iii

ano nga pala, sana mag-comment kayo hueheuehue para masaya saka nakikita ko yung reactions niyo pffft k lolz

****

Jimin's POV

Ang gwapo ko.

"Jimin!" Lumingon ako at nakita si Namjoon na naglalakad galing kusina.

Nasa bahay pa rin ako nila Jungkook. Inimbita niya si Namjoon kasi yung rason naman kung bakit kami nandito, eh kasi may gagawin kaming project. Gagawa kami ng babies--ay este ng research paper.

Ang tangkad talaga ni Namjoon, nakakaiyak.

Pero mas gwapo naman ako. Hehehe. :-----)

"Ano kailangan mo?" Tanong ko.

"Ikaw ang kailangan ko, Jimin."

"Luh, nabakla ka na ba."

"Gago! Kailangan kita para tulungan ako sa niluluto kong merienda natin! Kingina nito."

"Minura ba kita?!" Ayoko magtapang tapangan sa harap ni Namjoon, lugi ako eh.

"Aba! Ayaw mo ng murahin kita ha! Sige, mamahalin na lang kita."

"TANGINA KA NAMJOON MAGLUTO KA MAG-ISA MO!"

Bumalik na muna ako kay Jungkook para tignan yung tinatype niya sa computer.

"Ikaw, Jungkook, crush mo talaga ako noh? Pati pangalan ko tinatype mo." Nakita ko yung pangalan ko sa mga examples na binigay niya. JiKook na dis. <69

"Syempre, give examples of microscopic things daw eh."

"Ano ba ibig sabihin nun?"

"Maliliit."

"PUTANGINA MO AH."

Nakakainis naman dito. Bakit pa kasi sila Namjoon at Jungkook yung naging kagrupo ko eh! Pwede namang sina..Yoongi saka Taehyung? Mas matino pa sila.

Hinayaan ko na lang si Jungkook na gumawa nung project, hehe siyempre masipag ata ako. Naglibot libot na lang muna ako sa bahay nila Kookie. Ang yaman talaga nila, sa bagay nagttrabaho abroad yung tatay nila.

Tinignan ko yung mga picture frames na naka-display. May mga pictures nila Jungkook at Kyuri nung bata pa sila. May isa pang picture na kumakain ata sila ng octopus soup.

Hala, masama yan! Kinakain nila yung kauri nila! Hehe, kalahi kasi nila si Squidward hehe. 'Lam niyo na, hehe. Malaki yung ilong--

"HOY JIMIN SAN SAN KA NAPAPADPAD." Sigaw ni Jungkook.

"TALAGA! PATI SA PUSO MO, NAPADPAD NA DIN AKO." Parinig ko.

"GAGO LUMAYAS KA SA BAHAY KO."

"ULUL YOU."

Umupo na lang ako sa sofa nila at kumuha ng magazine at binasa yon.

Hindi to yung magazine na ano..yung..eh basta!

"Kuuuuya! Bilhan mo nga ako ng Piattos." Biglang bumukas ang isang pinto at niluwa ang isang panget na nilalang.

Malamang si Kyuri.

"Luh, bumili ka mag-isa mo!"

"Nyeta ka! Pag ako namatay sa gutom, kasalanan mo!"

"Ako na lang bibili." Presinta ko.

Napatingin naman si Kyuri saka siya ngumiti ng pagkalakilaki..umiwas naman ako ng tingin.

"Talaga?!"

"J-joke lang, bahala ka bumili."

Bigla siyang bumusangot. "Tss, paasa."

Bigla ko namang pinunasan yung noo ko.

Nako, Jimin, u is 2 obvious.

Kyuri's POV

PAASA SI JIMIN!

Buti na lang may instant noodles diyan. Nasa kwarto ako ngayon habang kinakain yung instant noodles. Dahil isa akong maganda at clumsy na nilalang, nahulog ko yung isang choptick ko habang kumakain, tsk tsk.

Kinuha ko iyon at lumabas para hugasan, syempre hindi ako naman ako dugyot kagaya ni Hoseok.

Joke lang, mahal ko kaya si Hoseok. I love horses.

Nadatnan ko naman sila Jungkook at Jimin na naglalaro ng PS3. Napairap na lang ako.

Nang pumunta ako ng kusina, narinig ko naman sila.

"AAAAHH JIMIN! TALO KA NA!"

Tumahimik naman yung sala.

"Huy, Jimin, kaya ka naman pala natalo hindi ka nakatingin sa screen."

"A-ah ano? Ah, sorry. Isa pa ngang game."

Dumaan ako sa harapan nila nung pabalik na ako sa kwarto ko, wala lang para maasar sila.

"Pakyu Kyuri."

"Ulul." Sweet naming magkapatid noh? Sing tamis ng ngiti ni Yoongi ko. <69

Hay, ano kaya ginagawa niya ngayon?

Malamang kasama yung girlfriend niya.

Nalungkot naman ako sa pinagiisip ko. Hay, ang hirap magmahal. Bwisit na Dia yan.

"HOY KYURI TUMABI KA NGA!"

Napatingin naman ako kay Jungkook. Si Jimin naman, nakatingin lang sa akin. Nung tumingin ako sa kanya, umiwas siya ng tingin. Kanina pa to, ha.

"Sabi ko nga eh. Tss." Umalis naman ako sa pagmumukha nila.

Pagkabalik ko sa kwarto ko, stinalk ko na lang si Yoongi sa twitter.

Yoongi
@ yoongilagid

Swag.

Nagtweet siya 3 minutes ago.

"Ang sarap ng cupcake! Haha, thanks @ dia! Love you babe!"

MABILAUKAN KA SANA TANGINA KA..

Ang bitter ko pala noh? Haha, syempre yung taong gusto mo may ibang gusto.

Parang dati lang kay J--

"Kyuri!"

"ANO BA PUKE!" Nagdadrama ako dito eh, panira!

"MAY PAGKAIN DITO AYAW MO?!"

"TANGINA KA MALAMANG GUSTO KO TINANONG MO PA!"

"EDI BUMABA KA DITO!"

"OO NA! IKALMA MO YANG ILONG MO!"

Kinuha ko yung cellphone ko saka bumaba. Nangningning naman yung mga mata ko gaya ng pagningning ng gums ni Yoongi ng nakita ko ang dalawang box ng pizza sa lamesa.

Agad naman akong tumakbo at kumuha ng isang slice pero tinapik ni Jimin yung kamay ko.

"ARAY!"

"Magdasal muna."

"Aba! Banal!"

"In the name of the Father--"

"ANONG NAKAIN MO?!"

"MAGDADASAL LANG!"

"Sabi ko nga."

"Ehem ehem..Bless us, Oh Lord.."

Nakatitig lang ako sa kanya habang nagdadasal siya.

Nakapikit siya. Pinagmasdan ko yung mukha niya. Ang..ang..

"..Amen! Oh, Kyuri, kain....na.."

Lumaki naman yung mata ko nung tinignan niya ako, iniwasan ko naman siya ng tingin.

Nyeta ka talaga Kyuri! Lagi mo na lang pinapahiya sarili mo.

"Kuha na ako ha, babalik na ko sa kwarto."

"Dito ka na lang. Nood tayo." Suggest ni Kookie. Pwe, Kookie. Tatawagin ko na lang siyang Junggago. Tutal yun yung tawag ko sa kanya. Siya naman, Pakyuri tawag niya sakin.

"MANONOOD NG ANO?!" Teka bakit andito si Namjoon.

"TANGINA KA NAMJOON NANDITO KA PA PALA?!"

"ISAMA NIYO NAMAN AKO!"

"OO NA! Nood tayo movie."

"Anong movie?" Tanong ko.

"Fifty Shades of Grey." Ngisi ni Jimin.

"Pakyu." Binato ko sa kanya yung magazine na nasa ilalim ng lamesa.

"Aray ko! You hurt hurt me again! Kanina lang..tinititigan mo pa ako habang nagdadasal--JWOSKWODIWKSOSKPPOWJ."

"ANG SARAP NG PIZZA DIBA! HEHEHE." Nagthumbs up na lang si Jimin pagkatapos kong isalpok sa bunganga niya yung isang slice ng pizza.

"Titanic na lang! May ano daw dun eh.."

"Libog mo puta."

"May barko kasi! Di mo ko pinapatapos eh!" Hinayaan ko na lang mag-away si Junggago at Jimin.

"Tangina, Dora the explorer na lang."

"If I Stay na lang!" Ako na nag-suggest.

"Ano ba yun?"

"Pelikula."

"Alam ko, hindi ako tanga."

Hindi ka tanga. Ako, ako yung tanga. Nagpapakatanga sa isang lalaking hindi naman ako mapapansin.

b00M p4n3cXZs!!1!! #KyuriForPresident

"Sige nga, i-play mo." Sabi ni Jimin.

"Wait."

Umakyat ako sa kwarto ko, alam ko may CD ako nun eh.

Sinuri ko yung CD rack ko.

Harry Potter..

Teletubbies..

Hasht5 the movie--ay bat ako may ganito?!

Charlie and the chocolate factory..

Uy, Mean Girls!

Ay ayun! If I Stay! Ha, umiyak ako nung pinanood ko to eh.

Nung kinuha ko yung CD, may nahulog na papel.

Huh? Ano to?

Kinuha ko at binuksan.

Ay puta.

****

sorry kung ang tagal kong di nagupdate hehe, andami kong sinalihan na fandom T^T igot7 saka exo-l huehue pero di pa masyado sa exo hueheuhue

ok bai

yEHET

kkAEBSONG~


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top