xx
Jimin's POV
"Asan na kayo?"
Lumabas muna ako para dahil kausap ko si Hoseok hyung sa telepono. Tumingin tingin ako sa paligid at nakita ang isang tricycle na paparating.
Binaba ko yung tawag at nag-bro fist kay Hoseok at Jungkook. Talagang sabay pa silang pumunta dito ha.
"Si Kyuri?" Tanong ni Jungkook.
"Ayun..nasa loob."
"Sige, pasok lang kami ha."
Sa totoo lang, kahit ako nasasaktan sa nangyari. Lalo na para kay Kyuri.
Huminga ako ng malalim bago pumasok. Nadatnan ko si Jungkook na niyayakap si Kyuri.
Ilang araw ng ganyan si Kyuri..simula nung nangyari yun. Pinapabayaan ko na lang siya pero minsan talaga nag-aalala na rin ako. Isang beses, isang araw siyang hindi kumain. Kahit ako, nahihirapan.
"Kyuri, next week na uuwi si Papa."
Hindi sumagot si Kyuri. Nakabaon lang yung ulo niya sa dibdib ni Jungkook.
Nabuntong hininga na lang si Jungkook.
3 araw na siyang nakaburol. Bukas na din ang libing niya.
Hinding hindi ko makakalimutan yung araw na iyon.
*flashback*
Nakaupo ako sa kama ko, naka-indian seat. 12:10 AM na pero hindi pa din ako natutulog.
Inaalala ko kasi Kyuri. Ilang linggo ng hindi pumapasok, pero syempre binibisita ko din naman si Jin hyung sa ospital kaya nagkikita pa din kami.
"Matutulog. Hindi matutulog. Matutulog. Hindi matutulog. Matutulog." Pumipitas ako ng petals ng bulaklak. Tinapon ko na kung saan. Matulog ka na, Jimin.
"He, di pa rin ako matutulog."
Tinawagan ko na lang si Kyuri.
[ hello? ]
"Kamusta ka?"
[ oh jimin, napatawag ka..ok naman ako dito huwag kang mag-alala ]
"Sigurado ka ha? Kumain ka diyan, payat ka na nga, papayat ka pa lalo."
[ oo na po ]
"Kyuri, sinong artista ang mahilig sa sapatos?"
[ di ko alam bye-- ]
"SHOEfia Andres, HAHAHA, meron pang isa, si Enrique HEELS, HAHAHA--"
( credits sa internet friend ko pfft )
[ wala akong pake ]
"HAHAHAHA, anong sapatos ang tumitibok para sa'yo?"
[ tangina mo-- ]
"Etong puSHOE ko."
[ e-edi wow umalis ka na nga, SHOEpe ]
Kilig naman siya.
"Ok ka lang diyan ha?"
[ okay lang ako, promise ]
"Kung gusto mong pumunta ako diyan, sabihin mo lang ha? Bye, I love you!"
[ i love you too ]
Binaba ko na yung tawag. Hindi ko napigilang ngumiti.
Ganun naman talaga diba? Kapag mahal mo ang isang tao, kahit marinig mo lang yung boses niya, mapapangiti ka na lang.
( edi wow )
Makakatulog na sana ako, nagbibilang kasi ako hanggang 100, nasa 98 na ako ng tumawag si Kyuri.
"Hello?"
[ j-jimin ]
Napaupo ako ng marinig ko siyang umiiyak.
PUTANGINA SINONG NAGPAIYAK DITO PAPATAYIN KO PUTRAGIS!,1.!1
"BAKIT KA UMIIYAK?"
[ jimin..si jin kasi e-eh ]
Hindi na ako nagpatumpik tumpik ba, boom karakaraka akong tumayo pababa.
"Hoy gago, saan ka pupunta?" Nasa sala pa pala tatay ko.
"Puntahan ko girlfriend ko, angal ka?"
"Maganda yan, JM." Inirapan ko siya, ayokong tinatawag niya akong JM.
Magkasundo kami ng tatay ko, ganyan lang talaga kami sa isa't isa.
Lumabas na ako pero narinig ko siyang sumigaw.
"MAGDALA KA NG PROTEKSYON HA!"
"PAKYU DAD!"
Sumakay na ako ng jeep. Pinapatugtog pa nila yung "Dami mong alam" ni Skusta Clee. Naiistress tuloy kagwapuhan ko.
Pagkababa ko, tumakbo agad ako sa Room 12.
Nakita ko si Kyuri na nakaupo sa upuan at umiiyak.
"Kyuri.."
Napatingin agad siya sa akin, nagulat naman ako ng bigla siyang tumayo at niyakap ako.
Medyo kumirot yung puso ko nung makita ko siyang umiiyak. Nay, baket?
"J-Jimin paano kung..paano kung hindi na siya magising--"
"Huwag mo nga sabihin 'yan. Sa ngayon, magagawa na lang natin ay maghintay." Sabi ko at hinalikan siya sa noo.
Maghintay..sawa na akong maghintay lalo na kung masasaktan ka lang pala sa huli.
Hindi nga ako nagkamali. Naghintay lang kami para masaktan.
"CLEAR!"
Sorry doc, head & shoulders ako eh.
"CLEAR!"
Ang kulit. Sorry talaga, loyal ako sa isa.
"CLEAR!"
Isa pa ba, doc?
Yakap ko pa din si Kyuri. Hanggang sa marinig namin yung isang linya na hindi namin makakalimutan.
"Time of death, 12:21 AM."
Naramdaman ko namang nanghina si Kyuri. Kahit ako, nanlaki yung mata.
"JIN! JIN HINDE! DOC, HINDI PA SIYA PATAY DIBA? DOC!"
Sinuntok suntok na ni Kyuri yung pinto. Nakalock kasi. Ako, pinigilan siya. Hagulgol siya ng hagulgol.
"SEOKJIN PUTANGINA MO! WAG KANG MAG-JOKE NG GANYAN PLEASE!" Napaupo na siya habang umiiyak. Umupo na lang din ako at niyakap siya sa likod.
"J-Jin.."
Hindi naman ako seryoso na papatayin ko sino nagpaiyak kay Kyuri.
Kung alam ko lang na si Jin yun.
Kung alam ko lang..
*flashback end*
Tumayo ako at lumabas. Nakita ko naman si Namjoon sa labas.
"Hyung."
Napalingon siya sa akin. Lumapit ako sa kanya at inakbayan niya ako.
"Mamimiss ko yun."
Napangiti ako ng bahagya. "Lahat naman tayo."
Ang drama niya. Nakatingin pa siya sa langit.
Naiiyak ako.
Hindi dahil kay Jin.
Kasi ang tangkad ni Namjoon at ang liit ko.
Paano na pag pinagtabi na ako kay Yugyeom ng Got7, Chanyeol ng EXO at Chanwoo ng iKon? Nagmukha naman akong bubwit nun.
Lumabas naman si Yoongi hyung. Kasunod ni Taehyung hanggang sa kaming anim nasa labas.
"Si Ella?"
"Nasa loob, kasama ni Kyuri." Sabi ni Yoongi.
Napatingin ako sa aming lahat.
Hindi kumpleto.
Hindi tama.
Hindi kami to.
"Iyak na si Namjoon." Pang-aasar ni Hoseok, pero siya nga yung umiiyak.
"Tama na nga, mga bwiset kayo." Tumalikod si Taehyung at pasimple lang nagpunas ng luha.
"Huhuhuhuhuhuhu!" Parang tanga si Jungkook. Sinabi niya talaga yung "hu hu hu" habang umiiyak.
"Edi wow." Walang kaemosyong emosyon na sabi ni Yoongi pero nakikita ko yung luha niya nasa gilid na ng mata niya.
Nakangiti lang si Namjoon pero tuloy lang yung pag-agos ng luha niya. Pati ako.
Kim Seokjin, you will be missed.
****
"BILISAN MO NGA! ANG IKSI KASI NG BIYAS HAHAHA!"
KABAYO BA TONG SI KYURI?!
"OI HINTAY!"
Tawa lang siya ng tawa habang tumatakbo. Binilisan ko naman kaya ko siya naabutan.
Nasa sidewalk kami, gabi na nga eh pero wala kaming pake. Ang liwanag pa kasi puro malls at iba pang buildings ang nandito.
"OI JOKE LANG HAHAHA!" Sumigaw na siya nung binuhat ko siya. Kulit eh.
Binaba ko siya at inayos niya naman yung damit niya.
Buti nga, medyo sumasaya na siya ngayon.
"Jimin."
"Ano?"
"Happy monthsary."
Ngumiti ako at niyakap siya. "Happy monthsary."
"Jimin."
"Ano po?"
"Gusto mong mameet si Papa?"
****
BAKASYON NA *sumayaw na parang tanga*
2K NA YUNG READS *sumayaw ulit* *nauntog* *namatay*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top