xv

Kyuri's POV

"KUYA PAANO KUMALMA PUTA."

"KYURI PAG IKAW NAHULOG DIYAN MAPAPANGO NA YANG ILONG MO!"

Talon ako ng talon sa kama habang nagsisisigaw. PUCHA NAMAN KASI SI PAPA UUWI NA SIYA *cries because i'm so pretty like jin*

Nagpaparty pa din sila sa labas pero ako nagtatatakbo ako papuntang kwarto, ako lang mag-isa. Tapos nakapatay yung ilaw, tapos pumunta akong kama.

Libog mo, frend.

Ayun, sinundan ako ni Junggago. KYURINGINA DIBA.

"KUYA HINDI KO NA KAYA!"

"Ganyan talaga, may mga bagay na hindi mo na talaga kayang panghawakan kaya kailangan mong matutong mag-let go."

"Aba't, gusto mo bang ihawin ko 'yang ilong mo?"

"Okay lang, sanay na naman akong masaktan eh."

"LUMAYAS KA NGA DITO!"

"Sige, sanay na din akong mareject."

Kinuha ko yung sapatos ko at binato ko sa kanya, ayun sakto sa ilong.

"NOSESHOT!" Sigaw ko.

"Ang baho, Kyuri. Nasinghot ko ata pati yung bacteria ng paa mo." Umarte pa siya na parang nababahuan saka siya tumakbo pababa.

WAAAAAAAH AKING AMA TAYO'Y MULING MAGKIKITA PAGKATAPOS NG KAYHABANG PANAHON.

Jimin's POV

"Uy, nakita mo si Kyuri?" Tanong ko kay Seolhyun, kaklase namin.

"Oo naman, hindi kasi ako bulag." Inirapan pa ako. ABA PORKET MAS MATANGKAD SIYA SA AKIN.

"Kinakausap ng maayos, patanga naman sumagot. Tsk. Uy, Chaerin, nakita mo si Kyuri?"

"Nasa kwarto niya ata kasama si Jungkook."

Omaygad.

No this maybe.

Translation: Hindi ito pwede.

Omaygad.

Anong..

ANONG GINAGAWA NI KYURI SA JUNGKOOK BEBE KO?!

Dejoke lang, incest yun, kadiri. IlongxIlong? Yak, daming kulangot nun.

Pinuntahan ko sila sa taas, sakto namang lumabas si Jungkook.

Omg, lumabas.

"Oh Jimin."

Wow, kapatid ko na pala si Sehun.

(Ulul, matangkad siya, ikaw hindi.)

"Si Kyuri?"

"Ayun, panget pa din. Ay joke, nasa loob, baket?"

Omg, nasa loob.

"Sige, puntahan ko lang."

Aakto sana akong papasok..

Omg, papasok.

Aakto sana akong papasok sa room pero pinigilan ako ni Jungkook.

"Iwan mo 'yang utak mo dito, kung meron ka man, kasi alam kong puro kabalastugan yang laman ng utak mo. Hindi pa handa si Kyuri na isuko ang Bataan."

"Gag--"

Tumakbo siya pababa. Binuksan ko yung pinto at sinilip si Kyuri. Nakahiga habang nakatakip yung unan sa mukha niya.

"Huy."

"AY BABAENG NAHULOG SA KAMA, leche ano ba?" Nahulog siya sa kama at nagpagpag ng pantalon.

"Tara, nagpaorder si Ma'am ng pizza sa baba."

"Ha? Ah..sige." Tumakbo siya pababa at iniwan ako.

Okay lang, sanay na akong laging naiiwan.

Sinundan ko siya at kasabay niyang kumuha ng slice ng pizza si Taehyung, pagkakuha ng pizza, nahulog ni Taehyung yung kinuha niya.

"Uy, pwede pa yan, wala pang 5 minutes!" Utos ni Kyuri.

"Panahon ba talaga ang magdidikta kung pwede pa ang mga bagay na natapon na?" Sabi ni Taehyung.

"Luh, drama. Saan mo nakita 'yan?"

"Hehe, sinabi sa akin nung nagbebenta ng sisiw sa labas ng bahay namin, dahil dun, binili ko lahat nung sisiw na binebenta niya."

"Ay, chickboy. Tsk tsk tsk. Tara alis na tayo dito." Sabi ko at pumunta sa terrace nila.

Ano kamo? Ano yung terrace? Terrace, yung ginagawa mo sa eraser. Pang-terrace mo.

Joke, search niyo sa Google.

Pinagmasdan ko yung mga building na kumikinang mula sa malayo. Nasa taas kasi tong bahay nila Kyuri kaya nakikita mo yung ibang city.

Kumikinang sila, naalala ko tuloy yung gums ni Yoongi.

"Lalim ng iniisip mo ah." Sulpot ni Kyuri habang kumakain pa ng pizza. Kinain niya ng buo, pagkatapos ng pagpag pa ng kamay.

Tinuro ko yung gilid ng bibig niya, hayst, dugyot kumain ng babaeng to. Pinunasan niya pero lalong kumalat.

"Ay bobo." Ako na lang nagpunas nung sauce sa gilid ng bibig niya.

Paano, ang laki sumubo, hehe. Joke.

Nanlaki naman yung mata niya, as in MALAKI, hehe. Parang mata ni Kyungsoo.

"WALANG FOREVER MAGBBREAK DIN KAYO SA 23! HAHAHAHAHAHA!"

"BALIW KA ANGELA! HALIKA NA NGA!" Pumasok pabalik sila Angela at Jessica nung pagkatapod nilang lumabas para lang manira ng moment. Quingina?

"A-ah..ano..ahm..ano nga yon? ah ano.." Napakamot naman si Kyuri ng ulo niya at umiwas ng tingin. Kahit madilim, nakita ko pa din na namula siya.

Ang cute.

"May gusto ka ba?" Tanong niya sa akin.

"Mm..meron?" Ngumisi ako.

"Ah ano? Pizza? Juice? Teka kukuha lang ako." Tumalikod siya at aalis na, kinuha ko naman agad yung kamay niya at hinila papalapit sa akin.

"Gusto ko..dito ka lang sa tabi ko." Ngumiti ako sa kanya bago siya yakapin.

May naramdaman akong luha sa dibdib ko.

SHET MASYADO BA AKONG HOT NA PATI DIBDIB KO UMIIYAK NA DIN?

Dejoke, kumalas agad ako sa yakap at nakita si Kyuri na medyo naluluha.

"Uy, bakit ka naiiyak?" Curious na tanong ko.

"W-wala wala." Pinunasan niya agad yung luha niyang tumulo at huminga ng malalim.

"Eh, kasi naman eh." Sabi ko.

"Kasi..kasi..tangina mo." Umupo siya sa sahig at nagtakip ng mukha.

LUH ANONG GINAWA KO MALIBAN SA PAGIGING GWAPO, ANO PA?

"Uuuy Kyuri naman eh!" Umupo din ako para magkapantay kami. Tinanggal ko yung kamay niya at nakita kong humahagulgol na siya.

PUKE WALANG KAKALMA UMIIYAK SI KYURI

"Sino nagpaiyak sayo?! Sino?! Sapakin natin!"

"IKAW KASI PUTA!" Humagulgol ulit siya.

"LUH BAT AKO?!"

"GUSTO MO ISAISAHIN KO PA? KASI PA-FALL KA! KASI KAPAG NGUMITI KA TUMATALON BIGLA YUNG PUSO KO, NAKAINOM ATA NG ENERVON, ANG HYPER." Pinunasan niya yung luha niya.

"TAPOS KAPAG KUMAKANTA KA, YUNG PUSO KO NA NAMAN. TAPOS KAPAG NAGSASALITA KA, YUNG PUSO KO ULIT. TAPOS..TAPOS..KAPAG..ANO..GANYAN!" Bakit kailangan niyang sumigaw.

"Anong ganyan?" Malumanay kong sabi.

"KAPAG NAGIGING SWEET KA BIGLA. NAKAKAINIS KASI..KASI SABI KO, AYAW KO NG MGA SWEET NA MGA BAGAY PERO KAPAG IKAW NA YUNG GUMAWA.." napatigil siya sa pagsasalita at hindi niya talaga mapigilan yung luha niya. "..pag ikaw na..sa loob looban ko, nagugustuhan ko pa." Umiwas siya ng tingin at nag-cross arms.

"Oh, anong problema mo dun?" Natatawa na lang ako sa kanya.

Hindi niya ako pinansin.

"Ibig sabihin nun, mahal mo ako HAHAHAHAHAHA!" Sabi ko.

Tumayo siya bigla. "Baka nga, siguro nga. Siguro nga, Jimin, tama ka." Nagwalk out naman siya.

Hala ano daw?

****

"Ayoko na dito nasisinghot ko yung polusyon ng buong Pilipinas mula Batanes hanggang Jolo, bwiset." Reklamo ni Jungkook.

Nag-aabang kami ng jeep ngayon. As in yung buong barkada, nandito. Gagala kami at wala kayong pake.

Eh sa poor kami at wala kaming kotse, at hindi daw pwede yung kotse nila Jin ngayon.

Ng makasakay kami sa jeep, nagturuan kami kung sinong magbabayad.

"Ako na, because me is good boy." Iling ni Hoseok. Kumuha siya ng barya sa wallet kulay green. Favorite niya yung green kasi kasingkulay daw ng damo.

"Pabili po." Inabot ni Hoseok yung pera para magbayad. Binatukan naman siya ni Namjoon.

"Anong pabili?! Walang damo dito!"

"Ay mali ba, sorry hehe. Ahm, bayad ho. Dalawang babae, anim na mga bading at isang gwapo." Inabot ni Hoseok yung barya.

"Thank you Hoseok sa special mention. Talagang sinabi mo pa na gwapo ako. Alam ko na yun." Pasasalamat ni Yoongi.

"Ako kasi yun." Sabi ni Hoseok.

"Asan yung singkwenta?" Tanong samin nung driver. Tinatanong ata kami kung saan kami kasi 50 yung binayad ni Hoseok.

"Malay ko, manong, kakabigay ko lang sa inyo, saan na pumunta?"

"Gague."

"Sa may Lucky T. Tinyo Resort po." Umirap si Hoseok.

"Jimin, sayo to?" Tinaas ni Kyuri yung lalagyanan ko ng tubig. Tumango lang ako.

"Pwede kong inumin?"

"Bahala ka kung gusto mong nguyain."

"Aba't leche ka ah." Aakmang ibabato niya sa akin yung bote. Umirap siya bago uminom.

"Psst, Kyuri, may kwento ako."

"Ano?" Sinara niya na yung bote.

"May isang babae at lalake. Bumili ng tubig yung lalake sa may tindahan. Nakiinom yung babae. Nagshare yung lalake at babae sa iisang bote ng tubig. Alam mo nangyari?"

"Ano?"

"Nag-indirect kiss sila."

****

HELLO GUYS HAHAHA LABYU ALL ! :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top