xviii

Kyuri's POV

Bwiset na alarm clock to. SINONG NAGSABING GISINGIN MO KO NG KAY AGA?

May pasok na naman kasi, tanginang yan. Pumunta na akong cr para maghilamos saka umihi.

"SHIT--" Nagwala naman ako habang nakaupo sa kubeta.

ABA, MERON NA NAMAN AKO HUHU :---(

Huminga muna ako ng malalim bago kumuha ng napkin sa cabinet. Maligo na nga muna ako bago kumain.

Pagkatapos kong maligo, magbihis at mamobrlema tungkol sa buhay ko, tinext ko muna si Papa.

To: Papa

Pa, kailan ka dadating?

Sinend ko yun bago bumaba. Naabutan ko naman si Jungkook na kumakain ng TJ as in Tender Jimin--I mean, Juicy hotdog. Sorry typo.

"Kumain ka na."

"Yoko."

"Di wag."

"DI MO BA AKO PIPILITIN?! WALANG KWENTA KANG KAPATID!" Nag-walk out na lang ako pero sumigaw na naman siya.

"MERON KA NA NAMAN BA? BWISET--"

"HE WALA AKONG PAKE KWENTO MO SA KULANGOT MO!"

Nauna na akong pumasok kasi maganda ako at maganda din si otor.

Pagkakita ko pa lang ng gate, banas na banas na agad ako.

Pumasok ako at nairita nung sinalubong ako ni Namjoon.

"Wala akong pera pambili ng pamasahe mo para makita pamilya mo sa Mindanao."

"WOW KYURI HA? SUNGET TSS!"

Inirapan ko siya bago salubungin si Jin ng hampas.

"Aba! Napaka mo Jeon Kyuri!"

"Napakaganda? I know thanks."

"Mas maganda ako, wag kang feeler."

"Mas maganda ako? I know thanks."

"Di kita kilala, bahala ka diyan."

Iniwan ako ni Jin at binato ko naman siya ng libro, yun pala yung librong pinahiram niya sa akin na ang title ay "How To Be Beautiful" eh hindi ko na naman kailangan yun.

Pinakyu ko siya bago naglakad palayo. Sinalubong ko ng sabunot si Ella na nakikipagharutan kay Yoongi. Landi netong dalawang to ah.

"Anong problema mong gunggong ka?!" Napatayo si Ella at tinaasan ko ng kilay. Nangirap siya bago umupo ulit.

"Kyuri!"

Wala akong narinig. Sumandal si Jimin sa pader at nginisihan ako. Nakapokerface lang ako at nakipagchismisan kay Ella.

"Uy, galit ka?"

"Hindi yan galit, meron lang siya ngayo--AH!" Pinalo ko ng water bottle na walang laman yung ulo ni Ella. Daldal eh.

"Ah..pfft.." Pinigilan ni Jimin tumawa kaya siya naman yung pinagpapalo ko.

"AH! HAHAHA--ARAY MASAKIT! HAHAHAHAHA--TANGIN--AHAHA!"

Nag-bell na kaya nagsipila na kami. Walang pansinan, galit ako.

At dahil maganda at tamad si otor, nagfast forward yung mga pangyayari. Natapos na yung first subject at hinihintay na lang namin yung teacher sa pangalawang subject.

"Uy, bati na tayo." Bulong sa akin ni Jimin nung tumabi siya sa akin.

Ang ingay ng klase kasi wala pa si Sir.

"Hindi."

"May regalo ako sa'yo."

"Pake ko." Nakatitig lang ako sa board.

"Sunget..pagkain pa naman sana yung regalo ko--"

"WEH?! ASAN? LABAS MO DALI, KAKAIN KO NA!"

Yung pagkain kasi yung ilalabas niya't kakainin ko. Kayo ha.

Kinuha ni Jimin yung tatlong Twix bars galing sa bulsa niya. Naka-ribbon pa.

"YAAAAH!" Nagpout ako nung nilayo niya sakin yung chocolate. Syempre, kailangang magpacute kahit nakakasuka.

"Bati na muna tayo."

"Eeeh!"

"Bati na kasi tayo."

"Oo na!" Inagaw ko yung chocolate sa kanya bago buksan yung isa at kainin.

"Kyuri, anong tagalog ng I love you?"

"ANG BOBO MO NAMAN TAGALOG LANG NG I LOVE YOU DI MO ALAM!"

Babanat pa siya luh ulul nabobo zoned tuloy siya

"UY KYURI MUKHANG MASARAP YAN AH."

"Masharap taraga." Inirapan ko si Taehyung at sinimot yung Twix.

"Dahan dahan lang."

Muntik na akong maubo sa sinabi ni Jimin. HALA KYURI YUNG UTAK MO PISTI!

"Ah, pasubo."

TANGINA PARK JIMIN.

"Ulol mo, bili ka ng iyo." Inirapan ko siya.

"Ganyan ka ha. Di kita bibilhan ng ice cream."

"JOKE LANG JIMIN! OH ETO SAYO NA TONG KALAHATI!"

Jimin's POV

Nakabusangot lang siya hanggang recess.

"Samahan mo ako." Sabi ko sa kanya. Magpapasama sana ako sa library.

"Ayoko bahala ka."

"Tss, edi wag." Naglakad ako papuntang library pero pinigilan niya ako.

"Ice cream ko."

JUSKO AKALA KO PA NAMAN PINIGILAN AKO KASI NAGTATAMPO AKO TAPOS..hay piste.

"Tara nga! Bwiset." Hinawakan ko yung kamay niya bago naglakad papunta kay kuyang nagbebenta ng ice cream.

"Sila na ba?"

"No way, Jimin's mine."

"Tignan mo holding hands."

"Porket holding hands lang? Ganyan eh nagaassume kayo kaya nasasaktan."

"Who's that girl? Jimin deserves better."

Hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Kyuri at pasimpleng tinignan. Nakayuko.

Parang tanga naman, paguusapan na nga lang kami, yung rinig pa namin.

Tinignan ko sila ng masama at napaiwas naman sila ng tingin. Napatigil naman ako sa paglalakad ng humikbi si Kyuri.

Ayon sa research ko, ang babaeng may period ay napaka-emotional. Kaunting galit lang nila, maiiyak na sila.

"Uy wag ka na umiyak." Tinaas ko yung mukha niya. Buti wala masyadong tao sa hallway kasi lahat sila nasa canteen.

"Mas deserve mo daw yung babaeng yon. Wag daw ako, haha." Pinunasan niya yung luha niya.

Kyuri, pati sipon mo saka laway mo, punasan mo din. Joke lang.

"Eh, Kyuri naman eh."

"Perpekto ka kaya, exclude mo na yung height mo, pero perpekto ka. Kailangan mo..perpektong babae."

"Eh paano na yan, perpekto ka kaya sa paningin ko."

3 POINTS FOR PARK JIMIN

Inaya ko na siyang bumaba kaya lang nahihiya daw siya sa itsura niya.

"Tara na kasi.."

"Mukhang akong tanga pag bumaba ako. Pulang pula mata ko oh."

"Halika." Hinila ko siya papalapit at binaon yung ulo niya sa dibdib ko.

( infires by my girlfriend is a gumiho )

"JIMIN--"

"Sssshh. Tara, baba na tayo."

Wala akong pake kung lahat sila nakatingin sa amin.

"Tangina Jimin, nakakahiya."

"Eh, arte mo eh. Kuya isang ice cream."

Binigyan ako ni kuya ng ice cream at binigay ko kay Kyuri.

Nakayuko siya habang kumakain. Nakapamulsa ako habang nakatingin sa kanya.

"Ano, masaya ka na?"

Tumango lang siya. Napatawa ako ng bahagya.

"Narinig mo na yung balita?"

"Alin?"

"Babalik na daw si Eunji dito!"

"Eunji? Sino yun?"

"Tanga!"

"Di mo talaga kilala? Yung sikat dati?"

Eunji? Si Lee Eunji?

Nakita kong nagbago yung aura ni Kyuri, baka madurog niya na yung lalagyanan ng ice cream sa higpit ng hawak niya.

"KYURI!"

Napalingon kami kay Hoseok na tumatakbo papalapit.

"Ano?" Medyo wala sa mood na sabi ni Kyuri.

"Si Jin!"

"Ano? Patay na? Buti naman." Galit pa rin ata to.

"Nasa clinic, gago! Gusto mo talagang mamatay yung bestfriend mo?"

Napalingon si Kyuri at parang nanlaki yung mata sa narinig.

"Bakit daw?"

"Inatake."

****

hi malapit na bday ko tumatanggap na ako ng regalo haha dejk

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top