ii

Kyuri's POV

"Huy, baboy."

Wala. Wala akong naririnig. Bingi ako.

"Kyuri! Bumangon ka diyan!"

Ulul mo! Wala akong naririnig! Ang KJ- KJ netong si Jungkook eh! Sabado oh, walang pasok. Kingina.

"Ayaw mo?"

"Ayoko talaga."

"Ayaw mo ha.."

Ay, sa wakas. Katahimikan. Lumabas na yung leche kong kapatid. Makakatulog na dapat ulit ako ng biglang..

"EXCUSE ME! EXCUSE ME! EXCUSE ME! EXCUSE ME!"

"TANGINANG HALIPAROT KA!" Nahulog ako sa kama ng tinapat ni Jungkook yung cellphone niya sa tainga ko. Alarm niya kasi yung paulit ulit na sinasabi ni Jimin yung "excuse me". Kingina, nakakatakot kaya.

"Bumangon ka't pupunta tayo ng bahay nila Mama."

Lumaki naman yung butas ng ilong ko nun. Napatingin din ako sa kanya. "Bat naman tayo pupunta dun?"

"Birthday ni Mama ngayon."

Napatingin lang ulit ako sa kanya sabay sabing.."Oh, pake ko?" Gamit ang pinakamalamig kong boses.

Sobrang lamig..naging yelo na yung ilong ni Jungkook. Laki nga eh, isang bloke.

"Kyuri, ano ba?"

"Ano ba din, Kuya? Pumunta ka mag-isa mo."

"Nagtext si Papa galing Canada. Pumunta daw tayo, tutal anak pa rin naman tayo ni Mama."

"Weh? Anak pala tayo nun? Bat di ko naramdaman?"

"KYURI!"

Nagtalukbong lang ako sa kumot. "Bahala ka sa buhay mo, basta hindi ako pupunta."

"Ang tigas tigas ng ulo mo, sumasakit ilong ko sa'yo eh." Lumabas na rin siya ng kwarto ko sa wakas.

Pake ko kung birthday niya ngayon? Pake ko kung sinabi ni Papa na kailangan namin pumunta? Bakit, nung birthday ko, pumunta ba siya? Hindi diba? Mas pinili niya yung leche niyang kabit. Kababaeng tao, nangangaliwa. Kaya nga ayoko sa kanya eh, sinaktan niya lang si Papa.

Bumangon ako't umupo sa kama ko. Nakatulala lang sa kawalan. Lumabas ako para tignan kung pupunta ba si kuya o hindi. Nakaupo siya sa sofa sa may sala namin.

"O, kala ko pupunta ka?"

"Di na, biglang bumigat yung katawan ko. Tinamad ako."

"Katawan? Baka naman yung ilong mo lang."

"Wow, parang di malaki ilong mo ah." Asar niya sakin. Bumelat lang ako.

Pumunta akong cr para maghilamos at magmumog na. Siyempre, kakagising ko lang eh. Kailangan fresh. Fresh gaya ng Santol ni Namjoon.

May santol tree kasi sila..enebe.

Pagkabukas ko ng pinto, agad ko namang sinara ng makita kong may tao.

Hala sino yun?! Magnanakaw?! Lalake eh!

Binuksan ko ulit ng dahan dahan. Saktong pagkabukas ko, nakatalikod pa din yung lalake, ilang saglit lang ay humarap siya.

Teka..

"WAAAAAAAAAAAAAAAAH!"

"TANGINA JIMIN ANONG GINAGAWA MO DITO ANG BABOY MO WALA KA BANG CR SA INYO AT DITO KA PA NAKI-CR--"

"Itahimik mo nga yang bibig mo!"

"Anong..nangyaya..ri.." tinignan ko si Jungkook na biglang sumulpot sa likod.

"BAKIT ANDITO YAN?!"

"Inimbita ko, angal ka?"

"Oo!"

"Wow! Nung inimbita mo ba sila Jin dito at muntik na nilang masunog yung bahay, umangal ako?"

Luh kelan yun.

*flashback*

"Sigurado ka, Hoseok?"

"Oo! Trust me!"

"Gago, pancit canton yang lulutuin mo! Bakit mo ihahalo yung mix sa tubig? Bobo ka?"

"Pwede bang lagyan ng hotdog yung pancit canton?"

"Itlog na lang, mas masarap."

"Mas masarap hotdog."

Ang iingay nila. Para silang mga kiti kiti kung kumilos.

"Tumahimik nga kayong tatlo! Pancit Canton lang to hindi pa natin malutoluto!"

"Para kasing ang galing mo magluto, Kyuri, noh?" Inirapan ko lang si Ella.

"Magprito na lang tayo ng hotdog, madali lang yun." Suggest ko.

"Sabi sa inyo magpadeliver na lang tayo ng pagkain eh!"

Inihanda ko na yung mga kailangang ihanda. Yung pan, yung mantika at siyempre..

Yung hotdog ni Jungkook.

Hehe, siya kasi bumili.

Hiniwa ko na sa gilid yung nga hotdog ni Jungkook, diba ganun yun, para maluto yung loob.

Pagkabalik ka sa kusina..

"OH MA--"

"HOLY--"

"SHI--"

"OH MAN HOLY SHIT!" Sigaw ko sabay kuha ng towel na basa na nakasampay lang sa labas ng pinto. Agad ko namang nilagay yun sa apoy.

MUNTIK NG MASUNOG YUNG KUSINA KINGINA HA

"Sino nagturn on ng stove?!"

"Buti pa stove natuturn on." Bulong ni Hoseok.

"SI HOSEOK." Sabi ni Ella at tinuro turo pa si Hoseok.

"AKO NA NAMAN."

"IKAW NAMAN TALAGA DIBA? ITAGA MO PA SA TWO FRONT TEETH NI JUNGKOOK."

"LUH BAT NADAMAY SI JUNGKOOK DITO."

*flashback ends*

Ah. Yun pala. Hehe.

"Ge. Subukan mo lang imbitahin yung buong tropa mo, masusunog talaga tong bahay." Sabi ko bago irapan silang dalawa at pabalik na sana ako sa kwarto ko ng may nagsalita. "Talagang masusunog, hot ko eh."

Aba puta. Konti na lang masusunog na talaga tong bahay, kasi pinapainit ni Jimin yung ulo ko.

"Kausap ka ba?" Sagot ko.

"Kausap ka din ba? Si Jungkook kausap ko eh, diba?" Siniko niya muna si Jungkook at tumango na lang si kuya.

Edi magsama kayo. Pagdikitin ko pa ulo niyo eh.

"Anong ulo? Hehehe.." Biglang tanong ni Jimin.

Luh?

"Tsk, magbubulong na nga lang kasi, malakas pa." Iling ni Jungkook.

Iling, hindi ilong.

Umirap na lang ulit ako bago tuluyang tumalikod sa kanila. Babalik na sana ako ng kwarto pero hinarangan ako ng isang gago.

Sino pa bang gago dito.

"Bukod sa height mo, anong problema mo?" Taray ko noh? Syempre, maganda ako eh.

*uy may nagdoorbell kingina buksan niyo yung pinto dali na ambagal naman you no fun!*

"Teka, buksan ko lang yung nagdoorbell."

"Luh gago bubuksan daw yung nagdoorbell, para ano? Para makakita ng utak tutal wala siya nun? Makakita ng nga intestines ganun?" Sabi ni Jimin habang pinanood si Jungkook na bumaba para buksan yung pinto.

"Corny." Sabi ko.

"Mo."

"Jimin."

"Gwapo."

"EW YUCK KADIRI. TABI NGA DIYAN!" Pinilit ko siyang itulak pero dahil sa semento niyang dibdib at napakalaking muscle at abs at---

I mean..dahil mas BROAD yung balikat niya.

Broad, diba english yung ng tinapay hehe.

Broad, parang si Papa, nasa Canada. Nagtatarabaho siya 'broad hehe.

Broad, parang "sup broad!" hehe.

Broad, pag wala kang magawa tapos broad ba broad ka na hehe.

Hehe, tama na nga baka barilin niyo ko. Hehe..BENG BENG BENG. *sings*

"Isang kondisyon."

"Ano ba?"

"WHAT'S THE PASSWORD?"

"Tangina mo Jimin dami mong alam." Kairita.

"Sabihin mo muna 'ang pogi mo jimin labyu!!1!!11!'"

"Sasabihin ko lang yun pag tumangkad ka na."

"Choosy pa toh! Dali na!"

Lord, pasensya na't magkakasala po ata ako. Makakapatay po ata ako ng mythical creature na dwende.

"Padaanin mo na kasi ako!"

"Sasabihin mo yun o ikikiss kita?"

"Weh kaya mo ba?"

"Oo naman, ako pa!"

"Ulul mo!"

Nakahanap ako ng tyempo na makadaan sa gilid pero dahil maliksi ang mga maliliit at isa akong tanga at maganda ako ay nahuli ako ni Jimin at hinawakan niya yung dalawa kong kamay.

"Tangina mo Jimin ipapakulam kita."

"Sabihin mo muna."

Ano daw.

BAKIT SERYOSO SIYA AKALA KO BA BIRUAN LANG?

"Utut."

Tinitigan niya lang ako. Seryosong seryoso siya. Anong nakain nito?

Ng narealize kong sobrang tagal na naming nagtititigan, nagpumiglas ako at saka sinabing..

"Sige na, pogi ka na."

●●●

Alam kong corny. Alam ko.

Medyo wala din kasi ako sa mood kasi may nangyaring hindi maganda kaya soz lol peace yow labyu lots

Ay nga palaaaaa! Kada chapter ay maglalagay ako sa multimedia ng iba't ibang bangtan bomb yay ok kul


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top