xi

Kyuri's POV

Ngayon ang start ng practice para sa lecheng music fest na yan. Nakakaimbyerna. Iniiwasan ko na nga si Jimin para ano eh..baka mawala ulit yung feelings ko, ganun.

"Mr. Park and Ms. Jeon, tinatawag kayo ni Ms. Shin sa labas ng classroom." Na-istorbo ang klase dahil sa sinabi ng teacher. Tumayo naman kami ni Jimin at lumabas.

Lumabas? Mas masarap kung papasok.

"Jimin at Kyuri, anong plano niyong kantahin?"

"Ahm, wala pa po kaming napag-uusapan at napagpaplanuhan." Sagot ni Jimin.

"Next week na yun, may nahanap akong kanta kahapon. Ano tawag dun ah.." inaalala ni Ma'am kung ano yung kanta.

"Ah ano..Paper Hearts."

Paper..Hearts. Tangina.

Napangiti naman si Jimin. "Alam niyo ba yun?" Tanong ni Ma'am sa amin.

"Oo naman Ma'am, alam na alam namin ni Kyuri yun, diba?" Namula naman ako at tumango na lang.

"Oh, yun pala eh. Perfect! Oh tara, magpractice tayo sa baba at pinagpaalam ko na kayo sa teacher niyo."

"Yak Ma'am, magppractice po ng ano?"

"Leche tong batang to!" Binatukan ni Ma'am si Jimin. Pumunta na lang kami sa baba, sa may conference room.

Pagkadating namin dun, nandun yung gitara at may dalawang matatangkad na upuan.

"Buti pa yung upuan matangkad, anyare sayo?" Pangasar ko kay Jimin. Tumawa na lang siya. Nasanay na sigurong lagi kong inaasar.

"Kayo, uupo kayo diyan sa upuan. Malamang, kaya nga upuan eh." Umupo na kami at kinuha ko yung gitara ko.

Ano nga chords nun..

Tinignan kami ni Ma'am na parang sinusuri. "Hmm, ipagharap niyo nga yung upuan niyo."

"P-po?"

"Siguro mas maganda kung ano..magkaharap kayo." Sinunod na lang namin kung ano yung sinabi ni Ma'am. Nakakadeputa naman.

(Kung hindi niyo pa napapakinggan, listen to 'Paper Hearts' yung cover ni Jungkook. Doon kasi, gitara lang (ata) yung gamit at si Jungkook lang yung kumakanta. Pero merong mga sumasabay, pero si Jungkook pa din yun. Just imagine na yung kumakanta, si Jimin, at yung sumasabay ay si Kyuri.)

"Sige nga i-play mo, alam mo ba yung chords?"

"Wait, Ma'am, inaalala ko pa." Tinugtog ko at paunti-unti, eh naaalala ko na.

"Galing ah." Tumawa na lang ako sa pagpuri sa akin ni Ma'am.

"Sige sa ngayon, aayusin muna natin yung isusuot niyo, yung mga banners na igagawa ng mga kaklase niyo saka ano..yung position niyo."

"YAK MA'AM ANONG POSITION--JOKE LANG!" Tinigil ni Jimin yung sasabihin niya nung tinanggal ni Ma'am Shin yung sapatos niya at aakmahing babatuhin kay Jimin.

"Ikaw Jimin, siguro kahit jeans na maayos, saka..teka..ano kaya pwede mong ipangtaas?"

Tumingin lang kami sa kanya habang nagiisip siya. "Eh basta yung maayos, magdala ka ng damit mo bukas at pipiliin natin kung anong babagay." Tumango tango naman si Jimin. "Ikaw naman Kyuri, hm..may skirt ka ba or dress?"

"Meron naman po."

"Sige mag-skirt ka."

"Ma'am.." Singit ni Jimin. Ew yak, singit ni Jimin? Bakit nakita mo na?

"Anong problema mo?"

"Tss wala.." Napabusangot siya. Luh, anong problema nito.

"Sige bukas na tayo magpractice at may klase pa ako. Ikaw din pala Kyuri, magdala ka ng damit bukas. Ha? Sige bumalik na kayo."

Paglabas namin ng pinto..

"Mag-skirt ka pero wag maiksi." Bulong sa akin ni Jimin bago siya tumakbo at nanguna sa classroom.

****

"Ikalma mo nga yang ilong mo kahit ngayon lang. Lagi kang bad vibes, nakakaimbyerna." Sabi ni Ella sa akin. Ngayon, kaming apat nila Hoseok, Ella at Jin ang magkakasama kasi si Jin ang manlilibre. Oh, diba?

"Saan tayo kakain?" Tanong ni Hoseok.

"Sa bukid, madaming damo doon." Pambabara ko.

Inirapan niya lang ako. "Pero yung totoo, saan nga?"

"Sa bukid nga."

"Dito na lang oh!" Turo ni Ella sa isang karinderya.

"Ew, cheap mo!" Nag-roll eyes si Jin.

"Sabi kasi sa akin ni Yoongi, masarap daw mga pagkain diyan." Sabi ni Ella na kinagulat naman naming lahat.

"Paano mo naman nalaman?" Tanong ko.

"Eh kasi ano..ahm.."

"IKAW ELLA HA, NAGLILIHIM NA SA AMIN!" Nagkunwari pang tampo si Jin. Si Hoseok naman umarteng nasaktan kasi daw may iba na si Ella.

"Eh..baka magalit si Kyuri--"

"YAN MAGAGALIT? HAHAHAHA! MAY IBA NG GUSTO YAN WAG KANG MAG-ALALA." Sinigaw pa ni Jin sa pagmumukha namin.

"Weh?! S-Sino?!" Sabay pang tanong ni Ella at Hoseok.

Nagkatinginan lang kami at nanlaki yung mata ni Jin.

"A-ayun oh..m-may kasamang babae?" May nginuso si Jin sa kabilang sidewalk at nakita ko..si Jimin at si..Eunji. Magkasama.

"Buhay pa pala yang pesteng yan. Dapat pala nagdala ako ng pangspray." Bitter na bitter na sabi ni Ella.

"Mas maganda naman ako." Pokerface na sabi ni Jin.

"Gagu din tong si Jimin eh." Dagdag ni Hoseok.

Ako? Ayun, nakatulala.

"A-ah..tara na, hayaan niyo na sila."

****

"Mr. Park and Ms. Jeon, excused ulit kayo."

Habang papunta kaming conference room, hindi ko mapigilang mapatingin kay Jimin.

Ayan kase..sabi sa'yo wag ng mahulog.

"Ay eto, maganda tong shirt. Bagay sayo Jimin." Sinusuri ni Ma'am yung dala naming damit.

"Sige nga, parinig nga nung..ano..kanta. Dali kasi may klase pa ako."

Strinum ko yung gitara at sinimulan na ng kumanta si Jimin, hanggang sa natapos. Nagulat na lang kami nung pumalakpak si Ma'am Shin.

"Ang galing ah! Parang sanay na kayong kantahin." Namula na lang ako.

"Ma'am Shin? Hinahanap na po kayo ng president po ng 10 - St. Our Lady Of Fatima. Kayo na daw po yung next teacher."

"Ay anong oras na ba. Oo nga pala..ahm..kayong dalawa, magpractice lang kayo dito ha? Tutal excused kayo. Tapos mamayang lunch, bumalik na kayo."

Umalis na si Ma'am. Kaming dalawa ang naiwan.

"S-sige..f-from the start."
Tinitigan ko yung gitara ko at tumingin sa kanya, nakatingin din siya sa akin.

Ang awkward, parang buhay ni Jin.

Nagstrum na ulit ako, pero nagkamali ako.

"Ay sorry."

"Parang dati, pinagmamayabang mo pa sa akin na mas nauna mong natutununang itugtog yan--"

"Tumahimik ka."

Tumawa lang siya. Nagstrum ulit ako.

"Remember the way you made me feel..such young love but something in my head knew it was real, frozen in my head."

Hindi ako makatingin sa kanya, kasi alam kong nakatingin siya sa akin.

"Jimin! Alam ko na tugtugin yung Paper Hearts! Bleh!"

"Weh? Ang hirap kaya!"

"Mas magaling kasi ako sayo."

"Sige nga itugtog mo, kakantahin ko."

Tinugtog ko yung gitara at kumanta siya.

"Ang galing ko nga maggitara pero mas magaling ka naman kumanta." Sabi ko pagkatapos niyang kumanta.

"Ganun talaga para fair, hahahaha! Halika nga dito! Ang cute mo, nakakagigil!"

"Pwe! Wag mo nga akong tawaging cute! Maganda ako, ok?"

"K."

Kinurot ko siya sa tagiliran. "Oo na, maganda ka na! Kaya nga kita nagustuhan eh..yieee! Kilig siya!"

"Ulul mo, lumayas ka na nga dito!"

Habang nagtutugtog ako, naalala ko yung dati. Nagulat na lang ako nung naging blur na yung paningin ko, naiiyak na pala ako.

"S-sorry, mag-c-cr lang ako." Binaba ko yung gitara at tumakbo palabas pero hinawakan ako ni Jimin sa braso.

"Bakit ka umiiyak?" Pinunasan ko yung luha ko. "W-wala.."

"May problema ka ba?"

"W-wala nga sabi eh."

"Kyuri, ano bang problema mo?"

"Bitiwan mo muna ako."

"Kyuri--"

"JIMIN ANO BA!"

"Hindi kita bibitiwan hangga't hindi mo sinasabi sa akin kung anong problema."

"Gusto mo ba talaga malaman?"

Tinignan niya lang ako.

"Gusto mo malaman?"

"Kyuri--"

"GANUN KA BA KAMANHID NA HINDI MO MAN LANG NARARAMDAMAN NA NAGUGUSTUHAN NA ULIT KITA?"

Lumuwag yung hawak niya sa braso ko, pinunasan ko yung luha ko. "Akala ko..akala ko hindi na ako mahuhulog eh, kasalanan ko bang lampa ako?"

"At alam mo kung anong mas masakit?" Pumiyok na ako't lahat lahat pero wala akong pake. "Y-yung..alam mong hindi ka naman gusto ng taong gusto mo?"

"Kyuri, gusto kita. Gustong gusto kita--"

"Pwede ba, Jimin? Ayoko na. Pagod na ako sa mga kwento mo."

"Bakit ba ayaw mo akong paniwalaan?"

"Kasi nahulog na ako dati, sinalo mo din ako..pero binitiwan mo ako sa huli."

"Hindi na ulit mangyayari yun.." Hinawakan niya yung pisngi ko at pinunasan yung luha ko, at nagulat naman ako sa sunod niyang ginawa.

Hinalikan niya ako sa labi.

Binitiwan niya ako at tinignan ako sa mga mata ko at saka sinabing..

"Kasi mas hihigpitan ko ang hawak ko at hindi ko hahayaang mabitiwan at mapakawalan ka pa."

****

Ganito ang mga nasusulat ko kapag 2:30 AM ng umaga pero may pasok ka bukas at naisipan mong wag na lang matulog tutal natulog ka naman kaninang hapon.

Ang daming hugot noh? Ewan ko nga kung saan ko yan nakukuha. 1:00 AM na kanina tapos sabi ko "Matulog ka na nga." Pero puro hugot lines yung pumapasok sa isip ko kaya sinulat ko na lang.

Anyways, double update tutal may pasok na at baka bumagal ang update. Yipee, huhu labyu guyseu

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top