana mali tong iniisip ko ha." Sabi ni Ella.

"Ibig sabihin..m-may nangyari sa inyo?" Sabi ko, naramdaman ko naman na nanggigilid na yung luha ko.

"Sorry, Kyuri." Sabi ni Jimin habang nakayuko. Napanganga ako saka tumulo na yung luha ko.

"ABA'T GAGO KA PALA EH!" Sinuntok bigla ni Ella si Jimin, pero na-estatwa lang ako sa kinatatayuan ko.

Tinignan ko si Eunji at bigla siyang lumapit.

"Pakinggan mo muna ako--"

"Huwag mo kong lalapitan." Nanggigigil na yung kamao ko at kating kati na para sampalin silang dalawa. Pero ayokong gawin.

"Pinagkatiwalaan kita. Sabi mo..sabi mo hindi mo na siya aagawin pero ano?" Sabi ko, halos wala na silang marinig kasi nag-ccrack na yung boses ko.

Tangina, ang sakit. Sobrang sakit.

"Magsama kayo, parehong manloloko." Umalis ako ng cr na yon.

Wala na akong pake kung pagtitinginan ako ng mga estudyante dito. May gusto lang akong puntahan para malabas tong nararamdaman ko ngayon.

Pagkaalis ko ng school, pinagtitinginan ako ng mga tao sa jeep, kasi hagulgol ako ng hagulgol.

Akala ko okay lang ang lahat, yun pala hindi.

Ang dali ko kasing magtiwala. Naniwala ako na wala ng mangyayari.

Sabi niya masaya na siya para sa aming dalawa. Kingina, naloko na naman ako.

Palagi na lang.

Bumaba na ako at pumasok sa gusto kong puntahan. Umupo ako sa damo.

"Jin.." Panimula ko.

Mas lalo akong naiyak. Hindi na ako makahinga pero tinatry ko pa ring magsalita.

"Jin..ang sakit." Bigla na lang akong pumiyok at tuloy tuloy na yung daloy ng luha ko.

"Pwede bang palit kayo ng pwesto ni Jimin? Ikaw na lang yung mabuhay, please." Sabi ko at hinawakan yung lapida niya.

"Alam mo ba..buntis si Eunji." Sabi ko sabay tawa. Baliw na ata ako, iyak tapos tawa.

"At alam mo ba, si Jimin yung ama. Ka-excite noh?" Sabi ko at humagulgol na naman.

"Ano sa tingin mo, lalake kaya o babae?" Sabi ko at tumawa ulit.

Nararamdaman ko na yung dibdib ko kumikirot. Ilang minuto muna ang pinalipas ko bago magsalita ulit.

"Seokjin, miss na kita..miss na miss na kita. Kung nandito ka lang sana para damayan ako. Kung nabubuhay ka siguro, malamang pinatay mo na si Jimin, haha."

I'm such a fool to believe in someone who once betrayed me.

Nagpakatanga ako. Nangyari na naman yung nangyari noon, pero mas malala nga lang yung ngayon.

"Gusto kong lumayo. Gusto kong kalimutan ang lahat kasi ang sakit sakit na."

"Ayoko silang makita." Sabi ko ulit.

Kung kailan ang drama ko dito saka naman umulan. Tangina talaga.

"Bakit biglang umulan, kingina naman eh." Napatakip na lang ako sa mukha ko.

Bigla naman akong nakaramdam ng lamig dahil biglang humangin. Tumayo yung mga balahibo ko.

"Umuulan siguro kasi umiiyak ka din." Napangiti na lang ako sa pinagiisip ko.

Tatayo na sana ako ng biglang tumigil yung ulan.

Napatingin ako sa langit, pero imbes na langit yung makita ko, isang payong.

Isang payong na hawak ng isang lalake na dahilan ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Kyuri, mag-usap tayo."

"Wala tayong dapat pag-usapan." Tumayo ako ng nakatalikod sa kanya.

Binitawan niya yung payong niya at niyakap ako sa likod.

"Bitiwan mo ako." Sobra na akong nasasaktan.

"Pag-usapan naman natin to please?"

"Ano pa bang gusto mo?" Bumitaw ako at hinarap siya.

Gustong gusto ko siya sampalin. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa.

"Kyuri, sorry." Napayuko na lang siya bigla at narinig ko ang mga hikbi niya, dahilan para mapahugolgol na naman ako.

Magpakatatag ka, Kyuri. Huwag ka ng magpapaloko ulit.

"Panindigan mo yung bata." Sabi ko ng hindi nakatingin sa kanya. Napatingin siya agad sa akin.

"A-Anong ibig mong sabihin?" Sabi niya. Napaiwas agad ako ng tingin.

"Sumama ka na kay Eunji." Sabi ko, sinusubukang magsalita ng maayos at sinusubukan kong maging cold.

"Kyuri..wag please.." Lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan ang kamay ko. "Hindi ko siya mahal..ikaw lang ang mahal ko."

May kung anong kumirot sa puso ko ng sabihin niya yun. Ngayon ko lang siyang nakitang umiyak.

"Kalimutan mo na ako. Kakalimutan na din kita." Binitaw ko yung kamay niya at nagpuhas ako ng luha kahit tuloy tuloy pa din ang pag agos nito, lalo na't umuulan pa.

"Ayokong maging dahilan para sa pagkasira ng isang pamilya, dahil naranasan ko na. Jimin, please."

Nakayuko pa rin siya't umiiyak. May parte sa akin na gusto siyang yakapin pero mas nananaig sa'kin yung nagsasabi na 'Magmatigas ka, kailangan mo ngayon yan.'

"Maghiwalay na tayo." Sabi ko. Napatingin kaagad siya sa akin.

Tanginang yan, please.

"A-Ayoko..ayoko." Tumayo siya at niyakap ulit ako, pero tinulak ko siya palayo.

"Hindi ko kaya." Kahit umuulan, alam kong umiiyak siya.

Tangina, akala ko wala ng mas sasakit pa sa sinaktan niya ako, pero makita ko lang siyang umiiyak, mamatay na ata ako.

"Simula ngayon, eto na sana ang huli nating pag-uusap, Jimin. A-ayaw na kitang makita."

Likas na matigas talaga ang ulo niya noh? Kingina eh.

Sabi ko ayoko na pero bakit niya ba ako pinapahirapan ng ganito.

"JIMIN ANO BA?" Pilit kong pinamukha sa kanya na matapang ako, ewan ko lang kung gagana.

"Hindi kita bibitawan ng ganun na lang, Kyuri."

Naalala ko tuloy lahat ng pinagsasabi niya sa'kin noon.

"Pwede ba, Jimin? Ayoko na. Pagod na ako sa mga kwento mo."

"Bakit ba ayaw mo akong paniwalaan?"

"Kasi nahulog na ako dati, sinalo mo din ako..pero binitiwan mo ako sa huli."

"Hindi na ulit mangyayari yun.." Hinawakan niya yung pisngi ko at pinunasan yung luha ko, at nagulat naman ako sa sunod niyang ginawa.

Hinalikan niya ako sa labi.

Binitiwan niya ako at tinignan ako sa mga mata ko at saka sinabing..

"Kasi mas hihigpitan ko ang hawak ko at hindi ko hahayaang mabitiwan at mapakawalan ka pa."

Ha! Hihigpitan hihigpitan daw. Sakalin ko kaya siya, hihigpitan ko din.

"Bahala ka nga sa buhay mo." Naglakad ako palayo, pero ano bang magagawa ko. Sinundan niya na naman ako't hindi talaga ako papakawalan.

"Kyuri, mahal kita."

Naiyak na naman ako. Pagod na ako kakaiyak, please. Ayoko na.

Ayaw ko mang gawin pero kailangan.

"H-Hindi na kita mahal."

Nakita ko naman siyang nanghina. I clenched my fist and jaw. Hindi ko kaya to, tangina.

"Hindi naman totoo yan eh, jinojongdae mo lang ako." Sai niya at ngumiti ng pilit.

"HINDI MO BA NAIINTINDIHAN? AYOKO NA. AYOKO NA SA'YO, HINDI NA KITA GUSTO, ITIGIL NA NATIN TO. NAHIHIRAPAN NA AKO. PLEASE LANG JIMIN." Tinulak tulak ko na siya. "Pagod na ako.." Sabi ko.

Mga ilang hikbi pa ang nakalipas at nagsalita naman siya.

"Ayokong nahihirapan ka." Nakagat niya yung labi niya.

"Ganun kita kamahal. Sige..itigil na natin to." Tumalikod siya't naglakad palayo.

May parte saking gusto siyang habulin, pero wala na eh.

Wala na.

****

naTATAWA AKO Y IS DAT HAHAHAHAHA

bday na ni bulol omfg

p.s pasensya na kung paulit ulit kong pinublish tong chapter na to kasi putangina ng wattpad nagloloko paKSGETAVSHSBSJWJ

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top