epilogue

Author's POV

Kalahating oras ng nakatayo si Jimin at nakatingin lang sa bintana ng kwarto niya. Nakatulala at maraming bagay ang dumadaan sa isipan niya ngayon.

Simula ng nangyari iyon, lagi na siyang wala sa sarili niya.

Hanggang ngayon, malungkot pa rin siya kahit isang linggo na ang nakalipas.

Biglang bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto, dahilan para magulat siya. Pero wala siyang lakas para tignan kung sino man ang pumasok.

"JM.." Ang tatay niya pala. Napakagat ng labi si Jimin at tinignan ang ama niya.

"Yes, dad?"

"Usap nga tayo."

Hindi napigilan ni Jimin na kabahan. Huling beses na gusto siyang makausap ng tatay ay yung nalaman niyang nagcutting si Jimin.

Umupo ang tatay niya sa dulo ng kama ng anak niya. Sumunod naman si Jimin.

"Sabihin mo sa akin yung nararamdaman mo ngayon."

"P-po?" Naguguluhan si Jimin pero sinunod niya pa rin. Umubo muna siya at tumingin sa pader.

"Malungkot po."

"Bakit?" Tanong ng tatay niya. Alam ng tatay niya kung bakit, sadyang gusto niya lang na manggaling mismo sa anak niya.

"K-kay Kyuri po." Pinaglaruan ni Jimin yung mga kamay niya. Pinipigilan na umiyak.

Ipinatong ng tatay niya ang kamay nito sa balikat ng anak niya, sinusubukang i-comfort.

"Babalik naman siya eh." Sabi ng kanyang tatay, tinakpan ni Jimin ang mukha niya at tumango tango na lang.

"Huwag mo na lang isipin yung pag-alis niya, dapat masaya ka ngayon. Pumayag nga siyang magpakasal sa'yo eh."

Oo. Oo ang sagot ni Kyuri sa tanong ni Jimin na "Will you marry me?". Medyo hindi nga lang direktang sinabi ni Kyuri. Medyo nag-alinlangan pa nga.

"Pero Dad, bakit niya kailangang bumalik ng Canada?" Sabi ni Jimin na nagddrama.

"Babalik naman siya after 3 months, diba?"

Umalis kasi si Kyuri ng walang paalam. Biglaan kasi ang pagbalik nila sa Canada. Nag-iwan siya ng letter para kay Jimin, sabi niya babalik daw siya after 3 months. Dahilan para malungkot si Jimin.

Nami-miss niya na kasi. Saktong pagp-planuhan pa naman sana yung kasal nila.

"Simula nung umalis siya, hindi ko na siya naka-usap. Hindi man lang siya tumatawag. Paano kung iwan niya ako?" Nappraning na naman si Jimin.

Paano kung ayaw niya talagang magpakasal sa akin? Hindi niya lang masabi kaya umalis na lang siya. Paano kung hindi na siya bumalik? Paano kung iniwanan niya na pala ako? Pinuno ng katanungan ang isipan ni Jimin. Paano nga kung totoo ang naiisip niya?

Paano kung ayaw na ni Kyuri?

Parang bumalik sa pagkabata si Jimin, binantayan siya ng tatay niya hanggang sa makatulog siya.

Pagkagising niya, kadiliman lang ang nakita niya. Mas gusto niya to. Mas makakapag-isip siya.

Naisip niya kung anong mga pwedeng mangyari kung hindi na nga bumalik ang babaeng mahal niya. Hindi niya ata kaya.

Hinding hindi niya kaya.

Napabangon siya sa kama niya ay napaupo sa sahig. Sumandal siya sa gilid ng kanyang kama at umiyak na parang bata.

Iisa lang naman ang gusto niya ngayon, ang makita si Kyuri.

Inalala niya na lang yung panahong nagp-proprose siya.

"Will you marry me?"

"Jimin.." Napatakip ng bibig si Kyuri, hindi alam kung anong sasabihin. Nakatitig lang siya sa singsing, at sa lalaking nakaluhod sa harapan niya ngayon. Isang lalaking gustong makasama siya, habambuhay.

Nginitian lang siya ni Jimin. Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita.

"Jimin, bakit ako?"

Nawala yung ngiti ni Jimin at kumunot ang noo niya.

"Bakit ikaw? Kasi mahal kita."

"Sa mga nangyari sa atin dati, ako pa rin? Hindi ko deserve yang singsing eh." Sabi ni Kyuri.

Naguiguilty siya. Feeling niya, hindi nararapat ang singsing na yan sa kanya.

"Wala na akong pake sa nangyari noon. Ang mahalaga yung ngayon. Naka-move on na ako dun, Kyuri. Sana ikaw din."

"Hindi naman kasi mahalaga yung mga pagkakamali dati eh. Oo, naging parte yun ng relasyon natin..pero, dapat magpasalamat na lang tayo. Dahil dun, mas naging matatag tayong dalawa."

"At saka mahal na mahal kita. Kahit ano gagawin ko, mapasaya ka lang. Kahit mamatay man ako, kung para sa'yo yun, gagawin ko."

Hindi makapaniwala si Kyuri sa nakikita niya. Talaga bang nangyayari to? Nagppropose sa kanya si Jimin.

Napaisip siya. Ang effort ng ginawa ni Jimin. Talagang ginawa niya ang lahat, makapagpropose lang.

Ang tanga naman siguro ni Kyuri para hindi-an si Jimin. Buti hindi niya ginawa.

"Yes, I will marry you."

Pinuno ng sigawan ang buong SM Town. Tilian, hampasan ng magkakaibigan. May mga nagtatatalon. May isang napaiyak. Masaya lang sila sa nakikita nila.

Sa sobrang saya ni Jimin, pagkatapos niyang isuot yung singsing, napayakap siya ng mahigpit kay Kyuri. Saka siya sumigaw.

"MAGIGING ASAWA KO NA 'TO!"

Napatawa naman si Kyuri at pinunasan yung luha niya. Kanina pa pala siya umiiyak.

Napabuntong hininga si Jimin.

Paano nga kung ayaw niya talaga? Napilitan lang?

Sa mga panahong ito, gustong suntukin ni Jimin yung sarili niya.

Bakit niya pinilit si Kyuri kung ayaw niya? Ang tanga tanga niya.

Biglang bumukas yung pinto. Napayakap lang si Jimin sa mga tuhod niya.

"J-Jimin?"

Nabuhayan ng loob si Jimin ng narinig niya ang boses ni Kyuri.

Hinawakan ni Kyuri ang mga pisngi ni Jimin, nagulat siya ng puro luha ito.

"Bakit ka umiiyak?"

"Akala ko..akala ko iiwan mo na ako."

Parang salamin na nabasag yung puso ni Kyuri. Hindi niya ata kayang makitang ganito si Jimin.

Mas lalo siyang nagtaka.

"Bakit mo naman naisip yan? Hindi kita iiwan. Magpapakasal pa nga tayo diba?"

Napatango si Jimin at saka niya niyakap ng mahigpit si Kyuri.

"Umuwi na ako, hindi ko kasi kayang malayo sa'yo ng ganun katagal eh." Sabi ni Kyuri habang yakap pa rin si Jimin.

Parang nawala lahat ng kung ano anong pinag-iisip ni Jimin kanina lang. Ang saya niya ngayon.

Sa sobrang saya niya, hinalikan niya bigla si Kyuri. Nagulat si Kyuri, pero sumabay na lang siya.

They were kissing like there's no tomorrow, they felt a bond between them become stronger than before.

It was love. Simple lang, pero napaka-powerful.

That night, you can consider it as one of the best nights of their lives.

But hindi ibig sabihin nito, tapos na ang lahat. It is just the beginning. Nagsisimula pa lang sila.

It's like reading a book. Tapos na sila sa isang chapter? Proceed on the next page. Hindi ka nga lang pwedeng maglipat ng page kung paulit ulit mong binabalikan yung nakaraang chapter.

That's what Kyuri thought nung nagpropose si Jimin. Bakit niya nga ba binabalikan ang nakaraan? Para lang siyang nag-reread.

Ngayon, they are already on the next chapter of their lives. Mas masaya, mas intense, mas madaming problema.

Pero hindi yun hadlang para tumigil sila. There's something na nagpapatibay sa kanila at yun din ang rason kung bakit sila nagkakilala, simula pa lang.

It's love.

Love is not the most powerful thing on Earth yet it can change lives, hurt people, give purpose to those in need.

****

mahal na mahal ko kayo

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top