x
Jimin's POV
"Tangina isugod na natin sa mental."
"Jimin."
"Ano bang nangyayari dito?"
"Munggago kasi yang unano na yan, nakangiti mag-isa."
Hinayaan ko na lang sila doong pagusapan ako at tumingin na lang ulit sa bintana habang hinihintay yung next teacher kasi ang gwapo ko.
Ang saya ko lang.
Hindi naman ako ganun katanga at ka-slow para hindi ma-gets yung sinabi ni Kyuri nung birthday ni Taehyung.
Pagkatapos nun, tinawag kaming dalawa ni Jungkook kung sasabay ba daw kami sa van nila Jin. Syempre um-oo kami. Kaming lahat tuloy eh nasa loob ng van umuwi. Kasya naman kaming lahat sa van, yung van kasi eh..
Malaki. :---)
"Oh masamang espiritu, lubayan mo si Jimin!" Biglang may naghampas sa akin ng papel kaya napamura ako. Leche tong si Jungkook. Pasalamat to, mahal ko to.
Gago, ang landi mo.
"NANDYAN NA SI MA'AM!!" At wala pang isang segundo ay nagkagulo sa buong classroom at bumalik na ang mga estudyante sa tama nilang upuan.
Ay patay ka, Math pala next subject.
Ay patay ka part 2, may quiz ngayon tapos hindi ka nag-aral.
"Good Morning."
"Good Morning Ms. Bubs. Pfft.." Muntik na naman kaming matawa sa apelyido ni Ma'am. Sus, parang di na kami nasanay.
"Bring out 1/4 sheet of paper. We'll be having our Quiz #3 this morning. Don't worry, it's just a 10-item quiz."
"HOI KYURI PENGENG WAMPORT!" Narinig ko si Ella at tinignan naman sila. Nangirap na naman si Kyuri bago bigyan si Ella.
"KYURI MAY EXTRA KANG BALLPEN?" Tanong naman ni Hoseok na malapit sa upuan ni Kyuri.
"Meron, panda."
"Pfft..si Tao..I mean..wala ka bang G-tech?"
"Wow susyal! Manghihiram na nga lang G-tech pa! Eh kung ipangsulat mo na lang kaya yang baba mo tutal matulis naman?"
"Sabi ko nga yung panda na lang eh."
"KYURI!"
"ANO NA NAMAN? GAGAWIN NIYO BA AKONG NATIONAL BOOK STORE DITO?" Pasigaw pero pabulong niyang sabi, luh ano daw?
"Eto naman, pahiram lang ng pulbos. Hehe."
"O isaksak mo sa baga mo." Binato ni Kyuri kay Jin yung pulbos.
Ang cute niya mainis.
Cute? Oo, cute.
"Park Jimin, ano wala ka bang papel?" Nagulat ako ng bigla akong tawagin ni Ma'am. Kanina pa pala ako nakatitig kay nila Kyuri. Nanghingi na lang din ako ng 1/4.
****
"Oi, Jimin, mukhang mataas score mo ah? Nakangiti ka eh."
"0/10." Sabi ko habang nakangiti.
"Luh, nabuang ka na nga." Sabi ni Namjoon at nilayuan ako. Next subject na pero good vibes pa din ako.
"NANDYAN NA SI MA'AM!"
Pagkatapos ng isang minuto..
"Asan? WALA NAMAN EH! GAGO TONG SI LAY!"
"HEHEHE!"
Linapitan ko na lang si Kyuri tutal wala pa namang teacher.
"Umalis ka nga naalibadbaran ako sa height at pagmumukha mo."
Ngumisi lang ako. "Gusto mo naman."
"ABA GAG--"
"ANDYAN NA SI MA'AM! PRAMIS!"
Tumahimik ang lahat ng pumasok..pfft pumasok..si Ms. Shin, ang adviser namin.
Shin diba mahaba yung ganun ni Hoseok.
YAK ANONG MAHABA NI HOSEOK?! Yung chin kasi, wag nga kayo.
"Magandang Umaga."
"MAS MAGANDA KA PA SA UMAGA MA'AM HEHE!"
Si Ma'am kasi, kasing-age lang namin at di mapagkakaila na maganda nga siya at makinis.
"Ulul, bola ka na nga, bolero ka pa, tumahimik ka nga Ralph!" Tumawa lang kami at pati na rin si Ralph.
Ganyan si Ma'am, cool. Kaya peyborit namin to eh.
"Oi, anong plano niyo sa buhay. Next week na yung music fest, ano tayo nganga?" Tumawa naman kami ng bahagya sa sinabi ni Ma'am.
"MA'AM SI RALPH DAW PO SASALI SA EATING CONTEST!"
"MUSIC FEST YON WAG KAYONG TANGA." Napatawa naman yung buong klase sa pagbara ni Ms. Shin.
"Eh Ma'am, plano namin si Choa yung kakanta kaya lang napaos daw."
"Ay ikaw Choa ah, bakit ka napaos..tsk tsk."
"MA'AM!" Piyok ni Choa.
"Di bale, magfocus tayo doon sa duo. Isang babae at isang lalaki yon. Ano, si Jimin ulit? Siya na last year ah!"
Napatingin naman sa akin lahat. Luh, gwapo ko talaga.
"Aba, pandak, bat ka nakangiti?"
Pasalamat tong si Ma'am at peryborit ko tong teacher kung hindi nakotongan ko na to.
"Wala po Ma'am, hehehe."
"Ano, payag ka ba, Jimin? Ikaw ulit kakanta? Sige na para manalo naman tayo!"
"Eh Ma'am--"
"Sasali ka sa ayaw at gusto mo."
"MA'AM PINAPILI NIYO PA AKO!"
Binato niya sa akin yung eraser ng blackboard. Aray ko ha.
"HEADSHOT!" Sigaw ni Youngjae. Gague to.
"ANONG HEAD?" Sigaw si Junior. Tutal kapangalan niya naman yung head na tinutukoy niya.
"Sige na Ma'am." Pumayag na lang ako. Kaya ko yan, ako pa? Tsk. I can I can me that.
I can I can me that. Translation: Kayang kaya ko yon.
"Sino gusto maging partner ni Jimin? Oh yung may mga crush kay Jimin diyan, chance niyo na!"
Agad namang nag-YIEE yung klase. Luh mga tigang.
"Ikaw Kyuri, i-try mo kaya?"
"P-po?"
"Sorry, Duterte ako. Hehe."
"MA'AM PO KASI HINDI POE!"
"Ay ganun ba, ang sabi ko ikaw na lang kaya partner nitong unano na to, tutal marunong ka mag-gitara."
"Ma'am di ako marunong kumanta."
"Lahat tayo marunong kumanta, yung iba nga lang hindi magaling, gaya mo. AY DEJOKE LANG AHAHAHA. Kaya mo yan, maghaharmonize ka lang sa boses ni Jimin."
Harmonize yung boses naming dalawa?! Omg! Hay ang dumi talaga ng utak ko. Di bale ipapacarwash ko mamaya.
"Ma'am--"
"Papayag ka o papayag ka."
"MA'AM PINAPILI NIYO PA AKO--"
"Oi yan din sinabi ni Jimin ha. Kayo ha.."
"YIEEEEEEE!"
Napangisi naman ako. Naks.
"Tss. Oo na."
"YES MABUHAY ANG PILIPINAS PRAISE THE LORD." Sigaw ni Ma'am Shin.
"Oh sino sa individual?"
Pasimple kong tinignan si Kyuri, nakatingin din pala siya sa akin. Agad naman siyang umiwas ng tingin.
Kyuri's POV
"NAKAKABANAS KAYA!"
"Oh, eh anong problema mo dun. Parang kakanta lang kayong dalawa."
Kasalukuyang nasa McDo kami ni Jin, 4:30 na at uwian na kaninang 4:00 pa. Kaming dalawa lang kasi hindi kaya ng budget ko. Libre ko daw siya tutal daw kasi birthday niya last month. Daming alam.
"Eh Jin! Si Jimin yun!"
"Oh, ano ngayon kung si Jimin yun?" sabi niya sabay kagat sa chicken at uminom ng coke.
Hindi ako nakasagot, nakahawak lang ako sa kutsara't tinidor at nakatingin sa labas.
"Ikaw, Kyuri umamin ka nga sa akin." Sabi niya pagkatapos lunukin yung kinain niya.
"Ano na naman?"
"Nagugustuhan mo na ba ulit si Jimin?"
"H-Hindi." Sabi ko at tumingin sa labas.
Pinitik niya naman ako sa noo kaya napasigaw ako. "ARAY!"
"Gaga ka din eh noh? Magsisinungaling ka na nga lang, sa akin pa! Oh ano, gusto mo na ulit siya noh?"
Huminga muna ako ng malalim at binitiwan yung kutsara't tinidor. Uminom muna ako ng Coke bago ako magsalita ulit.
"Alam mo Jin, gago ka din."
"Luh dinamay mo pa ako?"
"KASI ALAM MO NA NAMAN PALA YUNG SAGOT SA TANONG MO, TATANUNGIN MO PA AKO."
"So, gusto mo nga?"
"Paulit ulit, tss!" Napakamot ako sa ulo ko at kumain na lang ulit.
"Sabihin mo kasi para malinaw!"
"Oo, gusto ko siya. Okay na?"
****
May pasok na so..mababagalan ang updates. Aw. :(
Spoiler for next chapter:
"Kyuri, ano bang problema mo?"
"Bitiwan mo muna ako."
"Kyuri--"
"JIMIN ANO BA!"
"Hindi kita bibitawan hangga't hindi mo sinasabi sa akin kung anong problema."
"Gusto mo ba talaga malaman?"
Tinignan niya lang ako.
"Gusto mo malaman?"
Omg wat is dat huehue bye
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top