xxii

Kyuri's POV

"Good morning, class. Alam niyo naman siguro kung anong meron bukas diba?"

Teka, anong meron bukas? End of the world na? Hala, hindi pwede!

"To the Varsity team, good luck! Fighting! Especially you, Min Yoongi, the MVP."

Napaupo naman ng maayos si Yoongi ng narinig niya ang pangalan niya.

"Ano yun, Ma'am?"

"Sabi ko, goodluck sa inyo bukas. Hindi ka ba nakikinig?"

"Pake mo natutulog ako eh." Narinig kong bulong niya bago nagfake smile sa teacher.

Gago talaga to.

Teka, ano meron bukas?

"Yoongi." Kinalabit ko siya at agad naman siyang tumingin, parang natataranta.

"Ano yon? May kailangan ka?"

"Ok ka lang?" Napatawa ako ng bahagya sa mga kilos niya. "Tanong ko lang sana kung ano meron bukas?"

"Nakakatampo naman, Kyuri. Hindi mo alam?"

"Kaya nga ako nagtatanong eh." Sumandal na ako sa upuan ko kasi nangawit na akong tumuwad.

DUMI NG UTAK MO HAYST.

"May laro ng basketball bukas kalaban yung kabilang school. Nood ka ha, maglalaro din naman yung boyfriend mo." Tumingin na siya sa harap.

SI JIMIN? MAGLALARO NG BASKETBALL? EH ANG LIIT LIIT NUN EH!

Biglang tumunog yung bell, senyales na recess na namin. Niligpit ko na yung gamit ko at tinignan yung upuan ni Jimin.

Araw araw niya akong hinihintay ah? Asan siya ngayon?

****

"Hoseok, nakita mo si Jimin?"

"Huh? Kala ko magkasama kayo. Baka nasa library." Nagkit balikat na lang siya. Nagpasalamat ako bago pumunta papuntang library.

Pero bago pa ako makapunta, may nakita na akong dalawang lalakeng naguusap sa likod ng puno.

Si Jimin at Yoongi.

Lalapit ba ako? Baka naman maistorbo ko sila.

Wala na akong pake kaya lumapit ako sa kanila, nagtago ako sa likod ng isang pader.

"Jimin, hayaan mo na ako. Hindi ko naman kayo guguluhin."

Ano daw? Anong meron sa sinasabi ni Yoongi?

"Sinasabi ko lang, okay lang sa akin na magustuhan siya, pero pag dumating ang araw na inagaw mo siya sa'kin, kakalimutan kong naging kaibigan kita."

Puta, wala naman akong maintindihan sa pinagsasabi nila kaya naglakad na lang ako palayo. Tatanungin ko na lang si Jimin mamaya.

"Yo yo yo, Kyuri." Nakita ko naman si Ella na may hawak na notebook at papunta ng library. Hindi na naman to gumawa ng assignment panigurado.

"Yo yo yo." Inapiran niya ako, inapiran ko rin siya sa mukha. Mukha niya eh, laptrip.

"Pakyu." Binelatan ko lang siya.

Dumiretso ako sa table ng Bangagtan. Gumagawa sila ng banner para bukas.

Nakalimutan ko, buong Bangagtan pala kasama sa Varsity ng basketball maliban kay Jin.

Jin..

"BOOM! BOOM! BOOM!" Sigaw ni Taehyung habang umaakto na may bomba. "SABOG!" Turo niya sa akin. Sinampal ko siya ng mahina.

Nakita ko naman si Yoongi na papunta dito, nakita ko siyang nakatingin sa akin pero umiwas din agad siya ng tingin.

"Jimin." Tawag ko sa kanya. Nginitian niya ako ng bahagya.

"Bakit ka biglang nawala ka--" Hindi ko natuloy yung sasabihin ko ng bigla niya akong yakapin.

"Walang forever." Sabay sabay nilang sabi. Pinakyu lang sila ni Jimin.

"May problema ba?" Tanong ko sa kanya.

"Wala..Kyuri.." Tinaasan ko siya ng kilay. "Akin ka lang, ha?"

****

"Pwede bang mag-shorts? Nasa labahan na yung mga pantalon ko." Habang kausap ko si Ella sa telepono, namimili na ako ng susuotin.

May laro ngayon kaya ok lang na naka-civilian ang students. Kulay White nga lang yung na-assign sa amin.

[ pwede naman, ako nga nakapanty lang eh ]

"Gaga." Pumili na lang ako ng shorts. Hindi naman siya pekpek shorts, wag kayong ano.

Kumuha ako ng plain white t-shirt. Teka..

"JUNGKOOK!!"

"Ano?!" Sinipa niya yung pinto ko, buti hindi nasira.

"Bakit nasa akin lahat ng plain white t-shirt mo? Puta." Inagaw niya sakin yung limang t-shirt niya. Pareho pareho lang naman, luh.

"PAHERAM AKO NG ISA!" Hinampas niya sa mukha ko yung isa niyang t-shirt.

Lumabas siya ng hindi sinasarado yung pinto. Sa inis ko, pumunta ako sa kwarto niya at binuksan ang pinto niya dun at bumalik sa kwarto ko.

"PAKYU KYURI!"

Nilock ko ang pinto ko at nagbihis na.

[ ang ingay naman diyan sa bahay niyo ]

"Syempre ang ganda ko eh."

Call ended..

"Piste." Binabaan ako, walanghiya.

****

"Witwew!"

"Miss, penge digits." Binatukan ko sila Taehyung at Namjoon. Parang gago eh.

Aakalain mong may namatay kung titignan mo yung mga estudyante. Lahat kami naka-puti.

"Kanino yang suot mo? Bakit ang laki? Ikaw ha.." Hinampas ko si Hoseok gamit yung puting lobo na pahaba. Parang condom nga eh.

Yuck, Kyuri.

Naka-tuck in kasi yung suot ko kasi nga malaki.

"Kyuri..isuot mo." Binigyan ako ni Yoongi ng puting bandana. Ay, eto yung lagi niyang sinusuot.

Sinuot ko. Napatingin ako sa paligid. Asan na si Jimin?

"KYAAAA OPPA!"

Napatingin naman ako sa grupo ng nagtitiliang babae. Tinignan ko kung saan sila nakatingin.

Shit.

Si Jimin na naka-basketball jersey. Sleeveless.

"Oppa!" Ginaya ni Taehyung yung mga babae at niyakap ang braso ni Jimin.

"Kyaa! Oppa!" Sumama naman sa trip si Hoseok at niyakap naman yung kabilang braso ni Jimin.

"Jungkook, baka gusto mong dumagdag?" Kahit kailan talaga ang landi ni Jimin.

"No thanks, hyung." Inirapan naman ni Jungkook si Jimin.

Ayiee, selos siya #JiKook

"GOOD MORNING LADIES AND GENTLEMEN!" Biglang may nagsalita sa speaker.

Naghiyawan naman yung students. First time makarinig ng taong nagsalita sa speaker? Piste.

Sinabi nung nagsasalita sa speaker na pwede na daw pumunta ng court dahil in 30 minutes, magsstart na yung game.

"Kyuri, halika na." Hinawakan ni Jimin yung kamay ko.

"Teka, Jimin..hinihintay ko pa si Ella eh. Mauna na kayo, susunod na lang kami." Sabi ko. Tumango lang siya bago niya ako halikan sa noo.

"Uuy, tamis. Nilalanggam ako. Aray." Nagkamot kamot naman si Namjoon. Lul, sipain ko siya hanggang mapunta siya sa tribo niya sa Mindanao.

Umupo muna ako sa bench. Ang tagal naman kasi ng babaeng yun, wala ng tao dito oh.

"Kyuri." Napatingin ako sa kung sino man yung tumawag sa akin.

"Yoongi?"

Jimin's POV

"SIGE NA!" Napakamot ng leeg si Jungkook bago buhatin sa likod si Taehyung.

"AKO SI BATMAN HAHAHA!" Parang gago si Taehyung, isip bata.

"Akala ko ba ikaw si Joker?" Hirap na hirap na sabi ni Jungkook.

"Ay oo nga pala, ibaba mo ako." Nag-ayos ng buhok si Taehyung.

"Why so serious?" Hindi ko na lang sila pinansin at hinanap si Kyuri sa audience. Hati ang audience ng mga naka-kulay puti at kulay red.

Wala pa din?

"Asan si Yoongi? Mag-sstart na, wala pa din?" Narinig ko si Hoseok na nagsasalita.

Si Yoongi? Wala pa? Kasabay namin siya..

Hindi kaya..

"Teka, may pupuntahan lang ako."

"JIMIN! MAGSSTART NA!" Wala akong pake sa sinigaw ni Jungkook at tumakbo palabas ng court. Dumiretso ako ng school at hinanap sila.

Niyukom ko ang kamao ko nung nakita kong hinawakan bigla ni Yoongi ang mga kamay ni Kyuri.

Wala na akong nagawa kung hindi bumalik sa court, na galit.

Ella's POV

Ang ganda ko, hehe :>

Late na ako, pero wala akong pake kasi..

Ang ganda ko nga, hihi.

"KYUREEE?" Sigaw ko sa campus.

AMPUTA WALA NG TAO?!

"ELLA!"

"Kyur...i." Bakit niya kasama si Yoongi?

Teka, nagseselos ako. Pigilan niyo ko.

"Kanina pa kita inaantay."

"Bakit mo siya kasama?" Turo ko kay Yoongi.

"Wala..halika na." Nauna na kaming tumakbo palabas at papunta ng court.

"Gago, bakit nga?" Tanong ko sa kanya.

"Wag kang magagalit ah?"

"Pwidi piro dipindi hihi." Sabi ko.

"Sabi niya kasi ano.."

"Ano? Pepektusan na kita ang tagal--"

"May gusto daw siya sa akin."

****

Sabog talaga ako ngayon kaya walang kwenta. Huhu, sorry na.

May plot na ako dito, alam ko na kung anong ending :> Ano gusto niyo, sad o happy? ㅋㅋㅋ

PINUBLISH KO NA PALA YUNG PROLOGUE NG JUNGKOOK FF KO! SANA PO SUPORTAHAN NINYO! :> (ノ ヮ )ノ*:・゚✧

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top