ix
Kyuri's POV
Teka, yung puso ko pakipulot. Nalaglag na ata. Wala na ata akong marinig na iba kung hindi yung tibok lang ng puso ko.
"Sorry talaga." Sinabi ni Jimin pero hindi pa rin kumakalas sa yakap. Ako naman, natameme.
Kingina mas matangkad pa sa akin yung bansot, edi ako na maliit. Di bale sa New Year tatalon talaga ako ng tatalon.
"A-ah ano..okay..a-ano k-kasi.." Nakahinga naman ako ng maluwag nung kumalas na siya sa yakap.
Ano po yung maluwag hehe
"Kyuri, hindi lang yun yung gusto kong sabihin eh."
"Ano pa?"
Dali na Jimin, naiihi na ako.
"K-Kyuri..ahm.."
Dapat pala nagsuot ako ng diaper, naiihi na talaga ako.
"Kyuri, gusto k--"
"PUKE MONG MABAHO! Tangina mo Taehyung! Nagtatago tayo dito tapos sasampalin mo na lang ako bigla?"
"Kinikilig ako eh."
"Wag kayong maingay! Maririnig nila tayo."
Nakatingin lang kaming dalawa sa kanila. Nagkatinginan kaming lahat.
"Sige, ituloy niyo lang. Manonood lang kami." Sabay ngiti ni Yoongi. And at last I see the light~
Nakatingin lang kami ni Jimin sa kanilang nagtatago sa likod ng gate.
"Ano? Kunwari wala kami dito, dali na." Sabi ni Jungkook.
"Uy alam niyo ba nagtatago kami para marinig namin pinaguusapan niyo? Hehe." Sabi ni Taehyung.
"DALI NA ITULOY NIYO NA HINDI NIYO NAMAN KAMI MAKIKITA." Sabi ni Namjoon.
"Talagang hindi ka makikita." Sabi ni Hoseok.
"PUTA KA."
"EH SA LAKI BA NAMAN NG ILONG NI JUNGKOOK, PAANO TAYO HINDI MAKIKITA DITO?"
"BAKIT AKO?"
"SSSHHH! MARIRINIG NILA TAYO!" Sabi ni Taehyung.
"Ah, Jimin, ano ulit yung sasabihin mo?" Hinayaan ko na lang yung mga tigang na yun.
"A-ah ano..g-gusto ko ng ice cream."
"Ice cream?"
Tumango lang siya.
"Anong flavor? Cherrifer flavor? HAHAHAHAHAHAHA!" Naghagalpak naman sa tawa yung mga lalake sa sinabi ni Jungkook. Gago talaga.
"Meron bang Jungkook flavor? Hihihi." Binatukan ko nga si Jimin sa sinabi niya. Landi.
"Edi bumili ka. Bakit mo pa sinasabi sa akin?"
"A-ah..samahan mo ko bumili."
"Wag na, kaya mo na yan, malaki ka na."
Napatigil naman ako. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.
Ano pong ulo, hehe.
"Ay, hindi pa pala. HAHAHAHAHAHA!" Tawang tawa kami sa sinabi ko, si Jimin naman napasimangot.
"EDI WAG, TSS."
****
Isang buwan na ang nakalipas, andaming nagbago maliban sa pandak pa din si Jimin.
Hindi naman ganoon kadami, I mean..mas naging close yung tropa ko sa tropa ni Junggago. Napagdesisyunan din nila na gawin na lang na isang barkada yun. Galing diba? Thanks to Jin and his love for Namjoon. Hehe.
Nakapagmove on na si Yoongi. Syempre masaya ako para sa kanya. May chance na ako, hihihi. Luh, landi mo tumahimik ka nga.
"Kyuri, paabot nung kutsilyo."
"Bakit?"
"Ipangsasaksak ko sayo."
Inirapan ko lang si Jin.
"De biro lang, syempre ipanghahati ko."
Nasa bahay kami ni Taehyung kasama yung buong tropa. Maliban pala kay Taehyung, Yoongi at Namjoon. Birthday kasi ni Taehyung at balak naming isuprise.
At dahil si Jin lang naman ang marunong magluto dito, siya na yung chef.
"Oi, bumili na kayo ng cake." Utos ni Jin.
"Opo Sir."
"ANONG SIR?!"
"Ay sorry." Sabi ni Jimin.
"Gusto ko..Madam."
"Aba, bumigay ka na ba?" Tanong ko.
"Joke lang ulit. Ikaw, Kyuri para may silbi ka naman sa mundo eh ikaw na bumili ng cake."
"Wala akong pera."
"Humingi ka kay Suho."
"Sino yun?"
"Joke lang, eto cash." Sinalpak niya sa mukha yung wallet niyang kulay pink.
"Jimin, samahan mo. Baka masagasaan, tanga pa naman." Pinakyu ko na lang si Jin.
****
"Goldilocks o Red Ribbon?" Tanong ko kay Jimin habang nasa loob kami ng jeep.
Syempre sa loob, magtaka ka kung sa tambutso kami nakasakay.
"Goldilocks."
"Sige sige." Pumara kami sa tapat ng Goldilocks.
"ARAY!" Sabi ni Jimin kaya napatingin ako. Akala niya walang pinto, ayan nauntog.
"Mhm, tanga." Pinitik ko siya sa noo. "Andito yung nakabukas oh." Turo ko sa kabilang pinto.
Hinimas (lol) niya yung noo niya kaya tinanggal ko yung kamay niya at tinignan yung noo niya. Namumula.
"Tsk tsk tsk, ako ba yung tanga o ikaw?" Sabi ko at hinilot yung noo niya. Naalala ko kasi yung sinabi ni Jin kanina na magingat ako kasi tanga ako.
"Ako." Pagamin niya.
"Buti alam mo."
"Pinakawalan pa kasi kita dati eh." Sabi niya habang nakatitig sa mata ko. Napatigil naman ako sa paghilot sa noo niya.
"T-tara na nga." Pumasok na ako sa loob. Magtaka ka kung papasok kami sa labas. :--)
Pumili na kami ng cake. Tinignan namin yung mga nakadisplay doon.
"Eto oh." Suggest ni Jimin at tinuro ang isang wedding cake.
"Kung hindi ka tanga, bobo ka naman. Birthday yon. Sino naman ikakasal?"
"Tayo."
Dugdug. Dugdug. Dugdug.
Hayop ka puso, kumalma ka, pakyu.
"U-ulul." Napaiwas na lang ulit ako ng tingin.
"Eto oh, kakulay ni Sir Kai. HAHAHAHAHAHA!" Napatawa tuloy ako ng malakas sa sinabi ni Jimin. Gago kasi, tinuro niya yung Black Forest cake.
"GAGU!" Halos mangiyak ngiyak na ako sa kakatawa.
"Kilala mo sino kapatid ni Sir Kai?"
"Sino?" Habang pinupunasan yung luha ko sa kakatawa.
"Si Andy Lim. HAHAHAHAHA! Meron pang isa, si Kenneth Sy. HAHAHAHAHAHAHA!"
( © Ella )
"TANGINA HAHAHAHAHA!"
"Baby, lumayo ka sa mga taong ganyan ha." Narinig namin sabi ng isang nanay na kinakausap yung anak niya.
Pumili na kami ng cake at sumakay na ng jeep. Nagkatinginan kami ni Jimin at tumawa na naman ng malakas. Naalala na naman namin yung kanina.
"Yung totoo, ilang katol?" Bulong ng isang babae sa kaibigan niya, pero narinig pa rin namin.
"Tumahimik ka nga, relationship goals kaya sila." Sabi ng isa kaya napatigil ako.
"Ay ate, hindi po kami--"
"Hindi po kami nakakatol, pagpasensyahan niyo na kami ng girlfriend ko ah?" Sabay hawak ni Jimin sa bewang ko.
"AY ANG CUTE!" Sabi ng babae.
Pinandilatan ko naman ng mata si Jimin. Nginitian niya lang ako, nawala tuloy yung mata niya.
Ang..ang..cute.
"Para." Bumaba na kami at pumasok na sa loob ng bahay nila Taehyung. Buti nga wala dito yung magulang niya at nagout of town daw. Ok lang naman kay Taehyung yun.
"DALI KYURI AT JIMIN PADATING NA SILA!" Sigaw ni Ella. Ang ingay nitong babaeng to.
Agad naman kaming nagtago ng may nagdoorbell. Syempre suprise.
Nakita namin si Yoongi at Namjoon na nauna ng umakyat at nagtago na din.
"Hello? Hello?" Munggago si Taehyung akala mo first time makapunta dito samantalang bahay niya dito.
"Anybody home?"
WOW ENGLISH I IS PROUD OF HIS.
"HAPPY BIRTHDAY TAEHYUNG!"
Nagpasabog si Hoseok at Jungkook ng confetti at nagpalakpakan kaming lahat.
"YEHEY!!" Pumalakpak si Taehyung. Munggago. "Teka, sinong may birthday? Ah, ako!" Nagtatatalon naman siya sa tuwa.
Wow. Taehyung, kailan ka ba talaga tatanda?
****
"Thanks you guys for these. I is very gooder. I is heppy. Why heppy? Because..birthday is me."
"Naiyak ako dun, huhuhu!" Pagarte ni Namjoon sa speech kuno ni Taehyung.
Gabi na din. 09:00 na nga. Ganun kami kasaya. Uuwi na kaming lahat.
"Bye Taehyung! Happy birthday!"
"MAGINGAT KA DIYAN HA TANGA KA PA NAMAN SOBRA!"
"BYE WE LABYU!"
"HOI YUNG REGALO KO SAYO GAMITIN MO YUN HA! ISANG BOX YUN HEHEHEHEHEHE"
"GAGO KA BAT MO SIYA BINIGYAN NG CONDOM--"
"ISANG BOX KASI NG CHOCOLATE YUN!"
"WOW YAMAN!"
"Hehe, yung Wiggles lang yun."
"Kyuri, ako na maghahatid sayo." Sabi ni Jimin.
Ayan na naman siya. WHY ARE YOU SHAKING UP MY HEART?~
Nakangiti lang siya sa akin, nawawala na naman yung mga mata niya. Yung tropa, busy sa pagaaway kung sino sino ang sasabay pauwi.
"Jimin.."
"Hm?"
"Ang sakit pala mahulog ulit noh?"
****
HAPPY BDAY KIM TAEHYUNG I LAB YU BERI MATS IKAW ANG FIRST BIAS KO HEHE
Hi guys, advance Happy New Year! Magingat sa paputok! Wag magmadaling iputok baka mabuntis, DEJOKE UEHAHAHAHA SORRY NA
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top