xiv
Kyuri's POV
Umakyat na kami ng stage at halos mabingi na ako sa tili ng mga kaklase namin. Nangingibabaw yug tili ni Jin.
"WOOOOOOH BESPREN KO YAN HOY TANGINA PUMALAKPAK KAYO WAAAAAAAAAAH! GO KYURI!"
Munggago si Jin pero mahal ko 'yan, yiee tagos pepe ang kilig.
Whoo, go Kyuri. Kaya mo 'yan. Ikaw pa, ganda mo kaya. Nagmana ka kay otor.
Kinuha ko na yung gitara at pinukpok sa ulo ko kasi kinakabahan talaga ako. Joke lang, syempre kinuha ko saka umupo sa matangkad na upuan.
WAAAAAAAH ETO NA LORD PLEASE GUIDE ME *sign of the cross*
Nagstart na akong mag-strum at nagperform na kami. Kinakabahan talaga ako kasi pag nagkamali ako, syempre nakakahiya yun. Papalamon na lang ako sa lupa.
Habang naggigitara ako at kumakanta si Jimin, tanging yung gitara at boses lang niya yung maririnig sa buong paligid. Gago, may patay ba? Nasaan yung lamay hindi naman ako informed.
Sa wakas, ng natapos na kami, agad namang nagkagulo yung section namin at nagsigawan sila. Kahit yung mga kalaban namin pumalakpak.
Tumayo kaming dalawa ni Jimin at hinawakan niya yung kamay ko saka nag-bow.
Hinawakan niya yung kamay ko.
HINAWAKAN NIYA YUNG KAMAY KO.
Paulit ulit, Kyuri, pinapaingit mo ata si otor.
"WE LOVE YOU PARK JIMIN! KYAAAAAAAA!"
ULUL!
Pucha, ang sarap nilang pagroloyohin tapos gawing cotton buds tapos ipasok sa loob ng tenga ni Sir Chanyeol.
Bumaba na kami ng stage at wi-nelcome naman kami ni Ms. Shin.
"ANG GAGALING NIYOOOOO! HUHU MAGPAPAPARTY AKO!"
"Ma'am hindi pa nga tayo nananalo."
"Hoy, Jimin! Kung umasta ka, akala mo ayaw mong mag-party!"
"Sabi ko nga."
Pinaupo kami sa may hagdan kung saan performers lang ang pwede. Lumapit sa amin yung buong tropa.
"KENEKELEG EKEEE!" Pinaghahampas ni Ella si Hoseok sa braso.
"Tumigil ka nga, Ella! Nasasaktan ako!" Naiiritang sabi ni Hoseok.
Uuuy, double meaning.
"EEEEEEEH! KINILILIG TALAGA AKO--ARAY NAHAMPAS KO YUNG BABA MO!" Sigaw ni Ella.
"Oi oi oi! Tumawag kayo ng ambulansya! Dalhin niyo sa ospital!" Pagpanic ni Taehyung.
"OA mo namang gago ka." Sabi ni Hoseok.
"Natamaan ni Ella yang baba mo, malamang nahiwa na yung kamay niya tutal 'yang baba mo, isang itak, hindi kutsilyo."
"ANONG AKALA MO SA BABA KO? POKEMON NA NAGEEVOLVE?!"
"Pwede."
"Aba't--"
"KYUUUUURIIIII WAAAAAH ANG GALING GALING MO WAAAAAH I'M SO PROUD OF YOU!" Niyakap ako ni Jin hanggang sa malagutan ako ng hinga at mamatay. Dinala nila ako sa hospital pero hindi na kinaya. Dead on arrival.
Joke lang, eto naman.
"ARAY KO JIN MASAKIT!"
"Anong masakit?"
"Gago!" Pinakawalan niya ako. Luh, kalapati ka na ba Kyuri para pakawalan.
"Guys, knock knock!" Biglang sabi ni Jungkook.
"Wala pong pinto, tumuloy lang po kayo." Sabi ni Yoongi.
"E KASI!"
"Who's there?"
"Badjao." Nagpipigil na tawa na sabi ni Jungkook.
"Oi, pagbuksan niyo ng pinto si Namjoon. Badjao daw."
"Ako na naman! Gwapo ko talaga."
"HOI BADJAO!" Sigaw ni Jungkook.
"UY NAMJOON HYUNG TAWAG KA NI JUNGKOOK!" Sabi ni Jimin.
"AISH SABIHIN NIYO BADJAO WHO!"
"Badjao who?" Bored kong sabi.
"Si Namjoon nga yung badjao, bakit niyo tinatanong kung sino?" Nakisali naman si Taehyung.
"AISH!" Naiiritang sabi ni Junggago.
"OH, BADJAO WHO?" Sabi ni Yoongi na nakangiti kaya nakita ko na naman yung gums niya.
Lord, kukunin niyo na ba ako? Nakikita ko na po kasi ang liwanag. Lord, wag muna, marami pa po akong pangarap sa buhay.
"Badjao! May kiliti ako diyan! Badjao! Sige relax ka lang..may kiliti ako diyaaaan, ai ai ai!"
Tahimik lang kaming lahat, maliban pala kay Junggago na tawa ng tawa.
"Start na tayo ng prayer meeting?" Sumang-ayon kami sa suggestion ni Namjoon.
Natigil naman yung kalokohan namin nung may lumapit na lalake sa amin.
HO man holy SHI!
Si Hoshi!
"Kyuri Noona and Jimin Hyung, I just want to congratulate the both of you. That was an incredible performance!"
"Ano daw?"
"Wala..sabi niya ano..ahm..ang gwapo ko daw."
"Ay weh? Ang haba ng sinabi, yun lang?"
"Oo nga. Sabi niya "Ang gwapo ni Yoongi Hyung.""
"Pero magilagid."
"Pakyu."
Tinignan ko si Jimin na parang bored na bored na nakatingin kay Hoshi.
"Kyuri Noona, I didn't know you can play guitar! Sometimes, you should really help me to learn because I really want to play that instrument."
Bakit kailangan niyang mag-ingleshening, english spokening dollars ang lolo mo.
"A-ahm..sure! Maybe some time..hehe."
ANO BA I DON'T KNOW ENGLISHENING STOP JUDGING ME!
"Hindi ka niya pwedeng turuan." Biglang sabi ni Jimin.
"Hmm? Why not?"
"Kasi..hindi pwede."
"Well, I just want to learn how to play guitar, that's all."
Palipat lipat yung tingin nung buong tropa kay Hoshi at Jimin.
"Kasi busy siya. Hindi ka niya matuturuan."
"In her free time, maybe? Right Kyuri Noona?"
"Ahm, tuwing weekends lang naman yung free time--"
"Tuwing free time niya, hindi rin pwede." Tumayo si Jimin.
"Why?" Curious na tanong ni Hoshi.
"May date kami."
Yung buong tropa, maliban sa barkada ko at kay Junggago, halatang nagulat.
Shet, hindi pa pala nila alam.
"Date?" Tanong ni Hoshi.
"Oo? May problema ka? Normal lang naman siguro sa mag-syota ang mag-date, hindi ba?"
"MAG-SYOTA KAYO?! HO MAN HOLY SHI!" Umakto naman si Jungkook na nagwalling. Ang alam niya kasi, nililigawan pa lang ako.
GAGO KASI TONG SI JIMIN EH HINDI PA NAMAN KAMI MAGSYOTA!
"Oh..I see now. Nevermind, thanks and congratulations again Kyuri Noona! Have a nice day!"
Umalis na si Hoshi.
"BAKIT MAGSYOTA?!"
"KAYO NA BA?!"
"BAKIT KA NAGSESELOS JIMIN?!"
"BAKIT KA NILAPITAN NI HOSHI?!"
"BAKIT KAYO CLOSE?!"
"BAKIT ANG GWAPO KO?!"
Sunod- sunod yung tanong nila kaya naman hindi namin agad nasagot.
Inexplain naming lahat kung ano talagang meron.
"Kayo ha.." Tinignan kami ni Taehyung.
"Ano na naman?"
"Gamit kayo proteksyon para iwas disgrasya."
"KIM TAEHYUNG!" Binato ko yung sapatos ko sa kanya, natigil kami sa paghaharutan ng tinawag ang performers. Iaannounce na ata kung sino panalo.
"Tandaan niyo guys, manalo o matalo..cute pa din ako." Pagmamalaki ni Yoongi. Binatukan siya ni Jimin, yiee YoonMin.
"Manalo o matalo, the best pa din tayo. Ok? Fighting!"
Pinaakyat na kami ng stage.
Sa sobrang kaba ko, feeling ko mahihimatay na ako.
"Kyuri.." Tinignan ko si Jimin kasi tinawag niya ako.
"Ano?"
"Ganda mo."
****
"OI TAEHYUNG ANG BURAOT PUTA! CHICKEN KO YAN OI!" Naghabulan si Jungkook at Taehyung sa loob ng sala. Nagpapaparty na kami sa bahay namin, buong section nga nandito, leche ako na naman magliligpit ng mga kalat.
Okay lang yan, nandito naman si Jungkook, singhutin niya lang yan, kikinang na sa sobrang linis.
"Namjoon, you want?" Inalok ni Jin si Namjoon ng hotdog niya. Wag ka, may marshmallow pa yung hotdog ni Jin.
Kahit hindi kami nanalo, nagpaparty pa din kami. Paano kasi nagpahanda si Ma'am.
Nakita ko naman si Jimin at sinenyasan niya ako na lumapit.
Lalapitan ko sana si Jimin ng may tumawag sa akin. Sumenyas ako ng wait lang.
Papa calling...
"Hello, Pa?"
[ anak good news! ]
"Po, ano ho?"
[ uuwi na ako diyan next week! ]
"PO?!"
****
sorry po talaga kasi late na po ako mag-update, sobrang busy po kasi sa school kaya wala na pong time mag-update, sana maintindihan niyo. :--) lavyu all
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top