special chapter iii
Kyuri's POV
"OY GRABE 'TOH! DI NAGKKWENTO INSERT SAD FACE!" Sigaw ni Ella, kahit kailan ang ingay nito.
Kasalukuyan kaming nasa bagong restaurant na pagmamay-ari ng nag-iisang Kim Namjoon.
"Masakit ba?" Muntik na akong mabilaukan sa sarili kong laway sa tanong ni Hoseok.
"Malamang, masakit 'yun. Virgin pa dati 'yang si Kyuri, hindi lang halata." Sabi ni Namjoon.
"Tangina mo, multuhin ka sana ni Jin." Irap ko sa kanya at kumain ng chocolate.
"Kyuri nakadalawang bag ka na ng chocolate, baka mangitim 'yang anak mo." Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Jungkook.
"Anong anak? Gago, di ako bunti--" Napahawak ako sa bibig ko ng bigla akong naduwal.
Lahat sila nakatingin sa akin, para silang kwago, nakakatakot.
Agad agad akong tumakbo papuntang CR para sumuka. Putangina!? Panis ata 'tong chocolate!
Pagkabalik ko, lahat sila naka-upo ng maayos na parang inaantay ako.
"Buntis ka?"
Nanlaki naman ang mata ko.
"Eh, tignan mo. March 9, 2017 pa yung expiration date neto o." Turo ni Taehyung sa chocolate na kinakain ko kanina.
"TANGINA SINO BA NAGBIGAY NIYAN SA'KIN HAH?"
"Oo nga sino!" Tumayo si Yoongi at umaktong galit.
"Ikaw nagbigay niyan, shunga."
"Ay ako ba." Agad naman siyang umupo at nagkamot ng ulo.
"Kyuri, dalhin ka namin sa ospital. Namumutla ka eh." Sabi naman ni Namjoon.
"Tangina asan ba yung asawa mo?" Sabi ni Ella na tumayo para tawagin ata si Jimin.
Hehe, kinikilig ako dun sa "asawa mo" hehehehe.
"Okay lang ako, mga shunga." Sabi ko at umupo. Pero puta, feeling ko nakabaliktad tong restaurant ni Namjoon. Nahihilo ako. Tangina nasa bubong ba ako? Ako na ba si Spiderman?
"Kyuri? Kyuri?"
Biglang hindi ko maintindihan kung ano yung sinasabi nung kung sino man yung kumakausap sa akin.
"KYURI!" Bigla naman akong nakaramdam ng hilo at natumba.
Biglang nakita ko si Jongin--este biglang nandilim yung paningin ko.
(ui joke lang labyu kai)
Jimin's POV
"Thank you!" Umupo muna ako saglit sa upuan at huminga ng malalim.
"Sir are you okay? Hehe do you want me--este medicine? Sir--"
"I'm okay. Go back to work."
"Okay po sir. Sunget, third day mo? Hmp." Inirapan ko yung worker na yun at huminga ulit.
I, Park Jimin, am the owner of the JK Burgers. Pinagsamang initials namin ni Kyuri. Actually Jungkook talaga ibig sabihin nun, hihi, joke lang.
Hindi ko maiwasang malungkot because damn, I miss my wife so much. Alam kong gabi gabi naman kaming nagkikita pero kahit na. I want to spend my time with her.
"Hay, putangina, Kyuri." Sabi ko, bigla namang nag-ring yung cellphone ko.
k4bet qUoh calling..
"Yoongi?"
"PARE SI KYURI SINUGOD NAMIN SA OSPITAL!"
"HA?!"
"SABI KO SI KYURI SINUGOD NAMIN SA OSPITAL!"
"ANO?!"
"TANGINA! BINGI KA BA?! SABI KO SINUGOD NAMIN SI KYURI SA OSPITAL! TANGINA CHOPPY BA HAH? PAULET ULET! GINIGIGIL MO SI AKO!?"
"Sorry hyung..s-saang ospital?"
"Sa St. Mark. BILISAN MO HAYOP!"
Agad naman akong kumaripas ng takbo papuntang kotse ko.
"SHIT." Sigaw ko nung mahulog ko yung susi sa sahig. Agad kong pinaandar papunta sa St. Mark.
Tangina, anong nangyare sa asawa ko?! Natae? Sumakit tiyan? Nagnose bleed? Puta!
Tinanong ko agad yung nurse pagkapasok ko,
"Miss, may pasyente po ba dito na si Jeon Kyuri--este..Park Kyuri."
Puta, kinilig ako nung sinabi kong Park Kyuri. UY JIMIN MAMAYA KA NA LUMANDI!
"Room 043 po." Nag-thank you ako at hinanap ang Room 43. Shet. Medyo naduduling ako.
Pagkapasok ko, lahat sila nakatayo at nakapalibot kay Kyuri.
"Kyuri!" Hinawakan ko agad ang kamay niya. "O-Okay ka lang?"
"Malamang hindi, kaya nga ako nasa ospital diba? Mygod, Jimin." Pigil na pigil naman yung tawa ng Bangagtan kaya ko sila inirapan.
"Ano bang nangyari?"
"Nahimatay yang asawa mo. Naamoy ata si Taehyung--ARAY BWI! Wag yung abs ko!" Napahawak si Hoseok sa tiyan niya nung sinuntok ni Taehyung.
"May abs ka? Ulol."
"Oo! Pakita ko pa sa'yo!"
"Sige sige, tara sa banyo, hihi."
"Harot." Nang-irap si Ella, ganun din si Yoongi. Magsama kayo.
"Nakakain ata ng expired na chocolate. Ayan, sisihin mo si Yoongi." Sabi ni Namjoon na nakapamewang pa.
"BAKIT AKO! Nagmamagandang loob na nga ako at nagbigay ng chocolate eh!"
"Okay lang yan guys, at least gwapo pa rin ako." Sabi ni Jungkook kaya kami natahimik. Bigla naman siyang tumawa ng malakas.
Bigla namang may pumasok na doctor at nginitian kami.
"Park Kyuri?" Tumingin si Kyuri sa kanya at ngumiti.
"Congratulations, you're two months pregnant."
"P-PO?!" Sigaw ni Ella, kaya siya binatukan ni Yoongi. "Ikaw pa yung nagulat, ikaw ba yung buntis?"
"Ay sorry, nadala ng emosyon."
Samantalang nakanganga lang si Kyuri.."T-Tangina..b-buntis ako?! Sinong ama?!"
Agad akong tumayo at inirapan siya, tumawa siya ng malakas at niyakap ako agad. "Joke lang, eto naman, iiyak agad. PERO HOI MAGIGING TATAY KA NA!"
"AAAAAAAAAHHHH!" Nung nagsink-in na sa aming lahat kung ano talaga yung nangyayari, nagsigawan kaming lahat.
Umalis agad si Doc, gago naweirdohan ata samin.
Hindi ko ma-explain kung ano yung nararamdaman ko ngayon, baka natatae lang ako, pero alam ko sa sarili kong masaya ako.
Kasi magkakaroon na ako ng sarili kong pamilya, kasama ng asawa ko.
[ 7 months later ]
"Wooooh! Pakingshet! Inet!"
"Babe, wag kang magmura. Maririnig yan ni baby."
"BABY?! SINONG BABY?! SINASABI KO NA NGA BA'T MAY KABIT KANG HAYOP KA! TANGINA MO MAGDIVORCE NA TAYO!" Napairap na lang ako kay Kyuri at huminga ng malalim.
"Oy, Jimin. Patahimikin mo nga 'yang asawa mo kundi ililibing ko 'yan ng buhay." Sabi ni Jungkook na nanonood ng porn--este nagcecellphone.
"Namo, kuya." Inirapan siya ni Kyuri at tinignan yung puntod ni Jin.
Birthday kasi ni Jin ngayon. Syempre, bilang mababait na kaibigan, dinalaw namin siya sa sementeryo. Mahirap na baka multuhin pa kami.
"Jiiiin, mabuhay ka na oh. Ayoko na kay Jimin, please tayo na lang. Tatanggapin kita--Aray ko. Tangina mo." Nag-irapan naman si Ella at Kyuri. Bwiset.
"Kyuri, manganak ka na please. Nababanas na ako sa kaingayan mo eh." Bulong ni Yoongi. "ARAY KO! HOW DARE IS YOU!" Muntik niya ng masapak si Kyuri nung batuhan siya ng tsinelas.
Ako? Ayon. Kumakain ng tahimik. Wala pa kasi akong tulog, binantayan ko si Kyuri. Umiiyak kasi 'yan kagabi kasi nanood ng Phineas And Ferb. Eh wala namang nakakaiyak don. Ewan ko sa kanya.
"Aray ko." Bigla niyang sabi habang hawak yung tiyan niya. Binaba ko naman agad yung plato ko at hinawakan yung tiyan niya. "Okay ka lang? May masakit ba?"
"J-Jimin.."
"HAHAHAHAHA! TAENA SI KYURI UMIHI!" Sabi ni Taehyung at pumalakpak.
"HALA OO NGA NOH! AHAHAHAHA!" Nag-apir si Hoseok at Taehyung at tawang tawa naman sila.
"T-Tangina..y-yung tubigan ni Kyuri! Sh-Shet! NABASAG NA HOY!" Sabi ni Ella at nag-panic.
"A-Aray.."
"Huh? Tangina Kyuri, ba't ka kasi nagtatago ng tubigan diyan sa pempem mo? Hindi naman namin yan iinumin! Nabasag tuloy." Mukhang gagong sabi ni Taehyung. Binatukan siya ni Yoongi.
"TANGINA NIYO MANGANGANAK NA AKO!"
"HAH?!"
"HALA KYURI HINDI AKO DOCTOR!"
"PAPUNTAHIN NIYO DITO YUNG DOCTOR!"
"TANGA! YUNG OSPITAL NA LANG PAPUNTAHIN MO!"
"Ay oo nga, Hoseok. Idol talaga kita."
"TANGINA NIYO DALHIN NIYO AKO SA OSPITAL KUNG AYAW NIYONG MANGANAK AKO DITO!"
Agad ko siyang binuhat at dinala sa van ni Taehyung. Dun kami lahat sumakay papunta dito.
"KYURI WAG MO DUMIHAN YUNG VAN KO!"
"TANGINA MO TAEHYUNG IIWANAN KA NAMIN DITO!" Sabi ni Namjoon na nagmamadaling iligpit yung mga gamit at nagdasal ng taimtim na huwag sana kaming multuhin ni Jin kasi iiwanan namin siya ng biglaan. Nag-I love you pa ata ang gago.
Agad namin siyang dinala sa ospital. Si Ella pinapaypayan si Kyuri. Ako hawak hawak yung kamay niya ng mabuti.
"Ssshh, Kyuri. Malapit na tayo. Onti na lang. Okay? Kaya mo yan. Hah? Nandito lang ako." Hinalikan ko siya sa noo at ngumiti siya sa'kin ng pilit kasi alam kong masakit para sa kanya. Tangina, nainlove ulit ako nung nginitian niya ako.
Pagkadating sa ospital, ako lang yung nakatayo at hindi mapakali.
Tangina, si Taehyung at Hoseok naglalaro ng pogs.
Bigla akong inakbayan ni Yoongi at nginitian ako. "Kumalma ka pare. Magiging okay ang mag-ina mo."
Nginitian ko siya ng bahagya at huminga ng malalim. "S-Salamat, hyung."
Biglang lumabas ang doctor, tumigil sa paglalaro si Taehyung at Hoseok at lahat kami napatayo.
"Sino po ang asawa ni misis?"
"Ako po." Sabi ni Taehyung at saka namin siya binatukan. "Wag ka ngang feeler."
"Ako ho, doc. Kamusta na po yung mag-ina ko?"
"Mr. Park..we didn't expect this to happen but.."
Bigla akong kinabahan. Nanuyot ang lalamunan ko, nagpawis yung buong katawan ko, halos hindi ako makahinga, lahat kami nakatingin kay Doc.
"A-Ano pong nangyari?"
"Mr. Park..kambal po ang magiging anak niyo."
"H-HA?!" Sabi ni Yoongi kaya siya binatukan ni Ella. "Ikaw pa nagulat, ikaw yung ama?"
"Safe na sila. Wag kayong mag-alala. You have two beautiful daughters, Mr. Park. Congratulations."
"WHOOOOOOOO! SHARP SHOOTER!"
"YAN ANG PATUNAY NA ANG MALIIT NAKAKAPUWING PA DIN!"
Wala akong nagawa kundi magpasalamat sa doctor at magbow ng magbow. Pwede na akong maiyak sa sobrang saya.
Pagkatapos ng ilang minuto, pinapasok na kami sa room ni Kyuri. Natutulog siya ngayon, kaya hinawakan ko na lang kamay niya at tinitigan siya. Napangiti naman ako.
"Landi." Inirapan ko si Jungkook at pinakyu siya. "Selos ka lang. Gusto mo siguro ikaw tinititigan ko." Sabi ko sa kanya.
Bigla namang nagising si Kyuri at tinignan ako. "Y-Yung baby ko?"
"Babies natin."
Tinignan niya ako. "B-Babies?"
"Kambal anak natin, babe."
"Oo nga pala. Oo nga pala! SHET! JIMIN! KAMBAL!" Bigla naman siyang naiyak. Ngumiti lang ako hinalikan yung pisngi niya.
"Bat ka umiiyak?"
"Kasi..kasi sexy na ulit ako."
Natawa naman ako ng bahagya. Bigla namang pumasok ang dalawang nurse hawak ang dalawang bata.
Bigla akong natigilan nung ibinigay sa akin yung isa, at yung isa kay Kyuri. Yung Bangagtan naman lumapit din at tinignan sila habang nakangiti.
"Uy ganda oh. Parang ako." Sabi ni Ella.
"Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng Espiritu Santo, Amen. Lord, sana po hindi maging pandak ang kambal ni Jimin. Amen."
Pero hindi ko sila pinansin. Tanging yung mag-ina ko lang yung tinititigan ko ngayon. Bigla namang ngumiti yung baby na hawak ko. Napangiti ako pabalik.
"Mr. and Mrs. Park, ano pong mga pangalan ng kambal?"
"Hyejin saka Hyeri."
"Ayaw niyo Taehyung at Jungkook. Lapitin ng mga chicks yan."
"Gago, mga babae yan."
"Hyejin at Hyeri." Nginitian ko sila. "Etong hawak ko, si Hyejin. Yung hawak ng asawa ko, si Hyeri."
"YEHEEEEEY!" Sigaw nila.
Napangiti ako ng malaki. Hinalikan ko ng matagal si Kyuri sa labi at nginitian din siya. Hindi ko talaga maeexplain kung gaano ako kasaya ngayon.
As an excited father--joke. Syempre, naeexcite ako. Tatay na ako!
Welcome to the world, Park Hyejin and Park Hyeri.
***
Dahil birthday ko nung April 3, regalo ko to sa inyo. AHAHA.
Last special chapter na to. Pero ulol, may next chapter pa. Last na yon. Abangan niyo 😉
Labyu all!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top