xiii
Kyuri's POV
Ang pogi pogi ni Hoshi, nakakaiyak talaga! Ang cute cute ng mga mata niya, oh diba dagdag pogi points.
Ibinigay ko ulit yung picture ni Hoshi doon sa kaklase ko. Dito pala nagaaral yun kaya lang mas mababang grade. Sayang, dejoke lang HAHAHAHA!
"Hoy, sino yan?" Biglang singit ni Hoseok. Nandito kami sa classroom at naghihintay ng teacher. Mukhang hindi na nga dadating kasi 10 minutes na kami naghihintay. Last subject na nga, pfft.
"Si Hoshi? Yung ano..Grade 8 student."
"Aahh." Tinignan ko ulit yung picture. HOY KYURI, NOONA KA NIYA TUMIGIL KA!
"JIMIN OH! SI KYURI MAY PINAGPAPANTASYAHANG LALAKE--PUTRAGIS!" Flinying kick ko si Hoseok kaya nahulog siya sa bintana. Ay dejoke lang, tinadyakan ko siya sa ano..
Sa tuhod.
"ANO?!" Mas mabilis pa sa pagano ni Namjoon..sa pag-rap kasi, tumakbo si Jimin papunta sa amin.
"Sino yan!"
Binatukan ko lang silang parehas. Ang O-OA, tupangama.
"Sino nga kasi!" Pagpupumilit ni Jimin.
"Eto oh." Ipinakita nung kaklase ko yung picture ni Hoshi.
"Tss..mas gwapo naman ako." Pagtampo pa niya. Wah, iiyak na sa baby. HAHAHAHAHAHA!
"NANDYAN NA SI SIR!" Bumalik na kami sa mga pwesto namin.
Pumasok si Sir Chanyeol sa loob ng room. Ano bang meron ngayon? Halloween pa rin ba? Bakit nakacostume si sir ng elf? Idol ata si Jimin.
Joke lang, ang gwapo kaya ni sir, hihihi! Landi mo talaga Kyuri.
****
"Psst, Jin, samahan mo nga ako, ipapasa ko lang to kay Ma'am Shin." Sabi ko kay Jin nung paglabas namin ng classroom para pumila, uwian na kasi. Naalala kong ipapasa ko pala yung lyrics nung Paper Hearts.
"Kay Ella ka na lang magpasama, may lakad ako eh."
"Ay ganun..ELLA!"
"EYO LEYDIS EN GENTELMEN! Baket, kailangan mo ng jams?"
"Pakyu, samahan mo ko, ipasa to kay Ma'am Shin."
"Di pwede..hihihi may date kami ni Yoongi ngayon, bleh!"
"Aba't noche buena--" Binelatan niya lang ako.
"Jimin, psst!"
Umayos naman ako ng pila kasi baka pagalitan ako, hindi ata ako narinig ni Jimin.
Ng pina-pass na kami, hinabol ko kaagad si Jimin.
"OI!"
Tinaasan niya lang ako ng kilay.
"Sunget mo ah, naubusan ka na naman ba ng jams?" Pagbibiro ko sa kanya. Nagpatuloy lang siyang maglakad.
Leche toh! Andami ko na ngang dalang libro, nagpapahabol pa! Kung umakto parang kami na, samantalang isang linggo niya pa lang akong nililigawan.
"JIMIN--AY KILAWING KAMBING KA!"
"Mianhe." Tinulungan niya akong kunin lahat ng libro kong nahulog. Teka..
OMG DIBA ETO YUNG HOSHI NA PINAGPAPANTASYAHAN KO KANINA?!
Tinignan niya yung I.D ko.
"Mianhe, Kyuri Noona." Inabot niya sa akin yung tatlo kong libro.
Ay yun lang. MAS MATANDA KA KYURI!
"I-ikaw ba si Hosh--AY DEPUTA! S-SALAMAT SA TULONG!" Hinila ako ni Jimin pero nagpasalamat muna ako kay Hoshi kasi tinulungan niya ako.
Nakarating na kami sa labas ng school sa kakahila niya. ARAY KO HA!
"Anong problema ng kokote mo?!"
"Sino yun? Bakit kayo naguusap?"
"Si Hoshi?"
"Hoshi? Siya ba yung tinitignan mong picture kanina?"
"Oo baket?"
"Tss. Ge, balik ka na dun."
"SAMAHAN MO KASI AKO!"
"Para saan? Para makipagusap kay Hoshi--ARAY!"
Hinampas ko siya ng libro.
"Ipasa natin to kay Ma'am. Saka bukas na yung performance para sa music fest, magpractice tayo."
"Tss." Mukha siyang napilitan lang. Napairap na lang ako.
Pagdating namin sa faculty, hinanap namin yung table ni Ma'am Shin at ibinigay yung papel sa kanya.
"Anong meron?" Biglang tanong ni Ma'am.
"Eto po si Jimin, meron ngayon. Third day ata." Bulong ko para hindi nila marinig, pero narinig ata ni Jimin kasi inirapan niya ako.
"Ahm, Ma'am. Wala pong meron."
"Nagaway ba kayo?"
"Kami po? Hindi po. Sige Ma'am, magppractice na kami. BYE!" Naglakad na kami palabas at dumeretso sa conference room.
Kagaya ng dati, nagpractice kami, pero hindi nga kami makapagpractice ng maayos kasi hindi naman seryoso si Jimin. Hindi niya naman inaayos.
"Isa pa." Sabi ko at nagstrum ulit. Kagaya ng inexpect ko, mahina pa din yung boses niya at hindi niya sinasabayan yung gitara ko.
"Jimin, ano ba." Malumanay kong sabi pero alam na naiirita ako.
"Ano?"
"Ayusin mo kasi." Seryoso ako at sana maramdaman niya yun.
Mas hininaan niya pa yung boses niya. Tinigil ko yung paggitara at nilagay ang gitara ko sa lagayan. "Bahala ka na nga sa buhay mo, parang yun lang galit ka na agad."
Iniwan ko siya doon. Parang gago kasi. Umuwi na ako mag-isa.
Jimin's POV
Gago ka kasi, Jimin eh!
Bakit masama ba magselos?
Ah, so nagseselos ka?
Hindi.
Weh utut mo.
EDI AKO NA NAGSESELOS PUTA.
(Luh baliw kausap sarili)
Tumahimik ka nga otor, bitter ka lang kasi hindi ikaw ang pinili ko.
(Pakyu.)
"Hello, Jungkook? Umuwi na ba si Kyuri?"
[ oo nandito na siya, galit nga eh nagtanong lang ako kung nasa kanya ba yung t-shirt kong may mukha ni squidward sa gitna, sumigaw siya ng "BAKIT SA AKIN MO TINATANONG HANAPIN MO DIYAN SA ILONG MO BAKA NASINGHOT MO LANG." mukhang gago putek ]
"Ah..ganun."
[ nagaway ba kayo? DIBA SABI KO ALAGAAN MO YUN KUNG HINDI, HINDI KA NA SISIKATAN NG ARAW?! ]
"Oh kalma lang, nagselos lang naman ako eh."
[ kanino naman ]
"Hoshi?"
[ HO man holy SHI! HOSHI! WAHAHAHAHAHAHA ]
Binabaan ko na lang siya. Sweet ko.
Kyuri's POV
"Review lang ito. What is the difference between herbivores and carnivores?"
Nagtaas ng kamay si Hoseok. "Ma'am, herbivores po yung plants lang kinakain, yung carnivores po, karne."
Nagpalakpakan naman yung buong klase kasi minsan lang magrecite si Hoseok. Umarte naman si Hoseok na kunwari may fans.
"Ikaw Hoseok, herbivore ka ba or carnivore?" Tanong ni Ma'am.
"Ma'am, omnivore."
"ULOL HERBIVORE KA! PURO DAMO LANG KAYA KINAKAIN MO." Sigaw ni Taehyung.
"IKAW NONE OF THE ABOVE KASI HINDI KA TAO, HINDI KA DIN HAYOP, ALIEN KA, ALIEN!" Pambabara ni Hoseok.
"Tumigil nga kayo." Pagpipigil ni Jin dahil Vice President siya ng klase.
"At baket?" Tanong ni Taehyung. Walang pake si Ma'am kasi nakikitawa lang siya kasama ng mga kaklase ko.
"..because..I rap just like Jay-Z. Sweg." Sabi ni Jin.
"OH MY GAHD! HE RAPS LIKE JAY-Z! FINISH! OH MY GAHD!" Sabi ni Yoongi.
Mamaya na yung performance namin para sa music fest. Ipagdasal na lang natin na maging maayos yung kalalabasan.
Kalalabasan? Hehe.
****
"Magbihis na kayo, Jimin at Kyuri." Biglang singit ni Ma'am Shin habang nagkaklase. Pinapababa na rin yung mga estudyante para makanood sila ng music fest.
Nagmadali akong pumunta ng cr at nagpalit.
"Ano? Aasa ka na naman? Eh wala ka namang pag-asa kay Jungkook eh!"
"Masama ba? Minsan na nga lang akong magkagusto sa lalake eh."
"Bakit, sa babae ka ba nagkakagusto? Tsk tsk sabi na nga ba tibo ka eh, crush mo talaga ako."
"ALAM MO PAKYU."
Nagulat na lang ako sa dalawang babaeng naguusap habang nasa loob ako ng cubicle.
OMG MAY NAGKAKAGUSTO SA KUYA KO, ISA ITONG HIMALA!
Akalain mo yun, may nagkagusto sa kuya kong wala namang ibang inatupag kung hindi pagpantasyahan si GD at suminghot ng polusyon?
"JEON KYURI!"
"AY KAMBING, TEKA LANG PO MA'AM."
"Jeon?"
"BABAE NA SI JUNGKOOK?!"
"Gaga, wag mo sabihing..si Kyuri yun."
Lumabas ako ng cubicle pagkatapos kong magbihis, nakita ko sila Jessica at Angela sa labas.
Shet.
"H-Hi Kyuri."
"Uy, hello. Ah sige mauna na ako." Tumakbo ako palabas kasi baka kami na yung magpeperform.
"PUTANGINA JESSICA LAGOT KA SA AKIN!" Rinig kong sigaw ni Angela.
Nakita ko kaagad si Ma'am Shin, hawak yung braso ni Jimin at hinihila niya kung saan saan. Hinahanap ata nila ako.
"Kyuri! There you are!"
"Yes, this is me. The real me. #ProudToBeMe." Pagbibiro ko.
"Halika na, malapit na kayo magperform." Nagkatinginan kami ni Jimin.
Hindi ko naman maidedeny na ang gwapo niya habang suot 'yang black t-shirt niya, nakataas pa yung buhok.
Buhok po saan?
"Hoy, matutunaw yang partner mo." Pagpitik sa akin ni Ma'am.
Ipinila kami ni Ma'am sa gilid ng stage. Isa na lang ang magpeperform, kami na ang sunod.
"From 10 - Our Lady Of Guadalupe, Kim Minseok and Park Keri!"
(HAHAHAHA GAGO OTOR)
Shet, kami na sunod.
Tinignan ko si Jimin at napako naman ako nung nakita kong nakatingin din siya sa akin.
Sobrang tagal naming nagtitigan. Napabalikwas na lang ako sa kinatatayuan ko noong nagsalita ulit yung MC.
"From 10 - Our Lady Of Lourdes.."
"Kyuri.."
Napatingin ako kay Jimin.
"..Park Jimin and Jeon Kyuri!"
"I'm sorry."
****
Sorry sorry sorry sorry~
SOBRANG LATE NG UPDATE KASI PO BUSY PO AKO SA SCHOOL LALO NA'T SPORTSFEST WEEK NA PO, SANA PO MAINTINDIHAN NIYO. :)
I have a new book! Read "jimen's diry". humor lang siya sana po suportahan niyo! :D
Vote, comment and be a fan!
weh otor dami mong alam pwe
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top